You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Epp 4

(Industrial Arts)

Ⅰ. Layunin:
Sa katapusan ng apatnapu’t limang minuto na talakayan, 85% ng mga mag-aaral sa ika-apat
na baitang ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan;
B. Napapahalagahan ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan; at
C. Nakabubuo ng ng plano sa paggawa ng proyekto.
Ⅱ. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Iba’t ibang Materyales na Matatagpuan sa Pamayanan
B. Sanggunian: Siela Mae R. Roson, Roberto B. Torres, Randy R. Emen, Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan 4, Aralin 15, P 516-520.
C. Kagamitang Panturo: Mga larawan, kartolina, tsart
Ⅲ. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Nagsitayo ang lahat)


Sa ngalan ng Ama, anak, at espiritu santo
Panginoon,,maraming salamat po sa araw na ito
ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo
po kami sa mga gawain na aming gaawin sa araw
na ito. Sana po gabayan niyo rin ang aming guro
ba siyang magtuturo sa amin. Amen.

2. Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw din ma’am.

Okay, bago kayo umupo pakipulot ng


mga nakakalat na papel sa ilalim ng
inyong mesa at kung wala na maaari
na kayong umupo.

3. Kasunduan/paalala

Bago tayo magsimula sa ating aralin


ngayon mayroon muna akong
inihandang kasunduan na dapat
ninyon sundin. Una,

Dapat makinig mga bata upang may


matutunan.
Dapat itaas ang kanang kamay kung
gustong sumagot upang hindi
makagawa ng ingay naintindihan? Opo m’am.

Mayroon bang lumiban sa klase mga bata? Wala ma’am.

Mabuti.

4. Pagwawasto ng takdang-aralin

Mayroon ba kayong takdang-aralin


mga bata?

Okay, pakipasa sa harap.

B. Pagbabalik- aral

Bago tayo dumako sa ating sunod na


talakayan. Ano ba ang paksang tinalakay
natin kahapon mga bata? Yes, Ken? Ken: Ang paksang tinalakay kahapon ma’am ay
tungkol sa mga kagamitan sa pagsusukat.

Tama!

Ano ba ang mga kasangkapang panukat?


Yes, Joy? Joy: Ang mga kasangkapang panukat tulad ng
meter stick, pull-push rule, zigzag rule,
iskuwalang asero, protraktor, ruler, t-square, at
tape measure.
Salamat Joy,

Saan nga ginagamit ang mga kasangkapang iyon


mga bata? Ginagamit ang mga kasangkapang iyon para
panukat ma’am.
Tama! Halimabawa nito sa paggawa ng
proyekto.

C. Pagganyak

Ngayon, mga bata basahin natin ang


tula kailangang sabay-sabay tayo.

Tingin dito, tingin doon,


Sa paligid nating bigay ng Poon
Maraming bagay na mayroon
Sa proyektong naiisip
Materyales na tugon
Niyog, buri, dahon at kawayan
Abaka, damo, kahoy at talahib man
Kapaki-pakinabang silang tunay
Halina’t gamitin nang buong husay.
Ⅳ. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Piliin lamang ang tamang sagot sa loob ng kahon at pagkatapos isulat sa patlang ang napiling
sagot.

Abaka Vetiver Nipa

Rattan Niyog Buri

1.Uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging na ginagamit sa paggawa ng basket, tsinelas,


at iba pa.
2.Ang magugulang na dahoon ay ginagamit sa pang-atip ng bahay.
3.Kilala sa tawag na yantok at gigamit sa paggawa ng mga muwebles.
4.Isa sa pinakamalaking palmer ana tumutubo sa bansang Pilipinas.
5.Kilala sa tawag na “Puno ng Buhay” dahil mahalaga at nagagamit ang bawat bahagi nito.

Sagot:
1. Abaka
2. Nipa
3. Rattan
4. Buri
5. Niyog
Ⅴ. Takdang-Aralin
A. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa inyong pamayanan na maaaring
gamitin sa paggawa ng mga proyekto. Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaari mong
gawin.
B. Gumuhit ng mga disenyo ng mga proyektong maaaring gawin mula sa mga materyales na
matatagpuan sa pamayanan.

You might also like