PANGALAN: Darwin Joaquin Andallaza KURSO/TAON: BEED – 2nd Year
Gawain 3: Magsaliksik tungkol sa nakasaad sa ibaba. Ilagay ang sangguniang
pinagkunan.
1. Ano ang Morpolohiya? Ipaliwanag.
Sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.
2. Ano ang mga Uri ng Morpema? Magbigay ng tigdadalawang halimbawa sa bawat
uri. Morpemang Di-malaya - tumutukoy sa mga panlapi na ikinakabit sa salitang-ugat upang magsaad ng antas. Ito ay maaring unlapi, gitlapi, o hulapi. Unlapi – ma, nag Gitlapi – um, in Hulapi – in, ay, an
Morpemang Di-malaya at Salitang-ugat - tambalan ng salitang-ugat at ng
panlapi. binigay umulan kinumpuni lutuin alisin
3. Ano ang mga Alomorp ng Morpema? Magbigay ng mga halimbawa nito.
Ang Filipino ay may apat na panlapi na may mga alomorp. At ang bawat isa’y may mga tuntuning sinusunod. Ang panlaping [pang] ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [pang-], [pam-] at [pan-].
Morpema – ang tawag sa pinakamaliit nayunit ng salitang nagtataglay ng kahulugan. Halimbawa, sasalitang doktora, makabuluhan an gang A kahit na isang titik lamang ito dahil nangangahulugan iyonng kasariang pambabae, dahil ang doctor lamang ay nangangahulugang kasarian ng lalaki. Ang morpolojiay pag-aaral ng mga morpema na isang wika at ang pagbubuo ng mga ito sa salita
5. Ano ang mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko? Magbigay ng tigdadalawang
halimbawa sa bawat uri. ASIMILASYON Panali> pang- + tali >pangtali> pantali> panali Manalamin> mang- + salamin > mansalamin > manalamin PAGPAPALIT d at r dito – rito ma + dapat – marapat ma + dumi – marumi h at n tawahan – tawanan METATESIS y + -in- + akap = yinakap = niyakap l + -in- + ayo = linayo = nilayo PAGDARAGDAG ka + totoo + han = katotohan + an = katotohanan pa + bula + han = pabulahan + an = pabulaanan PAGKAKALTAS bukas + an = bukasan = buksan dala + hin = dalahin= dalhin
6. Ano ang masasabi mo tungkol sa nabasa o natutunan mo sa mga araling iyong
nasaliksik? Sinasabi ng morpolohiya sa isang indibidwal kung paano nabubuo ang mga salita sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ito. Suriin ang mga sistemang nagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng mga salita na may simple o kumplikadong kahulugan. Sa madaling salita, ang morpolohiya ay nakikita bilang isang yunit ng salita na minimal ngunit may sariling kahulugan. Ito ay mga salita na idinaragdag sa ibang salita upang makabuo ng mga bagong salita. Ang morpolohiya ay isang panlapi na nabuo lamang sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang morpema. I. Morpolohiya (lingguwistika) - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya. (n.d.). Morpolohiya (Lingguwistika) - Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya. Retrieved October 27, 2022, from https://tl.wikipedia.org/wiki/Morpolohiya_(lingguwistika) II. Ghaz, S. (2019, October 22). MORPEMA - Ang Kahulugan Nito, Tatlong (3) Uri & Mga Halimbawa. Philippine News. Retrieved October 27, 2022, from https://philnews.ph/2019/10/22/morpema-ang-kahulugan-nito-tatlong-3-uri-mga-halimbawa/ III. ano ang Alomorp ng morpema - Brainly.ph. (n.d.). Ano Ang Alomorp Ng Morpema - Brainly.ph. Retrieved October 27, 2022, from https://brainly.ph/question/22798392 IV. Rey, M. V. (2019, August 29). Mga Pagbabagong Morpoponemiko - Ang Limang Uri. Philippine News. Retrieved October 27, 2022, from https://philnews.ph/2019/08/29/mga-pagbabagong- morpoponemiko-ang-limang-uri/