You are on page 1of 8

MAGALANG NA

PANANALITA SA
PAGPAPAKILALA
SA SARILI
Sagutan Natin
1. Sino-sino ang nag-uusap sa diyalogo A at B?
A. Sina Dan at ang ina ng kanyang kaibigan
B. Sina Kenneth at Glen
2. Ano ang ginawa ni Dan, Kenneth, Glen sa diyagolo?
Sila ay magalang na nagpapakilala ng kanilang
sarili.
a. Bumati muna tulad ng …
o Magandang umaga.
o Magandang tanghali.
o Magandang gabi.
Sa pagpapakilala b. Banggitin ang iyong pangalan
sa sarili dapat c. Gumamit ng “po” o “opo” kung
tandan ang mga ang kausap mo ay nakatatanda
sumusunod: o matanda.
MGA HALIMBAWA:
 Magandang umaga po. Ako po si
Nilo Santos.
 Magandang tanghali po. Cristina
Gomez po ang pangalan ko.
Pagsasanay
Piliin ang tamang pagpapakilala sa sarili sa sumusunod na mga
sitwasyon.
1. Namasyal ka sa isang parke. Nakiupo ka sa tabi ng
isang batang kaedad mo. Nais mong makipagkaibigan
sa kanya.
a. Magandang umaga. Umalis ka.
b. Magandang umaga. Ako si Jon. Ikaw,
anong pangalan mo?
c. Maraming salamat.
Pagsasanay
Piliin ang tamang pagpapakilala sa sarili sa sumusunod na mga
sitwasyon.
2. Bagong lipat kayo sa inyong lugar. Nais mong
makipaglaro sa mga bata sa tapat ng bahay ninyo.
a. Magandang hapon. Karen ang pangalan
ko. Pwede ba akong sumali?
b. Ang ingay naman.
c. Walang anuman.

You might also like