You are on page 1of 10

MODULE NO.

5
Don Carlos Polytechnic College
Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon
Telephone Number: 088-226-2651

College of Education/Teacher Education Department


FIL 1 PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA: ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG
FILIPINO
1st Semester of A.Y. 2021-2022

Introduction

Ang ibang panawag sa morpolohiya ay palabuuan. Ito ay ang pagbubuo ng mga salita at pag-aaral
ng mga morpema ng isang wika.

Rationale

Sa modyul na ito, tatalakayin ang morpolohiya ng wikang Filipino.


COURSE MODULE

Intended Learning Outcomes

A. Naipaliliwanag ang kahulugan, uri at anyo ng morpema.


B. Nailalahad ang iba’t ibang pagbabago na maaaring pagdaanan ng isang salita o mga salita.
C. Nagagamit ang mga tuntunin sa morpolohiya ng wikang Filipino sa pagbuo ng pangungusap at
talata.

Activity

Punan ang Tree Map ng tiglimang halimbawa ng asimilasyon batay sa alomorp ng morpema.

Asimilasyon batay sa alomorp


ng morpema

Discussion

MORPEMA

Tinatawag na morpema ang pinakamamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Halimbawa:

1
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
madamo matalino
matubig magalang
maputik masunurin

Ang morpemang ma- sa madamo, matubig, at maputik ay nangangahulugang marami. Sa matalino,


magalang, at masunurin naman ay nangangahulugan ng katangian ang morpemang ma-.

MGA URI NG MORPEMA

1. Mga morpemang may kahulugang panleksikal. Sa uring ito, masasabing tiyak ang pangalan ng
lugar, ng tao o bagay.

Halimbawa:

Nanood ng sine sa SM Fairview sina Fatima at Nurhaisa.

2. Mga morpemang may kahulugang pangkayarian. Sa uring ito, kapang nag-iisa ay walang
kahulugang ipinahahayag.
COURSE MODULE

Halimbawa:

ng, sa, ang mga

Ang mga ito ay walang tiyak na kahulugan.

MGA ANYO NG MORPEMA

Panlapi

Isa itong morpema na nagtataglay ng kahulugan. Maaari itong: panlaping makauri, panlaping
makadiwa, at panlaping makangalan. Kapag ang nabuong salita ay pang-uri, ito ay tinatawag na panlaping
makauri; kapag ang nabubuong salita’y pandiwa, ito’y tinatawag na panlaping makadiwa, at kapag ang
nabubuong salita’y makangalan, ito’y tinatawag na panlaping makangalan.

Tunghayan natin ang panlaping –han. Ito ay maaaring maging isang panlaping makauri, kung
magsasaad ng katangian; maaaring maging panlaping makadiwa kung nagsasaad ng kilos, at maaaring
maging panlaping makangalan kung nagsasaad ng lugar o ganapan ng pamimili.

Mga halimbawa:

Makauri

panga + - han = pangahan ( malaki ang panga )

Makadiwa

sama + -han = samahan ( kilos na nagsasaad ng pagsabay sa iba)

Makangalan

tinda + -han = tindahan ( lugar ng pamimili)

2
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
Salitang-ugat/batayang salita

Ito ay mga simpleng salita na walang kasamang panlapi

Mga halimbawa:

awit
sayaw
kinis
ganda
ulan
dasal
bayani
gawa
laba

Ponema o isang makabuluhang tunog

Mga Halimbawa:
COURSE MODULE

propesor
doktor
senador
propesora
doktora
senadora

Ang mga halimbawa sa itaas na mga salitang nagtatapos sa a ay nagpapakilala na ang a ay isang
makabuluhang tunog - dahil nalpakita ng nasabing ponema /a/ ang kasarian ng isang tao.

KAYARIAN O PAGBUBUO NG SALITA

Payak

Hindi ito sinasamahan ng panlapi.

Mga halimbawa:

sulat
aral
araw
saya

Reduplikasyon o Inuulit

Binubuo ito ng ganap at di-ganap o parsyal na pag-uulit. Kapag inuulit ang buong salitang-ugat
tinatawag itong ganap na pag-uulit. Sa uring ito, maaari ring ulitin ang salitang-ugat na may konektor o
linker kaya tulad ng /g/ at /n/.

