You are on page 1of 32

5

EPP Entrepreneurship / ICT


Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Pagkakaiba ng
Produkto at Serbisyo
EPP/TLE – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Catalina G. Bonus


Editor: Nimfa Maria S. Calpo
Tagasuri: Nimfa Maria S. Calpo
Tagaguhit: Catalina G. Bonus
Tagalapat: Catalina G. Bonus
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Roland M. Fronda, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE : Evelyn V. Mendoza,
District Supervisor, Samal : Jeolfa G. Reyes, EdD
Division Lead Book Designer : Jenina Elaine T. Naguit
District LRMDS Coordinator, Samal : Rodrigo S. Panlaque Jr.
School LRMDS Coordinator : Omar S. Manalansan
School Principal : Merlina R. Tinao
Lead Layout Artist, EPP/TLE : Emmanuel S. Gimena Jr.
Lead Illustrator, EPP/TLE : Mark Edson L. Fajardo
Lead Evaluator, EPP/TLE : Jeolfa G. Reyes, EdD
Rodrigo S. Panlaque Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

EPP
Entrepreneurship/
ICT
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Pagkakaiba ng
Produkto at Serbisyo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan sa Ikalimang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa


Ikalimang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahulugan
at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maipamalas ang
kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na entrepreneur, at mapahusay
ang isang produkto upang maging iba sa karaniwan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. naipaliliwanag ang kahulugan ng produkto at serbisyo (EPP5IE-Oa-2)
2. naipaliliwanag ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo (EPP5IE-Oa-2)

1
Subukin

Sa araw araw nating pamumuhay, mayroon tayong ginagamit o nakikitang


iba’t ibang produkto. Gayon din naman ay nakararanas o nakapagbibigay tayo ng
iba’t ibang serbisyo.

Panuto: Suriin ang mga larawan. Ano ang naiisip mong pangalan o brand name ng
bawat isa? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

2
6.

7.

8.

9.

10.

Tama kaya lahat ang iyong sagot? Maaari mong tingnan ang kasagutan
sa likod ng modyul na ito. Kung may mali ka ay bumawi ka na lang sa mga
susunod pang gawain. Maaari ka nang magpatuloy sa ating aralin upang higit
mo itong maunawaan.

3
Aralin
Kahulugan at Pagkakaiba ng
1 Produkto at Serbisyo
Ang pagiging isang entrepreneur ay maaaring matutuhan kahit sa murang edad.
Subalit tulad din sa ibang gawain o hanapbuhay, may ilang mahahalagang
katangiang kailangang taglayin ng isang batang tulad mo na makatutulong upang
maging matagumpay sa larangang ito.

Kabilang sa mga katangiang ito ang pagiging maayos, masipag, malikhain, malinis,
matapat, matulungin, maunawain at may tiwala sa sariling kakayahan.

Mahalaga na matutuhan ang kasanayan sa pakikihalubilo sa ibang tao, o aktuwal


na karanasan upang makatulong sa pagkakaroon ng oportunidad sa pagnenegosyo
na maaaring masimulan kahit sa murang edad pa lamang.

Bilang isang batang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong


pantahanan o pampamayanan, mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng produkto
at serbisyo upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda kung alin sa dalawa
ang maaaring ialok sa mamimili o konsyumer batay sa kanilang pangangailangan at
kagustuhan.

Balikan

Panuto: Pangalanan ang mga bagay na makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. 3.

_______________ _______________

2. 4.

_______________ _______________

4
5. _______________
_______________8. 8.

6. 9.
_______________
_______________

7. 10.
_______________ _______________

Tapos ka na ba? Muli, maaari mong tingnan ang kasagutan sa likod ng modyul na
ito. Tama ba lahat ang iyong sagot? Binabati kita! Kung hindi naman ay pagbutihin
mo pa sa mga susunod na gawain.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maipaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at
serbisyo.

Tuklasin

Naaalala mo pa ba ang nagpalockdown sa buong mundo? Ito ay ang pagkalat


ng COVID 19 Pandemic na kumitil sa buhay ng maraming tao. Naramdaman o
naranasan din natin ito sa ating bansa. Sa gitna ng mga quarantine, ang ating

5
pamahalaan ay nagbigay ng iba’t-ibang uri ng mga ayuda (mga relief o produkto) at
iba’t ibang serbisyo. Maaari kang magpatulong sa iyong mga kasama sa bahay na
isulat sa papel ang mga natanggap ninyo mula sa pamahalaan o sa mga pribadong
grupo o indibiduwal.

