You are on page 1of 8

SAINT JUDE COLLEGE

PHINMA EDUCATION

Dimasalang cor. Don Quijote., Sampaloc,

Metro Manila, Philippines

MALA-MASUSING BANGHAY
ARALIN SA
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA

Inihanda Nina:

Dejillo, Joshua M.

Diamzon, Lovely

Dimalaluan, Airiz Kylle

Ipinasa Kay:

G. Edward Erwin Esguerra LPT


Mala-masusing Banghay

Aralin sa

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

I. Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang.
A. Natutukoy ang kahulugan ng morpolohiya at morpoponemiko;
B. Nasusuri ang gamit at katangian ng morpolohiya at pagbabagong
morpoponemiko at;
C. Naisasakatuparan ang mga konseptong morpolohiya at pagbabagpng
morpoponemiko.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Morpolohiya at Pagbabagong Morpoponemiko
B. Sanggunian: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Modyul
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, Google Form

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagbibigay pamantayan sa loob ng klase

B. Pagbabalik tanaw
Ponolohiya – Pag-aaral sa mahalagang tunog na nagbibigay ng
kahulugan sa pagsambit ng salita o nagpapabago sa kahulugan ng
mga salitang halos magkatulad ang kaligirang baybay. Ito rin ay
ang patern ng runog, pag-aaral sa ponema (tunog), paghinto
(juncture), pagtaas-pagbaba ng mga pintig (pintch), diin (stress), at
pagpapahaba ng tunog (prolonging).

C. Pagganyak
- Magsisimula ang klase sa pamamagitan ng isang maikling
palaro.
- Inaasahan na ang buong klase ay makikilahok sa maikling
palaro at ang estudyante na makakasagot ay magkakaroon ng
karagdagang puntos sa darating na pagsusulit pagkatapos nang
pagtatalakay.
“ Nakakahilo! Sino ako?”
1. PMAIYOOLHRO – Ito ang pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
MORPOLOHIYA
2. TAGU-GNATILAS – Pinakasimpleng anyo ng isang
salita na hindi pa nagbabago o hindi pa napapalitan ng
mga panlapi. SALITANG-UGAT
3. NAAPLIP – Isang kataga o mga kataga na kinakabit sa
unahan, gitna, at hulihan ng isang salitang ugat upang
makabuo ng panibagong salita na iba na ang kahulugan.
PANLAPI
D. Paglalahad
Mula sa pagganyak na ginawa kanina ang mga mag-aaral ay
Morpema
 Ito ang pinakamaliit na matutukoy kung ano ang morpolohiya at pagbabagong
yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugasing, an.
 Ang morpema ay maaaring morpopolohiya.
isang salitang-ugat o panlapi.
Halimbawa:
Mabahay = 2 morpema: [ma-] unlapi [bahay] salitang-ugat.
Uri ng Morpema
“Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic”
Morpemang may kahulugang leksikal Morpemang may kahulugang pangkayarian
 Ito ang morpemang tinatawag ding pang  Ito ang mga morpemang walang
nilalaman sapagkat may kahulugan sa kahuluagan sa ganang sarili at
ganang sarili. kailangang makita sa isang kayarian o
 Ito ay nangangahulugan na ang kenteksto upang maging makahulugan.
morpema ay nakakatayo ng mag-isa  Ito ang mga salitang nangangailangan
sapagkat may angkin siyang kahulugan ng iba pang mga salita upang mabuo
na hindi na nangangailangan ng iba ang kanilang gamit sa pangungusap.
pang salita.
 Kabilang sa uring ito ang mga salitang Halimbawa:
pangalan, pandiwa, pang-uri at ang mga Hindi naman maaaring sabihin na “Magaling
pang-abay. sumayaw Rik siya nanalo dance Olympic”

Halimbawa:  Kasama sa uring ito ang mga:


Ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, a. Pang-angkop: na, -ng
siya, nanalo, dance, at Olympic. b. Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
c. Pang-ukol: sa, tungkol, sa/kay, ayon
 Tulad ng mga sumusunod: sa/kay
a. Pangalan: Rik, dance, Olympic, d. Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina,
aso, tao, paaralan, kompyuter kay/kina
b. Panghalip: siya, tayo, kayo,
ako,ikaw, atin, amin, ko, mo
c. Pandiwa: sumayaw, nanalo,
mag-aral, kumakanta, naglinis
d. Pang-uri: banal, maligaya,
palaaway, balat-sibuyas, marami
e. Pang-abay: magaling, kahapon,
kanina, totoong maganda, doon
Anyo ng Morpema
Morpemang ponema Morpemang salitang-ugat Morpemang Panlapi
 Ito ay ang paggamit ng  Ang mga  Ito ang mga morpemang
makahulugang tunog o morpemang binubuo ng ikinakabit sa salitang-
ponema sa Filipino na salitang-ugat ay mga ugat.
nagpapakilala ng gender o salitang payak, mga salitang  Ito ay anyo ng morpema
kasarian. walang panlapi. na hindi nakakatayong
magisa.
Halimbawa 1: Halimbawa:
Propesor at Propesora 1. Tao Halimbawa 1:
2. Silya Umaawit
 Nakikilala ang 3. Droga
pagkakaiba nito sa 4. Payong  Ang panlaping {um-}/{-
pamamagitan ng {-a} sa 5. Jet um-} ay may kahulugan
pusisyong pinal ng ikalawang 6. Pagod na pagganap sa kilos na
salita. 7. Tuwa isinasaad ng salitang-
 Ang ponemang /a/ ay 8. Pula ugat.
makahulugang yunit na 9. Liit  Sa pandiwang umaawit,
nagbibigay ng kahulugang 10. Taas ang {um-} ay
“kasariang pambabae”. 11. Basa nangangahulugang gawin
 Ang salitang propesora 12. Laro o ginagawa ang kilos ng
ay binubuo ng dalawang 13. Aral pag-awit.
morpema {propesor} at {-a}. 14. Kain
15. Sulat Halimbawa 2:
Halimbawa 2: 1. Mag-ina – {mag-} at
Maestro at Maestra {ina}
2. Maganda –
 Hindi lahat ng mga {ma-}at{ganda}
salitang may inaakalang 3. Magbasa – {mag-} at
morpemang {-a} na ikinakabit {basa}
ay may morpema na. 4. Bumasa – {-um-} at
 Ang ponemang {-o} at {basa}
{-a} na ikinakabit ay hindi 5. Aklatan – {-an} at
mga morpema. Dahil wala {aklat}
naman tayong salita na 6. Pagsumikapan – {pag-},
{maestr} at sasabihing {-um-},{-an} at {sikap}
morpemang {-o} at {-a} ang
ikinakabit dahil nagpapakilala
ng kasariang panlalaki at
ganoon din sa pambabae.
Morpoponemiko
 Karamihan sa mga pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita ay dulot ng pagdaragdag ng
panlapi o pagsasama ng dalawa o higit pang morpema upang bumuo ng salita.
 Ang nagaganap na pagbabago ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilisasyon – ang tunog ng isang bahagi ng salita ay itinutulad sa katabi niyang tunog.
a. Di-ganap – ginagamit ang mga b. Ganap – kadalasan naaalis ang unang
sumusunod na panlapi titik ng salitang-ugat upang lalong
man, sing, kasing, magkasing, pang madulas ang pagbigkas ng mga salita.

Sa panlaping ito ang n ay magiging: Halimbawa:


m = kapag ang salitang inuunlapian ay 1. man + sulat --- manulat --- manunulat
nagsisimula sa p at b. 2. man + kuha --- mangkuha --- manguha
n = kapag ang salitang inuunlapian ay
nag sisimula sa d,l,s,r, at t.
ng = kapag ang salitang inuunlapian ay
nagsisimula sa k,g,h,m,n at n.

