You are on page 1of 9

I.

Layunin

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy/naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.


B. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap.
C. Naipapakita ang kooperasyon at pagpapahalaga sa pangkatang gawain.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pagpapahayag ng kaisipan at damdamin na ginagamit ang iba'


B. Sangunian: F6WG-IVA-J-13
Hiyas sa Filipino 6 Wika p. 11-
14
URI NG PANGUNGUSAP (Alikabuk Ep.9)
http://www.slideshare.net/JenyHernandez/mga-uri-ng-pangungusap-filipino-i
C. Kagamitan: Laptop, Projector/Manila paper, Construction paper, mga larawan
D. Pagpapahalaga: Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay susi sa tagumpay na minimithi.

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga Bb!

Halina at tayo ay tumayo para sa ating (mananalangin)


panimulang panalangin ngayong umaga. ,
maari mo bang pamunuan ang ating
panimulang panalangin?

1, Bago tayo maupo tignan nyo muna ang (Nagpulot at nag ayos ng nasasakupan ang
inyong nasasakupan kung ito ay malinis at bawat estudyante)
maayos, damputin na rin ninyo ang inyong mga
kalat at itapon sa basurahan.

2. Pag-uulat ng liban

Meron bang lumiban ngayong araw? Wala Ginoo.


At dahil walang lumiban sa inyong klase,
bigyan nyo ang ingyong mga sarili ng isang (Ginawa ang fireworks clap)
fireworks clap!

A. Balik-aral

Bago pala tayo mag simula sa ating paksa,


tayo muna ay maglalaro at eto ang aking
panuto. Pipili ako ng sampung bata at
ipapangkat nila ang kanilang sarili ng tig
dadalawa at magpapaputok ang bawat grupo
ng tig iisang lobo. Ang bawat lobo ay may
nakapaloob na pangungusap. Kanilang
tutukuyin kung alin ang simuno at panaguri sa
bawat pangungusap.

Magaling, naunawaan na ninyo ang ating aralin


kahapon. Ngayon, dadako tayo sa ating
susunod na aralin.

B. Pagganyak
Maari po, Bb. (uupo ng maayos)
Bago tayo mag umpisa, maari ba kayong
maupo nang maayos?
Ngayong umaga meron akong katanungan sa
inyo. Masisira po ang kanilang mga pananim na
gulay.
Ano ang karaniwang nangyayari saisang lugar
na naapektohan ng isang kalamidad, sige nga Mawawalan po ng tahanan.
?
Maraming masasaktan o kung minasn may
namamatay.

Maaring magkaroon ng pagguho ng lupa.

C. Paglalahad

Ngayon ay magbabasa tayo ng isang kwento.


Bago tayo mag simula, maari nyo bang ibigay
ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik?
Bb, ang una ay maupo ng matuwid.
Ano ano ang mga pamantayan sa
pagbabasa ng tahimik? Ang pangalawa naman ay hawakan ng
dalawang kamay ang binabasa.

Pangatlo naman po ay gamitin ang mga mata


sa pagbabasa at itikom ang bibig.

Pang-apat naman po ay unawaing mabuti ang


binabasa.

At ang panghuli po ay itabi ng marahan ang


binabasa pagkatapos basahin.

(Ginawa ang angel clap)


Tama ang inyong ibinigay na mga
pamantayan, kung gayon ay bigyan ninyo ang
inyong sarili ng isang angel clap!

Mayroon akong ipamimigay na kopya ng


kwento at gawin ninyo ang pagbasa sa loob ng
tatlong minuto.

“Sopas na Bato”
Ito ang Baryo Tahimik. Tahimik dahil walang
pakialaman ang mga tao sa kanilang paligid.
Nakakaranas sila ng tag- gutom dahil sa
bagyong nanira ng kanilang pananim at
kabuhayan.
“Wow! Nanay ang bango ng ulam!” “Shhhh…
Huwag kang maingay. Baka marinig ka ng
kapitbahay at humingi pa sila ng pagkain
natin.” Itinatago ng mga tao ang kani-kanilang
pagkain. Natatakot na baka hingan sila ng
pagkain ng mga kapitbahay.
Isang araw may isang matandang
manlalakbay na may bitbit na sako na hugis
bilog. Ang matanda ay pagod na pagod at
gutom na gutom. Kumatok siya sa mga bahay
upang humingi ng pagkain, subalit wala ni isa
ang nagbigay. Sa gitna ng daan inilabas ng
matanda ang kaserola at saka nagwikang “ nais
kong ipatikim sa inyo ang pinakamasarap na
Sopas na bato.” Sigurado kayo na sa batong
iyan makagagawa kayo ng masarap na sabaw?
" Mas masarap ito kung lalagyan natin ito ng
karne ng baka. Wala naman siguro kayong
karne ng baka?” “ Ahh, ehh, parang may natira
pa akong karne ng baka sa bahay.” Tinawag ng
ale ang kanyang anak at nagwikang “ Kunin mo
ang karne ng baka sa mesa.”
At inilagay nga sa sabaw ang karne. “Mas
sasarap ito kung lalagyan natin ito ng gulay at
mais. Wala naman siguro kayong mga gulay at
mais?” “Ahh, ehh parang mayroon pa akong
mais.” Tinawag ang kanyang anak at
nagwikang “Kunin mo ang mais doon sa
lalagyan ng pagkain”. At mayroong nagwika na
“parang may natira pa akong konting gulay at
mais na pandagdag para sa sopas”. Nagwika
din siya na “paki kuha ang ating gulay anak” at
“pakikuha na din ang natitirang mais kuya”.
Lahat ng mga taga-baryo ay nagbigay ng
kanilang sangkap.
“Mmmm! Ang bango naman ng sopas! Luto
napo ba ang sopas? Ang lahat ng mga taga-
baryo ay kumain ng pinakamasarap na sopas
na bato. Panalo!
Simula noon hindi na ganoon katahimik ang
baryo Tahimik, dahil natutunan nila na ang
pagtutulungan ay susi upang sila ay
makabangong muli.