Upang higit mong maunawaan, ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa araling ito.

Ang produkto ay mga bagay na maaaring iniaalok sa pamilihan, tindahan, shop o


maging sa mga online stores na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing
pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili.

Ang mga produkto ay maaaring likha ng mga kamay, makina at likha ng kaisipan.
Halimbawa ng mga produktong likhang kamay ay mga tinapay, lutong pagkain, mga
gamit tulad ng bag, basket at iba pa.

May mga produkto rin na likha ng makina. Karamihan dito ay mga produktong de
lata, mga kagamitan sa tahanan, paaralan, opisina at iba pa.

Ang mga aklat, pocket books, wattpad at paggawa ng iba’t ibang computer programs
ay halimbawa ng mga produktong likha ng kaisipan.

6
Ang mga produktong pagkain ay nagkakaiba sa mga sangkap tulad ng isang hopia.
May hopia na may iba’t ibang lasa o sangkap tulad ng hopia na monggo, ube, baboy
at langka. Mayroon ding bilog at parisukat ang hugis.

Ang ibang produkto naman ay nagkakaiba sa materyales na ginamit. Halimbawa ay


ang kasuotan sa paa. May mga tindahan na ang iniaalok ay tsinelas, sandalyas,
leather shoes, jelly shoes, rubber shoes, bota at iba pa.

Ang ibang produkto naman ay magkakaiba sa presyo, tatak, at packaging.

Tandaan mo, kung ang produkto ay ang iba’t ibang iniaalok sa pangangailangan at
kagustuhan ng mga mamimili o konsyumer, ang serbisyo naman ay ang
paglilingkod na pagtatrabaho o pag-alok ng mga gawain na may kabayaran ayon sa
gaan o bigat ng gawaing ibinigay sa pangangailangan sa isang tao, grupo o sa
pamayanan.

Ang serbisyo ay may iba’t ibang uri at nahahati sa iba’t ibang sector ayon sa uri ng
kaalaman at kasanayang ibibigay. Ang mga ito ay ang hanay ng mga propesyonal,
teknikal at skilled worker.

Tingnan at pag-aralan mo ang iba’t ibang larawan ng mga halimbawa ng mga


nagbibigay ng serbisyo.

7
Tandaan sa propesyonal na sektor nabibilang ang mga guro sapagkat sila ay nag-
aalok ng pagtuturo. Ang mga doktor ay nag-aalok ng panggagamot. Ang mga abogado
naman ay nag-aalok ng pagtatanggol. Samantala, ang mga arkitekto naman ay nag-
aalok ng pagguhit o pagdisenyo ng bahay o gusali. Kailangang makatapos ng kurso
sa kolehiyo at makapasa sa board o bar examination upang makakuha ng lisensiya
para makapag-alok ng paglilingkod bilang professional service sector.

Maging ang mga teknikal at skilled workers ay kailangan din ng sapat na kaalaman
at kasanayan upang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga nangangailangan
nito.

Halimbawa, ang mga serbisyo ng salon, barberya, restoran, laundry shop, computer
shop, spa/salon o tutorial center ay maaaring magkakatulad ngunit sinisikap ng
bawat isa na makapagbigay ng mahusay na serbisyo. Maaari ring magkaiba-iba ang
serbisyo sa paraan ng pagbibigay nito. Ginagawa ito upang mahikayat ang mga
mamimili na tangkilikin ang kanilang serbisyo.

Natatandaan mo na ba? Marami na bang kaalaman na pumasok sa iyong


kaisipan? Mas marami ka pang mauunawan sa pagpapatuloy mo ng pag-aaral sa
modyul na ito kaya’t ano pa ang hinihintay mo, buklatin mo na ang susunod na
pahina.