Mga halimbawa:

3
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
Salitang-ugat Ganap na pag-uulit

hapon hapun-hapon
ilan ilan-ilan
gusto gustung-gusto
bato batung-bato

Mga halimbawa ng di-ganap o parsyal na pag-uulit:

himu-himutok
tatakbo
kani-kaniya
bali-baligtad
aawit
baha-bahagi

Kapag inuulit naman ang isang bahagi at ang kabuuan ng salita, ito ay tinatawag na magkahalong di-
ganap at ganap na pag-uulit.
COURSE MODULE

Mga halimbawa:

Salitang-ugat ganap at di-ganap na pag-uulit

ilan i+ ilan-ilan ilan-ilan


payag pa + payag-payag papayag-payag

Paglalapi o Maylapi

Ang mga panlapi ay maaaring ilagay sa mga sumusunod na posisyon ng salita gaya ng:

a. pag-uunlapi o unlapi : magsimba, umibig, ipagluto


b. paggigitlapi o gitlapi : sumulat, sinunod, lumukso
c. paghuhulapi o hulapi : ilawan, suklayan, sambahin
d. pag-uunlapi at paggigitlapi : ibinigay, magsumikap
e. pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan : paaralan, paglutuin, magyakapan
f. paggigitlapi at paghuhulapi : sinubukan, pinutulan, sinabihan
g. pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi o laguhan : magdinuguan,
h. pagsumikapan

Tambalan o Pagtatambal

Ito ay pinagsama ng dalawang salita sa pagbubuo ng isa lamang salita. Binubuo ng ito ng dalawang
uri:

Tambalang di-ganap o Karaniwang tambalan - Ang mga ganitong salita'y nananatili ang
kanilang kahulugan. Maaari rin itong ipagkahulugan bilang layon, gamit,
pagtitimbangan, paglalarawan at pinagmulan.

Mga halimbawa:

batang-gubat
4
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
taong-bundok
panik-panaog
agaw-dilim
agaw-buhay
ahas-tubig

Tambalang ganap - Nagkakaroon ng ibang kahulugan o ikatlong kahulugan ang pinagtambal na


dalawang salita o kaya sa dalawang salitang pinagsama.

Mga halimbawa:

kapitbahay
bahaghari
basag-ulo

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

May mga pagbabagong napapaloob sa komon na kaanyuan ng isang morpema


dahil sa impluwensiya ng kaligiran. Ang anumang pagbabagong ito ay tinatawag na pagbabagong
COURSE MODULE

morpoponemiko. Ano ang ibig ipakahulugan ng impluwensiya ng kapaligiran? Ito iyong mga katabing
ponema na nagsasaad ng impluwensiya upang magkaroon ng pagbabago ang anyo ng morpema. Napapaloob
din dito ang alomorp ng morpema. Ano ang ibig sabihin ng alomorp? Nangangahulugang maaaring magbago
ang anyo ng morpema dahil nga sa impluwensya ng kapaligiran nito - ng kasunod na katinig
nito.

Mga halimbawa:

pang- [ pang] [ pam-] [pan- ]


sing- [ sing- ] [ sim- ] [ sin- ]
magsing- [ magsing-] [ magsim-] [ magsin-]
sang- [ sang-] [ sam-] [ san-]
sang- [ mang-] [ mam-] [ man-]

pang + kukos > pangkuskos


pang + dikit > pandikit
sing + bango > simbango
sang + gatang > sanggatang
sang + dakot > sandakot
mang + hingi > manghingi
mang + daya > mandaya
mang + bawas > mambawas

Maliwana na makikita sa mg halimbawa sa itaas na ang mga alomorp ng pang- ay (pang-), [pan-] at
ang alomorp ng sing ay [sing-], [sim-] at [sin-] at gayundin ang kasing, sang- at mang-,

Mapapansin pa rin sa mga halimbawa na ang pang- ay nagigine [pan-] kapag ang kasunod na salita
ay nagmumula sa titik na d (pandikit) [ pam-] kapag ang salita ay
nagsisimula sa letrang b (pambato); gayundin ang sing, kasing, sang at mang. Ang
morpemang [pang-] ay hindi nagbabago ang anyo dahil ang kasunod na mga letra ay k, g, at h.