D. Pagtalakay sa mga tanong

Naunawaan ba ang kwentong inyong binasa?


Kung gayon, aking titignan kung tunay na
naintindihan nyo ang sa pamamagitan ng pag
sagot sa mga sumusunod na tanong.
Sopas na Bato po.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


Bagyo po.
2. Ano ang naranasan kalamidad sa baryo
Tahimik? Isang matandang manlalakbay po.

3. Sino ang dumating sa baryo? Wala ni isa ang nagbigay ng pagkain.


4. Ano ang ginawa ng mga tao ng humingi ng
pagkain ang matanda? Ang pagtutulungan po at pagkakaisa ay susi sa
tagumpay na minimithi.
6. Ano naman ang aral na natutunan ninyo
sa kwento, sige nga ?

E. Paglinang ng kasanayan
(Powerpoint Presentation)
Mga Uri ng Pangungusap

Buhat sa kwentong binasa kanina, tatalakayin


din natin kung paano ipapahayag ang iba’t
ibang uri ng pangungusap.

Narito ang iba’t-ibang uri ng pangungusap mula


sa kwento ng Sopas na Bato. Basahin nga
ninyo ang unang pangungusap. (babasahin ang

Ang matanda ay pagod na pagod at gutom na


gutom. pangungusap) Nagsasaad po

Ngayon, ano ang sinasaad ng pangungusap?


ng pangyayari. Tuldok po.
Magaling! Sa anong bantas naman ito nag
tatapos?

Tama, ang pangungusap na inyong binasa ay


tinatawag na pangungusap na paturol o
pasalaysay.

(ipapakita at ipapabasa ang kahulugan ng


pasalaysay)

1. Paturol o Pasalaysay- ginagamit sa


pagsabi ng pangyayari o
katotohanan. Natatapos din ito sa (nagbibigay ng halimbawa)
tuldok.

Ngayon maari ba kayong mag bigay ng sariling (nagbigay ng halimbawa)


halimbawa?

Tama, isa pa ngang halimbawa?

Magaling, ang lahat ng inyong isinagot ay tama. (babasahin ang pangungusap)

Ngayon, basahin naman ang susunod na


pangungusap.

Wala naman siguro kayong karne ng baka? Ito po ay nagtatanong.

Ano naman ang masasabi ninyo dito sa


pangungusap? Sa tandang pananong po.

Magaling! Sa anong bantas naman ito


nagtatapos?

Tama ang pangungusap na inyong binasa ay


tinatawag na pangungusap na patanong.

(ipapakita at ipapabasa ang kahulugan ng


patanong)

2. Ginagamit ito sa pananong at


ginagamitan ito ng tandang (nagbigay ng halimbawa)
pananong (?) sa hulihan.

Sino naman ang makakapagbigay ng (nagbigay ng halimbawa)


halimbawa?
(nagbasa)
Magaling, isa pang halimbawa.
Magaling, mga bata. Ngayon naman basahin
ninyo ang pangungusap na ito.

Kunin mo ang mais doon sa lalagyan ng Ang pangungusap po ay nag uutos.


pagkain.

Ngayon mga bata, ano naman ang inyong Sa tuldok po.


masasabi sa pangungusap na inyong binasa?

Tama, ngayon naman anong bantas naman ito


nag tatapos?

Tama nanaman, ngayon naman ay pakibasa (nagbasa)


naman ang susunod na pangungusap.
Ang pangungusap po ay nakikiusap.
Pakikuha ang ating gulay anak.
Tuldok nanaman po.
Ano ang inyong masasabi sa pangungusap?

Tama, sa anong bantas naman ito nagtatapos?

Tama kayo mga bata, ang tawag naman natin


sa mga dalawang pangungusap na inyong
binasa ay pangungusap na pautos/pakiusap.

(Ipakita ang kahulugan at ipabasa ang


pautos/pakiusap)

3. Pautos/Pakiusap- ginagamit sa pag


uutos o pakikiusap. Nilalagyan ito (nagbigay ng halimbawa)
ng tuldok sa hulihan.

Sino naman ang pwedeng mag bigay ng (nagbigay ng halimbawa)


halimbawa sa pautos?

