You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. Naibibigay ang Bahagi ng Liham
b. Natutukoy ang tamang paraan ng pagsulat ng liham at ang angkop na bantas
c. Nakakasulat ng liham paumanhin
II. PAGPAPAHALAGA
a. Nabibigyang halaga ang pagtanggap ng kamalian
III. PAKSANG ARALIN
Paksa: BAHAGI NG LIHAM (pahina 216-226)
A. SANGGUNIAN
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
Filipino Ngayon at Bukas 3 (pahina 71-74)
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral:
Filipino Ngayon at Bukas 3 (pahina 216-226)
B. KAGAMITANG PANTURO
Larawan ng mga nagaaksaya ng gamit
IV.PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING BATA

A. PANIMULANG GAWAIN
1.Pagdarasal
Magsitayo ang lahat at tayo ay Sa Ngalan ng Ama, ng Anak ng Espiritu
magdadasal Santo. Amen

2.Pagbati
Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po.

3.Pagtatala ng Liban
Mga bata sino ang liban ngayon? Wala pong liban.

4.Takdang Aralin
Mga bata kahapon ay binigyan ko
kayo ng takdang aralin. Ihanda nyo ang
inyong kwaderno at ating iwasto ang mga
ito.

A.BALIK ARAL
Ano kaya ang tinalakay natin Ang tinalakayan po natin kahapon ay
kahapon? dalawang Ayos ng Pangungusap

Magaling!

Ano nga ang dalawang Ayos ng Ang dalawang Ayos po ng pangungusap


Pangungusap? ay Karaniwang ayos at Di Karaniwang
ayos.

Magaling!
Kailan natin sinasabing nasa karaniwang Kapag po nauna ang panaguri sa
ayos ang pangungusap? simuno.

Mahusay!

Kapag naman ang pangungusap ay Di Karaniwang ayos po ng pangungusap.


ginagamitan ng salitang Ay. At nauuna
ang simuno sa panaguri.

Magaling mga bata! Naintindihan niyo


ang ating tinalakay kahapon. Ngayon ay
dadako na tayo sa ating panibagong
aralin.

B.PAGHAHABI NG LAYUNIN NG
ARALIN
Mga bata mayroon ako ditong
inihandang larawan.

(Larawan ng nag aaksaya ng mga bagay


o gamit)

Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ng Nag aaksaya po.


bata?

Tama ba na mag aksaya ng papel, o iba Hindi po.


pang mga gamit?

Ano sa tingin ninyo ang kahalagahan ng Ang pagtitipid po ng mga gamit at mga
pagtitipid? bagay ay hindi lamang nakakatulong sa
sarili pati na rin po sa mga
pinagkukuhanan nito.

Mahusay mga bata! Palagi nating


tatandaan na hindi maganda ang pag
aaksaya ng kung anu-anong bagay.

C.PAG-UUGNAY NG HALIMBAWA SA
BAGONG ARALIN
Mayroon akong inihandang kwento,
pakinggan at unawain ninyong mabuti.
Pagkatapos ako ay may katanungan sa
inyo.
Ang pamagat nito ay “Anika Aksaya”

ANIKA AKSAYA
Pumasok si Aling Yanna sa loob ng silid at siya
ay napamulagat sa kanyang nakita. Nagkalat ang
mga papel na gusot at nakatupi. Nang ito ay
damputin niya ay nagamit lamang ang ilang
bahagi nito samantalang ang kabilang bahagi ay
malinis pa.

“Anika, ano ang ginagawa mo?” ang tanong ng


ina.

“Gumagawa po ako ng liham para kay krystle.


Nagkatampuhan po kasi kami,” ang nangingilid
ang luhang sagot ni Anika.

“Ano ang nangyari? Bakit kayo nagkatampuhan?”


ang tanong ng ina. Nais man pagsabihan ng ina
ang anak sa pag-aaksaya ng papel ay hindi niya
muni to binanggit.

“Kasi po naubos ko po ang kanyang panulat na


kulay pula. Ginamit kop o sa pagkulay. Bago po
kasi ito,” ang paliwanag ni Anika.

“Bakit naman naubos ito? Malaki baa ng


kinulayan mo?” ang patuloy ng ina.

“Hindi po. Ginamit ko rin po sa pagguhit ng mga


larawan na gusto ko,” ang umiiyak na sabi nito.

“Kailangan ba ang mga iginuhit mo?” ang sabi ni


Aling Yanna.

Nakatungong sumagot si Anika. Pabulong na


sinabing “Hindi po,”

“Sa iyong palagay, tama baa ng iyong ginawa?


Tama ba na magalit siya sa iyo?” ang
magkasunod na tanong ng ina.

Tingnan moa ng paligid, tama ba nag pag-


aaksaya ng papel?