8
Suriin

Pag-aralan ang mga larawan ng ilan sa mga produktong makikita sa mga tindahan
at pamilihan na maaaring malapit sa inyong lugar. Tingnan ang pagkakaiba at
pagkakatulad nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

70% alcohol 90% alcohol 70% alcohol

Halimbawa: Nagkakaiba ang mga alcohol sa porsiyento ng solusyon, laki,


packaging at presyo at nagkakatulad sa paggamit nito.

hand bag bag bagpack

1. Nagkakaiba ang mga bag sa ___________________________________________


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
at nagkakatulad sa _______________________________________________________
___________________________________________________________________________

Green Tea Cake Pound Cake Chocolate Cake

9
2. Nagkakaiba ang mga cake sa __________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ________________________________________________________
___________________________________________________________________________

tsinelas tsinelas na katad tsinelas na goma

3. Nagkakaiba ang mga tsinelas sa _____________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa _______________________________________________________
___________________________________________________________________________

Instant coffee Malunggay Coffee 3 in1 Coffee

4. Nagkakaiba ang mga kape sa _____________________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ______________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ligo Sardines Sardines in Oil Mega Sardines

10
5. Nagkakaiba ang mga sardinas sa _________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ______________________________________________________
__________________________________________________________________________

Spanish bread Pandesal Malunggay Pandesal

6. Nagkakaiba ang mga tinapay sa ____________________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ______________________________________________________
__________________________________________________________________________

Carabao’s milk Slim milk Full cream milk

7. Nagkakaiba ang mga gatas sa ______________________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ______________________________________________________
__________________________________________________________________________

Surgical mask N-95 Mask Cloth mask

11
8. Nagkakaiba ang mga mask sa ______________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ______________________________________________________
__________________________________________________________________________

pakwan Iba’t ibang prutas saging

9. Nagkakaiba ang mga prutas sa ______________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
At nagkakatulad sa ______________________________________________________
_________________________________________________________________________

sabon sabon sabon

10. Nagkakaiba ang mga sabon sa _____________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
at nagkakatulad sa ______________________________________________________
__________________________________________________________________________

Nakuha mo ba lahat ang tamang sagot? Maaari mong tingnan ang kasagutan
sa likod ng modyul na ito. Perfect ba ang iyong score? Magaling kung ganon! Sabihin
mo sa iyong sarili “Hep-hep-hooray!” Kung hindi naman, ay huwag mag-alala dahil
may mga susunod pang gawain.

12
Pagyamanin

Gawain 1. Isulat kung tama o mali ang ipinahahayag ng pangungusap. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

_________________1. Ang produkto ay maaaring magkaiba-iba sa sangkap na ginamit


upang mapahusay ang nilalaman nito.

_________________2. Ang hopiang ube, langka, monggo, kundol ay nagkakaiba-iba sa


sangkap at hugis.

_________________3. Ang lahat ng alcohol ay nakalilinis at nakapag-aalis ng mikrobyo


na maaari nating nakuha sa ating paligid.

_________________4. Ang lahat ng serbisyo ay magkakatulad kaya maaaring hindi


pumili ng mga iba’t ibang uri nito.

_________________5. Ang paglalabada at paglilinis ng bahay ay maituturing na


marangal ding serbisyo.

_________________6. Ang computer programs, wattpad, at pocket books ay halimbawa


rin ng mga produkto.

_________________7. Ang pagmamasahe, pagbabantay ng bata at paglilinis ng mga


sasakyan ay halimbawa ng serbisyo.

_________________8. Marangal ding serbisyo ang pagtitinda ng isda, prutas, manok


at baboy sa palengke.

_________________9. May mga produktong gawang Pinoy na maipagmamalaki dahil


sa kalidad at uri nito.

________________10. Naipapakita ang mga serbisyo at produktong Pinoy sa ibang lahi


nang may dangal at pagmamalaki.

Nagawa at natapos mo na ba ang pagsasanay? Maaari mong tingnan ang


sagot sa likuran ng modyul na ito. Tama ba lahat ang yong sagot? Magaling kung
ganoon! Kung hindi naman ay maaari mo pang pagbutihin sa mga susunod na
gawain.

13
Gawain 2. Tukuyin ang mga larawan sa ibaba kung ito ay produkto o serbisyo.
Isulat ang pangalan nito sa tamang kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Produkto Serbisyo

_____________________________ ____________________________
_____________________________ ____________________________
_____________________________ ____________________________
_____________________________ ____________________________
_______________________ _______________________

tindero isda Chocolate cookies Security Guards

damit piloto prutas therapist

tsinelas kasambahay

Nagawa at natapos mo ba ang pagsasanay? Maaari mong tingnan ang sagot


sa likuran ng modyul na ito. Mataas ba and iyong score? Magaling kung ganoon! Kung
hindi naman ay maaari mo pang pagbutihin sa mga susunod na gawain.