Halimbawa:
1. kasing + bait --- kasimbait
2. pang + dalawahan --- pandalawahan
3. magkasing + haba --- magkasinghaba
2. Pagkakaltas - nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat kapag nilalagyan ito ng
hulapi.

Halimbawa:
1. dakip + in --- dakipin --- dakpin
2. asin + an --- asinan --- asnan
3. sara + han --- sarahan --- sarhan

3. Paglilipat ng diin – nangyayari ang pagbabagong ito kapag nililipat ang diin ng morpema
at ito ay nilalapian.

Halimbawa:
1. iwas --- iwasan hawak --- hawakan

4. Pagbabago ng ponema o pagpapalit – pinapalitan ang d ng r, h ng n, at o ng u.

Halimbawa:
1. ma + dami --- marami
2. ma + dapat --- marapat
3. lipad + in --- liparin
4. gugol + in --- gugulin
5. dugo + an --- duguan
6. kayod + in --- kayurin
7. pahid + an --- pahiran

5. Pagpapaikli - May angkop ng pagkakaltas sa isa o dalawang salita na magkasunod at


kung minsan ay pagpapalit ng mga titik.

Halimbawa:
1. tignan + mo = tamo
2. wika + ko = kako
3. hintay + ka = teka
4. wika + nila = anila
5. wika + mo = ikamo

6. Reduplikasyon – pag-uulit ng ilang tunog ng salitang-ugat.

Halimbawa:
1. sasakyan
2. lalakad
3. mamamayan
4. mamimitas

7. Metatisis - Pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog ng isang nilalapian

Halimbawa:
1. yakap + in ---- yinakap ---- niyakap
2. luto + in ---- linuto ---- niluto
8. Mga Sudlong – Pagdaragdag ng hulapi sa pandiwang di-karaniwang may hulapi na.

Halimbawa:
1. antabay + an ---- antabayan ---- antabayanan
2. paalala + han ---- paalalahan ---- paalalahanan

E. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang anyo ng morpema na hindi nakakatayong magisa.
a. Morpemang panlapi
b. Morpemang salitang-ugat
c. Morpemang ponema
2. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita
upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap.
a. Morpema
b. Morpemang may kahulugang pangkayarian
c. Morpemang may kahulugang leksikal
3. Ito ay paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na
nagpapakilala ng gender o kasarian
a. Morpemang ponema
b. Morpemang salitang-ugat
c. Morpemang panlapi
4. Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang
payak, mga salitang walang panlapi.
a. Morpemang panlapi
b. Morpemang ponema
c. Morpemang salitang-ugat
5. Ang naganap na pagbabago ay tinatawag na pagbabagong ______.
a. Ponolohiya
b. Morpoponemiko
c. Asimilisasyon
6. Pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog sa isang nilalapian.
a. Asimilisasyon
b. Metatisis
c. Reduplikasyon
7. May angkop ng pagkakaltas sa isa sa dalawang salitang
magkasunod at kung minsan ay pagpapalit ng mga titik.
a. Di-ganap
b. Ganap
c. Pagpapaikli
8. Pinapalitan ng d ng r, h ng n, at o ng u.
a. Pagbabago ng ponema
b. May sudlong
c. Metatisis
9. Ang tunog ng isang bahagi ng salita ay itinutulad sa katabi niyang
tunog.
a. Metatisis
b. Morpoponemiko
c. Asimilisasyon
10. Pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita ay pagdaragdag ng
panlapi o higit pang morpema.
a. Morpoponemiko
b. Diin
c. Pagbabago ng ponema

F. Takdang Aralin
Panuto:
1. Bumuo ng grupo na mayroong tatlong (3) miyembro.
2. Gumawa ng isang tula na ginagamitan ng mga salitang may
panlapi at salungguhitan ito.
3. Inaasahan na ang tula ay binubuo ng apat (4) na saknong o
taludtod.
4. Ang tema ng inyong tula ay patungkol sa napapanahong isyu sa
ating bansa.

You might also like