You are on page 1of 36

COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Pangalan: Gel Velasquez Cauzon


MAEd in Filipino– First year
Kurso: FIL 301– Istruktura ng Wikang
Filipino
Guro: Gng. Cecilia Del Rosario

LAYUNIN:
Inaasahang sa pagtatapos ng talakayan ay mailalahad ng tagapag-
ulat ang mga sumusunod;
A. Maipaliliwanag ang morpolohiya, uri ng morpema ayon sa
kahulugan, alomorp ng morpema, pagbabagong morpoponemiko, at
ang pagbuo ng mga salita.
B. Maibibigay at maipaliliwanag ang mga bahagi ng pananalita.
(Mga nominal/pangnilalaman, mga panuring, at pangkayarian)

NILALAMAN NG ULAT

 Kabanata III: Morpolohiya/Morpoloji/Pagbuo ng Salita


 1. Anyo ng Morpema
 2. Uri ng Morpema Ayon sa Kahulugan
 3. Alomorp ng Morpema
 4. Pagbabagong Morpoponemiko
 5. Paraan ng Pagbuo ng mga Salita

 Kabanata IV: Mga Bahagi ng Pananalita


A. Mga Nominal/Pangnilalaman
1. Ang Pangngalan
 A. Ayon sa Konsepto
 B. Ayon sa Kaanyuan
 C. Ayon sa Kayariang Pansemantika
 D. Ayon sa Kasarian
 E. Ayon sa Kailanan
 F. Ayon sa Kaukulan
2. Panghalip
 Uri ng Panghalip
 Panghalip Panao
 Panghalip Pananong
 Panghalip Pasaklaw
 Panghalip Pamatlig/Demonstrasyon
3. Pandiwa
 Mga Aspekto ng Pandiwa
 Uri ng Pandiwa
 Tinig ng Pandiwa
 Pokus ng Pandiwa
 Mga Kaganapan ng Pandiwa
B. Mga Panuring
4. Pang-uri
 Tungkulin ng Pang-uri
 Kayarian ng Pang-uri
 Kailanan

1
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

 Kaantasan ng Pang-uri
 Pang-uring Pamilang
5. Pang-abay
 Ang mga Inklitik (Kataga)
 Uri ng Pang-abay
C. Pangkayarian
 Mga Pananda
6. Pantukoy
7. Pangawing

KABANATA III. MORPOLOHIYA/MORPOLOJI/PAGBUO NG SALITA


INTRODUKSIYON:
Ang MORPOLOHIYA ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng
mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema. Ito rin ay
isang sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng
salita.
Ang MORPEMA ay nagmula sa katagang morpheme sa Ingles na
kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme
(kahulugan). Ang morpema pinakamaliit na bahagi ng wika na
nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa
pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik
ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang
kahulugan sa sarili kaya hindi maaaring tawaging morpema. Ang
morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.

1. ANYO NG MORPEMA

A. Morpemang ponema – Ang morpema ay maaring maging isang


ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o
ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian.
 Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaring
mangahulugan ng kasarian.

MGA HALIMBAWA:
maestro vs maestra
abogado vs abugada
Tindero vs tindera
Paulo vs Paula
Angelito vs Angelita

B. Morpemang salitang-ugat (su)- Ang morpema ay mga


salitang-ugat. Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat
ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi.

MGA HALIMBAWA:
mata payong ligaya
pagod saya tuwa
kain bata taas

2
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

C. Morpemang Panlapi - Ito ang mga morpemang ikinakabit sa


salitang-ugat. Ang panlapi na maaring unlapi, gitlapi,
hulapi, kabilaan at laguhan. May mga salitang gumagamit
ng kumbinasyon ng iba’t-ibang pareaan ng paglalapi.

MGA HALIMBAWA:
Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita.
magbasa umibig paalis makahuli

Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita.


sumayaw lumakad sinagot ginawa

Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita.


ibigin sulatan sabihan gabihin

Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa


unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
mag-awitan paalisin kaibigan kadalagahan

Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at


hulihan ng salita.
magdinuguan pagsumikapan ipagsumigawan paghumiyawan

2. URI NG MORPEMA AYON SA KAHULUGAN

A. Mga morpemang may kahulugang leksikal – Leksikal ang


kahulugan ng isang morpema kung ang salita ay
pangnilalaman. Ito ang mga morpemang tinatawag na
pangnilalaman sapagkat may kahulugan sa ganang sarili.
Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng
mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na
nangangailangan ng iba pang salita.
 Kabilang ito sa mga salitang panawag sa mga kongkreto at
abstraktong bagay (pangngalan), mga salitang kilos
(pandiwa), mga salitang panlarawan (pang-uri) at mga
salitang nagsasabi ng panahon, paraan ng pagsasagawa ng
kilos o pagtuturo ng lugar (pang-abay).

HALIMBAWA:
Si George ay masayang naglalakad papuntang paaralan dahil
may nakita siyang magandang babae.

Pangngalan George, tao, sabon, paaralan, kompyuter,


telebisyon, aso, babae
Panghalip ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, sila
Pandiwa mag-aaral, sumasayaw, naglinis, maligo, umalis,
akyatin, naglalakad
Pang-uri masaya, banal, maligaya, palaaway, maputi,
sexy, maganda, nakita
Pang-abay kahapon, kanina, totoong, maganda, doon, diyan,
patalikod, pasigaw, papunta

B. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian - Ito ang mga


salitang walang kahulugan sa ganang sarili. Kailangan

3
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

pang makita ito isang konteksto upang maging makahulugan.


Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga
salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap.

HALIMBAWA:
Si George ay masayang naglalakad papuntang paaralan dahil
may nakita siyang magandang babae.

Pang-angkop na, -ng, -g


Pangatnig at, o, saka, may, dahil at iba pa
Pang-ukol tungkol sa/kay, ayon sa/kay, at iba pa
Pananda ang, ng, sa, si, sina, ni, nina, kay, kina at
iba pa

3. ALOMORP NG MORPEMA
 Nagbabago ang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensya ng kaligiran nito.
 Sa alomorp ng morpema ang isang panlapi ay
nagkakaroon ng tatlong anyo dahil sa impluwensya ng
kaligaran na matatawag na alomorp.
 Ang salitang ALOMORP ay galing sa salitang Ingles na
ALLOMORPH, na hinati sa salitang griyego na ALLO
(kapara) at MORPH (yunit/anyo).

 Ang panlaping “pang” ay may tatlong anyo o alomorp ang


(pang), (pam-) at (pan-).

1. Gagamitin ang alomorp na (pam-) kung ang inuunlapiang salita


ay nagsisimula sa /b/ at /p/.

MGA HALIMBAWA:

pam+paaralan= pampaaralan
pam+bata= pambata
pam+pito= pampito
pam+bansa= pambansa

2. Gagamitin ang alomorp na (pang-) kung ang salitang inuunlapian


ay nagsisimula sa patinig na /a,e,i,o,u/ (may gitling) o
alinman sa katinig na /k,g,h,ng,m,n,w,y/.

MGA HALIMBAWA:

pang+ngalan= pangngalan
pang+ihaw= pang-ihaw
pang+karga= pangkarga
pang+ilaw= pang-ilaw

3. Gagamitin ang alomorp na (pan-) kung ang inuunlapiang salita


ay nagsisimula sa alinman sa /d,l,r,s,t/.
MGA HALIMBAWA:

4
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

pan+laro= panlaro
pan+regalo= panregalo
pan+damo= pandamo
pan+sulat= pansulat
pan+tulog= pantulog

Hindi lamang ang panlaping (pang-) ang may alomorp.


Ang panlaping (mang-) ay may mga alomorp din, ang (mang-),
(man-) at (mam-)
Ang panlaping (sing-) ay may mga alomorp din, ang (sing-),
(sin-) at (sim-)
Ang panlaping (sang-) ay may mga alomorp din, ang (sang-),
(san-) at (sam-)

TANDAAN:
Ang tuntunin sa paggamit ng alomorp ng panlaping (mang-),
(sing-), (sang-) ay katulad rin ng tuntunin sa paggamit ng mga
alomorp ng panlaping (pang-).

4. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang
pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga
katabing ponemang maaaring makaimpluwensiya upang mabago ang
anyo ng isang morpema.
Ang nakakaimpluwensyang ponema ay maaring yaong
sinusundan ng ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema
o yaong sumusunod dito, bagamat karaniwan nang ang
sinusundang ponema ang nakaiimpluwensya.
A. Asimilasyon - Ito ay ang pagbabagong kinapapalooban ng mga
panlaping nagtatapos sa /ŋ/ o ng dahil sa impluwensya ng
kasunod na katinig nito. Nakikibagay ang huling titik ng
panlapi sa unang titik ng salitang-ugat. Ito ang tinatawag
na alomorp ng morpema.
Kabilang dito ang mga panlaping nagtatapos sa (–ng)
tulad ng (sing-), (pang-), (sang-) at (mang-) na
nagkakaroon ng alomorp.

