You are on page 1of 5

LAGUMANG PAGSUSULIT

IKALAWANG KWARTER
Filipino 8

Pangalan: Petsa: / / Puntos:

Pangkalahatang Panuto: Sa loob ng limampung (50) minuto, basahin at unawain ang sumusunod na
pahayag/tanong. Matalinong sagutin ang bawat aytem at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
I. PAGPILI-PILI
A. Panuto: Tukuyin ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik
ng tamang sagot.

1. Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o


galaw. BInubuo ito ng salitang-ugat at mga panlapi.
A. Pangngalan
B. Pandiwa
C. Pang-abay
D. Panghalip

2. Ito ay nagpapahiwatig kung kailan naganap ang isang kilos o galaw. Inilalarawan nito kung
naganap na, magaganap pa lamang o kung kasalukuyang ginawa ang kilos.
A. Pandiwa
B. Aspekto ng Pandiwa
C. Bahagi ng Panalita
D. Pokus ng Pandiwa

3. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap.
A. Pandiwa
B. Aspekto ng Pandiwa
C. Bahagi ng Panalita
D. Pokus ng Pandiwa

B. Panuto: (Para sa aytem 4-6) Tukuyin ang PANDIWA sa bawat pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

4. Ang Baywalk ay isa sa mga pasyalan dito sa Mati kaya pinuntahan namin iyon.
A. Baywalk
B. pasyalan
C. pinuntahan
D. iyon

5. Mahilig si mama maglagay ng Magic Sarap sa kaniyang lutuin.


A. mahilig
B. Magic Sarap
C. maglagay
D. lutuin

6. Si G. Erlangen ang magtuturo ngayon sa pangkat namin.


A. pangkat
B. G. Erlangen
C. magtuturo
D. ngayon

II. PAGPUPUNO

C. Panuto: (Para sa aytem 7-12) Suriin ang mga pandiwa na nasa ibaba. Sa kahon, punan ang
bawat hanay ng mga pandiwa ayon sa ASPEKTO nito.

nanonood namamasyal umindak


uminom tatalon kakanta

PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

7. 9. 11.

8. 10. 12.

D. Panuto: (Para sa aytem 13-15) Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na
PANDIWA ang mga patlang mula talahanayang ikinumpleto mo sa itaas.

13. __________ kami ng pelikula ngayon sa Baywalk dahil may libreng movie marathon si Mayor
Rabat.
13. Pinigilan ko siya dahil akmang __________na siya mula sa itaas na bahagi ng gusali.
15. Sumayaw at __________ang lahat nang pinatogtog ni Bb. Maryjel ang musika mula sa Tiktok.

III. PAGTATAPAT-TAPAT
E. Panuto: (Para sa aytem 16-21). Suriin ang bawat pangungusap na nasa HANAY A, itapat ito sa
HANAY B ayon sa kung anong POKUS NG PANDIWA mayroon ang pangungusap.
HANAY A 20. Ang sandok ay ipinangkuha ni G.
Aljohar ng adobong manok sa kawali.
16. Si G. Aljohar ay nagluto ng adobong
manok. 21. Ang pagluto ni G. Aljohar
ay ikinasaya ni G. Mark.
17. Ang adobong manok ay niluto ni G.
Aljohar. HANAY B

18. Sa kusina niluto ni G. Aljohar ang A. Pokus sa Sanhi o Kusatib


adobong manok. B. Pokus sa Gamit o Instrumental 
C.  Pokus sa Tagatanggap o Benepaktib
19. Si G. Mark ay pinagluto ni G. Aljohar
D. Pokus sa Ganapan o Lokatib
ng adobong manok.
E. Pokus sa Layon o Gol 
F.  Pokus sa Tagaganap o Aktor

IV. PAGPAPALIWANAG

Panuto: (Para sa aytem 22-24) Sagutin ang tanong patungkol sa POKUS NG PANDIWA.
Ipaliwanag ang sagot sa loob ng tatlong pangungusap lamang.

BAKIT KAILANGANG PAG-ARALAN ANG POKUS NG PANDIWA?


Sukat ng Pamantayan Deskripsiyon

Mahusay Naipaliwanag nang maayos ang buong sagot.


Maayos at malinaw ang pagkakasunod-sunod ng
(3 puntos) mga idea at wasto ang paggamit o pagbaybay ng
mga salita sa pagpapaliwanag.

Hindi Gaanong Mahusay Di gaanong naipaliwanag ang sagot. Hindi


gaanong maayos, hindi gaanong malinaw ang
(2 puntos) pagkakasunod-sunod ng mga idea at hindi
gaanong wasto ang paggamit o pagbaybay ng
mga salita sa pagpapaliwanag.

Hindi Mahusay Hindi naipaliwanag nang maayos ang sagot. Hindi


maayos at hindi malinaw ang pagkakasunod-
(1 puntos) sunod ng mga idea at hindi wasto ang paggamit o
pagbaybay ng mga salita sa pagpapaliwanag.
IV. PAGGAWA
Panuto: (Para sa aytem 25-30). Gumuhit ng katawan ng tao at itapat ang gampanin ng bawat
bahagi nito gamit ang pandiwa o mga salitang kilos.

Sukat ng Pamantayan Deskripsiyon

Mahusay Malinis ang pagkakaguhit. Malinaw ang


pagpapahayag ng gampanin at nagagamit nang
(6 puntos) tama ang mga pandiwa.

Hindi Gaanong Mahusay Di gaanong malinis ang pagkakaguhit. Hindi


gaanong malinaw ang pagpapahayag ng
(4 puntos) gampanin at hindi gaanong nagagamit ang mga
pandiwa.

Hindi Mahusay Hindii malinis ang pagkakaguhit. Hindi malinaw


ang pagpapahayag ng gampanin at hindi
(2 puntos) nagagamit nang tama ang mga pandiwa.

Mga susing sagot:

1. B.
2. B.
3. D.
4. C.
5. C. 18. D
6. C 19. C
7-8. uminom, umindak 20. B
9-10. nanonood, namamasyal 21. A
11-12. kakanta, tatalon 22-24
13. nanonood (PAGPAPALIWANAG)
14. tatalon Batay sa pamantayang ibinigay ng guro.
15. umindak
“Para malaman ang tunay ng gamit ng pandiwa
sa pangungusap.”

26-30 .
16. F (PAGGAWA)
17. E Batay sa pamantayan na ibinigay ng guro.

Inihanda ni:
MARYJEL C. SUMAMBOT

You might also like