You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY- ARALIN

FILIPINO - 8

Markahan: Baitang 8-FILIPINO-Ikalawang Markahan


Bilang ng Sesyon: 1
Petsa: Disyembre 7, 2022

I. Layunin

Sa pagtatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ng Baitang 8- Loyalty


ay inaasahang:
 nakikilala ang mga salita ayon sa uri ng panghalip nito;
 napahahalagahan ang gamit ng panghalip sa kaayusan ng
pangungusap; at
 nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang apat na uri ng
panghalip.

II. Paksang Aralin


Paksa: PANGHALIP

Sanggunian: Elektronikong sanggunian:

https://aralinph.com/uri-ng-panghalip-at-mga-halimbawa-nito/

https://vdocuments.net/panghalip-at-mga-uri-nito.html

https://philnews.ph/2019/06/19/uri-ng-panghalip-5-uri-ng-
panghalip-halimbawa/

Kagamitan:

biswal na pantulong speaker

panulat pandikit

manila paper timer

larawan bell

Integrasyon: Kasaysayan at EsP

Pagpapahalaga: Kooperasyon at disiplina


III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain:
 Panalangin

Inaanyayahan ang lahat na tumayo. (tumayo ang lahat)

JP, maaari mo bang pangunahan ang “Opo, ma’am”


panalangin?

Maramimg salamat, JP.

 Pagbati
“Magandang umaga po, Bb. Mej.”
Magandang umaga, mga Ginoo at
Binibini ng pangkat Loyalty!

 Pagsasaayos ng silid-aralan
(Gagawin ng mag-aaral)
Bago magsiupo tingnan muna kung
nasa tamang hanay ba anag inyong
mga upuan. Tumungin tingin din sa
paligid at pulutin kung mayroon man
kayong nakitang kalat. Ilagay muna
sa inyong mga bag at mamaya na
itapon sa basurahan.

Kung tapos na ay maaari na kayong “Maraming salamat po, Bb. Mej.”


umupo.

 Pagkuha ng atendans
Pangulo, sino ba ang lumiban?
“Wala pong lumiban, binibini.”

Mabuti at walang lumiban sa inyo, sana


magtuloy-tuloy na iyan.
“Okey lang po, Bb.”
Kumusta kayo?

Kung gayon, sana nga ay nasa mabuti


kayong kalagayan at sana ay handa na kayo sa
panibago nating aralin.

 Pagbabalik-Aral
“Tungkol po sa Ang Guryon,
Bago natin simulan ang pagtuklas
binibini.”
ng ating panibagong aralin. Ano
muna ang ating nakaraang
tinalakay?

Tama, tungkol sa tulang “Ang


Guryon” na sinulat ni Ildefonso
Santos.
“Tungkol po sa saranggolang
Tungkol saan ang tulang iyon? ibinigay ng ama sa kaniyang anak.”

Tama, tungkol din ito sa mga


paalala, mga payo ng ama sa
kaniyang anak gamit ang guryon
o saranggola na ibinigay niya sa
kaniyang anak.

Magaling at naalala niyo pa ang


inyong nakaraang talakayan,
batid kong handa na talaga
kayo sa panibagong paksa.

 Pagbibigay paalala at
alituntunin para sa buong
sesyon:

Sa pagsisimula ng ating gawain


sa araw na ito nais ko lang
ibigay ang aking mga alituntunin
sa loob ng isang oras.
 Una, hahatiin ko kayo sa
apat na pangkat, una,
ikalawa, pangatlo at pang-
apat na pangkat.
 Pangalawa, sa bawat
ingay na maririnig ko sa
inyong grupo ay
nangngahulugang bawas
puntos.
 Pangatlo, kung gustong
magsalita ay itaas lamang
ang kanang kamay at
hinataying makita at
matawag ko kayo.
 Panghuli, maging aktibo
sa klase na nananatili pa
rin ang disiplina at respeto
at asahan ninyong may
matatanggap kayong
kaunting regalo mula
sa’kin.
“Opo, binibini.”
Ang tanong, naintindihan ba at handa na
ba ang lahat?

Kung gayun, makinig sa aking panuto.

A. Pagganyak

“ISANG SALITA LANG ‘YAN”

Bilang hudyat ng pagsisimula ng ating


gawain ngayon tumayo muna ang lahat (tumayo ang lahat)
sapagkat may ituturo ako sa inyong
sayaw na siyang magagamit natin
mamaya at batid kong alam niyo na ito
sapagkat babad na babad kayo sa site na
ito.

(Pinatogtog ng guro ang musika at tinuro


ng guro ang sayaw)

Ayan sa tingin ko ay kuha ng lahat umupo


muna at makinig sa mechanics ng ating
laro na pinamagatan kong “ISANG
SALITA LANG ‘YAN.”