URI NG ASIMILASYON

1. Asimilasyong Parsyal - Ang asimilasyong parsyal o diganap


yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ at
nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na
tunog. Bukod dito ay wala nang pagbabagong nagaganap.

Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/


ay ikinakabit sa salitang ugat na nagsisimula sa /p/ o
/b/, ang /ŋ/ ay nagiging /m/.

MGA HALIMBAWA:

5
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Pang + bansa  Pam + bansa =pambansa


Pang + pigil  Pam + pigil =pampigil
Sing + pula  Sim + pula =simpula
Sing + bango  Sim + bango =simbango

Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang morpema ay


nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga
sumusunod na ponema: /d,l,r,s,t/.
MGA HALIMBAWA:
Pang + dikdik  Pan + dikdik =Pandikdik
Pang + ligo  Pan + ligo =panligo
Sing + tamad  Sin + tamad =sintamad
Sing + sama  Sim + sama =sinsama

2. Asimilasyong Ganap - Sa asimilasyong ganap, bukod sa


pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng
artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang
ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o
napapaloob na sa sinusundang ponema.
MGA HALIMBAWA:
Pang + palo  Pam + palo =pamalo
Pang + tali  Pan + tali =panali
Pang + talo  Pan + talo =panalo
Mang + salamin  Man + salamin =manalamin

TANDAAN:
May mga salitang maaring gamitan ng alin man sa dalawang uri
ng asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan ng gamitin
lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na
nagaganap ang pagkawala ng unang ponema sa ikalawang morpemang
isinasama sa pagbubuo ng salita.

B. PAGPAPALIT NG PONEMA - May mga ponemang nagbabago o


napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang
ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.
May mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng
salita.

/d/ - /r/
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian
ay karaniwang napapalitan ang ponemang /r/ kapag patinig
(a,e,I,o,u,) ang huling ponema ng unlapi.
Ang pagpapalit ay sapilitan at hindi opsyonal.
MGA HALIMBAWA:
ma- + dapat = marapat
ma- + dunong = marunong

Ang d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian.


Kung ito ay hinuhulipian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay
karaniwang nagiging /r/.

6
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA HALIMBAWA:
Lapad + an = lapadan = laparan
Tawid + in = tawidin = tawirin

Bagamat opsyonal ang pagpapalit ng gamitin ang anyong may


/r/sapagkat higit na naaayon sa likas na hilig ng tao gawing
lalong madali para sa kanya ang pagbigkas.

PANSININ:
 Makikita na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap
kapag ito’y nakapagitan sa dalawang patinig.
 Bagamat maaring gamitin ang alinman sa maga salitang
madunong ay marunong, higit na palasak ang ikalawang anyo
sapagkat ito ang lalong magaan at madulas bigkasin.
 May mangilan-ngilan pagkakataon na ang nabubuong mga salita
ay magkaiba ng kahulugan, tulad ng;
= madamdamin (full of feeling) at madamdamin (sensitive).
 Sa mga ganitong halimbawa hindi masasabi maaring
magkapalitan ang /d/ at /r/.

C. PAGLILIPAT O METATESIS - Nangangahulugan ito ng paglilipat


ng posisyon ng ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang
salitang ugat at ito’y nilagyan ng gitlaping -in-,
nagkakalapit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni/ tulad nito.

MGA HALIMBAWA:
-in + yaya  niyaya Hindi yinayaya
-in + yakap  niyakap Hindi
yinayakap
-in + luto  niluto Hindi linuto
-in + linis  nilinis Hindi
linilinis

D. PAGKAKALTAS - Nangangahulugang ito ng pagkawala ng ponema o


morpema sa isang salita sa unahan o gitna ng salita.
MGA HALIMBAWA:
Magpa + tahi  magpatahi  patahi
Ipa + tapon  Ipatapon  Patapon
Bili + han  Bilihan  bilhan
Putol + in  Putulin  putlin

E. PAGDARAGDAG O REDUPLIKASYON – Tinatawag din tong


pagsusudlong. Nangangahulugang ito ng pagdadaragdag ng isa
pang morpema sa hulihan ng salitang ugat (hulapi) kahit
mayroon ng dating hulapi ang salitang ugat.

MGA HALIMBAWA:

7
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Paalala+han paalalahan paalalahan+an paalalahanan


Alala+han alalahan alalahan+in alalahanin
Totoo+han totoohan toto(o)han+in totoohanin

G. PAG-AANGKOP O REDUKSYON - Tinatawag din tong pag-iisa ng


dalawang salita. Dito ay pinagsasama ang dalawang salita
upang makabuo ng isang bagong salita. Nagaganap din dito ang
pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng bagong salitang
nabuo.
MGA HALIMBAWA:

Hintay + ka  teka (tayka)


Tignan + mo  tamo (timo)
Hayaan + mo  hamo
Tayo + na  tena

5. PARAAN NG PAGBUO NG MGA SALITA


Ang pagbuo ng salita ay isang mahalagang salik na
makatutulong sa pagpapayaman ng ating bokabularyo.

KAYARIAN NG MGA SALITA

1. PAYAK - Ang payak ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang


panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita.
Ito ang yunit ng salita na may kahulugan.

MGA HALIMBAWA:
bahay
ganda
aklat
takbo
sariwa
bango

2. MAYLAPI - Ito ay binunuo ng salitang-ugat at isa o higit


pang panlapi. Ang panlapi ay maaaring idugtong sa limang
pamamaraan. Maaaring sa unahan, gitna, hulihan, kabilaan, o
laguhan.
MGA PAMAMARAAN NG PAGLALAPI
A. UNLAPI - Ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-
ugat. Karaniwang ginagamit na unlapi ang unlaping ma-, mag-,
na-, nag-, pag-, pala-, pa-, at iba pa.

MGA HALIMBAWA:
ka + sabay = kasabay
pag + likha = paglikha
ma+ rami= marami
pala + biro = palabiro

B. GITLAPI - Inilalagay ang panlapi o kung tawagin ay gitlapi


(dahil nasa gitna ito) sa gitna ng salita. Naiiba na sa
bahaging ito ang apekto ng pandiwa sapagkat ito ay nasa
aspektong perpektibo na o natapos na ang aksyon. Dalawa ang
ginagamit na gitlapi ito ang gitlaping –in- at –um-.

8
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA HALIMBAWA:
sabi + in = s-in-abi = sinabi
sahod + um = s- um-ahod = sumahod
tugon + um = t-um-ugon = tumugon
basa + um = b-um-asa = bumasa
punta + um = p-um-unta = pumunta

C. HULAPI - Inilalagay naman sa hulihang bahagi ng salitang-


ugat ang panlapi. Narito ang ilan sa mga ginagamit na hulapi
ang –an, -han, -in, -hin.

MGA HALIMBAWA
una + hin = una-hin =unahin
sabi + hin = sabi-hin = sabihin
linis + in = lisan-in = lisanin
basa + hin = basa-hin = basahin
gupit + in = gupit-in = gupitin
Mapapansin na ang –hin at –han ay hinuhulapi sa mga salitang
nagtatapos sa patinig. Samantalang ang –in at –an ay hinuhulapi
sa mga salitang nagtatapos sa katinig at sa impit na tunog na
itinuturing din na isang ponemang katinig.

D. KABILAAN - Sa uring ito ng panlapi, ikinakaibit ang mga


panlapi sa unahan at hulihan ng salitang-ugat. Karaniwang
nangyayari rito ang pagpapalitan ng “o” at “u”.

MGA HALIMBAWA:
ka + ganda + han = ka-ganda-han = kagandahan
ka + linis + an = ka-linis-an = kalinisan
pa +ligo + an = pa-ligu-an = paliguan
pag + luto + in = pag-lutu-in = paglutuin

E. LAGUHAN - Ang salitang-ugat ay inuunlapian, ginigitlapian,


at hinuhulapian. Ibig sabihin, sa lahat ng bahagi ay
mayroong mababasang panlapi sa (unahan, gitna, at hulihan).

MGA HALIMBAWA:
sikap + pag + um+ an = pag-s-um-ikap-an = pagsumikapan
dugo + mag + in + an = mag-d-in-ugu-an = magdinuguan

3. INUULIT - Maaaring ang inuulit ay ang buong salitang-ugat o


ang bahagi lamang ng salitang ugat. Mayroon tayong tatlong
pangkalahatang uri ng pag-uulit ng salita.

URI NG PAG-UULIT NG SALITA


A. PAG-UULIT NA GANAP – Matatawag na pag-uulit na ganap kung
ang inuulit ay ang buong salitang-ugat nang may pang-akop
o wala o may panlapi o wala. Paalala lamang na ang
salitang ugat lamang ang inuulit o payak na salita
lamang.
MGA HALIMBAWA:
araw = araw + araw = araw-araw
sabi = sabi + sabi = sabi-sabi
sama = sama + sama = sama-sama

9
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

sino = sino + sino = sino-sino


iba = ibang + iba = ibang-iba

B. PAG-UULIT NA PARSYAL – Matatawag namang pag-uulit na


parsyal kung isa o higit pang pantig o silabol ng
salitang-ugat ang inuulit at kahit may panlapi pa ito.

