You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Region IV-A CALABARZON


Division of Rizal
COLEGIO DE MONTALBAN
Kasiglahan Village San Jose, Montalban, Rizal
Institute of Teacher Education

Banghay Aralin sa Filipino 4


Paaralan: San Isidro Elementary School Baitang at Seksyon: 4 Ipil-Ipil
Guro: Christine Joy P. Taladoc Asignatura: Filpino
Petsa at Oras: April 11, 2024 7:00-8:00 am Markahan: Ikaapat na Markahan
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast o teleradyo.

F4WG-IVa-13.1
Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
II. Nilalaman
Paksa: Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng
Pangungusap sa Pagsasalaysay ng Sariling
Karanasan

Kwento: Isang Araw sa Sitio Pariahan


III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian YouTube
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 4
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, Visual Aid, Video, Libro
C. Integration Music, Araling Panlipunan, Math, E.S.P,
IV. Pamamaraan
Gawaing Pangguro Gawaing Pang-mag-aaral
1. Pagbating Panimula 1. Pagbating Panimula
“Magandang Umaga aking mga mag-aaral!” “Magandang Umaga rin po, Titser Joy”
2. Panimulang Dasal 2. Panimulang Dasal
(Tumawag ng isang mag-aaral sa pasisimula ng (Pupunta sa harap ang mag-aaral upang mamuno sa
panalangin.) pagdarasal.)
Munting Paalala
“Sa ating pagsisimula ano ang mga dapat gawin “Tumahimik at huwag makipagdaldalan”
kapag ang guro ay nagsasalita sa harapan.” “Umupo nang maayos”
“Makinig sa guro”
“Tama”
“Sa ating balik-aral ay may inihanda akong
aktibidad para sa inyo.”
“Opo”
“Sa pagsagot, itaas ang kamay at antayin na kayo
ay tawagin, malinaw?”

Matching Type
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang larawan
na ibinabanggit ng mga pangungusap sa Hanay A.
Isulat ang letra sa patlang bago ang numero.

Hanay A Hanay B
____ 1. Si Joanna ay A.
naglalakad. Mga Sagot:
____ 2. Sino kaya ang aking B. 1. A
iguguhit sa Arts? 2. E
3. C
____ 3. Magdilig ka nga ng C. 4. D
mga halaman. 5. B
____ 4. Makikiraan po ako. D.

____ 5. Aray! Ang sakit ng E.


tuhod ko!
(Isinagawa ang clap)
(Ituturo ng guro ang “Ang Galing Galing” clap)

A. Balik-aral sa nakaraang Aralin

Pagganyak
Action Song
“Alam niyo ba ang kantang Kung Ikaw ay “Opo”
Masaya?”
“Tayo ay tumayo at ating kantahin ito. Handa na “Opo”
po ba?”
Kung Ikaw ay Masaya
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha) (Kumanta)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)

Kung ikaw ay masaya pumalakpak


Kung ikaw ay masaya pumalakpak (Pumalakpak)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumalakpak

Kung ikaw ay masaya pumadyak ka


Kung ikaw ay masaya pumadyak ka (Pumadyak)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka

Kung ikaw ay masaya gawin lahat


Kung ikaw ay masaya gawin lahat (Lahat ay ginawa)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya gawin lahat
“Kayo ba ay naging masaya dahil sa ating
kinanta?” “Opo”

“Kung gayon, maupo na po ang lahat.”


(Naupo na ang mga mag-aaral)
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Tignan ang larawan sa ibaba.

(Oobserbahan ng mga mag-aaral ang larawan.)

Posibleng Sagot:
Katanungan: 1. Kaarawan
1. Anong pangyayari ang makikita sa larawan? 2. Handa o pagkain, lobo, bisita, regalo, party hat,
2. Ano-ano ang mayroon sa isang kaarawan? inumin, kantahan.
3. Kung ngayon ang iyong kaarawan, ano ang 3. Maraming salamat po sa pagpunta sa aking
sasabihin mo sa mga taong dumalo? kaarawan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin

Integration: Araling Panlipunan


Sa pagpapatuloy, babasahin ng guro ang kwento
na “Isang Araw sa Sitio Pariahan”. Pagkatapos,
sasagutin ng mag-aaral ang mga katanungan.

“Isang Araw sa Sitio Pariahan”


