You are on page 1of 2

Kapangyarihan ng Pag-ibig

Akda ni Anthony Rosales Sarino

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at
mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan.

PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng
nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo
nang tamang kahulugan ng buhay.

Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal
at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng
pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas
malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw
darating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.

Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may pagmamahalan na
namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron sila wala na dapat tayong itanong
pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon. Hindi na bago sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda
at bata, isang mahirap at mayaman o maging dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa
kabila ng mapanghusgang lipunan nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis
ang bawat masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang
sitwasyon nila.

Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ng dalawang puso dulot
nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at maligaya sa kapangyarihang ito.
Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa
man ngunit ito ang katotohanan.

Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok ang iba’t ibang suliranin at
problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga nito. Minsan, negatibong tinuturing ang pagkakaroon ng
pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba
ngang naniniwala na kailangan nating sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo, bumalik
man o tuluyang mawala yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na
UNCONDITIONAL LOVE.

Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong magsasakripisyo tayo para makamit ang
kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman ang magmahal at mahalin. Ngunit kung
ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunga nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong
malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong PUSO.

You might also like