MGA HALIMBAWA:
A + alis = aalis
li + lipad = lilipad
li + ligaya = liligaya
a + angat =aangat
ta + takbo = tatakbo

C. PAG-UULIT NA GANAP AT PARSYAL – Ito naman ay ang pag-


uulit ay inuulit ang isa o dalawang kataga ng salitang
ugat at uulitin din ang buong salitang ugat.

MGA HALIMBAWA:
baha = baha-bahagya
unti = paunti- unti
lipad = lilipad-lipad
payag = papayag-payag
tatlo = tatatlo-tatlo

4. TAMBALAN - Tamabalan naman ang tawag sa dalawang makaibang


salitang pinagsasama na maaaring bumuo ng panibagong
kahulugan.

DALAWANG URI NG PAGTATAMBAL

A. MALATAMBALAN O TAMBALANG PARSYAL – Sa uring ito ng


tambalan, nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal, walang nabubuong panibagong kahulugan.

MGA HALIMBAWA:

Bahay-kubo – Pinagtambal ang mga salitang “bahay” at


“kubo” ngunit nannatili pa rin ang kahulugan nitong
ito ay isa pa ring bahay na kubo.

Balik-bayan – Ito naman pinagsama ng mga salitang


“balik” at “bayan” ngunit ganoon pa rin ang
kahulugan nitong bumalik sa kaniyang bayan.

Asal-hayop (asal ng hayop)


kulay-dugo (kulay ng dugo)
ingat-yaman (ingat ng yaman)

B. TAMBALANG GANAP - Sa uring ito, ang dalawang salitang


pinagtatambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba
kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsasama. Hindi ito
ginagamitan ng gitling. Hindi literal ang
pagpapakahulugan ng mga salitang pinagtambal sapagkat ang
tunay nitong kahulugan ay malalim at hindi ang mga
salitang lantarang mababasa.

MGA HALIMBAWA:

10
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Kapitbahay - ang mga salitang pinagtambal na “kapit”


at “bahay” ay nangangahulugang katabing bahay o
kalapit na bahay.

Bahaghari – ang salitang ito ay hindi


nangangahulugang “bahag” o “hari” kundi ang
kahulugan nito ay makikita sa kalawakan na kung
tawagin sa ingles ay “RAINBOW.”

Anakpawis – ang mga salitang pinagtambal ay


nangngahulugang “mahirap” o nasa mababang estado ng
lipunan.
Balat + sibuyas = Balatsibuyas (maramdamin)

KABANATA IV: MGA BAHAGI NG PANANALITA

A. Mga Nominal/Pangnilalaman

1. ANG PANGNGALAN - Ang pangngalan o ang tinatawag na noun


sa salitang ingles ay ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar,
pook, o pangyayari.

MGA HALIMBAWA:

Ngalan ng tao – tatay, Andres Bonifacio, Confucius


Ngalan ng hayop – aso, manok, agila
Ngalan ng bagay – libro, lapis, papel
Ngalan ng pook/lugar – bansa, lungsod, Thailand, Makati

A. AYON SA KONSEPTO (PANGNGALAN)

1. Pangngalang Tahas o Kongkreto - Ang mga pangngalang tahas ay


ngalan ng mga bagay na nakikita, naririnig, nalalasahan,
nahahawakan o nahihipo, o naaamoy. Kung nagagamit natin ang
isa sa ating limang pandama (five senses) sa bagay na
itinutukoy ng pangngalan, ang pangngalan ay tahas o
kongkreto.
Ang limang pandama ay paningin (sense of sight),
pandinig (sense of hearing), pang-amoy (sense of
smell), panlasa (sense of taste), at pansalat (sense
of touch).

MGA HALIMBAWA:
manga
plato
sapatos
papel
aso

DALAWANG URI NG PANGNGALANG TAHAS

A. Palansak - Ito ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o


bagay.

MGA HALIMBAWA:
armi
barkada
banda
tropa

11
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

B. Di-palansak – Ito ay tumutukoy lamang sa mga bagay na


isinasaalang-alang ng mag-isa

MGA HALIMBAWA:
nanay
bata
mesa
pagkain

2. Pangngalang Basal o Abstrakto - Ang mga pangngalang basal o


abstrakto ay tumutukoy sa mga bagay na walang pisikal na
katangian at hindi natin nagagamit ang alinman sa ating
limang pandama para sa mga ito. Ito ang kabaligtaran o
kasalungat ng pangngalang tahas. Kahit hindi natin ito
nararanasan gamit ang ating mga pandama, naaapektuhan pa rin
tayo ng mga ito.

Ang pangngalang ito ay di materyal. Ito ay isang


ideya, kaisipan, o damdamin.

MGA HALIMBAWA:
pag-ibig
katapangan
kaginhawaan
dedikasyon
kinabukasan

3. Pangngalang Palansak – May mga pangngalan para sa grupo ng


tao, hayop, lugar o bagay. Ang tawag sa mga ito ay
pangngalang palansak.

MGA HALIMBAWA:
grupo
komite
hurado
orchestra
pangkat

B. AYON SA KAANYUAN (PANGNGALAN)

1. Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o


katambal.

2. Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat namay panlapi


sa unahan, gitna, hulihan o magkabila.
(Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Kabilaan at Laguhan)

3. Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring maypanlapi o


salitang-ugat lamang.
(Pag-uulit na Ganap at Pag-uulit na Parsyal)

4. Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba


na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan
nito.
(Malatambalan o Tambalang Parsyal at Tambalang Ganap)

C. AYON SA KAYARIANG PANSEMANTIKA (PANGNGALAN)

A. Pangngalang Pambalana (Common Noun) - Ito ay karaniwang


ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o pangyayari.

12
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Nagsisimula ito sa maliit na titik. Ngunit kung ito ay sa


simula ng pangungusap, nagsisimula ito sa malaking titik.

B. Pangngalang Pantangi (Proper Noun) - Ito ay tiyak na ngalan


ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o pangyayari.
Nagsisimula ito sa malaking titik.

MGA HALIMBAWA:

Pangngalan Pambalana Pangngalan Pantangi


kapatid Kuya Mark
bansa Singapore
lungsod Makati
sasakyan Nissan GT-R Nismo
sapatos Adidas
relo Rolex

D. AYON SA KASARIAN (PANGNGALAN)


Ang mga pangngalan sa Filipino ay maaaring ipangkat
alinsunod sa likas na kasarian (natural gender) o kawalan ng
kasarian ng itinutukoy ng mga ito.

May apat na kasarian ang mga pangngalan:

1. Kasariang Panlalaki (masculine gender) - Ang mga pangngalan


na may kasariang panlalaki ay ginagamit o tumutukoy sa mga
lalaking tao o hayop.

MGA HALIMBAWA:
pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking
manok), kalaykan (lalaking kalabaw)

2. Kasariang Pambabae (feminine gender) - Ang mga pangngalan na


may kasariang pambabae ay ginagamit o tumutukoy sa mga
babaeng tao o hayop.

MGA HALIMBAWA:
madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae),
dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop)

3. Kasariang Pambalaki o Kasarian na Di-Tiyak (common gender)


- Ang mga pangngalan na may kasariang pambalaki ay ginagamit
o tumutukoy sa mga tao o hayop na maaaring lalaki o babae.

MGA HALIMBAWA:
magulang, kaibigan, patron, at manok.

4. Walang Kasarian (neuter gender) - Ang mga pangngalan na


tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring uriin bilang lalaki
o babae ay tinuturing walang kasarian.

MGA HALIMBAWA:
upuan, aklat, ospital, laruan, at walis.
ang mga halaman (puno, bulaklak, at iba pa) ay
tinuturing kasama sa mga pangngalan na walang
kasarian.

E. AYON SA KAILANAN (PANGNGALAN)

13
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

1. Isahan - Pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay


kapag mga tao ang tinutukoy, at ang, ng (nang), o sa kapag
mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang isang
o sang, sam, at son na mga hangong salita nito.

MGA HALIMBAWA:
ang pandemya, sa ospital, kay Duterte, isang may Covid.
Ang burol ay isang anyong lupa.

2. Dalawahan - Pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina,


kina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng
mga pamilang nagmula sa dalawa.

MGA HALIMBAWA:
magkasintahan, mag-ina, dalawang face shield
Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
3. Maramihan - Pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na
magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka"
at "an" o "han".
 Gumagamit ng panandang mga, sina, kina, nina atquantifier
namarami, ilan at iba pang pamilang na higit sa dalawa atang
paggamit ngpanlaping mag- at pag-uulit sa unang pantig
ngsalitang -ugat.

MGA HALIMBAWA:
kabahayan, kabukiran, Kabisayaan
mga frontliners, sina Mayor Magalong, limang guro

F. AYON SA KAUKULAN (pangngalan)

3 URI NG KAUKULAN NG PANGNGALAN

A. Palagyo - Sa kaukulang ito, ang pangngalan ay ginagamit


bilang simuno ng pangungusap, pantawag, kaganapang
pansimuno, o pangngalang pamuno.

