You are on page 1of 5

COLEGIO DE MONTALBAN

INSTITUTE OF EDUCATION

Kasiglahan Village San Jose, Rodriguez, Rizal

ISINULAT NA ULAT SA PAGTUTURO NG


FILIPINO SA ELEMENTARYA
ISTRAKTURA AT GAMIT NG WIKANG
FILIPINO
PRESENTED BY:

GERAMIE IRENE ABENIR

JHONNA YBAÑEZ

JOHN PAUL UY

SUBMITTED TO:

Mr. Michael field


Instructor

BEED GENERALIST 2C

Year & Section

1st semester
MORPOLOHIYA

Ang makaaghma na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga


salita. Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema.. Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking
kahulugan. Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.

Morpolohiya (lingguwistika)

Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema


(morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan
dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may
payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita,
panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress
o diin.

Anyo ng Morpema sa wikang Filipino

- Morpemang Ponema

- Morpemang Salitang-Ugat

-. Mopemang Panlapi

Morpemang Ponema /a/ at /o/ • Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa
pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na
ponema.

• Halimbawa :

– Gobernador - Gobernadora

– Konsehal - Konsehala

– Kapitan - Kapitana

– Abogado - Abogada
Morpemang Salitang-Ugat

• Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng isang salita.

• Halimbawa :

• Indak sayaw sulat

• Ganda sipag bata

• Buti payat bunso

Morpemang Panlapi

• Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring


makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang mga
panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan. Ang
morpemang panlapi ay nagtataglay ng kahulugan.

• Ang mga panlaping Filipino ay maaring ikabit sa mga pangngalan at tinatawag itong
panlaping makangalan; sa pandiwa ay tinawatag naman itong panlaping makadiwa at sa
pang-uri ay tinatawag itong panlaping makauri. • Kilala rin ang morpemang panlapi
bilang di- malayang morpema. Bagamat’t may kahulugan, hindi makikita ang tiyak na
taglay na kahulugan hangga’t hindi naisasama sa isang salitang-ugat.

Panlapi Kahulugan Salitang-ugat Bagong Morpema Ma- Pagkakaroon ng katangiang


taglay ng salitang ugat Bait Mabait Um- Pagganap sa kilos Awit Umawit -an Lugar na
pinaglalagyan Aklat Aklatan Ma- Nagsasaad ng pagkakaroon Pera mapera

UrI Ng Morpema

Morpemang Leksikal » May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri at pang- abay.

Morpemang Pangkayarian » Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang


kayarian o konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa • Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga kaklase. – Ang
nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay nag-uugnay sa mga
morpemang leksikal na Pedro, kaklase, naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon
ng kahulugan ang pangungusap. • Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni
Pedro. – Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si pedro ang
naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang
naperwisyo.

Pagbabagong Morpoponemiko

Pagbabagong Morpoponemiko- Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng


isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi).  Ang mga
nakaiimpluwensyang ponema ay maaring yaong sinusundan ng morpema o yaong
sumusunod dito. Halimbawa : [pang-] + paaralan = pampaaralan

.Limang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon

2. Pagpapalit ng Ponema

3. Metatesis

4. Pagkakaltas ng Ponema

5. Paglilipat-diin

Assimilasyon • Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong


pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.

Uri ng Asimilasyon

Asimilasyong Parsyal o di ganap – pagbabago sa unang morpema.

Hal: pang + bansa = pambansa sing + bait = simbait mang + batas = mambabatas
Asimilasyong Ganap – Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.

Hal: mang + tahi = manahi pang + palo = pamalo pang + takot = panakot

Pagpapalit ng Ponema • kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y
pinapalitan ng ponemang r. hal: ma + damot = maramot ma + dunong = marunong

Metatesis • pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay


ang mga ponemang (l,y,o) hal: lipadin -nilipad yakapin -niyakap

Paglilipat-diin • kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag


ito'y nilalapitan. hal: laro + an = laruan dugo + an = duguan

Pagkakaltas ng Ponema • mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema. hal: takip + an


= takpan sara + han = sarhan labahan = labhan dalahin = dalhin

You might also like