You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Pangasinan State University


Alaminos City Campus

Masusing Banghay Aralin

____________4: Filipino__________
Baitang: Asignatura

School: Pangasinan State University-Alaminos City Campus


Teacher: Sharmine A. Nivera
Teaching Date:
Teaching Time: 9:30-10:00 AM

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
A. Pamantayang Pangnilalaman:
ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
B. Pamantayan sa Pagganap:
talasalitaan.
Pangkalahatang Layunin:
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pampanitikan -kuwento
Topic Code: F4PB-Ia-d-3.1
C. Pamantayan sa Pagkatuto:
Tiyak na Layunin:
Nakabubuo ng tanong matapos mapakinggan ang kuwento.

II. NILALAMAN
Mga Layunin:

a. Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong karanasan sa buhay;

b. Napagsunod- sunod ang mga pangyayari sa kwento;

c. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng kwento.

III. PAKSANG ARALIN


A. Sanggunian
1. Patnubay ng Guro Wika at Pagbasa sa Filipino 4 pahina 40-41
2. Gabay Pangkurikulum
3. Kagamitan ng mga Mag- Wika at Pagbasa sa Filipino 4 (Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 25-26
aaral
4. Karagdagang Materyales Aklat, larawan, tsart, Powerpoint Presentation
B. Iba pang kagamitan:
C. Values Integration Pagiging Simple/ Masunurin
IV. PAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
PANIMULANG GAWAIN
A. Elicit
Bago tayo magsimula, tayo muna “Panginoon, panalangin po namin na
ay manalangin. magkaroon kami ng matatag na
pananampalataya sa Iyo sa panahong
ito. Alisin mo po ang aming mga pag-
aalinlangan at panghihina ng
kalooban. Bigyan mo po kami ng
matibay na pagtitiwala sa iyong mga
salita. Amen”

Isang masaya at magandang


umaga sa inyo mga bata!

Maari na kayong umupo, Ngayon,


atin naming alamin kung sino ang (Gagawin ng mga mag-aaral)
lumiban sa ating klase ngayong
araw?

Mahusay!

Bago tayo dumako sa paksang


ating tatalakayin ngayong araw
dumako muna tayo sa nakaraan
nating talakayin.

Naaalala niyo pa ba kung ano ang


tinalakay natin noong nakaraang
araw? Opo titser ito po ay ang pabula

Tama! Ano ba ang kahulugan ng


pabula?
Ang pabula ay isang maikling
kuwento na nagmula noong unang
panahon kung saan ang mga tauhan
ay hayop na nagsasalita.

Tama! Bigyan niyo ang inyong


sarili ng malakas na palakpak.

B. Engage
Ipapaskil ang mga larawan sa
pisara.

PAGTIGIL NG HININGA

KANDILA

PUNTOD
PAGKAULILA

Itanong sa mga mag-aaral ang


tanong:

1. Ano ang naiisip ninyo


o pumapasok sa (Mga posibleng kasagutan)
inyong mga isipan Namatay
kapag nakikita ang Kandila
mga larawang ito? Nag-iisa

Ganoon din ang nangyayari kay


Abri. Isang tahan sa kwento ng
Rehiyon XI nang mawalay sa
kanya nang biglaan ang
pinakamamahal niyang tao. Hindi
ko sasabihin sa inyo ang dahilan
kung bakit siya nawala. Isulat sa
pisara ang mga tanong na gusto
ninyong makunan ng kasagutan
tungkol sa kwento.
Inaasahang tanong:

1. Ano ang pamagat ng


kwento?
2. Sino si Abri?
3. Sino ang taong mahal
ni Abri na biglang
nawalay sa kanya?
4. Bakit nawalay kay (Sumulat ng mga katanungan sa pisara
ang mga bata)
Abri ang taong mahal
niya?

5. Paano hinarap ni Abri


ang nangyari sa kanya?
PANLINANG NA GAWAIN
C. Explore
Si Abri At Si Eli
Sina Abri at Eli ay magkasamang
nakatira sa kanilang sariling kubo
sa bundok. Nag-iisa sila at walang
mga kapitbahay. Isang araw,
nagpa-alam si Abri sa kanyang
asawa, “Manghuhuli ako ng
baboy damo.” Nangahoy nga si
Abri, kasama ang kanyang 3 aso
at dala ang kanyang tidalan
(lancia, spear, sibat sa Tagalog),
subalit wala siyang natagpuang
baboy damo. Sa halip, sa liblib ng
gubat, namataan niya ang isang
usa (ciervo, deer), malaki na ang
sungay (cuernas, antlers) kaya
natiyak niyang matanda na.

Sinugod ng mga aso at sinakmal


ang usa upang hindi makatakas.
Sunod ang tumatakbong Abri at
pinatay ng tindalan ang hayop.
Tapos, pumutol siya ng yantok
(rattan) sa tabi, itinali sa sungay
ng usa at hinatak ang hayop
pauwi. Sa bahay, sinalubong siya
ni Eli. Tuwang-tuwa ang mag-
asawa at marami silang pagkain.

