You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 6

COT - 1

Guro: Gng. May Ann G. Lazaro Petsa: Oktubre 19, 2023


Baitang/Seksyon: Grade VI – Passionate Inobserbahan ni: Gng. May A. Estiandan
I.LAYUNIN (Objectives)
A.Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standards)
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B.Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards)
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto ( Isulat (F6WG-Ia-d-2)


ang code sa bawat kasanayan) Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa
iba’t ibang sitwasyon
I. NILALAMAN Wastong paggamit Panghalip Panao
( Subject Matter)
I. KAGAMITANG PANTURO SAMUT-SARI.COM
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo ALAB FILILIPINO p.27-28, p.31-36
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang
Mag-Aaral
3. Karagdagang kagamitan mula sa
LRDMS
4. Iba pang Kagamitang Panturo Projector, kompyuter, speaker, mga larawan, activity sheets, show me board
III.PAMAMARAAN
Pagsasanay:
Panuto: Tukuyin ang mga pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Dapat na parangalan ang mga bayani.
2. Kailangan bang maging matapang ng isang sundalo?
3. Ang ating bansa ay Maganda.
4. Tingnan mo sa mapa ang iyong hinahanap.
5. Ang tribo ng mga mangyan ay masisipag.
A. Balik –aral sa nakaraang Aralin o Ang mga bata ay maglalaro ng “Ang Mahiwagang Kahon”.
pasimula sa bagong aralin
(Review)
Ang mahiwagang kahon na naglalaman ng mga salita ay ipapasa sa katabi habang
tumutugtog ang kanta. Kapag huminto ang kanta, kung sino ang huling may hawak
ng kahon ay bubunot ng salita at tutukuyin niya kung ito ay pantangi o pambalana
at gagamitin niya ito sa pangungusap.
1. Coco Martin
2. kabinet
3. kurtina
4. Nike
5. tsokolate

A. Paghahabi sa layunin ng aralin Pag-awit ng kantang “Awit ng Panghalip”


(Motivation)
B. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang binubuo ng mga salitang ginagamit na panghalili
bagong aralin (Presentation) sa mga pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip:


-Panghalip Panao
-Panghalip Pananong
-Panghalip Panaklaw
-Panghalip Pamatlig
-Panghalip Pamanggit

Ang Panghalip Panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao.

Kailanan ng Panghalip Panao:


ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN
ako, ko, ikaw, ka, siya, kami, tayo, natin, atin, kami, tayo, natin, kayo,
akin, mo, niya, iyo, kayo, sila, ninyo, nila, sila, ninyo, nila, inyo,
kaniya inyo, kanila, namin kanila, namin

Panauhan ng Panghalip:
1. Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kanyang sarili.
2. Ang ikalawang panauhan ay tumutukoy sa toang kausap o kinakausap.
3. Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan.

UNANG IKALAWANG IKATLONG


PANAUHAN PANAUHAN PANAUHAN
ako, ko, akin, kami, ka, ikaw, mo, iyo, kayo, sila, nila, siya, kanila,
amin, natin ninyo kaniya

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ang guro ay magbibigay ng mga pangungusap at tutukuyin ng mga bata ang mga
paglalahad ng bagong kasanayan mga panghalip na ginamit.
No. I (Modeling)

Mga Halimbawa:
1. Kayo po ba ang mga magulang ni Sandrei?
2. “Siya ng punongguro namin,” sabi ni Carlo kay Anjo.
3. “Mauuna ka na, April. Ako nalang ang maghihintay kay inay,” sabi ni Lisa kay
April.
4. “Maglalakad nalang ako pauwi,” sabi ni Renz sa kanyang mga kapatid.
5. “Kayo na mga kaibigan ko ang gusto kong kasama sa paggawa ng proyekto,”
sabi ni Lyka.

Ang guro ay magpapakita mga ng pangungusap at tutukuyin ng mga bata ang mga
salitang maaaring palitan ng mga panghalip.

Pagkatapos ng guro ay bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral makapagbigay


ng sarili nilang halimbawa.

Pagpapalit ng panghalip panao gamit ng show me board.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Hahatiin ng guro ang klase sa apat na grupo at maglalaro ng “Panghalip Panao
paglalahad ng bagong kasanayan Game Show”. Ipapakita ng bawat grupo ang kanilang sagot sa bawat sa
No. 2.
(Guided Practice)
pamamagitan ng Show Me Board. Ang grupo na may pinakamataas na iskor ang
siyang mananalo.
E. Paglilinang sa Kabihasan Pagsagot ng “Crossword Puzzle”
(Tungo sa Formative Assessment) Buuin ang talata at “puzzle” sa pamamagitan ng pagsulat ng angkop na panghalip
(Independent Practice)
panao.

F. Paglalapat ng aralin sa pang araw


araw na buhay Pangkatang Gawain
(Application/Valuing)
Panuto: Gumamit ng mga Panghalip Panao sa mga
sumusunod na sitwasyon.
I. Pagbuo ng pangungusap na may panghalip gamit ang
mga larawan.
II. Pagbuo ng dayalogo tungkol sa kahalagahan ng
pagmamahal at paggalang sa matatanda gamit ang
panghalip.
III. Gumawa ng maikling tula gamit ang mga panghalip
panao.
IV. Hugot Line: Lumikha ng hugot lines tungkol sa mga
gamit sa paaralan.

G. Paglalahat ng Aralin Ano ang Panghalip? Kailan ginagamit ang Panghalip Panao?
(Generalization)
Pag-awit ng kantang “Panghalip Panao Song”
H. Pagtataya ng Aralin
PAGTATAYA: Tukuyin ang panghalip na panao na
maaaring pamalit sa mga salitang nakasalungguhit sa bawat
pangungusap. Mamili ng sagot sa kahon.
1. Sina Tito Joaquin at Kuya Jet ang susundo sa ibang mga
panauhin._____
2. Ikaw, si Amalia, at ako ay
maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa okasyon.
_______
3. “Magandang hapon po. Cristina Torres po ang pangalan niya.
Si Cristina Torres po ang magdadala ng keyk na ipinagawa
ninyo,” sabi ni Joy. ____
4. Ikaw, si Jose at si Pepe ang kukuha ng videoke, _________
5. Ang mga gawain sa paghuhugas ay paghahatian ko, ni Nene at
Marie. ________

J. Karagdagang gawain para Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng 10-15 na pangungusap tungkol sa
satakdang-aralin at remediation iyong pamilya gamit ang mga panghalip panao.
(Additional activities for application or
remediation)

You might also like