You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Sorsogon State University


Departamento ng Edukasyon
Lungsod ng Sorsogon
Taong Panuruan 2022-2023

MCFIL1-2022: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA I- ESTRUKTURA AT GAMIT


NG WIKANG FILIPINO
Propesor: Jucelyn Bordeos-Ombao
Paksa: Morpolohiya at Palabuuan
Tagapanayam: Cristina Mae D. Espedido
Richel Anne L. Abuan
Edelyn G. Mallari
Kristia Mae G. Gracilla
Mary Rose O. Andrade
Jane Camille E. Habon
Alysa G. Quintanar

I. Panimula

Ang morpolohiya ay mahalaga sapagkat ito ang pag aaral ng istruktura


ng mga salita at ang relasyon nito sa iba pang mga salita sa wika.
Mahalagang malaman ng mga mag-aaral kung paano nabuo o
nabubuo ang isang salita o kataga. Maituturing din itong masusing
pag-aaral sapagkat ito ay mayroong mga anyo at maraming ring uri. At
ang mga ito may kanya-kanyang gamit at kahulugan na mainam nating
pag-aralan. Sinumang nag-aaral ng wika ay dapat maging matalastas
dito upang magamit sa mabisa at masining na pagpapahayag sa loob
man o labas ng paaralan.

II. Pagtalakay ng Paksa

Ang salita ay binubuo ng mga morpema. Ang morpema ang pinakamaliit


na unit na bumubuo sa salita na may kahulugang “kaagad nahahayag
kahit ang ilan sa kanila ay pangkayarian at ‘di kahulugang leksikal ang
ibinibigay” (Villanueva at Villanueva, 1971) ay maaring kataga o
salitang-ugat. Ang pag-aaral ng mga morpema ay tinatawag na
morpolohiya, ang palabuuan ng salita o kaya naman ay ang pag-aaral
ng kayarian ng mga salita. Ang mga morpema ay maaaring nasa
anyong kataga, salitang-ugat, panlapi at morpemang ponema (/a/ at
/o/).

MGA URI NG MORPEMA


● Malayang Morpema (Free Morpheme) - mga may salitang may sariling
kahulugan na hindi maaaring hatiin. Itinuturing din itong salitang-ugat.
Halimbawa: tao, takbo, awit, unan, tubig, dagat,
● Di-malayang Morpema (Bound Morpheme)- mga salitang binubuo ng
salitang ugat at panlapi na nakakabit.
Halimbawa: maganda - ma(panlapi) / ganda (salitang-ugat)
● Leksikal na Morpema- panibagong anyo ng salita na binubuo ng
pinagsamang malaya at di-malayang morpema.
Halimbawa: Ang katagang likhain ay binubuo ng salitang-ugat na nilikha at
hulaping in. Kapag ito’y kinabitan ng ma na isang malayang morpema, ito ay
magkakaroon ng panibagong kahulugan. Malikhain. Ang likhain ay isang
pandiwa; ang malikhain ay isang pang-uri.
● Diversyunal na Morpema/ Morpemang Diversyunal - nagbabago ang
kahulugan ng mga salita o morpema kapag kinakabitan ng iba pang
morpema o afiks.
Halimbawa:ma + tubig - ang ma ay nagtataglay ng katangiang taglay ng
salitang-ugat at pagkamarami nito.
Tubig + an - ang an ay may kahulugang lugar na kakikitaan ng mga bagay na
marami na tinutukoy sa salitang-ugat.
● Infleksyunal na Morpema/Morpemang Infleksyunal- hindi nagbabago
ang kahulugan ng mga salita o morpema kapag kinakabitan ng iba
pang morpema o afiks. Nag-iiba-iba lang ang aspekto at anyo ng salita.
Ang aspekto ang nagsasabi kung ano ang kalagayan o istatus ng kilos na
nasa kahulugan ng salitang-ugat. Malalaman kung ang isang kilos ay
isinasaad.
Halimbawa: naglinis, naglilinis, maglilinis
MGA ANYO NG MORPEMA
● Morpemang Salitang-ugat- morpemang binubuo ng salitang-ugat na
wala pang panlapi. Ito ay tinatawag ding malayang morpema sapagkat
ang salitang-ugat ay nagtataglay na ng kahulugan.
Halimbawa: bata, sipag, gawa
● Morpemang Panlapi-Tinatawag din itong di-malayang morpema
sapagkat kailangan nito ang ibang morpema gaya ng salitang ugat
upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa: matapang - ma(panlapi) / tapang (salitang-ugat)
● Morpemang Ponema- ay may kahulugang taglay na nagsasaad ng
kasariang ponemang o at a.
Halimbawa: doktor - doktora
● Morpemang Kataga/inklitik- karaniwang iisahing pantig lamang at ang
mga ito’y walang kahulugan subalit ginagamit ito sa pangungusap at
nagiging makahulugan ang pangungusap kung may mga katagang
ginamit.
Halimbawa: po, opo, din, nga
KAYARIAN O PAGBUO NG SALITA
1. Payak. Ito ang salitang-ugat na walang panlapi, hindi inuulit at walang
katambal ng ibang salita.
Halimbawa: bata, sama, tao, guro, nars
2. Inuulit. Inuulit ang salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang
pantig nito sa bahaging unahan ay inuulit.
Halimbawa:
Ganap na Pag-uulit. Inuulit ang salitang ugat.
araw= araw-araw pantay= pantay-pantay
Di-ganap. Ang inuulit lamang ay ang panlapi sa unahan ng salitang ugat o ang
unang pantig ng salitang-ugat.
awit=aawit bagyo=babagyo
3. Maylapi. Mga salitang-ugat na may panlapi.
Halimbawa: {um-} + {alis}= umalis {-in-} + {bigyan}= binigyan
4. Tambalan. Dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa lamang
salita.
Halimbawa: Bahay + Kubo= Bahay kubo Bahag + Hari= Bahaghari