14
Gawain 3. Sa loob ng inyong tahanan maghanap ng mga produkto. Magtala ng
tiglimang halimbawa na ginagamit ng inyong pamilya. Isulat ang pangalan nito sa
loob ng bawat eco bag na iyong iguguhit sa iyong sagutang papel.

Panglinis ng katawan Sinusuot tulad ng


Pagkain
o tahanan damit o tsinelas

Bagay na ginagamit Bagay na ginagamit


sa pag-aaral sa paglalaro

Mahusay ang iyong ginawa kung nakapagtala ka ng iba’t ibang produkto na


nakita mo sa loob ng inyong tahanan. Kung kulang pa ang iyong naitala, maaari kang
magtanong sa iyong kasamang nakatatanda upang makumpleto mo ang gawain.

15
Gawain 4. Isulat ang P kung ang serbisyo ay nagmula sa mga propesyonal, T mula
sa teknikal na sektor, at SW naman kung nagmula sa mga skilled worker. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

__________________1. Ang gurong si Gng. Ariane Bello ay matiyagang nag-aaral ng


leksiyon para sa mga batang tuturuan sa paaralan.

__________________2. Naglilinis ng bahay at naglalabada si Aling Lourdes sa


kapitbahay nila sa barangay.

__________________3. Ang disenyo ng opisina ay ipinagawa sa isang kilalang arkitekto


sa kanilang bayan.

__________________4. Si Mang Ambo ay isang mabuti at masipag na security guard ng


isang kilalang bangko sa Balanga.

_________________ 5. Si Attorney Gonzales ang tagapagtanggol ng pamilya Caragay


sa kaso na kanilang kinasasangkutan.

_________________ 6. Mahusay na karpintero si Ginoong Barrios na gumawa ng


aming bahay sa probinsiya.

_________________ 7. Si Dr. Mon Tria ang naging manggagamot ni tatay sa Philippine


Heart Center.

__________________8. Masarap kumain sa restoran dahil mahuhusay ang mga


tagaluto o chef.

__________________9. Maraming mapagkakatiwalaang lingkod bayan sa ating bansa


na tumutulong sa nangangailangan.

_________________10. May mga computer programmer pa rin ang pinipiling


maghanapbuhay sa ating bansa.

Mahusay ang iyong ginawa kung natukoy mo ang iba’t ibang sektor na
pinagmumulan ng isang serbisyo. Maaari mong tingnan ang susi sa pagwawasto sa
likurang bahagi ng modyul na ito upang matiyak ang tamang mga sagot dito.

16
Gawain 5. Umisip ng pangalan ng tao na kilala sa inyong barangay. Anong serbisyo
ang ibinibigay niya at uri ng sektor ang kinabibilangan niya? Gumawa ng isang
graphic organizer nakatulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_______________________ _______________________ _______________________

Pangalan ng tao Pangalan ng tao Pangalan ng tao

_______________________ _______________________ _______________________


_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________

Serbisyo na ibinibigay Serbisyo na ibinibigay Serbisyo na ibinibigay

_______________________ _______________________ _______________________


_______________________ _______________________ _______________________

Sektor na Kinabibilangan Sektor na Kinabibilangan Sektor na Kinabibilangan

Nagawa at natapos mo ba ang gawain? Magaling kung ganoon! Kung hindi


naman ay maaari mo pang pagbutihin sa mga susunod na gawain.

17
Isaisip

Tandaan at isaisip mo na ang ________________ay ang mga bagay na maaaring


inaalok sa tao o sa merkado. Maaari itong maging tuwirang pagtitinda o sa
pamamagitan ng online selling na nakapagbibigay ng pangangailangan o kagustuhan
ng isang mamimili. Samantala ang ________________ naman ay tumutukoy sa
paglilingkod na iniaalok ng taong nagtatrabaho na isang uri ng negosyo.