Humakot sila ng mga panggatong


(leña, firewood) at iba pang
kahoy. Nagparikit sila ng apoy,
gamit ang mga panggatong, at
nagbaon ng mga tukod (estacas,
posts) sa paligid, gamit ang ibang
kahoy. Sa tuktok ng mga tukod,
nagtali sila ng banghay ( parilla,
frame) na kahoy, naka-ibabaw sa
apoy. Duon nila inilatag ang patay
na usa upang masunog ang
balahibo ( piel, fur). Pagkatapos,
kinaskas nila hanggang nalinis
ang balat ( pellejo, skin) ng
hayop.

Sinimulan ni Abri na katayin


(matar, butcher) at pagpira-
pirasuhin ang usa. Samantala,
hinugasan ni Eli ang malaking
palayok (puchero, pot) at nilagyan
ng tubig upang ilaga (hervir, boil )
ang pira-pirasong laman (carne,
meat) at buto (huesos, bones) ng
usa. Naubusan ng tubig si Eli kaya
nagtungo siya sa ilog, dala ang
kanyang sekkadu (cubo, bucket,
timba sa Tagalog, subalit mas
lapat ang tabò, isang biyas (nudo,
node) ng kawayan (caña, bamboo)
na butas sa isang dulo).

Nakayapak sa ilog, umigib ng


tubig si Abri. Nang puno na ang
sekkadu, pinasan niya at
nagsimulang umakyat sa pampang
subalit biglang lumundag ang
isang dambuhalang isda at
sinakmal si Abri. Pumalag ang
babae subalit hindi siya
nakahiyaw dahil hinila siya ng
isda sa ilalim ng tubig. Duon
nalunod ang babae at kinain nang
buo ng isda.

Sa bahay, naghintay si Eli subalit


hindi na niya nakita kailan man
ang asawa. Araw-araw, hinanap
niya at araw-araw, umiyak siya sa
lungkot sa pagkawala ni Abri.
May sapantaha na ibang lalaki ang
dumukot at tumangay kay Abri,
subalit walang katibayan ito kahit
na ano.
D. Explain
Naintindihan niyo ba mga bata? Opo titser.

Mahusay! Tignan ko nga kung


totoong nasundan niyo ang
kuwento. Sagutin natin ang mga
sumusunod na tanong.

Sino ang pinakamamahal ni Abri Ang pinakamamahal ni Abri ay si Eli.


sa kuwento?

Ano ang pamagat ng kuwentong Si Abri at si Eli


binasa?

Nakaligtas ba si Abri sa tumangay


sa kanya? Hindi po titser.

Magaling! Dahil kayong lahat ay


nakinig sa ating talakayan bigyan
natin ang ating mga sarili ng (Gagawin ng mga mag-aaral)
tatlong malakas na palakpak.

Ngayon, dahil kayo ay nakinig


tiyak kung kayo’y natuto. Kaya
naghanda

PANGWAKAS NA GAWAIN
E. Elaborate

1. Bago Bumasa
    Ibibigay ang mga kagamitan ng
bawat pangkat.
   Bago babasahin ang kwento,
ipapaalam sa bawat pangkat ang
mga gawain. Bibigyan ang bawat
pangkat ng tig-iisang cartolina,
pentil pen, isang puting papel sa
siyang gabay ng bawat pangkat sa
gagawin. Maaari ring ipaliwanag
sa guro ang mga gawain.

Pangkat 1: Paggawa ng isang


graphic organizer "Flow Chart" na
nagpapakita ng mga detalye sa
kwento. Isulat sa cartolina. Pumili
ng isang miyembro upang ilahad
ang ginawa ng pangkat. Gawin ito
sa loob ng sampung minuto.

Pangkat 2: Paggawa ng isang


"P.L.O.T." tsart o
(Pamagat Lugar, Oras, Tauhan).
Isulat sa cartolina. Pumili ng isang
miyembro upang ilahad ang
ginawa ng pangkat.

Pangkat 3: Wakas na Winakasan


Pagsulat ng sariling wakas ng
kwento. Magdagdag ng mga
pangyayari upang magtagumpay
ang mga tauhan sa kwento. Isulat
sa cartolina. Pumili ng isang
miyembro upang ilahad ang
ginawa ng pangkat.

1. Habang Bumabasa
Pagbabasa ng tahimik sa
kwentong Abri at Eli.
Gagawin sa limang (5)
minuto.

3. Pagkatapos Bumasa
Paggawa ng gawain na
inilahad ng guro sa
number 1 (10 minuto) at
paglalahad ng bawat
pangkat (5 minuto).
F. Evaluate

Panuto: Piliin sa hanay A ang kahulugan ng mga salita sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. (6 na
puntos)       

Hanay A Hanay B

2. Sinakmal a. Ratan
3. Yantok b. Kinagat
4. Nagparikit c. Nagsindi
5. Banghay d. Kwadro
6. Sekkado e. Nakahiyaw
7. Nakasigaw f. Timba

G. Extend
Panuto: Sagutin ang tanong sa 1/2 na papel.
Sino ang mahal mo sa buhay na sumakabilang buhay na at gusto mong
makitang muli? Bakit?Ano ang sasabihin mo sa kanya? (10 puntos)

Puna

Repleksyon

Prepared by:

SHARMINE A. NIVERA
Student Teacher

Checked:

DR. ELLEN GRACE B. UGALDE


Supervisor

You might also like