A. Simuno ng Pangungusap - ang pinag-uusapan sa pangungusap


HALIMBAWA:
Si Dante ay nag-aaral nang mabuti.
Ang pangngalan na "Dante" ay ang pinag-uusapan sa
pangungusap.

B. Pantawag - pangngalan sinasambit o tinatawag sa pangungusap.


HALIMBAWA:
Dante, ilang oras ka nag-aaral araw-araw?
Ang pangngalang "Dante" sa pangungusap na ito ginagamit
bilang pantawag sa tao.

3.Kaganapang Pansimuno - ang simuno at ang isa pang pangngalan sa


panaguri ay iisa.
HALIMBAWA:
Si Dante ay isang masipag na mag-aaral.

14
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Ang salitang "mag-aaral" ay isang kaganapang pansimuno


dahil ito ay nasa bahagi ng panag-uri at ito ay may
kaugnayan sa simuno ng pangungusap, ang salitang "Dante".

4.Pangngalang Simuno – pangngalang tumutukoy sa simuno at nasa


bahagi rin ng simuno.
HALIMBAWA:
Si Dante, ang masipag na mag-aaral, ay nakatapos na sa
kolehiyo.

B. Palayon - Ang pangngalan ay ginagamit bilang layon ng pandiwa


at layon ng pang-ukol.

1. Layon ng Pandiwa - kung ang pangngalan ay tagatanggap ng


kilos.
HALIMBAWA:
Binigyan ng regalo si Martha ni Noel.
Ang salitang regalo ang tumatanggap ng salitang kilos na
"binigyan".

2. Layon ng Pang-ukol - kung ang pangngalan ay pinaglalaan ng


kilos at kasunod ng pang-ukol.
HALIMBAWA:
Ang basket na ginawa niya ay para kay lola.
Ang salitang basket ay pinaglalaanan ng salitang kilos na
ginawa at ito ay sumusunod sa isang pang-ukol.

C. Paari - Ang pangngalang ay isang paari kung ang salitang


sinundan nito ay isa ring pangngalan. Nagpapakita ito na ang
pangalawang pangngalan ang siyang may-ari ng unang
pangngalan.
HALIMBAWA:
Ang mga manok ni Mang Kanor ay malulusog.
Ang pamilya ni Haya ay buo at matatag.

B. PANGHALIP
Ang panghalip ay panghalili sa pangngalan. Ibig sabihin
maaari niyang palitan ang pangngalan sa loob ng isang pangungusap
nang hindi nababago ang nais iparating nito.
A. URI NG PANGHALIP

1. Panghalip na Panao - mula sa salitang "tao", kaya't


nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao". Ito ay
panghalili sa ngalan ng tao. (ako, akin, amin, kami, atb.)

15
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA HALIMBAWA:
Ako ay aalis bukas ng umaga.
Nasa akin ang bolang kristal.

2. Panghalip na Pananong - mula sa salitang "tanong", kaya't


may pakahulugang "pantanong". Pinaghahalili sa pangngalan sa
paraang patanong. (sino, ilan, ano-ano, sino-sino, atb.)

MGA HALIMBAWA:
Sino ang pangulo ng Pilipinas?
Ano ang binili mo sa palengke?
3. Panghalip na Panaklaw - mula sa salitang "saklaw", kaya't
may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop". Literal na
panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak. (lahat,
sinuman, alinman, anuman, atb.)

MGA HALIMBAWA:
Lahat ng parusa ay haharapin ko.
Alinman sa mga prustas na ito ay masarap.

4. Panghalip na Pamatlig - ang panghalip na pamatlig ay


humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na tinuturo o
inihihimaton. (ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan, atb)
MGA HALIMBAWA:
Iyon ang kaibigan ni Ana.
Iiwan niya ang bag doon.

5. Panghalip na Pamanggit - Ang panghalip na pamanggit ay


ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita. Sa
Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun. (na, ng)
MGA HALIMBAWA:
Ang babae na nagwala ay aking kapitbahay.
Ang pangil ng leon ay matatalas.

6. Panghalip Na Patulad - Ito ay isang uri ng panghalip na


ginagamit sa paghahambing, pagkukumpara at pagtukoy ng
bagay, salita o kaisipan.

 Ganito - Kung ang inihahambing ay malapit sa


nagsasalita.
 Ganyan - Kung ang inihahambing ay malapit sa kausap.
 Ganoon - Kung ang inihahambing ay malayo sa naguusap.

MGA HALIMBAWA:
Ganoon dapat kabilis ang ating pagtakbo.
Ganyan ang wastong pagsagot sa mga katanungan.
Ganito ang pagsasayaw ng tinikling.

16
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

B. PANGHALIP PANAO
Ang mga panghalip na panao ay ginagamit bilang panghalili sa
ngalan ng tao. Nakadipende ang gagamiting panghalip sa bilang ng
tao sapagkat ito ay may wastong katumbas na panghalip.

URI NG PANAUHAN
1. Unang Panauhan – ito ang tawag kung ang tinutukoy ng
nagsasalita ay ang kaniyang sarili. Maaari din namang may
ibang kasamang tinutukoy ngunit kinakailangang kasama sa
tinutukoy ng nagsasalita ang kaniyang sarili.
2. Ikalawang Panauhan – naman ang tawag kung ang tinutukoy ng
nagsasalita ay ang kaniyang kausap.

3. Ikatlong Panauhan – ikatlong panauhan naman ang tawag kung


ang tinutukoy sa pahayag ay hindi ang kaniyang sarili at
hindi niya kausap.

May tatlong kailanan ang panghalip panao.

1. Isahan - Tinutukoy nito ang isang pangngalan.


MGA HALIMBAWA:
ako, ka, iyo, mo, niya

2. Dalawahan - Tinutukoy nito ang dalawang pangngalan.


MGA HALIMBAWA:
natin, tayo, kayo, kanila

3. Maramihan - Tinutukoy nito ang tatlo o higit pang


pangngalan.
MGA HALIMBAWA:
namin, natin, ninyo, inyo

Maaaring gamitin ang panghalip na panao sa tatlo. Ang mga


magiging pananda natin dito ay ang ang, ng, at sa.
A. Panghalip na panao sa ang
KAILANAN
PANAUHAN
Isahan Dalawahan Maramihan
kata, kita,
Una Ako tayo, kami
tayo
Ikalawa ikaw, ka Kayo
Ikatlo Siya Sila

HALIMBAWA:
Pangngalan: Hinuli ang bata dahil sa paglabag niya sa
quarantine protocol.

Panghalip: Hinuli siya dahil sa paglabag niya sa quarantine


protocol.

17
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

B. Panghalip na panao sa ng

KAILANAN
PANAUHAN
Isahan Dalawahan Maramihan
Una Ko nita, natin namin ,natin
Ikalawa Mo niyo/ ninyo
Ikatlo Niya Nila

HALIMBAWA:
Pangngalan: Kinuha ng mga reporter ang kuwento ng pagtulong
ni Pelisa sa mga frontliners.

Panghalip: Kinuha nila ang kuwento ng pagtulong ni Pelisa sa


mga frontliners.

C. Panghalip na panao sa sa
KAILANAN
PANAUHAN
Isahan Dalawahan Maramihan
sa kanila, sa sa kanila, sa
Una sa akin
atin amin, sa atin
Ikalawa sa iyo sa inyo
Ikatlo sa kanya sa kanila

HALIMBAWA:
Pangngalan: Ipinasa sa guro ang gawaing sinagutan ng 10 -
Rizal.

Panghalip: Ipinasa sa kanya ang gawaing sinagutan ng 10 -


Rizal.

C. PANGHALIP PANANONG
Ang panghalip pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol
sa tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at iba pa.

GAMIT NG MGA PANGHALIP PANANONG

 Sino at Kanino – Ito ay ginagamit para sa tao.


Halimbawa:
Sino ang kukuha ng ulam na binili sa palengke?
Kanino mo ibibigay ang bulaklak na iyan?

 Ano – Ito ay ginagamit para sa hayop, bagay, katangian,


pangyayari, at ideya.
Halimbawa:
Ano ang ibinigay ni Roman sa’yo bilang regalo?
Ano ang pagdiriwang bukas?

 Kailan – Ito ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at


panahon.

18
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

HALIMBAWA:
Kailan uuwi si Oscar?
Kailan magbibigay ng pera pambayad ng ilaw si Danilo?

 Saan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar.


HALIMBAWA:
Saan pupunta ang mag-amang Mang Terio at Felimon?
Saan mo ipapadala ang pasalubong?

 Bakit – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan.


HALIMBAWA:
Bakit mo pinayagang umalis si Cardo?
Bakit hindi agad nakarating ang bayad ni Pilar?

 Paano - Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa


pamamaraan.
HALIMBAWA:
Paano niya tinanggap ang pagkawala ng asawa niya?
Paano lulutuin ang adobo?

 Ilan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang.


HALIMBAWA:
Ilang bote ng suka ang ipinapabili ng nanay?
Ilang bata ang sasama sa lakbay aral?