Kwento ni: Jerbie DC. Villafuerte

Isang araw sa Sitio Pariahan, araw ng


Lunes, habang naghahanda sa pagpasok sa
paaralan ang batang si Ambo, narinig niya sa
radyo ang isang balita. "Isang sama ng panahon
ang inaasahang tatama sa kalakhang bahagi ng
Luzon sa Miyerkules. Pinaaalalahanan ang lahat
na maghanda," ang saad sa radyo.
“Nay, 'Tay, napag-aralan po namin sa
aming paaralan na dapat po ay may nakahanda po
tayong "Emergency Kit" kung mayroon pong (Nakikinig)
bagyo. Mayroon na po ba tayo niyon?" ang
tanong ni Ambo sa kanyang mga magulang.
"Hindi na natin kailangan niyon, anak," ang tugon
ni Aling Ida na kasalukuyang nagluluto ng
kanilang almusal.
“Tama, anak. Marami ng bagyo ang
dumaan sa sitio natin. Heto at narito pa rin tayo.
Dadaan at dadaan lamang iyan, lilipas din!"
dagdag ni Ka Temyong na kanyang ama na
naghahanda naman sa pagbisita sa kanilang
baklad. "O, halina't kumain na tayo. Mahuhuli ka
na sa iyong klase Ambo," anyaya ng ina.
Sa paaralan, muling pinaalalahanan ni
Gng. Baltazar ang kanyang mga mag-aaral tungkol
sa paghahanda ng "Emergency Kit" sa tuwing may
darating na bagyo. "Bukod sa paghahanda ng ating
"Emergency Kit", siguraduhing ligtas ang inyong
tahanan sa hagupit ng bagyo. Kung sobrang taas
na ng tubig at hindi na ligtas pang manatili,
lumikas na sa mas mataas na lugar," dagdag ng
guro ni Ambo.
Pag-uwi sa tahanan ni Ambo, dali-dali
niyang sinabi sa kanyang mga magulang ang mga
paalala ng guro. “Sige anak, pagkatapos kong
magluto ng ating hapunan ay aayusin natin iyang
sinasabi mong "Emergency Kit"," wika ni Aling
Ida. "Matapos ko lamang ding ayusin itong aking (Nakikinig)
lambat, tutulungan ko na kayo sa paghahanda,"
ang sabi ng kanyang ama. Lumipas ang
magdamag nang hindi nakapaghanda ang pamilya
ni Ambo.
Kinabukasan, hindi na rin nakapasok si
Ambo sa paaralan dahil sa sama ng panahon.
"Whoosh! Splash! Whoosh! Splash!" Ang mga
malalakas na tunog na iyon ang yumayanig sa
tahanan nila Ambo habang patuloy pa rin ang
pagbuhos ng ulan kasabay ng paghampas ng
malakas na hangin dulot ng bagyo.
"Nay,'Tay, mukhang tatagal pa ang ulan at
malaki na ang tubig. Tara na pong lumikas!"
“Anak, hintay, hintay pa tayo. Huhupa rin ang
bagyo,” saad ng ama ni Ambo. "Whoosh! Splash!
Whoosh! Splash!" Nagpatuloy ang ulan.
"Temyong! Masyadong malaki na ang
tubig sa labas! Di na ligtas dito! Lumikas na tayo!"
may pag-aalalang sabi ni Aling Ida. Dali-daling
binuhat ng mag-asawa si Ambo at kinuha ang
kanilang mahahalagang gamit.
Isang malakas na alon ang sumalubong at
tumangay sa kanila. "Kumapit kayo sa lambat!"
ang sigaw ni Ka Temyong sa kanyang mag-ina na
kanila namang ginawa. "Nay! 'Tay!" ang natatakot
na sigaw ni Ambo. "Kung nakalikas lang sana tayo
ng mas maaga hindi na sana mangyayari ito.
Huhuhu." ang iyak ni Aling Ida.
Lumipas pa ang ilang oras, humupa na rin
ang bagyo. Nagsidatingan na rin ang mga
bangkang magliligtas sa mga nasalanta.
Karamihan sa mga nasalanta ay nakakapit lamang
sa mga baklad.
(Nakikinig)
Pansamantalang pinatuloy ang mga
nasalanta sa Paaralang Elementarya ng Taliptip.
"Sa tindi ng hagupit ng bagyo, siguradong wala na
tayong mababalikan pa sa sitio. Saan na ngayon
tayo titira?" "Huwag kang malungkot Temyong.
Manalangin tayo sa Diyos. Hindi Niya tayo
pababayaan," ang sabi ni Aling Ida.
Tila dininig ang kanilang hiling. Binigyan
ng pabahay ang mga nasalanta ng bagyo. Isa na
rito ang pamilya ni Ambo. Ligtas man sa
nalipatang lugar, pinangako ng pamilya ni Ambo
na lagi nang maghahanda sa anumang kalamidad.
Posibleng Sagot:
1. Aling Ida, Ambo, Ka Temyong o Temyong,
Mga katanungan:
Gng. Baltazar
1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Sitio Pariahan
2. Saang Sitio nakatira ang pamilya ni Aling Ida?
3. Isang bagyo
3. Anong kalamidad ang nangyari sa Sitio
4. (Ang mga bata ay magbabahagi ng kanilang
Pariahan?
karanasan.)
4. Naranasan mo na ba ang bagyong nangyari sa
Sitio Pariahan? Isalaysay mo ang iyong naging
karanasan.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong Kasanayan #1

Iba’t ibang Uri ng Pangungusap


1. Pasalaysay- nagsasalaysay o nagkukwento ng
mga pangyayari. Tuldok (.) ang bantas na gamit.
Halimbawa: Si Joanna ay naglalakad.
(Nakikinig)
2. Patanong- pangungusap na nagtatanong.
Tandang pananong (?) ang bantas na gamit.
Halimbawa: Sino kaya ang aking iguguhit sa Arts?

