You are on page 1of 3

KALIPUNAN

NG MGA
GAWAI N SA
FIL 101 AT FIL 102

Ipinasa ni:

Jennifer O. Calixtro

At ni

Jenny Tolentino

BSED 1- BLOCK I

Ipinasa kay:

Reynard Gado Pangdiw, LPT


CTE, Instructor
MODYUL 5
Pagbabagong Morpoponemiko

I. PANIMULA

Pagbabagong Morpoponemiko - Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensiya ng katabing ponema. Ponema (Tunog) Makabuluhang yunit ng tunog na "nakakapagpabago ng kahulugan"
kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita Morpema (Salita)

II. LAYUNIN

 Naipakikita ang kaalaman sa pagsusuri sa anyo at uri ng morpema at ang pagbabagong morpoponemikong naganap
dito.
 Naipakikita ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita.

III. PAGTATALAKAY

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
 Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng katabing ponema (panlapi).
 Ang mga nakaiimpluwensiyang ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito.
Halimbawa:
 [pang-] + paaralan = pampaaralan

 Limang Uri Ng Pagbabagong Morpoponemiko


1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng Ponema
3. Metatesis
4. Pagkakaltas ng Ponema
5. Paglilipat-diin

 ASIMILASYON
 Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod
nito.
 Tumutukoy ito sa pagbabagong anyo ng morpema dulot ng pagimpluwensiya ng mga katabing tunog nito. Ang mga panlaping
nagtatapos sa ng ay pinapalitan ito ng N-O-M gaya ng panlaping sing na magiging sin -o sim-.

Uri ng Asimilasyon:
1. Asimilasyong Parsyal o di naganap:
 Pagbabago sa unang morpema
 Pagbabagong nagaganap lamang sa pinal na panlapi ng Asimilasyong ganap nagaganap ito kapag natapos na maging n at m
panlapi
 Hal: pang + bansa = pambansa ; sing + bait = simbait
2. Asimilasyong Ganap
 Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.
Hal: mang + tahi = manahi ; pang + palo = pamalo

PAGPAPALIT NG PONEMA

 Kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito’y pinapalitan ng ponemang r.
Halimbawa:
1. ma + damot = maramot
2. ma + dunong = marunong
3. ma + dapat = marapat
4. ma + dumi = madumi

 METATESIS
 Pagpapalit ng posisyon ng panlaping /-in/ kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, y, o).
Halimbawa:
1. Lipadin – Nilipad
2. Yakapin – Niyakap
3. Linayo – Nilayo

 PAGLILIPAT-DIIN
 Kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito ay nilalapitan.
Halimbawa:
1. laro + an = laruan
2. dugo + an = duguan

 PAGKAKALTAS NG PONEMA
 Mayroong pagkakaltas o pagtatanggal ng ponema.
Ito ay pagkawala ng isang ponema or morpema na maari itong nasa unahan o sa gitna ng salita.

Halimbawa:
1. takip + an = takpan
2. sara + han = sarahan
3. labahan = labhan
4. dalahin = dalhin

IV. GAWAIN
Bibigyan ng sampong minuto ang mga estudyante upang balikan ang aralin at sasagutan Ang mga sumusunod na kailangan na
may bilang 1-10

V. PAGTATAYA
1. Tumutukoy ito sa pagbabagong anyo ng morpema na dulot ng pag impluwensiya ng mga katabing tunog nito
2. Tumutukoy sa ponemang nag nagbabago o na papalitan sa buo ng mga salita
3. Ito ay pagdagdag ng hulapi sa salita kahit mayroon ng hulapi
4. .Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o moperma na maari itong nasa unahan o sa gitna ng salita.
5. Pagpapalit ng posisyon ng mga morpema
6. -10 Ano ang limang uri ng morpoponemikong pagbabago

MGA SAGOT
1. Asimilasyon
2. Pagpapalit
3. Padaragdag
4. Pagkakaltas
5. Paglilipat o metathesis
6. Asimilasyon
7. Pagpapalit
8. Pagdaragdag
9. Pagkakaltas
10. Paglilipa o metathesis

VI. SANGGUNIAN

https://www.coursehero.com/file/54433579/PAGBABAGONG-MORPOPONEMIKOppt/
https://www.slideshare.net/staidjasper/pagbabagong-morpoponemiko-65766298

You might also like