You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
City school Division of Tacurong
Cluster II
DR. MANUEL J. GRIŇO MEMORIAL CENTRAL SCHOOL
Grino ,City of Tacurong

Masusing Banghay Aralin sa Filipino VI

Pamantayang Pangnilalaman:
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan

Pamantayang Pangganap:
Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap
batay sa mensahe ng binasang teksto

Tatas:
F6 TA- Oa-j-3
Nababasa ang usapan, tula,talata,kuwento, nang may tamang bilis, diin,
tono,antala at ekspresyon

I. Layunin
F6 G Iva-j-13

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang


mga uri ng pangungusap

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Uri ng Pangungusap
b. Sanggunian: Yamang Pilipino pahina 338- 368
c. Kagamitan: kartolina, manila paper, larawan

III. Pamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

a. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa panalangin.

Amen!

Amen!
b. Pagbati
Magandang hapon mga bata!
Magandang hapon po Ma’am.
Magsiupo ang lahat.
Maraming salamat po Ma’am!
c. Pagtala ng lumiban sa klase

d. Pagkolekta ng Takdang Aralin

e. Balik- Aral
Naalala niyo ba ang kuwento ng
Sinungaling na Lobo?

Opo Ma’am.
Sinu-sino ang tauhan sa
kuwentong napakinggan?

Magaling! Si Candy at Lou Ma’am.

f. Pagbibigay ng Pamantayan sa klase


Ano ang dapat gawin kung may nagtuturo
o nagsasalita sa harapan?
Makinig po Ma’am.
Kung may tanong anong dapat gawin?

Itaas ang kanang kamay.

B. Paglinang
a.Pagganyak
( May ipapakita na larawan at magtatanong)

b. Pormal na Talakayan
( May ipapabasa na maikling
diyalogo ang guro sa mga mag-aaral)

Tungkol saan ang diyalogo?

Paglabag sa batas trapiko.


Magaling!

Sinu-sino ang mga tauhan sa diyalogo?

Si Pulis at Caloy.
Magaling!

Ano ang mga bantas na


ginamit sa diyalogo?

Magaling! Tuldok, pananong, padamdam Ma’am.

Sa palagay niyo ano ang gamit ng


Mga bantas sa pangungusap?
Kailanganbang lagyan ng
bantas ang bawat pangungusap? Opo Ma’am!
Magaling!

Saan ginagamit ang bantas na tuldok?


Anong uri pangungusap? Sa pangungusap na pasalaysay,
pautos at pakiusap.

Magaling!

Ano ang pangungusap na pasalaysay?


Magbigay ng pangungusap na
pasalaysay batay sa diyalogong binasa.
Anu- ano ang mga pangungusap
na pasalaysay mula sa diyalogong binasa? Pangungusap na nagkukuwento.
Ang pinapayagan lang dito ay ang
matatandang babae o lalaki na hindi na
puwedeng dumaan o umakyat sa itaas.

Magaling!

Ano ang pangungusap na pautos?


Magbigay ng pangungusap na
pautos batay sa diyalogong binasa. Pangungusap na nag-uutos.
Huwag kang tumakbo.

Magaling!

Ano ang pangungusap na pakiusap?


Magbigay ng pangungusap na
pakiusap. Gumagamit ng paki-.
Pakibukas ng bintana.

Magaling!

Saan ginagamit ang bantas na pananong?


Anong uri pangungusap?
Pangungusap na nagtatanong.
Sa pangungusap na patanong.
Hindi mo ba alam na bawal tumawid
diyan?

Magaling!

Saan ginagamit ang bantas na padamdam?


Ginagamit sa pagpapahayag ng
masidhing damdamin.

Magaling!

Ano ang pangungusap na padamdam?


Magbigay ng pangungusap na
Padamdam batay sa diyalogong binasa.
Pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Naku! Paumanhin po. Akala ko po ay
maari ditong tumawid.

Magaling!
.

c.Paglalapat
(Igugrupo ang mga mag-aaral sa apat
na pangkat) May ibibigay na larawan
ang guro sa bawat pangkat at
gagawa sila ng pangungusap batay
sa larawang kanilang nakuha.

d.Paglalahat
Anu-ano ang mga uri ng
pangungusap?Anu-ano ang
mga bantas na ginagamit?
Bakit kailangang gamitin
ang mga bantas?

IV. Pagtataya
Isulat sa patlang kung ito ay pasalaysay,pautos, paki-usap, patanong, o
padamdam.

1. Ay, naku! Ang sinumang nasa kagipitan nga naman, ang sumpa’t
pangako’y walang katapusan. ___________
2. Ipasok ang tuka mo sa aking lalamunan. ___________.
3. Kanina lamang ay naglulumuhod kang lumapit sa akin at nagmamakaawa,
pagkatapos ay ako pa ngayon ang may utang na loob sa iyo? _________
4. Walang hiya! Walang utang na loob! __________
5. Sinagpang ni Lou ang isda sa may lawa. ___________
6. Ibigay ko sayo lahat ng aking ari-arian! ___________
7. Sa tindi ng sakit at paghihinagpis, siya ay umatungal nang
malakas.____________
8. Si Lou, ay isang lobo?__________
9. Parang awa mo na, masakit na talaga! __________
10. Pakitanggal ng tinik sa aking lalamunan. ____________

V. Takdang Aralin

Sa kalahating papel magbigay ng limang (5) pangungusap na


pasalaysay, pautos, pakiusap, patanong, at padamdam.

JELYCA S. GALLEGO
Pre-Service Teacher

JEANETTE G. TUGOM
Critic Teacher

You might also like