Isagawa

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng sagot at
isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang pamilyang Calpo ay nangangailangan ng serbisyo na gagamot sa kanilang


alagang aso. Anong uri ng serbisyo ang kinakailangan?

a. Serbisyo ng isang matiyagang guro


b. Serbisyo ng isang mahusay na abogado.
c. Serbisyo na isang mahusay na beterinaryo.

2. Saang uri nabibilang na sektor ang serbisyo na ginawad sa pamilyang Calpo


para sa kanilang alagang aso?

a. Skilled worker sector


b. Technical worker sector
c. Professional worker sector

3. Natuwa ang pamilyang Calpo, dahil gumaling at naging masigla ang kanilang
alagang aso. Inimbitahan nilang muli ang beterinaryo na bisitahin ang
kanilang alagang aso sa susunod na linggo. Ano kaya ang nagustuhan ng
pamilya sa serbisyo ng beterinaryo?

a. Natuwa ang pamilya dahil mura lamang ang singil o bayad dito.

18
b. Nalungkot dahil hindi dumating sa takdang oras ang beterinaryo.
c. Natuwa ang pamilya dahil kakaiba ang paraan ng paggagamot nito sa
kanilang alagang aso.

4. Anong suhestiyon ay iyong maibibigay upang mapabuti pa ang kanyang


serbisyo?

a. Dumating sa takdang oras na napag-usapan.


b. Gawing kakaiba ang paraan ng paggagamot sa mga may sakit na hayop.
c. Huwag na lang pansinin ang mga suhestiyon na binabanggit ng bawat
kostumer na tumatawag.

5. Kung ikaw ay naghahanap ng espesyal na cake para sa iyong kaibigan na


hindi naman kamahalan, ano ang pipiliin mo?

a. Cake na mura pero ordinary lamang ang sangkap.


b. Cake na mahal at may kakaibang sangkap at puno ng disenyo.
c. Cake na medyo mahal pero siksik sa masustansyang sangkap na di tinipid
at may maayos na dekorasyon.

6. Kung ikaw ay mag-aalok ng serbisyong paglilinis sa tahanan ng iyong


kapitbahay, paano mo ito magagawa na kakaiba sa iba?

a. Sasabihin ko na mura ang aking serbisyo sa paglilinis ng bahay.


b. Sasabihin ko na mura ang aking serbisyo at tiyak na malinis ang buong
bahay.
c. Sasabihin ko na mahal ang aking serbisyo dahil mahirap ang maglinis ng
malaki at maruming bahay.

7. Kung ang iyong tiyahin ay nag-aalok ng tutorial service, at ang kaklase mo ay


naghahanap ng tutor, paano mo mahihikayat na sa tiyahin mo na lang siya
magpatutor?

a. Sasabihin ko sa aking kaklase na may tiyahin akong nagtututor.


b. Sasabihin ko sa aking kaklase na kaya naman niyang mag-isa at hindi
kailangan magpatutor pa dahil sayang ang pera na ibabayad niya.
c. Sasabihin ko sa aking kaklase na may tiyahin akong mahusay magtutor ng
mga batang nahihirapan sa pag-aaral, ngunit medyo mahal ang kanyang
serbisyo.

8. Sa inyong barangay, nagkataon na parehong tubero ang iyong tiyuhin at ang


inyong kapitbahay. Nagkataon na may nagtanong sa iyo kung sino ang
mahusay na tubero sa inyong lugar. Sino ang iyong irerekomenda? Bakit?

a. Sasabihin ko na hindi magaling na tubero ang aming kapitbahay.


b. Sasabihin ko na mahal ang singil ng kanyang serbisyo dahil mahirap ang
magkumpuni ng sirang mga tubo.

19
c. Sasabihin ko na mahusay ang aking tiyuhin na tubero dahil marami na
siyang nakumpuning mga sirang tubo sa barangay.

9. Sa inyong barangay pareho kayo ng iyong kalaro na nagtitinda ng pastilyas,


paano mo ito maibebenta sa inyong lugar?

a. Sasabihin ko sa kanya na sa kabilang kanto na lamang siya magtinda.


b. Sasabihin ko sa mga bumibili sa kanya na kulang sa sangkap ang kanyang
tinda at mahal ito para sa presyo nito.
c. Lalagyan ko ng masustansiyang sangkap at iba’t ibang flavor, gagandahan
ang packaging para maging kakaiba, tamang presyo ang ilalagay at magiging
magalang pa rin ako sa kanya.

