You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino IV

Wika

I. Layunin
A. Tukoyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala.
B. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian.
C. Gamitan ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap.

II. Paksa at Aralin:

A: Paksa: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian nito

B. Sanggunian: Hiyas sa Filipino IV p.10-13, 16


http://lessonproper.blogspot.com/2011/06/uri-ng-pangungusap-ayon-sagamit.html

C Kagamitan: laptop, ohp projector, plaskard

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtetsek ng liban at hindi liban..
c. Pagbati.

B. Balik-Aral

Magpapakita ang guro ng ibat-ibang


uri ng pangungusap sa pisara.

Ating basahin ang mga sumusunod:

1. Namangha si Rene nang mabasa ang


nakapaskil sa harap ng kanilang tahanan.

2. Bukas ay magsadya po kayo sa taong


napagsanlaan ng lupa at sabihing makikipag-
ayos po tayo.

3. Huwag po kayong mag-alala.

4. Bakit kaya? Ano ang nangyari?

5. Inay! Itay! Narito na po ako!

Mga bata pansinin ang mga


nakapaskil sa pisara.

Ano-anu ang mga nakapaskil na ito, Ito po ay mga pangungusap.


sino ang may ideya?

Tama, ito ay mga pangungusap. Ito po ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Ito po
Ngayon sa nakaraang araw ng ating ay nagsisimula sa malaking titik.
talakayan. Ano nga ulit ang
pangungusap.
Ako’y nagagalak sapagkat nasagot
ninyo ang aking katanungan.

Mabuti ba kayong tagapakinig?


Unawaing mabuti ang kwentong
“Huwag Kayong Mag-alala”. Uriin ang
mga pangungusap ayon sa gamit.

C. Paglalahad

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na


buo ang diwa. Binubuo ito ng panlahat na
sangkap, ang simuno at panag-uri

Ano-anu ang mga ito?

1. Nagsasalaysay- pangungusap na
nagkukwento o nagsasalaysay ng pangyayari.
Ito ay nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa:
a. Si Ana ay tumatakbo.
b. Ang ibon ay lumilipad.

2. Pa-utos-pangungusap na nag-uutos at
nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa:
a. Magdilig ka ng halaman.
b. Magsibak ka ng kahoy

3. Pakiusap- pangungusap na maaring


nagsasaad ng paghingi ng pabor.
Ginaagamitan ng magagalang na salita upang
maki-usap. Maaring nagtatapos sa bantas na
tuldok o tandang pananong (./?)

Halimbawa
a. Maari ba akong humiram ng lapis.
b. Pakisara po ang pinto.

4. Patanong- pangungusap na naghahanap ng


kasagutan at nagtatapos sa bantas na
tandang pananong. (?)

Halimbawa:
a. Nasaan na ba ang aking apo?
b. Kaya mo bang buhatin ‘yan?

5. Padamdam- pangungusap na nagpapahayag


ng matinding damdamin. Maaring pagkatuwa,
pagkabigla, pagkatakot o pagkalungkot. Ito ay
nagtatapos sa tandang padamdam. (!)

Halimbawa:
a. Naku! Ang daming insekto!
b. Bilisan mo! Umuulan na!
D. Pangkalahatan

Ano ang pangungusap? Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang
diwa. Binubuo ng simuno at panag-uri.

Ilan ang mga Uri ng Pangungusap ayon sa Lima po ang Uri ng pangungusap ayon sa gamit ito
gamit at Anu-ano ang mga ito? po ay ang mga pangungusap na pasalaysay,
patanong, pakiusap, pautos at padamdam.

Aling bantas nagtatapos ang pangungusap na Ang pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap
pasalaysay, pautos at pakiusap? ay nagtatapos sa tuldok.

Anong pangungusap ang nagtatapos sa Ang pangungusap na patanong ay nagtatapos sa


tandang pananong? bantas na tandang pananong.

Anong pangungusap ang nagtatapos sa Ang pangungusap na padamdam ay nagtatapos sa


tandang padamdam? bantas na tandang padamdam.

IV. Pagtataya:

A. Subukan Natin

Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam.
Lagyan ng tamang bantas.

1. Si Lisa ay matalinong bata_


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

2. Hay Naku_ Kayo na ang mag-usap__


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

3. Saan ka pupunta_
A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

4. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan_


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

5. Paki abot po ng lapis ko_


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

Sagot:

Bilang Titik Bantas

1 A pasalaysay tuldok (.)

2 E padamdam tandang
padamdam (!)

3 C patanong tandang
pananong (?)
4 B pautos tuldok (.)

5 D pakiusap tuldok (.)


B. Subukan Mo Na

Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam.
Lagyan ng tamang bantas.

---1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__


__2. Maari po ba akong humiram ng pera_
__3. O, bakit ka naudlot_
__4. Sige, Gina, patuluyin mo_
__5. Dito na ba sila patitirahin_
__6. Naku_ may sunog_
__7. Huwag mong intindihin ‘yon_
__8. Kumain na tayo_
__9. Napatingin ako sa tatay
__10. Kinapos ng pagkain si Aling Gloria_

Sagot:

Bilang Uri ng Bantas


Pangungusap
1 pasalaysay tuldok (.)

2 pakiusap tuldok (.)

3 patanong tandang
pananong (?)

4 pasalaysay tuldok (.)

5 patanong tandang
pananong (?)

6 padamdam tandang
padamdam (!)

7 pasalaysay tuldok (.)

8 pasalaysay tuldok (.)

9 pasalaysay tuldok (.)

10 pasalaysay tuldok (.)

V. Takdang Aralin:

Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawangpangungusap na Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong at


Padamdam

Inihanda ni:
Mary Jean M. Dacallos
Aplikante

You might also like