 Alin – Ito ay ginagamit sa pagpapapili.


HALIMBAWA:
Alin ang gusto mo, ang relo o ang sapatos?
Alin sa kambing at baboy ang nais mo ihain sa mga bisita?

 Magkano – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa


halaga ng pera.
HALIMBAWA:
Magkano ang ibinayad ni Arlinda para sa mangga?
Magkano ang bawat bote ng toyo?

D. PANGHALIP PANAKLAW
Ang panghalip panaklaw ay mga salitang panghalili o pamalit
sa pangalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatnan.
Bukod dito, tumutukoy din ito sa isang pangalan na hindi tiyak o
walang katiyakan kung ano nga ba ito.
MGA HALIMBAWA:
(sinuman, anuman, alinman, lahat, walang sinuman, marami,
ilan, karamihan, kailanman, iba, madla, balana, magkanuman,
paanuman, saanman, pawa, ilanman)

19
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

sinuman - Walang sinuman ang makakapigil sa akin sa pag-abot


ng aking mga pangarap.

kaninuman - Higit kaninuman, ang ating ama ang siyang


nagbibigay sa atin ng proteksyon.

gayunman - Masama ang loob ni Anita sa pagkatalo sa


paligsahan, gayunman minabuti parin niyang batiin ang kamag
– aral.

alinman - Alinman sa sampung mga aplikante ang posibleng


matanggap sa kompaniya natin.

saanman - Saanman sa mundo, narito lang ako para sa iyo.


Samantala, ang mga katagang “tanan, madla, balana, lahat, at
pawa” ay mga halimbawa ng panghalip panaklaw, pero, ang mga ito
ay walang lapi. Karagdagan, ang mga katagang “sinuman, kaninuman,
saanman,” ay mga panghalip panaklaw na may lapi.

E. PANGHALIP PAMATLIG
Ang panghalip na pamatlig ay uri ng panghalip naginagamit na
panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook,gawa o
pangyayari. Isinasaad ng tatlong panauhan ang layo o distansya ng
pangngalang kinakatawan sa taong nagsasalita at sa nakikinig sa
anim na uri nito.

URI NG PANGHALIP PAMATLIG


1. PRONOMINAL - pamalit ng salitang ayaw ulit-ulitin.
(ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon,
at doon.)
HALIMBAWA:
Ang payong na ito ay kay Sandara.
Iyon ang mga saging.
Doon nakatira si Perla.

2. PAHIMATON O PANAWAG PANSIN - humahali sa pangngalang


itinuturo o tinatawagan ng pansin. (eto, heto, ayan o hayan,
at ayun o hayun).
HALIMBAWA:
Eto ang hinahanap kong laso.
Ayan ang regalo ko sa iyo.
Ayun ang asawa mo.

3. PATULAD - naghahali ng pagkakatulad ng mga itinutukoy.


(ganito, ganiyan o ganyan, at ganoon o gayon).
HALIMBAWA:
Ganyan ang aklat na nais kong basahin.
Ganito ang gagawin natin mamaya.
Ganoon mo ilagay ang mga plato.

20
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

4. PANLUNAN - panghahali sa pook o lugar (narini, nadini,


narito, nandiyan, nariyan, naroon, at nandoon).

HALIMBAWA:
Narini ang sulat ni Lita.
Ang pitaka ni Paula ay narito.
Nandiyan sa silid ang hinahanap mong baro.

TATLONG PANAUHAN NG PANGHALIP NA PAMATLIG

1. UNANG PANAUHAN - Kung ang bagay na itinuturo ay malapit sa


nagsasalita ginagamit natin ang mga salitang (ito, ire,
nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, at heto).

2. IKALAWANG PANAUHAN - Kung ang itinituro ay malapit sa


nagsasalita at taong kinakausap, ginagamit natin ang (iyan,
niyan, ganyan, diyan, o hayan).

3. IKATLONG PANAUHAN - Kung ang itinuturo ay malayo sa mga nag-


uusap o sa nagsasalita at kinakausap ginagamit natin ang
(iyon, hayun, doon, ganoon, o niyon).

PANAWAG-
PRONOMINAL PATULAD PANLUNAN
PANSIN

Unang ito, nito,


eto/heto ganito nandito/narito
panauhan dito
iyan,
Ikalawang
niyan, ayan/hayan ganyan nandiyan/nariyan
panauhan
diyan
Ikatlong iyon,
ayun/hayun ganoon nandoon/naroon
panauhan noon, doon

3. PANDIWA
Ang pandiwa ay isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
pagkilos at nagbibigay ng buhay sa iba pang mga salita.

A. MGA ASPEKTO NG PANDIWA


Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap o
nangyari ang isang kilos o galaw. Inilalarawan nito kung ang
kilos ay naganap na, magaganap pa lamang o kung ipagpapatuloy pa
ang kilos na kasalukuyang ginagawa.

1. ASPEKTONG NAGANAP/PERPEKTIBO Ito ay nagsasaad ng isang kilos


na kung saan na ito ay tapos na, o naganap na. Ito ay
tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng
pandiwa o aspektong katatapos. Kadalasan itong ginagamitan
ng mga salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan
at iba p, bilang palatandaan. Ginagamitan din ito ng mga
panlaping na, nag, um, at in.

HALIMBAWA:
Tapos na akong kumain.

21
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Nagpunta ako sa simbahan.


Tumakbo ako ng mabilis.

2. ASPEKTONG KASALAKUYAN/IMPERPEKTIBO - Ito ay naglalarawan ng


isang kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito
ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong
nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na habang,
kasalukuyan, at ngayon. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping
na, nag, um, at in at at pag-uulit ng unang katinig-patinig
o patinig ng salitang ugat.

HALIMBAWA:
Ang sanggol ay natutulog.
Umiiyak ang bata sa lansangan.
Bilisan mo’t umuulan na!

3. ASPEKTONG MAGAGANAP/KONTEMPLATIBO - Ang kilos ay hindi pa


nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng
mga panlaping ma at mag at pag-uulit ng unang katinig-
patinig o patinig ng salitang ugat.

HALIMBAWA:

Matutulog ako ng maaga mamayang gabi.


Bukas ay magpupunta kami sa parke ng aking mga kaibigan.
Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng spaghetti at
pansit.

4. ASPEKTONG KATATAPOS/PERPEKTIBO - Ang aspektong ito ng


pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos
ito ginawa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng
unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig
ng salitang ugat.

HALIMBAWA:

Katatapos ko lamang kumain.


Kagagaling ko lang sa paaralan.
Kabibili ko lang ng baka sa palengke.

Salitang Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibong


Ugat Katatapos

Punas Nagpunas Nagpupunas Magpupunas Kapupunas

Dikit Nagdikit Nagdidikit Magdidikit Kadidikit

Sampay Nagsampay Nagsasampay Magsasampay Kasasampay

Tingin Nagtingin Nagtitingin Magtitingin Katitingin

Mahal Nagmahal Nagmamahal Magmamahal Kamamahal

B. URI NG PANDIWA

1. Palipat (mga pandiwa na nagbibigay buhay sa isang paksa na


nasa pangungusap) - Ang uri ng pandiwang ito ay may tuwirang
layon na tumatanggap ng kilos. Ang layon ay karaniwang

22
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga salitang na,


ng, mga, sa, sa mga, kay, o kina”

HALIMBAWA:
Nagluto ng sinigang si Bitoy.
Makikipagkita kina Daniel at Gerald sina Maine at Julia.

2. Katawanin (mga pandiwa na di na kailangan ng paksa upang


magsaad ng makabuluhang pahayag) - Ito ang uri ng pandiwa na
hindi nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng
kilos o galaw dahil ganap na ang diwang ipinapahayag at
nakakatayo na itong mag-isa.

HALIMBAWA:
Namumula ang balat.
Umuulan!

C. TINIG NG PANDIWA
Ang tinig ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung
simuno ang siyang gumaganap o bagay na ginaganap.

1. Tahasan - Kung ang simuno ay siyang tagaganap ng pandiwa.


Ang pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may isang
tagatanggap ng kilos o galaw na tintatawag na tuwirang
layon. Ang mga um, mag, mang, magpa, maki, at iba pa, ay
karaniwang ginagamit sa tinig na tukuyan.

HALIMBAWA:
Niluto ni Mama ang adobong manok.
Naglayas ang binata sa bahay.

2. Balintiyak - Kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw


ng pandiwa ay hindi ginagamit na simuno at ang nasabing
tagagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa. Ang karaniwang
pinaggamitan ng pandiwang nasa tinig na balintiyak ay ang
pangungusap na ang dating tuwirang layon ay ang ginagamit na
simuno.

HALIMBAWA:
Nagluto ng adobong manok si Mama.
Lumayas ng bahay ang binata.

D. POKUS NG PANDIWA
Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng
pangungusap. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng taglay na
panlapi ng pandiwa.

Mayroon tayong pitong pokus sa pandiwa.


