You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Unang Baitang

I. Layunin: Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng


pagpapakilala ng sarili, pagpapahayag ng sariling karanasan at pagbati.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Paggamit ng magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng


pagpapakilala ng sarili, pagpapahayag ng sariling karanasan at pagbati.

Sanggunian: K to 12 MELC p. 144 Alab ng Wikang Fil. 1, Online sources/internet


Kagamitan: panturong biswal, mga larawan, pentel pen, manila paper at ibp.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
(Magandang umaga sainyong lahat Magandang umaga din po Titser!
mga bata!)

2. Panalangin
(Magsitayo ang lahat para sa (Ang mga bata ay tatayo upang manalangin.)
panalangin.)

3. Pagsasaayos ng silid-aralan at
pagtsek ng liban at hindi liban

B. Panlinang na Gawain

Pagganyak
(Magpapakita ng mga larawan.)

(1) (2)

Mga bata ano ang masasabi ninyo sa larawan?


(1) Ang bata ay binigyan ng regalo.
(Unang Larawan)
-Ano ang dapat nating sabihin kapag nakatanggap
Maraming salamat po!
tayo ng regalo galing sa iba?
(Ikalawang Larawan)
-Ano ang dapat sabihin kung isang umaga ay
Magandang umaga po Titser!
nakasalubong mo ang iyong guro?

(Magaling mga bata!)

Paglalahad

(Magpapaskil sa pisara)
(Ang mga bata ay magbabasa o makikinig.)
Basahin o pakinggan ang pagpapakilala ng
dalawang bata.
(Gagabayan ng guro ang mga bata sa pagbabasa.)

Ako po si Lito.
Anim na taong gulang.
Nakatira po ako sa Barangay Ifugao Village.

Tatlo po kaming magkakapatid.


Ang nanay ko po ay si Nanay Anabel.
Ang tatay kop o ay si Tatay Mateo.

Ako naman po si Lita.


Anim na taong gulang.
Nakatira po ako sa Macate, Diffun, Quirino.

Dalawa po kaming magkapatid.


Ang nanay kop o ay si Nanay Lara.
Ang tatay kop o ay si Tatay Eric.

Pagtatalakay

Mga Katanungan: Opo!

1. Naging magalang ba sina Lito at Lita sa


pagpapakilala nila sa kanilang sarili? Gumamit sila ng magalang na pananalita
tulad ng “po” sa pagpapakilala.
2. Paano ipinakita nina Lito at Lita ang
kanilang magalang na pagpapakilala?
Opo!
3. Kailangan bang gumamit ng “po at “opo”
kapag magpapakilala? Sapagkat ito ay tanda ng pagiging magalang.
Bakit?

(Mahusay mga bata!)

(Ipapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na


halimbawa ng magalang na pananalita sa iba’t- (Ang mga bata ay makikinig o magbibigay
ibang sitwasyon) halimbawa)

‘’Maraming salamat po” (pagpapasalamat)


“Maaari po ba?’’ (paghingi ng pahintulot)
“pasensya na po” (paghingi ng paumanhin)

“Tuloy po kayo” (pagtanggap ng panauhin)


“Kumusta po kayo” (pangungumusta)
“Ako po si Lito” (pagpapakilala)
(Naintindihan po ba mga bata?)

C. Pangwakas na Gawain

Paglalapat

Pangkatang Gawain

(Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang


pangkat.)

(Unang Pangkat)

Hanapin sa Hanay B ang ibigsabihin ng larawan


na makikita sa Hanay A.
(Inaasahang kasagutan- Unang Pangakt)
Hanay A Hanay B

1. Maraming salamat
po, Lolo.” 1. “Kumusta ka. Ako pala si Donna”.

2. “Maraming salamat po, Lolo”.

3. “Salamat po sa tulong.”
2. “Salamat po sa tulong.”

3. “Kumusta ka. Ako pala si


Donna”.

(Ikalawang Pangkat)

Anong magalang na pananalita ang dapat na


gamitin sa bawat sitwasyon o pangyayari?

(Isasadula ng pangkat ang kanilang sagot sa harap


ng klase)

1. Nagpasalamat si Irene sa aklat na hiniram


niya sa kaklase.
_________________________________ “Maraming Salamat po.”

2. Isang umaga nasalubong ni Maria ang “Magandang umaga, po.”


guro niya.
_________________________________ “Opo inay.”
3. Anak, magsanay ka sa pagbabasa”, wika
ng ina.
_________________________________

Paglalahat

Maipapakita ang pagiging magalang na


pananalita sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang “po “at “opo”.
“Po at opo”
IV. Pagtataya

Piliin sa kahon ang magalang na pananalita na


angkop sa sitwasyon o pangyayari. Isulat papel
ang titik ng tamang sagot.

(Babasahin ng guro ang bawat pangyayari sa


bawat aytem)

A. Paabot po ng suka, Kuya


B. Makikiraan po.
C. Magandang hapon po
D. Maraming salamat po.
E. Magandang umaga po.

1. Nais dumaan ni Joyce sa gitna ng dalawa


niyang kaklase na nag-uusap. (Inaasahang Kasagutan)

2. Isang hapon, habang papunta sa 1. B.


simbahan nasalubong ni Ana ang kanyang 2. C.
guro na si Bb. Glenda. 3. D.
4. A.
3. Masaya si Mila dahil sa natanggap na 5. E.
regalo.

4. Nais ipaabot ni Rona ang bote ng suka sa


kanyang suka.

5. Nakasalubong ni Charles ang kapitan


isang umaga.

V. Kasunduan/Takdang Aralin:

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang


magalang na pananalita sa bawat sitwasyon.

1. Dumating ang inyong guro. Ipakilala ang


iyong sarili. Sabihin mo kung ano ang nais
mong malaman niya tungkol sa iyong
sarili.

2. Batiin ang tatay sa kanyang kaarawan.

You might also like