10. Nakakita ka ng magandang tsinelas. Ang ganda ng kulay at pagkakagawa nito.


Nalaman mong sa ibang bansa pala ito gawa. Ano ang gagawin mo?

a. Bibilhin ko dahil gustong gusto ko ang tsinelas na iyon.


b. Bibilhin ko dahil kapag gawang ibang bansa ay tiyak na matibay at
mahusay ang pagkakagawa nito.
c. Hindi ko ito bibilhin, sa halip maghahanap ako ng gawang Pinoy na may
kalidad, maganda at maipagmamalaki rin sa ibang bansa.

Nagawa at natapos mo ba ang pagsasanay? Maaari mong tingnan ang sagot


sa likuran ng modyul na ito. Tama kaya lahat ang iyong sagot? Magaling kung
ganoon! Kung hindi naman ay maaari mo pang pagbutihin sa mga susunod na
gawain

Tayahin

Ngayong alam mo na ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo,


oras na para masukat ang iyong kaunawaan. Handa ka na ba?

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga salitang may
bilog ay tumutukoy sa produkto o serbisyo. Isulat mo ang sagot sa iyong sagutang
papel.

_______________ 1. Dahil sa pagkakaroon ng lockdown, ang iyong nanay ay


bumili na lamang ng mga gulay sa isang online seller.

20
_______________ 2. Ang inyong kapitbahay na senior citizen ay hindi makabili ng
gamot sa botika kaya’t siya ay tumawag sa online pasabuy
upang makabili ng gamot.
_______________ 3. Natapat ang kaarawan mo ng lockdown sa inyong lugar,
kaya’t nagpadeliver na lamang ang iyong nanay ng isang cake
at isang bilaong pansit.

_______________ 4. Nasira ang radyo nina Ramniel, tumawag ang kanyang ama
ng isang technician upang palitan ang nasirang piyesa ng
kanilang radio.

_______________ 5. Humaba ang buhok ni EJ dahil sa matagal na pananatili sa


loob ng kanilang tahanan kung kaya’t nang maaari ng
lumabas, tinawag niya ang kanyang kaibigang barbero
upang magpagupit ng buhok.

_______________ 6. Sina Joana at Rachelle ay nagpunta sa pamilihan upang


bumili ng prutas na bilin ng kanilang ina.

_______________ 7. Pagtuturo sa mga mag-aaral ang palaging iniisip ni Ginang


Calpo tuwing siya ay nasa paaralan.

_______________ 8. Si Aling Baby na isang manikurista ay tinawag upang linisan


ng kuko si Aling Catalina.

_______________ 9. Nagtitinda ang inyong kapitbahay ng espesyal na ensaymada


na may keso at itlog na pula.

_______________ 10. Bagong aning bigas ang napiling bilhin ni Mang Lito para sa
kanyang pamilya.

Nagawa at natapos mo ba ang pagsasanay? Maaari mong tingnan ang sagot


sa likuran ng modyul na ito. Tama kaya lahat ang iyong sagot? Magaling kung ganoon!
Kung hindi naman ay maaari mo pang pagbutihin sa mga susunod na gawain

21
Karagdagang Gawain

Mag-isip ng limang produkto na karaniwang binibili ng iyong magulang. Isulat kung


paano mo ito gagawing kakaiba ang packaging style. Iguhit mo sa bawat bilog ang
napili mong produkto at ang bagong hitsura nito. Ipakita mo ang iyong gawa sa iyong
magulang o sa mga kasama mo sa iyong tahanan.

22
Gawing gabay ang rubrics sa ibaba upang maging mas maayos ang iyong natapos
na gawa.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang puntos na naangkop sa bawat kasanayan.

Kasanayan PUNTOS

5 4 3 2 1

1.Kaangkupan ng konsepto

2.Pagkamalikhain

3.Ang ideya ay orihinal

4.Malinis ang pagkakaguhit

5. Malinis ang pagkakagawa

Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan

20 - 16 = Napakahusay

15 - 11 = Mahusay

10 - 6 = Hindi Gaanong Mahusay

5 - 1 = Kailangan Pang Paghusayin

Binabati kita at maluwalhati mong natapos ang modyul na ito. Sana ay marami
kang natutuhan. Magpasalamat ka sa Diyos sa katalinuhang ipinagkaloob Niya sa
iyo, gayon din sa mga taong nagtulong tulong upang mabuo ang modyul na ito.
Hanggang sa susunod na pag-aaral!

