You are on page 1of 16

MORPOLOHIYA

WEEK 4
Layunin:
1.Nalalaman ang kahulugan ng morpolohiya at
morpema
2.Nakapagbibigay ng halimbawa ng uri ng
pagbabagong morpoponemiko
3.Natutukoy ang uri ng pagbabagong
morpoponemiko
MORPOLOHIYA
 Ang mahalagang gampanin nito ay ang pagsusuri
kung paano nabubuo ang mga salita.
Morpolohiya: ang tawag sa maagham na pag-aaral
ng morpema. Morpema: ang tawag sa pinakamaliit
na yunit ng salita na may katuturan.
Uri Ng Morpema
1. Malayang Morpema
 Ang malayang morpema (basal) ay salita
na nakatatayo ng sarili at may katuturan,
wala itong panlapi
Halimbawa: talon damit tubig lundag
2. Di-Malayang Morpema
 Ang di-malayang morpema ay nakapagpapabago ng anyo ng mga salitangugat na
nagbubunsod sa pagbabago ng kahulugan. Ang mga panlapi ay halimbawa ng di
malayang morpema. Pansinin na dahil sa mga panlapi ay nagbabago ang kahulugan
ng mga salitang kinakapitan nito. Tunghayan ang epekto ng paglalapi ng mag, um,
at in sa ilang salitang ugat.
Halimbawa:
Unlaping mag Gitlaping um Unlaping nag
mag+sayaw sumikat nag+tapos
mag+tahi lumutang nag+abot
mag+akbay lumipad nag+iko
A. Pagbabagong Morpoponemiko
 Tumutukoy ito sa anumang pagbabago na nagaganap sa karaniwang
anyo ng morpema dulot ng impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran
ay ang mga katabing ponema na maaaring makapagpabago sa anyo ng
morpema. Karaniwang ang sinusundang ponema o ang nauunang
ponema ang nakaiimpluwensya.

Alomorp naman ang tawag sa nabagong anyo ng morpema na nanatili ang


kahulugan.
Mga Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
1. Pagpapalit ng Ponema
d→r
ma + da = marapa
ma + diin = mariin
2. Pagkakaltas ng Ponema
 Ang pagbabagong ito ay nagaganap kapag ang huling patinig
ng salitang-ugat ay nawawala kapag ito ay nilagyan ng hulapi
Halimbawa: bukas + an = bukasan → buksan laba+han = labahan
→ labhan bili+han = bilihan → bilhan
3. Metatesis/ Paglilipat
 Nagaganap ang pagbabagong ito kapag ang
salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ na
ginitlapian ng [-in-] ay nagkakapalit ng
posisyon.
Halimbawa: y+in+ari = yinari → niyari
l+in+aro=linaro→nilaro
4. Asimilasyon
 tumutukoy ito sa pagbabagong nagaganap
sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya
ng kasunod nitong ponema. Ang /ng/ ay
maaaring maging /n/ o /m/ dahil sa ponemang
kasunod nito.
Dalawang Uri ng Asimilasyon
 Parsyal - di-ganap ang asimilasyon kung ang pagbabago ay
nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal ng isang morpema dahil sa
impluwensya ng kasunod na tunog nito.
 Ganap - kung bukod sa pagbabagong nagaganap sa /ng/ ay nawawala
rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay naaasimila o
napapaloob na sa sinundang ponema.
Halimbawa: di-ganap o parsyal na asimilasyon – pang + bato = pambato
ganap na asimilasyon - pang + sungkit pansungkit → panungkit
Kayarian ng mga Salita
 Batay sa kayarian ang mga salita ay maaaring mauri na payak,
maylapi, tambalan, at inuulit.
 Ang kayarian ay tumutukoy sa paraan kung paano nabuo ang isang
salita.
1. Payak
 ito ay ang mga salitang-ugat na walang panlapi, hindi inuulit, at
walang katambal na ibang salita (hal., bahay).
2. Maylapi
 binubuo ito ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi (hal., bahayan)
Mga Paraan ng Paglalapi
 Pag-uunlapi (isigaw)
 Paggigitlapi (sumigaw)
 Paghuhulapi (sigawan)
 Pag-uunlapi at paggigitlapi (inungitlapian); (isinigaw)
 Paggigitlapi at paghuhulapi (ginithulapian); (sinigawan)
 Pag-uunlapi at paghuhulapi (kabilaan); (ipagsigawan)
 Pag-uunlapi, paggigitlapi, at paghuhulapi (laguhan);
(ipagsumigawan)
Mga Uri ng Panlapi
A. Panlaping Makangalan
 tawag ito sa mga panlaping ginamit upang makabuo ng pangngalang maylapi.
Halimbawa: aral – aralin; bahay – kabahayan

B. Panlaping Makadiwa
 Ito ay mga panlaping ginagamit upang makabuo ng pandiwang ang kayarian ay maylapi.
Halimbawa: kilos – kilusan; sakit – saktan

C. Panlaping Makauri
 tinatawag na panlaping makauri ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga panguring
maylapi.
Halimbawa: ganda – maganda; bilis – mabilis
3. Inuulit
 Inuulit ang kayarian ng isang salita kapag ang bahagi o ang
kabuuan nito ay inuulit.
 Ang pag-uulit ng salita ay maaaring ganap o di-ganap.
Ganap ang pag-uulit kapag ang buong salitang-ugat ay inuulit
(hal., araw - araw; taun – taon).
Di-ganap naman ang pag-uulit kung bahagi lamang ng salita ang
inuulit (hal., sasayaw; kakanta).
4. Tambalan
 ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang
magkaibang salita.  Tulad ng inuulit, ito ay maaari ring mauri
na ganap at di-ganap.
Tambalang ganap kapag nawawala ang sariling kahulugan ng
dalawang salitang pinagsama at nakabubuo ng panibagong
kahulugan (hal., hampaslupa; bahaghari).
Di-ganap na tambalan naman ang salita kung ang dalawang
salitang pinagsama ay nananatili ang kahulugan (hal. bahay
kubo; asal-hayop)

You might also like