Professional Documents
Culture Documents
Pagsusulit Sa Grade 7
Pagsusulit Sa Grade 7
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
I. PAGPIPILI
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG
BAWAT BILANG.
1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag
a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba
2. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba
3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon tayong pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag
dito?
a. Diin b. Haba c. Punto d. Intonasyon
4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a.Punto b. Hinto o Antala c. Diin d. Intonasyon
5. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
a.Punto b. Hinto o Antala c. Intonasyon d.Haba
6. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
a. Intonasyon b. Haba c. Hinto o Antala d. Haba
7. Ano sa tingin mong mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita
b. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
d. Walang ideya
8. Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakakatulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga _______?
a. di berbal na palatandaan c. ponema
b. berbal na palatandaan d. Ponemang segmental
9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di berbal na palatandaan maliban sa isa?
a. kumpas ng kamay c. pagbigkas ng tula
b. galaw ng katawan d. galaw ng mata
10. Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita?
a. Kuwit (,) c. Gitling (-)
b.Tutuldok o Kolon (:) d. Patlang (_)
11. “SItsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para sa tabi, tayo’y hihinto.’ Ito ay isang uri ng tulang _______________.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
12. “Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.” Ito ay isang uri ng ___________________.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
13. “Mga pare, please lang kayo’y tumabi, pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala----ang aking MANIBELA.” Ito ay isang
uri ng __________________________.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
14. Ang __________________________ ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
15. Ito ay mga paalala na maaari nating matagpuan o mabasa sa mga pampublikong sasakyam tulad ng dyip, bus, at traysikel.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
1
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 FSS2019
II. TAMA O MALI
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kung ang pahayag ay tama, isulat ang MAHAL, at kung mali naman
isulat ang KITA. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG.
16. Ang bugtong ay mayroon ding sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng dalawa hanggang apat na taludtod.
17. Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
18. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lulutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon at maging isang uri ng libangan.
19. Ang unang dalawang linya sa bugtong ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa kapaligiran.
20. Ang huling dalawang linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian sa bagay na binanggit sa
naunang linya.
21. Ang ponemang suprasegmental ay kumakatawan o nagbibigay-diin sa bahagi ng pananalita at sulatin sa
pamamagitan ng diin, tono, at antala.
22. Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makatutulong sa pag-unawa sa kahalagan ng mga
salita.
23. Ang antala ay tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
24. Si Juan at ang Alimango ay isang halimbawa ng Kuwentong-bayan.
25. Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan ay isang halimbawa ng mitolohiya.
26. Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isup na mga tauhang kumakatawan sa uri ng
mga mamamayan.
27. Kaugnay ng kuwentong-bayan ang almat at mga mito na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga
bibig.
28. Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga
kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa.
29. Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto.
30. Ang mitolohiya ay pinagsama-samang tradisyonal na kuwento o mito na binubuo ng isang partikular na
relihiyon o paniniwala.
III. PAGHAHANAY
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong na nasa Hanay Felibeth. Hanapin ang sagot sa hanay Saladino.
ISULAT LAMANG ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG.
FELIBETH SALADINO
PANUTO: Suriin at piliin ang tamang letra ng angkop na salita. Gamitin ang iba’t ibang uri ng diin upang makilala ang
angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. ISULAT LAMANG ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT
BILANG.
V. ENUMERASYON
PANUTO: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay
ANAPORA o KATAPORA.
_______________ 86. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong
Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
_______________ 87. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan
ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________ 88. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay
tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 89. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa
3
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 FSS2019
Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 90. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan.
_______________ 91. Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil ang mga turistay totoong nagagandahan dito.
_______________ 92. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil
ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan.
_______________ 93. Isa sa mga panlipunang sakit ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng kaisipang kolonyal kung kaya tayo ay
nawawalan ng pagpapahalaga sa ating lahi.
_______________ 94. Ang pagdaong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay maituturing na sumpa at pagpapala, sila ay nakabuti at
nakasama.
_______________ 95. Mananatili itong sakit na papatay sa ating lipunan, dahil ang Amerikanisasyon ay tila isang sakit na
nakakahawa.
_______________ 96. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas sa Palawan dahil totoong magandang pumunta rito.
_______________ 97. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapasusubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan.
_______________ 98. nawiwili sila sa ating bayan sapagkat sagana tayo sa magagandang tanawin.
_______________ 99. Ang mga mag-aaral ay dumating, naglinis, at umalis, naiwan ang bag nila.
_______________ 100. Magkapiling muli sina G. Januine at Gng. Felibeth kaya’y masayang-masaya sila.
4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 FSS2019