Samakatuwid ginagamit ang alomorp na [pang-], • (sing-], (kasing-], (sang-] at (mang-] kapag ang

5
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
morpemang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga titik na k, g, h. j. m,
'n, y, w; kapag ang unang letra ng salitang-ugat ay nagsisismula sa d, I, r, s, t ginagamit ang alomorp na
[pan-], [(sin-], [kasin-], (san-] at [man-], ngunit kapag ang salitang- ugat naman ay nagsisismula sa p at b,
ang ginagamit ay [pam-], [sim-], [kasim-], (sam-] at (mam-].

Ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko ay ang mga sumusunod:

1. asimilasyon
2. pagkakaltas ng ponema
3. pagpapalit ng ponema
4. metatesis
5. pagsusudlong o pagdaragdaq
6. pag-iisa ng dalawang salita o pag-aangkop
7. paglilipat ng diin

Asimilasyon

May dalawang uri ng asimilasyon: asimilasyong di-ganap o parsyal at 'asimilasyong ganap.


COURSE MODULE

Ang asimilasyong parsyal ay ang pagbabago ng morpemang panlapi dahil sa


impluwensiya ng katabing ponema ng kasunod na salitang- ugat. Naipaliwanag na ito sa
bahaging ukol sa alomorp ng morpema.

Mga halimbawa:

pang + lasa > panlasa


pang + taksi > pantaksi
pang + bata > pambata

Naiiba rin ang asimilasyong ganap dahil dalawang punto ang binibigyang diin dito: Una,
nagkakaroon ng pagbabago sa ponemang / n / dahil sa punto ng artikulasyon
ne kasunod na tunog; at ang ikalawa, nawawala ang unang letra ng morpemang salitang-ugat na maaaring
nagsisimula sa /p, b, d, I, r, s, t/ at ang tunog na lamang ng /r/ at /m/ ang mananatili. Sa madaling sabi,
nakakaltas ang unang ponema na nilalapiang salita sanhi ng pagpapaloob nito sa sinusundang ponema.

Mga halimbawa:

mang + pulot > mampulot > mamulot


mang + tabi > mantabi> manabi
mang + palo > pampalot > pamalo

Maipapaliwanag sa ganitong paraan at matutunghayan sa bahaging ito ang


pagkakaroon ng pag-uulit sa loob ng salita.

Mga halimbawa:

mang + tahi > mantahi > manahi > ma (na)2 hi = mananahi


mang + pulot > mampulot > mamulot > ma (mu)2 lot = mamumulot
pang + tahi > pantahi > panahi > pa (na)2 hi = pananahi

Pagkakaltas ng Ponema (Gonzales, 1993)

May nawawalang ponema sa salita. Maaaring ito' y nasa unahan, sa gitna at sa hulihan ng salita.
6
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5

Mga halimbawa:

mang + tahi > mantahi> manahi


bili + -han > bilihan > bilhan
putol + -in > putulin > putlin

Pagpapalit ng Ponema

Ang mga ponemang nagpapalit ay tulad ng:

1. /o/ at /u/ - Kapag nauulit ang pantig na may ponemang /o/ masasabing nagkakaroon ng pagpapalit
ang /o/ at /u/ at minsan kinakabitan ito ng pang-ugnay o linker na (-ng).

Mga halimbawa:

sino + sino > sinu-sino


ano + ano > anu-ano
COURSE MODULE

matalino + -ng + matalino > matalinung-matalino

2. /d/ at /r/ - Napapalitan ng ponemang /r/ ang ponemang /d/ kapag ang huling letra ng panlapi (unlapi)
ay patinig.

Mga halimbawa:

ma + dami > marami


ma + dagdag + -an > maragdagan
lakad+-an > lakaran
tawid + an > tawiran
ma + dapat > marapat

Mapapansin na ang mga salitang madami (marami) at madagdagan (maragdagan) ay maaaring


opsyonal ang pagpapalit di tulad ng mga salitang lakadan, madapat at tawidan a sapilitan ang pagpapalit ng
mga ito.