1. Aktor-pokus o pokus sa tagaganap - Ang paksa ang tagaganap
ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na "sino?"
Upang madaling matandaan, ang aktor-pokus o pokus sa
tagaganap na pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng mga
unlaping MAG, NAG, MA, NA, UM at gitlaping UM.
MGA HALIMBAWA:
Maglilinis ng bahay si Anna bukas. (Sino ang maglilinis ng
bahay bukas?)

23
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Bumili ng rosas si Maria. (Sino ang bumili ng rosas?)

2. Pokus sa layon (Object-focus verb) - Ang paksa ang layon ng


pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
Kalimitang ang pandiwa ay kinapapalooban ng mga panlaping
IN, I, AN, NA.
Dapat tandaan na ang panlaping IN na makikita sa
pandiwa ang nag-iisang HULAPI na pokus sa layon.

MGA HALIMBAWA:
Kainin mo ang mangga. (Ano ang kainin?)
Binili ni Jose ang sapatos. (Ano ang binili?)
3. Lokatibong pokus o pokus sa ganapan (Location/locative -
focus) - Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?".
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (pag-/-an, -an/-han,
ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag/an, in/an) sa
salitang-ugat ng pandiwa.
MGA HALIMBAWA:
Pinagdausan ng kasal ang bagong simbahan.
Pinuntahan ni Tatay ang bagong gawang bahay ni Kuya.

4. Benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap (Benefactor-


focus)
Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa
sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na
"para kanino?". Ang mga panlaping (i-, -in, ipang-, ipag-)
ang kalimitang ginagamit. Ito ay ang indirect object sa
wikang Ingles.
MGA HALIMBAWA:
Ang mga bata ay ipinagluto ni Ate ng masarap na tsamporado.
binili ni Gloria ng tinapay ang Lola.

5. Instrumentong pokus o pokus sa gamit (Instrumental-focus)


Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?" Kalimitang
ginagamit ang mga panlaping (ipang-, maipang-).
MGA HALIMBAWA:
Ang bagong biling hurno ang ipinagluto ni Mang Manolo ng
masarap na tinapay.
Ipinampunas ni Marco sa mukha ang ang aking regalong bimpo.

6. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi (Causative-focus)


Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap. Iti ay sumasagot sa tanong na "bakit?"
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (i-, ika-, ikina-)
MGA HALIMBAWA:
Ikinagalak namin ang inyong pagtatanim sa aming paaralan.

24
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Ikinainis ni Maribeth ang pambubuska ni Mario sa kanya.


7. Pokus sa direksyon (Direction-focus)
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo
saan/kanino?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (-an, -
han, -in, -hin) sa ganitong mga pagkakataon. Pag-aralan ang
pagkakaiba nito sa location/locative –focus).
MGA HALIMBAWA:
Binalikan ni Nene ang parke upang maglaro.
Pinuntahan ng mga pulis ang ilog upang mangalap ng
ebidensya.

E. MGA KAGANAPAN NG PANDIWA


Ang Kaganapan ng Pandiwa ay bahagi ng panaguri na nagpapahayag
ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Kung ang pokus ng pandiwa ay
ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng pandiwa ay ang
relasyon naman ng panaguri sa pandiwa.

1. Kaganapang Tagaganap - bahagi ng panaguri na gumaganap sa


kilos na isinasaad ng pandiwa. Makikilala ito gamit ang mga
pananda na ni at ng.

MGA HALIMBAWA:
Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio
sa katunggaling si Juan Marquez. (Ikinalungkot nino?)

Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling.


(Kinakain nino?)

2. Kaganapang Layon - bahagi ng panagri na nagsasaad ng bagay


na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit din dito
ang panandang ng.

MGA HALIMBAWA:
Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili
ng ano?)
Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)

3. Kaganapang Tagatanggap - bahagi ng panaguri na nagpapahayag


kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ang mga panandang para sa at para kay ay kalimitang
ginagamit dito.

MGA HALIMBAWA:
Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga
sinalanta ng bagyong Juan. (Para kanino ang donasyong
ibinigay?)
Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose.

4. Kaganapang Ganapan - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng


lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na ipinahahayag ng
pandiwa.

MGA HALIMBAWA:
Nanood ng palatuntunan sa silid-aklatan ang mga mag-aaral.
(Saan nanood ang mga mag-aaral?)
Pupunta kami sa Manila Zoo.

25
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

5. Kaganapang Kagamitan - bahagi ng pnaguri na nagsasaad kung


anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang
kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

MGA HALIMBAWA:
Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng
krayola.
Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.

6. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng


direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

MGA HALIMBAWA:
Namasyal sila sa Luneta buong maghapon.
Nagsunog siya ng kilay sa silid-akalatan.

7. Kaganapang Sanhi - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng


dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

MGA HALIMBAWA:
Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.

B. MGA PANURING
Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa
pangngalan o panghalip upang mabigyang- diin ang kakaibang
katangian sa iba.

4. PANG-URI
Ang mga pang-uri sa Ingles ay salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa isang pangngalan. Ito ay nagsasaad ng uri o
katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

A. TUNGKULIN NG PANG-URI

1. Bilang Panuring ng Pangngalan - Binibigyang paglalarawan sa


pangungusap ang simuno o paksa nito.

MGA HALIMBAWA:
Ang mabait na bata ay kinagigiliwan ng lahat.
Di ko gusto ang lasa ng mapait na ampalaya.
Mayabang si James nung sinabi niya na mayaman siya.

2. Bilang Panuring sa Panghalip - Ang mga salitang ipinampalit


sa pangngalan o mga panghalip ang binibigyang paglalarawan
sa loob ng pangungusap.

MGA HALIMBAWA:
Mabuti silang magkaibigan.
Masaya kami dahil nakadalo ka sa kabila ng pagod mo sa
trabaho.
Malinis kaya ako.

3. Pang-uring Pangngalan - Ang paksa o simunong pinag-uusapan


ay siyang pang-uring ginamit sa pangungusap.

MGA HALIMBAWA:
Ang mabait ay hahaba ang buhay.
Ang maingay ay laging napagagalitan.

26
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Ang matalino ay laging mataas ang grado.

A. Bilang Kaganapang Pansimuno o Panaguri - Dito ay binibigyang


paglalarawan ang paksa o simuno upang maging ganap ito.
B.

MGA HALIMBAWA:
Si Duterte ay isang magaling na pangulo ng bansa.
Ang sampaguita ay mabangong bulaklak.
Sina Roger at Ruby ay pabaya na magulang.

C. KAYARIAN NG PANG-URI

1. PAYAK - Ang payak ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang


panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita.
Ito ang yunit ng salita na may kahulugan.

MGA HALIMBAWA:
bahay
ganda
aklat
takbo
sariwa
bango

2. MAYLAPI - Ito ay binunuo ng salitang-ugat at isa o higit


pang panlapi. Ang panlapi ay maaaring idugtong sa limang
pamamaraan. Maaaring sa unahan, gitna, hulihan, kabilaan, o
laguhan.
MGA PAMAMARAAN NG PAGLALAPI
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguha

3. INUULIT - Maaaring ang inuulit ay ang buong salitang-ugat o


ang bahagi lamang ng salitang ugat. Mayroon tayong tatlong
pangkalahatang uri ng pag-uulit ng salita.

URI NG PAG-UULIT NG SALITA


Pag-uulit na Ganap
Pag-uulit na Parsyal
Pag-uulit na Ganap at Parsyal

4. TAMBALAN - Tamabalan naman ang tawag sa dalawang makaibang


salitang pinagsasama na maaaring bumuo ng panibagong
kahulugan.

DALAWANG URI NG PAGTATAMBAL


Malatambalan o Tambalang Parsyal
Tambalang Ganap

D. KAILANAN NG PANG-URI

1. Isahan - Ito ay tumutukoy sa iisang inilalarawan.


Nagpapakilala ito sa tulong ng mga panghalip na isahan at
maaaring gamitan ng panandang ang o si.

27
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA HALIMBAWA:
Ang aso ay mabangis.
Si Caleb ay matalinong mag-aaral.

2. Dalawahan - Ito ay tumutukoy sa higit sa isang inilalarawan.


Maaari rin itong gamitan ng panlaping magsing-, magka-,
magkasing-, at marami pang iba.

MGA HALIMBAWA:
Parehong matalim ang binigay mong kutsilyo at gunting.
Magkasintayog ang puno ng bayabas at ng puno ng kalamansi.
Kapwa mabango ang bulaklak ng ilang-ilang at sampaguita.

3. Maramihan - Ito ay ginagamitan ng panandang pangmaramihan


tulad ng mga. Ginagamitan din ito ng ng pang-uring pamilang
na maramihan tulad ng tatlo, sampu, sandaan, at marami pang
iba pa.
Maaari rin itong gamitan ng pang-uring inuulit ang
unang pantig ng salitang ugat tulad ng magaganda, ang
yayaman, at kung anu-ano pa.

MGA HALIMBAWA:
Masisipag ang mga magsasaka sa bukid.
Ang dami-daming naririnig na balita tungkol sa isyung
pampulitika sa bansa.
Bumili ng dalawang bag ang nanay ni Maribeth para kay
Jeremy.