Sa nakikita ninyo ngayon may hawak


akong mga letra, at ito ang gagamitin
ninyo sa pagbuo ng mga salita at kung
nakita man ninyo ang salitang iyon doon “Opo, binibini.”
sa kahon na iyon ibig sabihin ay isang
puntos na iyan. Itatala ko lamang ang
puntos kapag tama ang salita at napindot
ninyo bell na iyan. Bibigyan ko lamang
kayo ng isang minuto para bumuo ng mga
salita. Naintindihan ba?

Ngunit, bago magsimula ay susubukin ko


muna ang inyong disiplina sa kilos at
kooperasyon sa pamamagitan nito- sasayawin
muna natin ang sayaw at kailangang
magmadali ngunit bawal tumakbo ng pangkat
na sasabak sa laro at kailangang
makapweesto na sila dito sa harap at may
hawak nang letra dahil sila lamang ang
sasayaw ng chorus. “Kaya, binibini.”

Kaya? (Sumabak ang bawat pangkat sa


laro)

Ayan! Naging masaya ba ang lahat sa


ating laro? Mahusay ninyo nakuha ang
mga salita at pagbati sa sa pangkat na
nanalo.

Ngayon, sa tingin ninyo ano ba ang mga “Ito po ba ay panghalip?”


salitang iyon?

Tama ang mga salitang iyon ay


halimbawa ng PANGHALIP. At ‘yan ang
ating paksang tatalakayin sa araw na ito
kabilang na rin ang mga na uri nito.

Ngunit, bago tayo magpatuloy ay basahin Sa pagtatapos ng isang oras, ang


mo muna, G. Alfaro ang layunin na mga mag-aaral ng Baitang 8-
kailangan nating maisakatuparan sa Loyalty ay inaasahang:
umagang ito.
 nakikilala ang mga salita ayon sa
uri ng panghalip nito;
 nagugunita ang kasaysayan
Maraming salamat, G. Alfaro.
habang tinatalakay ang panghalip;
at
 nakabubuo ng mga pangungusap
gamit ang apat na uri ng
panghalip.

B. Pagtatalakay/Paglinang
(Integrasyon ng kasaysayan)

Gawain: talakayan, tanong-sagot

Ang sagot ninyo kanina kung ano ang mga


salitang inyong nabuo ay PANGHALIP. Ano nga
ba ang panghalip?
Ang panghalip ay ang salitang
humahalili o pamalit
Sige nga, G. Aldrich. sa pangngalan na nagamit na sa
parehong pangungusap o kasunod
ng pangungusap upang hindi ito
Magaling! Tama G. Aldrich, ito ay humahalili sa paulit-ulit na magamit.
pangngalan ibig sabihin maging ito man ay
ngalan ng tao, bagay, hayo, pook o pangyayari.

Hal. Si Bb. Maryjel ay aming guro. Siya ay


mabait. “Ang salitang SIYA po
binibini, dahil ito po ang humahalili
Saan kaya doon ang panghalip? sa iyong pangalan.”

Magaling! Napakahusay ang iyong sagot Bb.


Aminah.

Ito po ay mula sa salitang “tao”,


Ngayon ay tatalakayin naman antin ang mga uri kaya’t nagpapahiwatig na “para sa
ng panghalip. Una ang panghalip na panao. tao” o “pangtao”. Ito ay panghalili sa
Sino ang mayroong idea patungkol sa ngalan ng tao. Hal. ako, ikaw, siya,
Panghalip na Panao? sila, kayo, tayo
Naririnig kita, Bb. Kayesha.
Tama ka riyan binibini. Magaling!

Halimbawa: Si Jose Protacio Rizal Mercado y


Alonso Realonda ay anak nina Francisco Rizal
Mercado at Teodora Morales Alonzo y Quintos

Kung papalitan natin ang pangalan sa kasunod


na pangungusap ano ang puwede nating
magamit na panghalip?
(inayos ng mag-aaral ang
Pangkat isa kailangan ko ng isang kalahok para pangungusap sa ayos na “Siya
ayusin ang pangungusap dito sa pisara. Sa ang gating pambansang bayani.”)
likod niyan ang ay may larawan at kung
naisaayos mo ang pangungusap ay mabubuo
din ang larawan at ibig sabihin niyan ay tama
ang iyong sagot.

Tingnan nga natin kung nabuo ba ang larawan.


Magaling at nabuo ang nang maayos ang
larawan at pangugnusap.

Nabuo nag, magaling.

Ngayon dumako naman tayo sa panglawang


uri, ang Panghalip na Pananong.

Ang panghalip na pananong ay mula sa salitang


“tanong”, kaya’t may pakahulugang
“pantanong”. Pinaghahalili sa pangngalan sa
paraang patanong.

