You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Pambansang Paaralang Sekundarya ng Taysan
Taysan, San Jose, Batangas

Banghay-Aralin sa Filipino9

Yugto ng Pagkatuto: Linangin- Gramatika


I. Layunin
F9WG-IIg-h-51
Nagagamit ang mga kohesiyong gramatikal sa pagsulat ng maikling dula.

Natutukoy sa mga pahayag sa dula ang mga kohesiyong gramatikal na


ginamit.

Nailalahad ang pagkakaiba ng anapora at katapora.

II. Pamantayang Pangnilalaman


Paksa: Munting Pagsinta
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ( pahina 163-165)
Kagamitan: pantulong biswal, powerpoint, laptop, telebisyon

III.Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagbabalik- Aral

1. Sino ang makapaglalahad ng


ating aralin na tinalakay kahapon?
Ang ating pong tinalakay kahapon ay
tungkol po sa dulang “Dahil sa Anak”
2. Sino ang mga tauhan?
Ang mga tauhan po sa akda ay sina:
Don Arkimides- ama ni Manoling/Manuel
Don Cristobal- pinsan ni Don Arkimides
Manuel- anak ni Don Arkimides na
nakabuntis kay Rita.
Rita- anak ng labandera, isang babaeng
malinis, dangal, at puri
3. Saan naganap ang tagpuan ng
dula?
Ito po ay naganap sa bahay mayaman.

4. Ilarawan ang karaniwang


pamumuhay ng tao na
masasalamin sa dula. Ang karaniwang pong pamumuhay ng
tao ang ipinakita sa dula ay ang
pagbibigay payo sa mga taong
nangangailangan.

Magaling! Ngayon ay nabatid kong


naunawaan ninyo ang ating aralin kahapon.
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong
aralin.

A. Pagganyak
Meron ako ritong inihandang aktibiti.
Ang aktibiting ito ay tatawagin nating
“ Pahayag ko…Kilalanin Mo Ako”.
Tatawag ako ng ilang mag-aaral na
ang hilig ay pag-arte.

Mayroon ako ditong mga pahayag na


lalapatan nyo ng tamang emosyon at
damdamin.

1. Bash wala na ang dating Popoy


na pinakasalan mo. This is me at
my worst. Kaya mo pa ba akong
mahalin ng ganito. John Loyd

2. Ang galing ng reyna ko! Bakit?


Kasi hindi pa nag-uumpisa ang
laro, panalo na siya sa puso ko. Daniel

3. Syinota mo ako eh, syinota mo


ang bestfriend mo. Kim Chui

4. Santos, kung bubunutin mo ang


baril mo, tiyakin mo lang na
papatay ka. Kung hindi ikaw ang
papatayin ko. Fernando Poe Jr.

Mga Katanungan:
1. Sa una at ikalawang
pangungusap, ito ay mga salitang
may salungguhit na ipinalit sa
pagganap.
ako
Siya
2. Sa ikatlo at ikaapat na
pangungusap ano naman ang
mga salitang ipinalit sa pagganap
sa pangungusap? Ako
Siya

3. Ngayon naman ano ang tawag


ninyo sa salitang ipinalit batay sa
pangungusap na ibinigay?
Ito po ay panghalip.
4. Sa mga salitang hinalinhan nito,
ano kaya ang tawag sa mga ito?
Pangngalan
5. Masdan ninyo ang una at
ikalawang pangungusap, ano ang
napapansin ninyo sa pagkakabuo
nito?
Nasa unahan po ang panghalip at
nasa hulihan po ang pangngalan.
6. Mahusay! Sa ikatlo at ikaapat na
pangungusap?
Nasa unahan po ang pangngalan at
nasa hulihan ang panghalip.
Ngayon ay batid kong handa
na kayo para sa ating panibagong
aralin. Ngunit bago iyon ay
ilalahad ko muna ang mga layunin
para sa araw na ito.

B. Analisis
Ano ang panghalip?
Sino ang makapagbibigay ng
kahulugan nito?
Ang panghalip po ay panghalili o
pumapalit sa pangngalan.
Magaling! Ang ating pag-aaralan
ngayon ay may kaugnayan sa
panghalip. Iyon ay ang kohesiyong
gramatikal na katapora at anaphora.
Sino ang may alam sa inyo kung ano
ang kohesiyong gramatikal?
Ma’am pagsinabing kohesiyong
gramatikal ay mga salitang kadalasan ay
mga panghalip.

