You are on page 1of 4

MORPEMA AT MORPOLOHIYA

Layunin

Sa araling ito layunin na talakayin ang makabuluhang yunit ng salita o morpema


at ang makaagham na pag-aaral nito. Bibigyang tuon ang tungkol sa pag-aaral ng mga
palabuuan o paraan sa pagbubuo ng mga salita.
Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na ang mga estudyante ay:
 makasusuri sa istruktura ng pagbubuo ng mga salita.
 makaaalam sa mga pagbabagong nagaganap sa salita at matukoy ang
kahulugan nito.
 makatutukoy sa mga salitang angkop gamitin sa isang pangungusap maging
sa pahayag.

Introduksyon
Mayaman sa bokabularyo ang wikang Filipino at higit na yumayaman ang
talasalitaan ng Filipino dahil nagkakaiba ito sa morpemang ginagamit. Mainam na
mapag-aaralan natin ang pagbubuo ng salita upang magamit ito nang naaayon at angkop
sa pasalita man o pasulat na diskurso.
Tatalakayin sa araling ito ang kalikasan ng morpema at ang pagbubuo ng mga
salita. Bahagi rin ng araling ito ang makagham na pag-aaral ng morpema na tinatawag na
morpolohiya.

Gawain

Tukuyin kung ano ang salitang-ugat at pnalapi ang kinapapalooban ng mga


salitang Cebuano.
Salitang-ugat Panlapi
1. sinundog - ________________ _______________
2. pasumbingay - ________________ _______________
3. kinutlo - ________________ _______________
4. nakaplagan - ________________ _______________
5. tinan-away - ________________ _______________
Analisis

Paano nagkakaiba ang pagbubuo ng mga salita sa Cebuano at Filipino?


Abstraksyon

Ang morpema ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng salita. Maaaring ito ay


salitang-ugat, morpemang ponema o di kaya ay panlapi. Ang bawat isa ay itinuturing na
makahulugan sapagkat may kakayahan itong baguhin ang kahulugan ng salita depende sa
kung ano ang idinudugtong na morpema nito. Pansinin ang mga sumusunod na
halimbawa:
Morpemang Salitang-ugat - mga payak na salita na may kahulugan
ligo sukat bahay kulang iba
bigat lakad butas tunay sulsi

Morpemang Panlapi - morpema na kung saan hindi nagtataglay ng kahulugan


ngunit kung idudugtong sa isang salitang-ugat, may kakayahang baguhin ang kahulugan
ng salita. Ang mga panlapi ay maaaring unlapi, gitlapi at hulapi ngunit may mga
pagkakataon na dalawang panlapi ang ginamit sa isang salita. Pansinin ang mga
panlaping idinugtong sa mga salitang ugat.
naligo sukatin bahayan kinulang ibahin
mabigat naglakad binutas katunayan nasulsihan

Morpemang Ponema - ito ay maaaring mga ponema na may kakayahang baguhin


ang salita tulad halimbawa ng ponemang /a/ at /o/ na tumutukoy sa kasarian. Pansinin
ang mga halimbawa:
doktor - doktora
senyorito - senyorita
abogado - abogada

Ang mga morpmema ay maaari ring may kahulugang leksikal at pangkayarian.


Leksikal ang kahulugan ng isang morpema kung ang salita ay pangnilalaman. Kabilang
sa mga salitang ito ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay.
Tulad ng mga sumusunod na halimbawa:
bangus damit kulay siya kanila kanya-kanya
sayaw naglinis makinis iyakin maaga kinabukasan
Ang morpemang pangkayarian ay walang kaulugan sa ganang sarili at
kailangang makita sa kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ilang sa mga
halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
na nang -ng -g sa
at o saka kay ayon
ang ay ni nina kina
Mga Pagbabagong Morpoponemiko
1.Asimilasyon. Pag-asimila ng morpema sa isa tunog.
a. Asimilasyong Di-Ganap.
Halimbawa: pansayaw, sindunong, magkasinlaki
b. Asimilasyong Ganap.
Halimbawa: pananghalian, pamukaw, pamahalaan
2. Metatesis. Nagpapalitan ang ponema sa loon ng salita kapag nilalapian. May mga
salita ring bukod sa nagkakapalitan ang ponema, may nagaganap rin na pagtanggal ng
tunog.
Halimbawa:
linuto nagiging niluto taniman nagiging tamnan
(nagpapalitan ng ponema) (pagpapalit at pagkakaltas)
3. Pagkakaltas ng Ponema. Kapag nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat, may
nawawalang ponema sa loob ng salitang ugat.
Halimbawa: bukas+an= buksan putul+in= putlin
4. Paglilipat-diin. Paglilipat ng diin ng isang salita dahil sa paglalapi.
Halimbawa: lúto + -an = lutúan
sáma + -an = samáhan
5. Pagpapalit ng Ponema/Titik
Halimbawa: madunong - marunong
kadagatan - karagatan
6.Reduplikasyon
Halimbawa: matataas, araw-araw, aalis, gagawa
Pagsasanay

A. Isulat kung ano ang mabubuong salita mula sa dalawang morpema ang mga
sumusunod:
1. pang + kain = 6. pang + bakod =
2. pang + dakot = 7. pang + lasa =
3. pang + takot = 8. pang + gupit =
4. pang + gupit = 9. pang + ukit =
5. pang + puslit = 10. pang + walis =

B. Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga


sumusunod na salita. Isulat ang titik ng napiling sagot.
A. asimilasyon B. Pagkakaltas ng ponema C.Paglilipat-diin
D. Metatesis E. Pagpapalit-ponema F. Reduplikasypn

1. lampasan - 6. bilhan –
2. pamuksa - 7. baunin –
3. matataas - 8. pambansa –
4. liparin - 9. pantali –
5. makamtan - 10. tamnan –

You might also like