23
24
Karagdagan Gawin: Suriin: Suriin:
Answers may vary Gawain 1 Gawain 1
6. Nagkakaiba ang mga 1. Nagkakaiba ang mga
tinapay sa lasa, bag sa disenyo,
sangkap, presyo, presyo, kulay, hugis,
Tayahin: packaging na ginamit materyales na ginamit
at nagkakatulad sa uri at nagkakatulad sa
1. Produkto ng harinang ginamit at uri ng paggamit nito.
2. Serbisyo paraan ng pagluluto 2. Nagkakaiba ang mga
3. Produkto nito. cake sa disensyo,
4. Serbisyo 7. Nagkakaiba ang mga lasa, sangkap, presyo
5. Serbisyo gatas sa pagkakagawa, at nagkakatulad sa
6. Produkto lasa, sangkap, presyo paraan ng pagluluto.
7. Serbisyo at nagkakatulad sa 3. Nagkakaiba ang mga
8. Serbisyo naidudulot na lakas/ tsinelas sa disenyo,
9. Produkto benepisyo sa katawan. kulay, materyales,
10. produkto 8. Nagkakaiba ang mga pagkakagawa at
mask sa disenyo, nagkakatulad sa
kulay, materyales, paraan ng paggamit
Isagawa: pagkakagawa at nito.
nagkakatulad sa 4. Nagkakaiba ang kape
1.C 2. C 3. C 4. B 5. C paraan ng paggamit sa lasa, sangkap,
nito. presyo at
6. B 7. C 8. C 9. C 10.C 9. Nagkakaiba ang prutas nagkakatulad sa
sa lasa, sangkap, benepisyo nito.
Isaisip: presyo at nagkakatulad 5. Nagkakaiba ang mga
sa benepisyo nito. sardinas sa lasa,
Produkto, Serbisyo 10. Nagkakaiba ang mga sangkap, packaging,
sabon sa kulay, presyo at
sangkap, packaging, nagkakatulad sa uri
Pagyamanin (Gawain 5):
presyo at nagkakatulad ng isdang ginagamit
Answers may vary sa paggamit at nito.
benepisyong
pangkalinisan.
Pagyamanin (Gawain 4):
Pagyamanin (Gawain 1): Subukin:
1. P 6. SW
2. SW 7. P 1. tama 6. tama 1. Monterey, Inasal,
3. P 8. SW/ T 2. tama 7. tama Chicken Joy, etc.
4. T 9. T/ SW 3. tama 8. tama 2. Sinangdomeng,
5. P 10. T / SW 4. mali 9. tama Dinorado, R-18, etc.
5. tama 10. tama 3. Coke, Royal, Sprite,
RC, etc.
Pagyamanin (Gawain 3): 4. depende sa sagot ng
bata
Balikan:
Answers may vary 5. depende sa sagot ng
1. kotse bata
Pagyamanin (Gawain 2): 2. laptop 6. Teddy Bear
3. ballpen 7. Faber Castell,
Produkto Serbisyo 4. Aklat, pocket books, Monggol, etc.
Isda tindero story books, etc. 8. Crayola, Faber Castell,
(pagtitinda) 5. dentist etc.
Chocolate security guard 6. security guard 9. Gardenia, Anne
Cookies 7. bag Rachel, etc.
Damit piloto 8. itlog 10. depende sa sagot ng
9. notebook bata
Prutas therapist
Tsinelas kasambahay 10. alcohol
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Eustaquio, O., Go, G., Manalo, T., Ocampo, L. and Esdicul, A., 2019. Tungo Sa
Maunlad Na Pamumuhay. Quezon City: Aviba Publishing House, Inc., pp.13-17.

PERALTA, G., Arsenue, R., Ipolan, C., Quiambao, Y., & de Guazman, J.
(2016). Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran (pp. 3-7). Santa Ana,
Manila: Vibal Publishing Group, Inc.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like