3. Pautos- pangungusap na nag-uutos. Tuldok (.)


ang bantas na gamit.
Halimbawa: Magdilig ka nga ng mga halaman.

4. Pakiusap- maaaring nagsasaad ng paghingi ng


pabor o nakikiusap. Tuldok (.) o Tandang
pananong (?) ang bantas na gamit.
Halimbawa: Makikiraan po.

5. Padamdam- nagpapahayag ng matinding


damdamin, ito ay maaring pagkatuwa, gulat, galit,
at sakit. Tandang padamdam (!) ang bantas na (Nakikinig)
gamit.
Halimbawa: Aray! Ang sakit ng tuhod ko!

Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa


Pagsasalaysay ng Sariling Karanasan

• Mahalaga ang paggamit ng iba’t ibang uri ng


pangungusap dahil naipahahayag natin ang ating
ideya, saloobin, at karanasan.
• Nabibigyang diin natin ang mga kaganapan sa
ating buhay at mas naiintindihan ito ng taong ating
kinakausap.

Pagsasanay
Panuto: Piliin sa kahon ang salita na angkop sa
pagsasalaysay ni Ambo ng kaniyang karanasan sa
nangyaring bagyo. Idikit ang tamang sagot sa
patlang.
natakot Emergency Kit

paglikas guro bagyo

Ako si Ambo, narito ang aking karanasan. Mga Sagot:


Lagi kaming sinasabihan ng aming _____ na si guro
Gng. Baltazar sa paghahanda ng Emergency Kit. Emergency Kit
Ngunit, ang aking magulang ay hindi paglikas
nakapaghanda ng __________. Kaya isang araw natakot
kami ay nahirapan sa _______. Ako ay _______ at bagyo
napasigaw ng “Nay! Tay!” Sa nangyaring iyon,
kami ay magiging handa na sa posibleng
pagdating ng _____.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong Kasanayan #2

Pangkatang Gawain
Panuto: Buuin ang puzzle at idikit ito sa manila
paper. Bumuo ng 2 o 3 pangungusap batay sa
karanasan na ipinapakita sa larawan. Gamitin ang
uri ng pangungusap na ibinigay sa inyong grupo.

Pumalakpak ng 3 beses at sabihing “Tapos na po”

Pangkat 1 Pasalaysay

Pangkat 2 Patanong

Pangkat 3 Pautos
Pangkat 4 Pakiusap

Pangkat 5 Padamdam

Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang


Gawain

F. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong Kasanayan #3

Panuto: Piliin sa kahon ang uri ng pangungusap na


ginamit. Isulat ang letra sa patlang bago ang
numero.
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Padamdam E. Pautos
C. Patanong
Mga Sagot:
_____ 1. Tara na pong lumikas! 1. B
_____ 2. Nagpunta sa hardin ang aking papa. 2. A
_____ 3. Maghugas ka ng mga plato. 3. E
_____ 4. Bakit hindi ka pumasok kahapon? 4. C
_____ 5. Paki-abot po ang basahan. 5. D
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na
Buhay

• Nakakita ka na ba ng taong nagkakalat sa daan?


• Ano ang iyong sasabihin sa taong hindi
marunong magtapon ng kalat sa tamang
basurahan?

H. Paglalahat ng Aralin Posibleng Sagot:


• Ang limang uri ng pangungusap ay pasalaysay,
• Ano ang limang uri ng pangungusap? patanong, padamdam, pautos, at pakiusap.
• Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ito kapag • Mahalaga ito dahil nasasabi natin nang maayos
tayo ay magbabahagi ng ating karanasan? ang ating emosyon, saloobin, at karanasan.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Isulat sa patlang ang PS kung ang


pangungusap ay pasalaysay, PT kung patanong,
PU kung pautos, PK kung pakiusap, at PD kung
padamdam.
______ 1. Ang mga bisita ay nagpunta sa aking Mga Sagot:
kaarawan. 1. PS
______ 2. Saan mo binili ang iyong cake? 2. PT
______ 3. Mmmm! Ang sarap ng aking handa. 3. PD
______ 4. Buksan mo na ang mga regalo mo. 4. PU
______ 5. Paki-abot po ng baso sa lamesa. 5. PK

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-


Aralin o Remediation

Bumuo ng isang talata batay sa iyong hindi


makalilimutang karanasan sa buhay. Gamitin ang
iba’t ibang uri ng mga pangungusap. Isulat ito sa
inyong notebook.

Inihanda ni:
Bb. Christine Joy P. Taladoc
Pre-service Teacher

Binigyang Pansin ni:


Gng. Marjelyn L. Biraquit G. Daniel Bautista
Cooperating Teacher Teaching Internship Adviser

Gng. Anamarie A. Jabat G. Elpidio A. Pelicano


Principal III - Assistant Principal

You might also like