Tama, sino ang maaring magbigay ng


halimbawa sa pakiusap?

Tama! Ngayon mga bata, basahin ninyo ang (binasa ang pangungusap)
huling pangungusap.
Nagpapakita po ito ng matinding damdamin.
Wow! Nanay ang bango ng ulam!
Nagtatapos po ito sa tandang padamdam po.
Ano ang ipinapakita ng pangungusap?

Magaling, sa anong bantas naman ito


nagtatapos?

Tama nanaman! Ang tawag nga pala dito sa


pangungusap na ito ay pangungusap na
padamdam.

(ipakita ang kahulugan ng padamdam at


ipabasa)

4. Ginagamit sa pagpapakita ng matinding


damdamin gaya ng tuwa, galit, gulat,
sakit at ibapa. Nagtatapos ito sa (nagbigay ng halimbawa)
tandang padamdam.

Mag bigay nga kayo ng pangungusap na (nagbigay ng halimbawa)


padamdam?

Tama, sino pa?

Tama!

Ayan ang mga apat na uri ng pangungusap.


Ang mga ito ay; paturol o pasalaysay,
patanong, pautos/pakiusap/ at padamdam.

Opo, Bb.
F. Paglalahat

Naintindihan nyo ba ang ating paksa ngayong Opo, Bb. Paturol o pasalaysay, patanong/pautos,
araw? at padamdam po.

Kung gayon, ano-ano ang mga uri ng


pangungusap ayon sa gamit, at maari nyo (pumalakpak ng limang beses)
bang ilahad ang mga ito, sige nga ?
Naglalahad po ng katotohanan o pangyayari.
Tama, bigyan si ng limang palakpak!

Sino naman ang makakapag bigay kung Ginagamit po sa pagtatanong.


ano ang paturol o pasalaysay, sige nga ?

Magaling, e sa patanong naman, sige nga Ginagamit po ito sa pag-uutos o pakiusap


?

Tama, dumako naman tayo sa pautos, sino ang


makakapagsabi kung ano ang pautos at Ginagamit sa pagpapahayag ng matinding
pakiusap? damdamin.

Magaling, at ang panghuli ay ang padamdam


naman mga bata.

Tama, lahat ng inyong sinabi ay tama. Ngayo’y


tayo naman ay dumako sa ating pangkatang
gawain.

G. Pagsasanay
(pangkatang gawain)

Ngayon naman ay mayroon tayong pangkatang


gawain at making kayo sa ating panuto na Kailangan po ng kooperasyon.
gagamitin dito sa ating pangkatang gawain.
Magtrabaho po ng tahimik.
Bago tayo mag magsimula ano muna ang
mga dapat gawin kapag kayo ay nag Mas maganda po ang resulta ng gawain at
papangkatang gawain? matatapos ito kaagad.

Magaling, ano ang kakalabas ng inyong


gawain kung may kooperasyon ang bawat
miyembro ng pangkat?

Tama! Ngayon ay bibigyan ko kayo ng isang


sobre ang bawat grupo at naka paloob sa
sobre ang mga gagawin ng bawat grupo.
Bibigyan ang bawat grupo ng sampung minuto
para matapos ang bawat aktibidad na naka
laan para sakanila. Pagkatapos ng sampung
minuto ay pipili ng isang kinatawan ang bawat
grupo para ipaliwanag ang kanilang gawa.
Unang grupo: Sumulat ng isang pangungusap
na; pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap, at
padamdam.

Ikalawang grupo: Gumawa ng pangungusap


hango sa bawat larawani.

Ikatlong grupo: Isulat kung anong uri ng


pangungusap ang ginamit sa bawat bilang.

Ika-apat na grupo: Lagyan ng bantas ang mga


sumusunod na pangungusap.

Mayroon kayong tig iisang minuto para Opo


ipaliwanag ang inyong mga ginawa.

Naintindihan ba? (iuulat ang ginawa sa harapan)


Magsimula na!

Tapos na ba? Ngayon naman ay iulat sa (pumalakpak)


harap ang inyong ginawa.

Magaling! Ngayon bigyan ninyo ang inyong


sarili ng sampung palakpak.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng


pangungusap ayon sa gamit. Gamitin ang
mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay),
PT (patanong), PD (padamdam), PU
(pautos) at lagyan nang angkop na
bantas.

1) Aray ang sakit


2) Kinagat ako ng
langgam kanina
3) Pakisabi kay Nanay
na dumating na si Tatay
4) Ipasok mo sa bahay
si bantay
5) Nasaan na ang pagkain
6) Paki abot nga ang
akin inumin
7) Naku mayroong ahas
8) Nasaan ang aking
mga ipinadala sa iyo
9) Ako ay labing
dalawang taong gulang
10) Ano ang pangalan ng
iyong guro

V. Takdang Aralin:

Panuto: Gumawa ng limang


pangungusap para sa paturol o pasalaysay,
lima din para sa patanong, lima din para sa
pautos at pakiusap at ang panghuli limang
pangungusap din para sa padamdam

You might also like