Tuluyan nang umiyak si Anika. Alam nya na mali


ang pag-aaksaya. Alam na rin niya ang isusulat
sa kanyang kaibigang si Krystle.

“Ipagpaumanhin po ninyo ang aking nagawa.


Hindi na po ako mag-aaksaya. Alam ko pong
Malaki ang epekto nito sa atin at sa ibang tao.

Natuwa naman si Aling Yanna. Batid niya na


natutunan na ni Anika ang leksyon. Hindi na niya
kailangang magalit o magtaas ng boses dito.

Sino ang pangunahing tauhan sa


kwento? Anika

Sino ang nakasamaan ng loob ni Anika?


Ang kaibigan niyang si Krystle.

Tama ban a sumama ang loob ni Krystle


kay Anika? Opo
Kung ikaw ang ina, paano mo
ipapaliwanag kay Anika ang pangyayari. Itatanong kung ano ang dahilan ng
pagkagalit at paano itatama ang mali.
Kung ikaw si Krystle, paano mo
maipapakita na mali ang kanyang
ginawa? Ipapaliwanag ang dahilan ng galit.

Ano ang dapat gawin ni Anika upang


mawala ang sama ng loob ni Krystle? Bibigyan ng bagong gamit at hindi na
uulitin ang nangyari.
Sa palagay ninyo ano pa kaya ang
pwedeng gawin sa mga papel?

Bukod sa pahingi ng paumanhin sa


personal, ano pa ang ibang paraan ng
pahingi ng paumanhin? Pagbibigay po ng sulat o liham.

Magaling mga bata!

D.PAGTATALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN #1

Mayroon ako ditong inihandang


liham.

123 Primavera St.


Sta. Cruz, Laguna
Marso 4, 2020

Mahal kong Nanay at Tatay,

Kumusta na po kayo? Narito po


ang kopya ng aking marka. Pasensya na

po kayo a ngayon ko lamang naibigay sa inyo.


Abala po kasi ako sa ilang proyekto sa paaralan.
Malapit nap o akong umuwi riyan. Sana po ay
nasa mabuti kayong kalagayan.

Ang iyong anak,


Anjanette

Pamuhatan- dito makikita ang tirahan ng


sumulat at kung kalian isinulat.

Bating Panimula- dito ipinapakita ang


ngalan ng sinulatan.

Katawan ng Liham- dito ipinapakita ang


mga nais sabihin ng sumulat sa sinulatan.

Bating Pangwakas- dito ipinapakita ang


kaugnayan ng sumalat sa sinulatan.
Lagda- dito makikita ang ngalan ng
sumulat.

Ano nga ang sunod-sunod na bahagi ng Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan


liham? ng Liham, Bating Pangwakas, at Lagda.

E.PAGLALAPAT NG ARALIN
PANUTO: Tukuyin ang bahagi ng liham,
at lagyan ng wastong bantas na
hinahanap sa liham.

524 Kaligayahan St.


Sta. Rosa, Laguna
Oktubre 30, 2015

Mahal kong Dab,


Kumusta ka na? Sana ay nasa
mabuti kang kalagayan. Alam kong
masama ang iyong loob sa akin dahil
hindi ako nakarating sa iyong kaarawan.
Masama kasi ang aking pakiramdam.
Ayoko naman na ako pa ang iyong
aasikasuhin sa kaarawan mo.
Ipagpaumahin mo. Huwag ka nang
magtampo dahil sa Sabado ay pupunta
ako sa inyo. Dala-dala ko ang sorpresa
para sa iyong kaarawan.
Inaasahan ko na maunawaan mo
ako hanggang sa muling pagkikita.

Ang iyong kaibigan,


Jobina

F. PAGLALAHAT NG ARALIN

Anu-ano ang mga bahagi ng liham?


Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan
ng Liham, Bating Pangwakas, at Lagda

Sa bahaging ito ipinapakita ang


kaugnayan ng sumulat sa sinulatan? Bating Pangwakas
Dito naman makikita ang tirahan ng
sumulat at kung kalian isinulat. Pamuhatan

Dito makikita ang ngalan ng sumulat.


Lagda

G.PAGTATAYA SA ARALIN
PANUTO: Isulat kung anong bahagi ng
liham ang tinutukoy.

1.Minamahal kong Ria,


2.Nagmamahal
3.Aljon 1.bating panimula
4.Kumusta ka na? 2.bating pangwakas
5. 10 Grant St. 3.lagda
San Juan, Greenhills 4.Katawan ng Liham
Agosto 25, 2014 5.pamuhatan

Takdang Aralin:
Bumuo ng isang liham paumanhin.
Batay sa sitwasyon na ito.
“humiram ka ng laruan sa inyong
kaibigan. Ngunit nang isasauli mo ito,
hindi mo sinasadyang masira ito. Paborito
pa naman niyang laruan iyon.”

You might also like