E. KAANTASAN NG PANG-URI

1. Lantay na Pang-uri - Naglalarawan ito ng isa o payak na


pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.

MGA HALIMBAWA:
Makupad ang paglakad ni Mang Karying.
Ang laki ng nahuli na bangus ng mangingisda. 

2. Pahambing na Pang-uri - Ginagamit ito sa pagtutulad ng


dalawang pangngalan o panghalip.

A. Pahambing na Magkatulad - Ipinakikilala nito ang magkapantay


na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-,
magsing-/magkasing-.

MGA HALIMBAWA:
Magkasinlakas sila Mang Lando at Mang Ding.
Ang anak mo ay singgwapo mo.

B. Pahambing na Di-Magkatulad - Ipinakikilala nito ang di-


magkapantay o di-patas na paghahambing. Maaari itong
nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.

 Pahambing na Palamang – Ito ay may katangiang nakahihigit sa


pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit,
mas, di-hamak, at lalo. Tinutulungan din ito ng mga salitang
kaysa o kaysa kay.

 Pahambing na Pasahol – Ito ay may katangiang kulang o kapos


sa pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang di-
gaano, di-tulad ni o di-tulad ng, di-gasino, di-masyado, at
marami pang iba.

28
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA HALIMBAWA:
Ang lasa ng durian ay higit pa sa lasa ng tiyesa.
Ang buhok ni Mando ay di-hamak na mas astig kaysa kay Hadlo.
Di-gaanong maingay ang tunog ng makina ng kotse kaysa sa
tunog ng makina ng motorsiklo.
Ang hangin sa kabundukan ay di-masyadong maalat kumapra sa
hangin ng kailugan.

3. Pasukdol na Pang-uri - May katangian itong namumukod o


nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Maaari itong
negatibo o positibo. Masidhi ang paglalarawan dito kaya
maaaring gumagamit ng mga salitang sobra, ubod, pinaka,
tunay, talaga, saksakan, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-
uri.

MGA HALIMBAWA:
Sobra naman magalit ang tatay ni Ambo.
Ang tanim naming puno ng mangga ay ang pinakamatayog sa
lahat ng puno sa amin.
Kalaka-lakas naman ang pag-ulan sa Baguio.
Ang langaw nga naman ang tunay na pasaway sa lahat ng mga
insekto.

Lantay Pahambing Pasukdol

malikhain mas malikhain pinakamalikhain


mabagsik mas mabagsik pinakamabagsik
mahirap mas mahirap pinakamahirap
malupit mas malupit pinakamalupit
malusog magkasinglusog pinakamalusog
tamad magkasingtamad pinakatamad

E. PANG-URING PAMILANG

A. Patakaran o Kardinal - Ito ang mga likas na bilang na


pinagbabatayan ng pagbibilang. Nagsasaad ito ng aktuwal na
bilang ng tao o bagay.

MGA HALIMBAWA:
May dalawang bibe akong nakita sa ilog.
May apat pang naiwang pasaheros sa loob ng jeepney.
Labindalawang lapis ang binili ko sa tindahan.

B. Panunuran o Ordinal - Nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng


pangngalan o posisyon ng tao o bagay. Sinasabi din nito kung
pang-ilan ang tao o bagay sa pangungusap.

MGA HALIMBAWA:
Pang-apat nang bakuna laban sa COVID-19 ang tinusok sa akin.
Si Darren ay panlima sa matatalinong estudyante sa 3-Ariel.
Bakit naman panghuli ang grupo natin sa pagtatanghal?

C. Pahalaga - Pera ang tinutukoy dito. Nagsasaad ito ng halaga


ng bagay o anumang binili o bibilhin.

MGA HALIMBAWA:
Antaas na ng bilihin ngayon! Akalain mo ba na ang isang kilo
ng sibuyas ay pitonapu’t limang piso.
Nakapag-ipon na ako ng tatlong libong piso.

29
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Pabili naman po ng tatlong pisong kendi.

D. Pamahagi - Ginagamiti ito sa pagbabahagi o pagbubuklod ng


ilang hati sa kabuuan.
Kung minsan ay ginagamitan ito ng unlaping tig- para sa
pantay na pamamahagi o kapag ang bilang ng bagay na ibinigay
o natanggap ay pare-pareho.
Mayroong anyong bahagimbilang o hating-bilang din ang
pamahaging pamilang. Maaaring gamitin ang mga salitang
bahagdan, persentahe, o porsiyento.

MGA HALIMBAWA:
Nakuha na ni Eddie ang tatlumpong porsyento sa paglalako ng
beauty products.
Ang mag-ina ay hukay ng isa’t kalahating kilo ng kamoteng-
kahoy sa kanilang bakuran.
Tig-anim ang mga bata sa kendi na bigay ni Santa Claus.

E. Palansak - Tinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang


pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama. Ito’y grupo o
maramihan at inuulit ang unang salita nito o kaya ay
nilalagyan ng panlaping han/an.

MGA HALIMBAWA:
Labing-waluhan an laman ng jeepneey ni Mang Ferds.
Lima-lima ang itinatanim ng mga mabibilis na magsasaka.
Wag magsiksikan, isa-isa lang ang pwedeng makapasok sa
opisina.

F. Patakda o Tiyak na Bilang - Nagsasaad ito ng tiyak na bilang


ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o
mababawasan pa.
Ang pag-uulit sa unang pantig ng salitang bilang ang
palatandaan nito.

MGA HALIMBAWA:
Binigay ng Diyos ang kaisa-isang Anak Niyang si Hesus.
Pipitong tinapay ang nakain ko sa meryenda natin.
Sasampo lang ang aking mga daliri.

5. PANG-ABAY
Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri,
o kapuwa pang-abay.

A. ANG MGA INKLITIK/KATAGA


Ang ingklitik ay mga kataga o salitang ginagamit sa
pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ngunit ang mga salita ay
maaring alisin sa pangungusap upang hindi masisira ang kahulugan
nito.

MGA HALIMBAWA:

1. ba - ito ay isang salita na walang eksaktong kahulugan pero


ito ay tumutukoy sa tanong na itinatanong.

HALIMBAWA:
Ano ba ang kailangan mo?
Nakita mo ba?

2. kaya - ito ay maaaring tumutukoy rin sa mga tanong at epeko.

HALIMBAWA:

30
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Kaya mo kaya ibuhat itong sako ng bigas?


Ibaba mo kaya ang mga gamit mong iba bago mo ibitbit yan
plato!
Kawawang bata! Iyak ng iyak kaya magang-maga na ang mata.
Bago pa lang siya sa trabaho kaya hindi pa siya marunong sa
kaha.

3. naman - Ito ay ginagamit sa kasagutan at bilang pananda sa


paghahambing. Ito’y nagbibigay-palatandaang ang pangungusap
ay sagot sa naunang pangungusap o kaya’y ginagamit sa isang
mahinahong paghahambing. Ito ay karaniwang natatagpuan sa
gitna o hulihan at hindi kailanman sa unahan.

HALIMBAWA:
Kumusta po kayo? Mabuti po naman.
Magsalita ka naman.
Maganda nga siya, pero suplada naman.

4. po - Ito ay kataga ng paggalang na karaniwang inilalagay


pagkaraan ng buong salita sa pangungusap.

HALIMBAWA:
Sino po ba sila? Ako po ay ama ni Manuel.
Ano po ang inyong kailangan? Magtatanong po lamang sana.

5. daw/raw at din/rin - Ito ay pananda sa di-tuwirang pahayag


at nagsasaad na ang pangungusap ay kumakatawan sa sinabi ng
iba at di ng nagsasalita. Ang daw ay nappalitan ng raw kung
ang sinusundan salita ay nagtatapos sa patinig.

MGA HALIMBAWA:
Sasama din ako!
Masaya din naman silang kasama.
Mataas daw ang naging marka ko.
Maganda raw ang ani ngayon.

INGLITIK/KATAGA
Ang pang-abay na ingklitik ay mga kataga na karaniwang
nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.
Ang mga ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at daw/raw.

B. URI NG PANG-ABAY

A. Pamanahon - Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung


kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa sa
pangungusap.

May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may pananda,


ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas.

A. Pamanahong may Pananda - Ito ay ginagamitan ng mga panandang


nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o
hanggang.

MGA HALIMBAWA:
Naiisip kita tuwing umuulan at mag-isa ako.
Mula noong unang pagkikita natin ay sigurado akong tahimik
ka.

31
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

B. Pamanahong Walang Pananda - Ito ay ginagamitan ng mga


panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,
atbp.

MGA HALIMBAWA:
Paliliguan ko ang alaga kong aso mamaya pagkauwi ko ng
bahay.
Si Joseph at ang kanyang mga barkada ay nagtungo ng bundok
kahapon.

C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas - Ito ay ginagamitan ng mga


salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga
salitang araw-araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, linggo-
linggo, atbp.

MGA HALIMBAWA:
Ang aking irog, ikaw ay pipiliin sa araw-araw.
Linggo-linggo na ako bumibiyahe.
Ako aalis ng bahay ng alas otso tuwing Miyerkules at Biyernes.

