You are on page 1of 3

Banghay- Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV

I. LAYUNIN
a. Matukoy ang mga gawaing nagpapakita ng wastong pangangalaga sa sarili.
b. Matukoy ang dapat at hindi dapat gawin sa kaugalian.
c. Mapahalagahan ang iyong buhay sa pamamagitan ng pag-iwas sa
pagkakaroon ng sakit.

II. PAKSANG ARALIN


Sarili ay Ingatan, Sakit ay Maiiwasan b. Sanggunian: Edukasyon sa
Pagpapakatao, Ikaapat na
Markahan, modyul 2
a. Paksa
c. Kagamitan : LCD projector, laptop
d. Valuing
III. PAMAMARAAN
1. Pagbabalik-aral
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga natutunan sa
nakaraang aralin. Pagkatapos, ipagawa ang gawain sa ibaba.
Panuto: Lagyan ng hugis puso ang patlang ng mga pangungusap na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili o kapwa.
______1. Pagbibigay ng mga lumang damit at pagkain sa kamag-aral na
nasunugan ng
bahay.
______2.Pagtatapon ng basura sa bakuran ng kapitbahay
______3. Pag-iingat sa pagtakbo upang hindi masugatan.
______4. Pag-aalaga sa taong may sakit.
______5. Pagbibigay ng junkfood sa kapatid at kaibigan
2. Pagganyak
Alin sa mga ito ang masustansiyang pagkain? Alin naman ang hindi?
Banana, kalabasa, ice cream, itlog, isda, at burger

3. Pag-aalis ng Sagabal
Ikaw ba ay kumakain ng gulay? Anong gulay ang iyong paborito? Ano
kaya ang mangyayari kung hindi tayo kumakain ng gulay?

4. Paglalahad
Ang wastong pag-iingat sa sarili ay nangangahulugan ng pagmamahal at
pagpapahalaga
sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos. Kapag pinapahalagahan mo ang iyong
kalusugan, maiiwasan mo ang pagkakaroon ng karamdaman o sakit.

5. Pagmomodelo
Ngayong araw, matututunan natin ang tamang pangangalaga sa sarili
upang maiwasan ang pagkakasakit.
Ayon sa kasabihang "Ang Kalusugan ay kayamanan", ang batang
malusog ang pangangatawan at isipan ay kayamanang maituturing sapagkat
kung siya ay malusog, makagagawa siya nang malaya at makapag-iisip nang
wasto. Ang palagiang pagkain ng masusustansiyang pagkain, pag-eehersisyo,
pagkakaroon ng sapat na tulog at pamamahinga ay kailangang ugalin upang
maiwasan ang pagkakaroon ng anumang sakit o karamdaman.

6. Guided Practice
Magkakaron tayo ng pangkatang gawain. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ng isang sitwasyon. Isasadula ng bawat grupo ang angkop na gawain na
nagpapakita ng tamang pangangakaga sa sarili ayon sa ibinigay na sitwasyon.
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang minutong preparasyon.

7. Independent Practice
Lagyan ng bituin ang mga sitwasyon na nagpapakita ng pagpapahalaga
sa sarili.

______1. Si Karl at ang kaniyang pinsan ay naglalaro ng basketbol nang


nakapaa kahit
napakainit ng panahon.
______2. Pagkagising sa umaga, ugali na ni Pina ang uminom ng
dalawang basong tubig.
______3. Mas pinipili ni Ella ang kumain ng gulay kaysa sa hotdog o
tocino. Mas malasa
raw kasi ang gulay at nakaiiwas pa sa sakit.
______4. Labis na matagal ang paggamit ni Danle ng mga gadgets na
sanhi ng paglabo
ng kaniyang mga mata.
______5. Nakagawian na ng mag-anak na Ramos na laging may gulay at
prutas sa
kanilang hapag-kainan.

8. Valuing
Sabihin: Mahalagang ingatan ang sarili dahil kapag malusog ang
pangangatawan ay magiging malusog din ang pag-iisip. Upang hindi ka
magkasakit, ano-ano ang iyong dapat gawin at hindi dapat gawin? Isulat ito sa
kalahating papel.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang dapat mong ugaliin upang hindi ka magkasakit?


A. Pagtulog buong maghapon
B. Paghuhugas ng kamay bago kumain
C. Pagkain ng matatamis at junk foods
D. Paliligo ng dalawang beses sa isang linggo
2. Galing sa pamamalengke ang iyong nanay. Bilang pag-iingat para sa
kaligtasan at kapakanaan ng inyong pamilya, ano ang iyong gagawin upang
makaiwas sa posibleng pagkalat ng virus?
A. Buksan ang pinamiling groceries.
B. Salubungin agad siya at magmano.
C. Kunin ang ginamit na facemask at faceshield ng iyong nanay.
D.Ipaghanda ng pamalit na damit ang iyong nanay at hintaying
makapagdisinfect ng kaniyang sarili.

3. Ang mga sumusunod ay makatutulong upang maiwasang mahawa ng


sakit maliban sa
A. regular na paghuhugas ng kamay
B. pag-iwas sa paghawak sa mata, ilong, at bibig
C. pag-iwas sa matataong lugar
D. madalas na pakikisalamuha sa ibang tao

You might also like