You are on page 1of 3

IKATLONG BUWANANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I. TAMA O MALI: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap at MALI kung hindi.
1. Kung ang Tugmang de Gulong ay nasa anyong salawikain, kasabihan o patula, ang Palaisipan
naman ay anyong patanong.
2. Ang tugmang de gulong ay gumagamit ng pagwawangis o metapora.
3. Kalimitang ginagamit ang palaisipan upang maging panukso sa kapwa.
4. Paksain ng awiting panudyo ang pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan at pag-asa.
5. Ang Tugmang de Gulong ay karaniwan din pumapaksa sa mga pang-araw-araw na sitwasyon sa
pamamasada o pagbibiyahe.
6. Ang palaisipan ay karaniwang tanong na kadalasang nakapagpapalito sa mga tagapakinig.
7. Ang tula ay maituturing na pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino.
8. Mang-uyam ang pinakalayunin ng awiting panudyo.
9. Layunin ng bugtong na pukawin at pasiglahin ang isipan ng mga nakikinig.
10. Sa pamamagitan ng tugmang de gulong ay malayang naipaparating ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe ng pasahero.

II. PAGPIPILIAN
A. Tukuyin kung anong uri ng karunungang bayan ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot .
A. Awiting panudyo B. Bugtong C. Tugmang de-gulong D. Palaisipan

11. “Basta sexy Libre”


12. “Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.”
13. “Pedro Penduko,matakaw na tuyo, Nang ayaw maligo, pinukpok ng tabo”

B. Piliin at bilugan ang titik ng angkop na salita sa loob ng panaklong batay sa ibinigay kahulugan at gamitin ito
sa makabuluhang pangungusap. (2 puntos)

A. SA:wa B. sa:WA 14-15. Isang uri ng ahas na may malaking bunganga.


Pangungusap:
A. TU:bo B. tu:BO 16-17. Daanan ng tubig na papunta sa gripo.
Pangungusap:
A. ga:BI B. GA:bi 18-19. Masarap na gataan at gawing ulam.
Pangungusap:
A. Talagah B. talaga 20-21. Nagtatanong tungkol sa isang bagay.
Pangungusap:
A. TA:la B. ta:LA 22-23. Makikita sa langit sa tuwing gabi.
Pangungusap:

C. Bilugan ang titik ng tamang sagot na angkop sa sumusunod na mga pahayag.

24. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng
kahulugan ng pahayag
A. Tono B. Intonasyon
C. Diin D. Haba
25. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. Tono B. Intonasyon
C. Diin D. Haba
26. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon tayong pagkakaiba sa
pagsasalita. Ano ang tawag dito?
A. Diin B. Haba
C. Punto D. Intonasyon
27. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
A. Punto B. Hinto o Antala
C. Diin D. Intonasyon
28. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
A. Punto B. Hinto o Antala
C. Intonasyon D. Haba
29. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap.
A. Intonasyon B. Haba
C. Hinto o Antala D. Haba
30. Ano sa tingin mong mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita isang tao?
A. Mas maganda ang pagsasalita
B. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
C. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
D. Walang ideya
31. Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakakatulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga
_______?
A. di berbal na palatandaan B. berbal na palatandaan
C. ponema D. Ponemang segmental
32. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di berbal na palatandaan maliban sa isa?
A. kumpas ng kamay B. galaw ng katawan
C. pagbigkas ng tula D. galaw ng mata
33. Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita?
A. Kuwit (,) B. Tutuldok o Kolon (:)
C. Gitling (-) D. Patlang (_)
34. SENARYO: Ipinakilala mo ang iyong ina sa isang pari na kaibigan mo.
A. Padre Damaso/ang aking ina. B. Padre/Damaso ang aking ina.
C. Padre Damaso ang aking ina. D. Wala sa nabanggit
35. SENARYO: Walang may ibang kasalanan kundi si Gweneth.
A.Hindi/si Gweneth ang may sala. B.Hindi si Gweneth ang may sala
C.Hindi si Gweneth/ ang may sala. D. Hindi si Gweneth ang/ may/ sala
36. Ang _____ ay masarap gawing inumin.
A. bu.ko B. bukó
37. ______ na ang mga kaibigan mong nagsisinungaling.
A. bu.ko B. bukó
38. Isang paboritong pagkaing inihanda lalo na kung pasko.
A. hamón B. ha.mon

III. PAGKILALA: Suriin ang pangungusap na may nakasalungguhit na salita at isulat sa patlang bago ang numero
kung ito ba ay ginamit sa denotatibo o konotatibong paraan batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat lamang
ang DENOTASYON o KONOTASYON.

39. Sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin ay nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na para sa kanya
ay masamang pangitain.ay masamang pangitain.
40. Isang napakagandang bulaklak sa nayon ang hinaharana at sinusuyo ng mga kalalakihan.
41. Kay raming bulaklak ang aking nakita ngunit ang halimuyak nila ay kakaiba sa iyo. Hindi ka
maaring ipaghambing kahit kanino.
42. Idinilat ng isang ibong nahihimbing ang kanyang diwa, ipinayagpag ang kanyang
napakalapad na mga pakpak upang hayuin ang papawirin.
43. Si Sharon Cuneta ay isa sa pinakamaningning na tala sa pelikulang Pilipino magpahanggang
ngayon.
IV. SANAYSAY: Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang denotatibo at konotatibong paraan sa bawat
senaryo.

44-45. Usaping Omicron sa Pilipinas

46-47. Maaasang kaibigan sa gitna ng problema


48-50. Ako at ang Kinabukasan Ko

You might also like