2. Panlunan - Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook o


lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng
kilos sa pandiwa. Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay
ang mga salitang sa, kina, o kay.

Mga Dapat Tandaan:


Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang
pambalana o isang panghalip.
Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantangi na pangalan ng isang tao.

MGA HALIMBAWA:
Ang paborito kong tinapay ay mabibili sa gilid ng highway.
Nakipaglaro kay Xander kaninang hapon at ako’y masaya.

3. Pamaraan - Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung


paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinapahayag ng pandiwa. Ginagamitan ito ng mga panandang
nang, na, o -ng.

MGA HALIMBAWA:
Pakisindi naman ng ilaw nang makita ko ang binabasa ko.
Ang aming ina ay mahal na mahal namin.

4. Pang-agam - Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-


katiyakan o pag-aalinlangan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil, siguro, tila,
baka, wari,sa palagay, sa tingin, o parang.

MGA HALIMBAWA:
Ang mura ng kalamansi marahil marami ang nagsusupply niyan
sa palengke.
Ang wari ko’y humupa na ang baha sa Pampanga.

5. Benepaktibo - Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang


tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng
pandiwa.
Ginagamitan ito ng panandang para sa.

MGA HALIMBAWA:
Uminom ng tubig para sa ikagagaan ng pagkahilo mo.

32
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

Kinakailangag humingi ng patunay sa baranggay para sa


pagkuha ng NBI clearance.

6. Kusatibo o Kawsatibo - Ito ay nagsasaad ng dahilan sa


pagganap ng kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng parirala na
pinangungunahan ng dahil sa.

MGA HALIMBAWA:
Napalipad ang manok patungong bubonng dahil sa nakitang
ahas.
Hindi tuloy natuyo ang binilad kong una dahil sa ulan.

7. Kondisyonal - Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang


kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may pariralang kung,
kapag/pag, o pagka.

MGA HALIMBAWA:
Ako ay hahanap ng trabaho sa gobyerno pagkatapos ko sa
kolehiyo.
Papayagan kitang gumala kung nayari mo na lahat ng gawaing
pambahay.

8. Pamitagan - Ito ay nagsasad ng paggalang. Ginagamitan ito ng


mga salitang po, opo, ho, o oho.

MGA HALIMBAWA:
Tao po!
Dito na ho ang iyong inorder na pizza.

9. Panulad - Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang mga bagay.


Ito ay ginagamitan ng salitang kaysa.

MGA HALIMBAWA:
Mas maulan sa Visayas kaysa sa Luzon.
Di-gaano mabilis ang barko kaysa sa tren.

10Pananggi - Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay


ginagamitan ng mga pariralang hindi, di at ayaw.

MGA HALIMBAWA:
Hindi ako ang nanguha ng ballpen sa lamesa mo.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kitang patawarin.

11. Panggaano o Pampanukat - Nagsasaad ang pang-abay na


panggaano ng timbang, bigat, o sukat. Ito ay sumasagot sa
tanong na gaano o magkano.

MGA HALIMBAWA:
Humigit-kumulang tatlong libong kilong mais ang naibenta sa
buwan na ito.
Nagulat ako nung nakita ko na nabawasan ako ng limang kilo
sa timbang ko.

12. Panang-ayon - Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit


dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre.

MGA HALIMBAWA:
Sadyang ganito ang buhay natin sa ibabaw ng mundo.
Ang tunay na kalaban ay ang sarili natin.

13. Panturing - Ito ay nagpapahayag ng pagkilala o pagtanaw ng


utang na loob.

33
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA HALIMBAWA:
Nang dahil sayo ay tinuloy ko ang aking career sa musika.
Mabuti naman at pinakain ka ng Uncle mong pagod sa biyahe.

14. Pananong - Ito ay ginagamit sa pagtatanong hinggil sa


pandiwa, pang-uri o pang-abay.

MGA HALIMBAWA:
Gaano kadalas ang minsan mo akong ilibre sa canteen?
Paano natagpuan ang kayamanan sa loob ng isang makipot na
kuweba?

15. Panunuran - Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod sa


panahon o pagkakalagay.

MGA HALIMBAWA:
Pagkagaling sa paaralan ay dumidiretso ako kina Aling Josie.
Hinalo ko muna ang gatas bago ko pinainom sa tuta ko.

16. Pangkaukulan -Ito ay ginagamitan ng mga salitang tungkol,


hinggil, o ukol.

MGA HALIMBAWA:
Ang aralin na tutunghayan ngayong umaga ay tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Hinggil saan ang seminar na pupuntahan mo?

C. PANGKAYARIAN

ANG MGA PANANDA – Ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng


gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.

6. PANTUKOY (articles) – ay katagang laging nangunguna sa


pangngalan o panhalip na ginagamit na simuno o kagaganapang
pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa.

 DALAWANG URI NG PANTUKOY

A. PANTUKOY SA TANGING NGALAN/PANTUKOY NA PANTANGI - ito ay


tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o
pangyayari. SI, SINA, NI, NINA, KAY,at KINA.

1. ANG, ANG MGA - ito ay ang pantukoy sa ngalan ng bagay, lunan o


pangyayari.

Halimbawa: Ang kotse ni raul ay maganda.

2. SI, SINA - ito ay mga pantukoy ukol sa ngalan ng tao.

HALIMBAWA: Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.

Sina Rizal at Bonifacio ay magigiting na mga bayani

3. NG, MGA, NI, NINA, KAY, KINA, SA, SA MGA - to ay tumutukoy sa


mga tao o bagay na nagmamay-ari ng alinmang bagay.

HALIMBAWA: Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.

Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay.

MGA HALIMBAWA:

34
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

ISAHAN MARAMIHAN

Si Hector ay nagpunta ng Aurora Sina Claire at Ann ay bumili


para mag-surfing. ng regalo para kay Wanda.

Binalik ni Jobert ang bisikleta Hindi na isinauli ang


ni Dexter. cellphone nina Lander at
Fern.
Kailangan kong ibalik kay Mang
Pering ang hiniram kong laptop. Ma, pupunta ako kina Don
Custodio para sa project ko
po.

 WASTONG GAMIT NG PANTUKOY

1. Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pang-isahan


din.

HALIMBAWA: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.

2. Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan


din.

Halimbawa: Ang mga niluto ni Nene ay para kina Juan at Pedro.

2. PANTUKOY SA IBA PANG PANGNGALAN/PANTUKOY NA PAMBALANA - Ito ay


karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o
pangyayari. ANG at ANG MGA.

1. Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng


pantukoy na isahan at pambalana.

HALIMBAWA: Ang magandang relo ay suot ni Walter.

2. Kung ang pangngalang pambalana ay pang marami, ang pantukoy ay

pangmaramihan din.

HALIMBAWA: Ang mga tulip sa Ottawa ay tulad ng mga nasa


Holland.

3. Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y


umuuri sa unang pangngalan.

HALIMBAWA: Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan.

ISAHAN MARAMIHAN

Ang radyo sa kwarto ay Ang mga isda sa palige ay


nakalimutang patayin. sumasama sa daloy ng tubig.

3. PANGAWING (linkers/copulative) – ang AY ay palatandaan ng


ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos
pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng
pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap

Halimbawa:
Si Ulysses ay makupad na kumilos.
Ang bahay ay unti–unting nagigiba.
Ako ay galing sa banyo.

35
COLLEGE OF IMMACULATE CONCEPTION – CABANATUAN CITY

MGA SANGGUNIAN:

MULA SA INTERNET;

(https://aralinph.com/mga-uri-at-aspekto-ng-pandiwauri-at-
aspekto-ng-pandiwa/, 2021).

(https://www.tagaloglang.com/tinig-ng-pandiwa/, n.d.).

(https://noypi.com.ph/pang-uri/, n.d)

MULA SA BATAYANG AKLAT;

Badayos, P. B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto


ng/sa Filipino: Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya. Malabon
City, Metro Manila: Mutya Publishing House.

Balanza, M. A. A., De Vera, N. D., Gabuyo, A. P., Gonzales, A. L.


M., Manalang, V. F., Nucasa, W. P., Tacorda, A. L., Tuazon, M. N.
Q., & Villanueva, J. M. (2018). Akademikong Filipino para sa
Kompetitibong Pilipino: Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino1.

Lacano, D. G. L., Lalunio, L. P., Limosnero-Ipong, M., Lopez-


Royo, J. (2011). Bagong Likha III. Valenzuela City, Metro Manila:
Jo-Es Publishing House, Inc.

Tumangan, A. P., Fabrigas, N. P., Castro, F. P., Cuevas, G. B.,


Quinto, C. S., & Agpoon, E. I. (2013). Pagbasa at Pagsulat tungo
sa Pananaliksik (Filipino 2). Pateros, Metro Manila: Grandwater
Publishing.

Diwana Filipino 2: Batayang Aklat sa Wika't Pagbasa sa Filipino


para sa Ikalawang baiting (Publisher Rex Bookstore, Inc.)

36

You might also like