Hal.: saan, sino, bakit, ano, at ilan (nabuo nang tama ang
Sa Luneta Park binaril si Jose Rizal. pangungusap)

Pangalawang pangkat, isang kalahok para


ayusin ang pangungusap na ito.

Dumako naman tayo sa pangatlong uri ang “Ito ay panghalip na sumasaklaw sa


Panghalip na Panaklaw. G. Caro, ano sa tingin kaisahan, dami, bilang, o kalahatan
mo itong panghalip na panaklaw? ng pangngalang tinutukoy.”
Mahusay! Ibig sabihin lamang niyan na ang
panghalip na panaklaw ay tumutukoy sa bilang
ng tinutukoy na pangngalan. (nabuo nang tama ang
pangungusap)
Hal. isa, iba, lahat, ilan, madla karamihan, Isa sa mga naisulat niya ay ang Noli
sinuman, alinman Me Tangere.
Pangkat tatlo isa na namang kalahok para
ayusin ang pangungusap na ito.

Panghalip na Pamatlig po, binibini.

Ngayon, oras na para alamin ang panghuli. Sa


tingin ninyo ano kaya ang isa pang uri ng
panghalip?

Tama! Ang Panghalip na pamatlig na inihahalili


sa pangngalang nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan.
(nabuo nang tama ang
Hal: ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito,
pangungusap)
ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito,
nariyan, at naroon..
Ito ang kaniyang gingamit sa
Para sa huling pangkat, isa na anamng kalahok
pakikipaglaban sa mananakop.
na aayos sa pangungusap.

Tama ang naging ayos ng pangungusap kung


kaya tama rin ang larawn na nasa likod.

Ayan, batid kong naintindihan ng lahat ang


paksang tinalakay natin.

Mga salitang humahalili sa ngalan


ng tao bagay, hayop, pook o
C. Paglalahat pangyayari.
Sige nga kung talagang naintindihan ng lahat,
ano nga ulit ang Panghalip? Sobrang mahalaga po ang
panghalip sa daloy ng
komunikasyon sapagkat gamit nito
ay nagpapahayag nang maayos ang
Ngayon, gaano ba kahalaga ang panghalip sa
kaisipan, hindi pabalik-balik ang mga
kaayusan ng pangungusap? Ano ang
pangngalan kung kaya nagiging mas
mangyayari kugn walang panghalip?
malinaw ang pagpapahayag ng idea.
D. Paglalapat (Integrasyon ng Esp)

Sa inyong pangkat, bibigyan ko kayo ng isang (bubuo ng mga pangungusap at


manila paper at panulat, bumuo kayo ng isang isa isang magbahagi ng mga
halimbawa ng panghalip na panao, pananong, sagot)
panaklaw at pamatlig. Pagkatapos ay ibabahagi
ninyo sa klase kung tapos na. Bibigyan ko
lamang kayo ng tatlong minuto. Ang inyong
magiging paksa ay nasa manila paper mismo.

IV. PAGTATAYA

Sa puntong ito ay may ibibigay ako sa (agad na sumagot nang tahimik ang
inyong papel at panulat. mga mag-aaral)

PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng mga


pahayag na nasa bilang 1-5, isulat
lamang sa patlang ang iyong sagot.
Salungguhitan anamna ng tamang
panghalip sa bilang 6-10.

1. uri ng panghalip na ginagamit sa


pamalit sa pangngalan sa paraang
patanong

2. uri ng panghalip na ginagamitan


ng tandang pananong

3. uri ng panghalip na ginagamit sa


pamalit sa pangngalan sa
paraang patanong

4. humahalili o pamalit sa ngalan o


pangngalan na nagamit na sa
parehong pangungusap o
kasunod na pangungusap

5. inihahalili sa nagtuturo ng lugar


na kinalalagyan ng
pangngalan

6. Si Han at Jim ay magkaklase.


(Sina, Sila) rin ay magkaibigan.

7. Ang mga bayani ay magigiting.


(Sila, Siya) ay dapat tularan.
8. (Saan, Sino) binaril si Jose Rizal?

9. (Isa, Lahat) siya sa mga kalahok.

10. Kanina niya pa hinahanap ang lapis.


Nasa akin lang pala (iyon, ito)

V.Takdang-Aralin.

Mamili ng isang kanta, basahin at (inilabas ang kuwaderno at kinopya


unawain ang liriks nito at maghanap ng ang takdang aralin)
mga pangungusap na ginagamitan ng
panghalip. Salungguhitan ang salita at
ilagay kung anong uri ng panghalip ito.

Inihanda ni:

SUMAMBOT, MARYJEL C.

You might also like