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


-Ang karaniwang anyo ng isang morpema ay maaaring magbago dahil sa
impluwensya ng mga katabing morpema. Ito ay tinatawag na pagbabagong
morpoponemiko.
1. Asimilasyon
Ang mga tunog ng isang salita ay umaayon sa katabing tunog nito.
Makikita ang pagbabagong ito sa mga morpemang unlaping
nagtatapos sa-ng gayang pang-, mang-, mapang-, sing-, kasing-,
magkasing-, sang-, at labing-.
Dalawang uri ng Asimilasyon
a. Di ganap o parsyal- Ang pang, mang, sing, at iba ay nanatili kung
ang sinusundang salita ay nagsisimula sa patinig at sa mga titik na
k, g, h, m, n, ng, w, y.
b. Ganap-Nawawala ang unang tunog na nilalapian dahil ito ay
naasimila o napapasama sa naunang ponema.
2. Pagbabago ng Ponema-Ang d ay nagiging r kapag napagigitnaan ng
dalawang patinig. May mga pagkakataon na hindli maaaring
magpalitan ang ponemang /d/ at ponemang/t/ sapagkat nagkakaroon
ng pagbabago sa kahulugan. Ang iba pang mga salita ftulad ng
madilim, madahon, madamo ay hindi nagbabago.Ang o ay nagiging u;
ang h ay nagiging n.
3. Metatesis-Ito ay umutukoy sa mga ponemang nagpapalitan ng posisyon.
Minsan may isa o dalawang ponema ang nakakalatas.
4. Pagkaltas ng Ponema- nawawala ang mga tunog na patinig sa gitna ng
salita.
5. Pagpapalit ng Ponema-Ang mga salitang napalitan ng ibang ponema sa
loob ng salita.
6. Paglilipat Diin-Maraming salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.
7. Maypungos-Ang mga salitang nawawalan ng isa o dalawang ponema
sa unahan ng inuunlapiang salita.
8. May-angkop-Ang mga pagbabago sa mga salita na nagiging maikli
kaysa orihinal. Nawawala ang ilang mga tunog.

III. Konklusyon

Masasabing morpolohiya ang isa sa mga mahalagang salik sa wika. Ito


ang giya sa pagsusuri ng pinagmulan at pagkabuo ng isang salita o
kataga na binibigkas ng bawat isa sa atin. Nawa'y patuloy tayong
maging matalastas sa paggamit nito upang mas mapaigting ang
kakayahan sa pakikipagtalastasan sa larangan ng wika.

IV. Sanggunian

Pagkalinawan, L.P., Alejo C.T., Gonzalez, D.N, Domingo, F.A., Bertis, L.L. (). Filipino
1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing House.

Alcaraz, C.V., Jocson, M.O., Villafuerte P.V. (2005). Filipino 1 Komunikasyon sa


Akademikong Filipino. Lorimar Publishing Co., Inc.

Mortera, M.O., Sioson, I.D. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Books Atbp. Publishing Corp.

Dupale, H.F., Sanchez, E.P., Manahan, L.C., Cancino, A.D., Cruz, Z.T., Guzman,
W.B., Larafoster, J.A., Cruz, A.F., Marcelo, L.G., Pacada, J.M. (2012).
Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino. Jimcyzville Publications.

Lachica, V.S. (1998). Komunikasyon at Linggwistika. MK Imprint.

Tanawan, D.S., Recorba, F.M., Nacin, A.A., Lartec, J.K. (2004). Sining ng
Mabisang Komunikasyon. Trinitas Publising, Inc.

Arrogante, J.A. (2000). Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. Navotas Press.

You might also like