You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Nueva Ecija University of Science and Technology


Sumacab Campus, Lungsod ng Cabanatuan
Kolehiyo ng Edukasyon

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 1

Pansariling Kagustuhan

I.Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang kanya- kanyang pansariling kagustuhan;
b. naibabahagi ang sariling kagustuhan sa klase; at
c. naipapakita at napahahalagahan ang pansariling kagustuhan.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Pansariling Kagustuhan


b. Sanggunian: Araling Panlipunan 1, Aralin 5 pahina 38, Teachers Guide, Araling
Panlipunan 1
Jesus Loves Me, 2018,Listener Kids
https://m.youtube.com/watch?v=QSaWPYb6_6k
Hello, 2016,Super Simple Songs, https://m.youtube.com/watch?v=tVlcKp3bWH8,
My favorite Things Song, 2018,English Tree Tv, https://m.youtube.com/watch?
v=fn4dpFmbbHk
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, mga larawan, video clip, marker,
kartolina
d. Pagpapahalaga: Kahalagahang malaman ang sariling kagustuhan ng mga bata
at kung paano ito limitahan.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a1. Panalangin
"Tumayo na ang lahat at tayo ay
manalangin, sa pamamagitan ng pag
awit" "Opo"
(Awitin ang Jesus Loves Me) (Awitin ang Jesus Loves Me)
a2. Pagbati
"Magandang umaga mga bata" "Magandang umaga din po"
"Mabuti naman po. Opo"
Kamusta kayo? Kayo ba ay masaya?
"Tumayo ang lahat at awitin natin ang
Hello" (Awitin ang Hello)
(Awitin ang Hello)
a3. Pagtatala ng Lumiban
"Bilangin naman natin kung ilan ang
pumasok ngayong araw, kapag tinawag
ko ang inyong pangalan tatayo at ilalagay
sa lalagyan ang inyong mga hawak na
mayroon kayong mga pangalan.
Maliwanag ba?" "Opo"
B. Pagbabalik aral
"Ang pinagaralan natin kahapon ay
tungkol sa iba't ibang emosyon."
"Anong emosyon ang nakikita niyo?" "Masaya po"
"Ito kaya? "Malungkot po."

C. Pagganyak
"Tumayo ang lahat at awitin natin ang
My favorite things"
"Mayroon akong ipapakita sa inyong mga
larawan. Ano kaya itong mga ito?"
"Mahusay" Dahil diyan bigyan niyo ang "Mga pagkain po at mga laruan"
inyong sarili ng pakbet clap"
D. Paglalahad
"Ang ating tatalakayin ay tungkol sa mga
paborito ninyong pagkain, gawin at
paborito ninyong kaibigan"
"Sino sa inyo ang paboritong kainin ay
gulay? " Ako po"
"May kaibigan kasi ako dito, gusto daw
kayong makilala ang pangalan niya ay si
Diding"
(Babasahin ang kwentong "Gusto ko ng
Pansit Ngayon"
(Tatawag ng mag-aaral)
"Ano kayang paboritong pagkain ni
Ronalyn? "Adobo po"

"Bakit ito ang paborito mo? "Kasi masarap po"


E. Pagpapalawak
(Tatawag ng mga mag-aaral na
maglalagay ng kanyang paboritong
pagkain sa plato)
(Tatawag ng mga mag aaral at ilarawan
ang kanyang paboritong gawin, laruan at
kaibigan)
F. Paglalapat
"Bakit kailangang malaman at bakit ito "Dahil tayo ay may kanya-kanyang
mahalaga na malaman ang iba't ibang paboritong bagay, gawain at pagkain. Ang
pansariling kagustuhan? O ang inyong mga ito ay nagpapakilalabsa atin bilang
paborito?" natatanging bata."
G.Paglalahat
"Ang bawat bata ay may iba't ibang
paborito. Ito ang nag papakilala saatin
bilang natatanging bata Bawat isa ay may
pansariling kagustuhan gaya ng
paboritong kulay, damit, pagkain, gamit
at lugar. Paborito ang tawag sa anumang
bagay na pinakagusto at pinahahalagahan
natin. "
"Tumayo ang lahat at awitin natin ang
My Favorite Things"

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit sa plato ang paborito mong pagkain.


Mamarkahan ang iyong gawain sa:
Kaangkupan sa tema 50%
Kaayusan ng iginuhit 30%
Malinis na pagguhit 20%

V. Takdang Aralin
Isulat sa larawang kamay ang inyong paboritong bagay at matalik na kaibigan.

"Ang aking mga Paboritong bagay at Matalik na kaibigan"

Halimbawa:

Ikaw naman:
Mamarkahan ang iyong takdang aralin sa :

Nilalaman ng takdang aralin 50%


Malinis napagkakasulat 30%
Kaayusan ng pagkakasulat 20%
Inihanda ni:

CLARECE LIEGH C. GALICIA

Natunghayan nina:

ANGEL RUTH C. GALLIGUEZ


Nagsasanay na Guro sa Filipino

SAMANTHA L. POLICARPIO
Guro sa Filipino

You might also like