Sa bihirang pagkakataon, may mga salitang magkaiba ang kahulugan kaya hindi masasabing dapat o
maaaring magkapalitan ang /d/ at /r/.

Mga halimbawa:

madamdamin (puno ng emosyon)


maramdamin (sensitibo)
madilag(maraming babae o kadalagahan)
marilag(maganda)

3. /h/at/n/ - Sa ilang pagkakataon nagkakaroon din ng pagpapalitan ang /h/ at / n/.

Halimbawa:

tawa + han > tawanan

4. /e/ at / i/ - Kapag nauulit ang pantig na may /e/ , napapalitan ang nauunang letra na e at nagiging i at
7
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
may linker (-ng) na ikinakaiba dito.

Halimbawa:

lalake + -ng + lalake > lalaking-lalake


babae + -ng + babae > babaing-babae

Metatesis

Sa uring ito, nagkakalapit ng posisyon ang ponema tulad ng mga salitang-ugat na nagsisimula sa /I/
o /v/ na ginigitlapian ng -in- kaya masasabing nagkakalapit ang posisyong ng /i/ at /n/ at ito'y nagiging / ni-/.

-in + yaya > niyaya (hindi yinaya)


-in + yakap > niyakap (hindi yinakap)

Mayroon ding mga salitang nakakaltas ang ponema at nagkakapalit din ng posisyon ang mga ito.

Mga halimbawa:
COURSE MODULE

tanim +-an > taniman> taniman> tamnam


atip +-an > atipan > atipan > aptan

Pagsusudlong o Pagdaragdag

Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang hulapi gayong mayroon hulaping inilagay sa isang
salitang-ugat. Ang idinadagdag na hulapi ay ang dalawa uri ng hulaping -in at -an.

Mga halimbawa:

totoo + -an > totoohan > totohan


totohan + -an > totohanan
alaala +-an > alalahan
alalahan + -in > alalahanin

Pag-aangkop at Pag-Iisa ng Dalawang Salita

Nangangahulugan ito ng pagsasama ng dalawang salta at nagpapahayag ng kabuuang diwa ng


dalawang salita, may pagkakaltas pa ring kasama rito.

Mga halimbawa:

tingnan + mo > tamo


hinatay + ka > teka

Naging ta na lamang ang 'tingnan' at te ang 'hintay'.

Paglilipat-diin

Nagbabago ang din ng ibang mga salita kapag ang mga ito' y nilalapian.

Mga halimbawa:

panday + an > pandáyan/panda.yan/


8
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
tala + an > taláan /tala.an/
tinda + han > tindáhan/tinda.han/

Sa paglilipat ng din, nagkakaroon ng pagbabago ang kahulugan ng salita.

Mga halimbawa:

laro (larô o /laro?/) - 'game'


laruán (laruán o /laru?an/) - bagay na libangan ng bata

dasal (dasal o /dasal/) - dalangin


dasalan (dasalan) o /dasa.an/) - libro ng dasal

Exercise

Ibigay ang salitang-ugat ng mga sumusunod. Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponemiko ang
naganap sa mga ito at sa anong kayarian ng salita ito nabibilang.

1. pamamaraan
COURSE MODULE

2. sinuklayan
3. katotohanan
4. pinag-aralan
5. panawagan
6. inaasahan
7. tumawad
8. kaisipan
9. kasuluk-sulukan
10. inilawan

Assessment

Isalin ang mga sumusunod na salitang Kastila at Ingles sa wikang Filipino:

1. ventana
2. cebollas
3. jardin
4. caballo
5. jabon
6. research
7. library
8. vocabulary
9. image
10. aspect

Reflection

Bakit nagkakaroon ng mga pagbabago sa anyo at kayarian ng mga salita sa wikang Filipino?

Resources and Additional Resources

 Santiago, A. (1999). PANIMULANG LINGGWISTIKA SA PILIPINO. Manila, Philippines: Rex


Book Store.

9
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE NO. 5
Additional Resources:
 Sandoval, M., Pantorilla, C., at Semorlan, T. BATAYAN AT SANAYANG-AKLAT SA
GRAMATIKA AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.
COURSE MODULE

10
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia

You might also like