Ang kohesiyong gramatikal na


pagpapatungkol ay mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi paulit-
ulit ang mga salita.
Tama! May dalawang uri ito. Ang
Anapora at Katapora. Ano kaya ang
Anapora?
Ito po ay panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan.

Nasa unahan ang pangngalan at nasa


hulihan ang panghalip.
Tama narito ang halimbawa ng
Anapora.

Ang mga kababaihan ngayon ay


hindi papahuli sa pagsabay sa
pagbabagong bunsod ng
modernisasyon, sila’y
namamayagpag sa iba’t-ibang karera
katulad ng mga kalalakihan.
(pagbibigay ng halimbawa ng mga
mag-aaral)
Ngayon, ano naman ang katapora?
Ma’am ang katapora po ay ang
panghalip na ginagamit sa unahan
bilang pananda sa pinalitang panghalip
sa hulihan.
Tama. Narito ang halimbawa ng
katapora.

Matutuwa sila dahil higit na


pinagbubuti ang kurikulum para sa
mga mag-aaral.
(magbibigay ng halimbawa ang mga
mag-aaral).
Naintindihan nyo naba ang
pagkakaiba ng Anapora at Katapora? Opo!

Kung gayon ay balikan natin ang


mga pangungusap sa halimbawang
ibinigay bago tinalakay ang paksa.

1. Anapora
2. Anapora
3. Katapora
4. Anapora
Mahusay! Lubusan na ninyong
naintindihan ang ating tinalakay.
Ngayon, nalalaman na ninyo ang
pagkakaiba ng anapora at katapora.

C. Abstraksyon
Ngayon naman ay magkakaroon tayo
ng dugtungang pagsasalaysay batay
sa inyong naunawaan matapos ang
ating talakayan

Natuklasan ko na………
Natutunan ko……….

D. Aplikasyon
Upang mas mapalawig pa ang
inyong mga kaalaman hinggil sa
paksang ating tinalakay ay
magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain.

Pangkat 1: Piliin ang mga pahayag o


diyalogo sa dulang “Dahil sa Anak”.
Gayahin ang pormat sa kasunod na
graphic organizers at gawin ito sa
sagutang papel

Pahayag/diyalogo Kohesiyong Gramatikal


(anapora at katapora)

Pangkat 2: Bigyan ng sariling pagwawakas


ang dulang”Dahil sa Anak” gamit ang
kohesiyong gramatikal.
Pangkat 3: Bumuo ng isang tula na
naglalahad ng natutunan batay sa
paksang aralin na tinalakay.

Pangkat 4: Sumulat ng isang


maikling eksena tungkol sa
nagaganap sa loob ng inyong
tahanan. Gumamit ng kohesiyong
gramatikal sa pahayag.

E. Pagtataya
Panuto: Suriin ang mga pahayag.
Itala ang kohesiyong gramatikal na
ginamit at isulat kung ito ay anapora
o katapora.

1. Nakiusap ang pangulo sa kanila,


pumayag naman ang mga pulis at
sundalo.
2. Dito naganap ang isang himala,
tunay na natatangi ang simbahan ng
Lourdes.
3. Ang pagmamahal ng guro sa
kanyang mag-aaral ay hindi
mapasusubalian, ito ay taglay niya
hanggang kamatayan.
4. Mamamayan ang buhay ng isang
bansa kaya’t tayo’y nagsisipag sa Susi sa Pagwawasto
paghahanap-buhay. 1. kanila- katapora
5. Iyan ang mga kasangkapan niya sa 2. dito- katapora
pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga 3. ito- anapora
talaga ang karaniwang susi sa 4. tayo-anapora
pagtatagumpay. 5. iyan-katapora

Takdang Aralin:
Sumulat ng isang maikling diyalogo na sumasalamin sa karaniwang
pamumuhay ng mga Pilipino gamit ang mga kohesiyong gramatikal.

Inihanda ni
_____________________
PRINCES JANE C. MIRAL
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni
___________________
JOMIELYN RICAFORT
Gurong Tagapagsanay

You might also like