You are on page 1of 7

1

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mala-Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng
Asignaturang Araling Panlipunan
(Grado -10 Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya)

Inihanda ni: HEVELYN V. BUDIONGAN


February 26, 2020 / 01:00 PM - 01:30 PM

I. PAKSA: Kabanata II: Isyung Pang-Ekonomiya- Unemployment

KAGAMITAN: Projector, Laptop at mga biswal na pantulong

SANGGUNIAN: Modyul sa Kronika 10

II. MGA INAASAHANG BUNGA

Learning Competency: Natatalakay at nabibigyan kahulugan ang

mahahalagang isyu patungkol sa unemployment.

Layunin:

a. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment;

b. Natataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at pag-unlad ng

ekonomiya ng bansa; at

c. Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment.

III. PAMAMARAAN

 Panalangin
-Magandang umaga sa lahat, Magsipagtayo tayo para sa panalangin.

 Pagtatala ng Liban
-Paki sulat ang mga lumiban sa klase sekretarya. Salamat.
 Pagbabalik-aral
-Noong nakaraang leksyon, tinalakay natin ang tungkol sa Climate Change.
2

Mga Gabay na tanong:


1. Ano nga ba itong tinatawag na climate change?
2. Paano natin mapahahalagahan ang ating kalikasan?
(insert answer)
-Ngayon ay may ipapakita ako sa inyong maikli na video clip na kung saan
ito ay may koneksyon sa ating paksang tatalakayin.

 Pagganyak ( Image Interpretation)

 Magpapakita ang guro ng isang “video” patungkol sa paksang tatalakayin.

Mga gabay na tanong :

1. Ano ang ipinapahiwatig ng video clip na nakita?

2. Ano nga ba ang ugat ng mga suliraning ito?

GURO: Ngayon, bago tayo tumungo sa ating bagong paksa ay hahatiin muna natin sa
dalawang pangkat ang klase na kung saan bawat grupo ay kinakailangan na mag tulungan
upang maintindihan ang larawan na ibabahagi ko. Bawat grupo ay mayroong tig-iisang
representante upang ipaliwanag ang larawan na nakaatas sa bawat grupo. Bibigyan lamang
ng isang minuto ang bawat grupo upang makapaghanda.
IV. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Alamin

 Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase para sa gawain.

 Sa loob ng isang minuto, bubuohin ng bawat grupo ang kanilang

talakayan tungkol sa larawan na nakaatas sa kanila.

 Bawat tagapagsalita ng dalawang grupo ay bibigyan ng dalawang

minuto upang ipaliwanag sa klase ang larawan.

 Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang guro ukol sa mga

larawan.
3

GURO: Lahat ng mga larawan na inyong nakikita ay may kaugnayan sa ating bagong aralin
na tatalakayin ngayon. Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang ating paksang tatalakayin
ngayon ?
Ang bagong paksang ating tatalakayin ay tungkol sa “UNEMPLOYMENT”
Ano nga ba ang ibig sabihin nito ?
GURO: Ito ay ang kawalan ng trabaho ng isang tao.

“D I S C U S S I O N “
Gabay na mga tanong :
 Bakit nga ba nagkakaroon ng kawalan ng trabaho, magbigay ng mga
halimbawa ?
-isa sa mga dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang biglaang pagsirado ang
isang kompanya dahil sa “bankrupt”.
-Hindi kwalipikado sa posisyon.
-Kakulangan ng kaalaman.
-Walang karansan sa trabaho

 Ano nga ba ang mga sanhi ng Unemployment ?

Mga sanhi ng “Unemployment”

1. Mabilis na paglaki ng populasyon.

-Ang malaking populasyon ng bansa ay kasingkahulugan ng pagkakaroon ng


maraming magsisipagtapos sa mga paaralan. Ang mga nagsipagtapos sa
kolehiyo o hayskul ay walang katiyakan na makahahanap ng trabahong
mapapasukan.
4

Annual Population Growth Rate ng Pilipinas


2.1
2.05
2
1.95
1.9
1.85
Annual Population Growth Rate
1.8 ng Pilipinas
1.75
1.7
1.65
1.6

Pinagkunan: Central Intelligence Agency

-Makikita sa datos na ito ang Annual Population growth Rate ng pilipinas kung saan
makikita ang bahagdan ng employment rate.

EMPLOYMENT RATE

 Ano ng aba itong unemployment ?


- Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang
trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa.

Sa kabila ng pagbaba ng bahagdan ng employment rate, Malaki parin ang

bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil sa malaking populasyon nito.

Sa kasalukuyan pumapalo na sa 109, 061, 148 ka tao mayroon ang Pilipinas.

Ang datos ay mula sa Worldmeter ng United Nation data noong February 23,

2020.

2. Labis na suplay ng lakas-paggawa (Labor Supply)


5

 Ano ba ng ibig sabihin nito ?

- Ang ikalawang sanhi ay nakaugat sa sistema ng edukasyon ng


bansa.
- Sa nakalipas na taon, maraming nagsipagtapos sa gusto nilang
mga kurso sa kolehiyo. Ang mga kursong kinuha nila sa kolehiyo
ay sinasabing in demand o kinakailangan sa industriya. Ngunit
nang makatapos sa kolehiyo ang mga mag-aaral, ang mga
kursong sinasabing in demand noon umpisa ay hindi na kailangan
ngayon.

JOB/SKILL MISMATCH- Nangangahulugan ito na ang mga kasanayan at

kaalaman ng mga nagsipagtapos ay hindi tugma sa pangangailangan ng mga

indutriya sa kasalukuyan.

-Isang halimbawa nito ay ang pagdagsa ng bilang ng mag-aaral ang


kumuha ng kursong “nursing” na kung saan, tinatayang 40% lamang ang
nakapasa sa board examination noong mga nagdaang taon.
-isa ito sa mga lumikha ng malaking kawalan ng trabaho dulot ng labis
na suplay ng lakas-paggawa. Sa kasalukuyan, marami paring mga nars na
walang trabaho sa bansa kung kaya’t napipilitan silang mag trabaho kahit sa
mga call centers na hindi naman linya sa kanilang kursong natapos.

3. Kakulangan ng Oportunidad

Ang kakulangan ng oportunidad upang makapagtrabaho ay natutulak sa mga Pilipino upang

mangibang bansa. Ang pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ang

pangunahing dahilan ng mga nangingibang bansa. Ang mataas na sweldo, benepisyo, at

magandang kkondisyon ng trabaho ay naibibigay ng mga dayuhang bansa kaya maraming

manggagawa at propesyonal na Pilipino ang lumisan sa bansa sa mga nagdaang taon. Ito

ay oportunidad na hindi naibibigay sa maraming tapos ng kolehiyo sa Pilipinas.


6

B. Paunlarin

 Tatalakayin ng buong klase ang tungkol sa Paglutas sa

Unemployment.

 Ibabahagi ng guro ang ilan sa mga paraan upang malutas ang

kawalan ng trabaho sa bansa.

 Ibabahagi ng mga estudyante ang kanilang karanasan sa trabaho

(kung mayroon).

 Inaasahan ang buong partisipasyon ng mag-aaral sa talakayan.

Paglutas sa “Unemployment”

Pagnilayan

 Magpapakita ang guro ng isang “inspirational video”

 Magpapahayag ang mga mag-aaral ng kani-kanilang opinion ukol

sa nais iparating ng napanooud na video.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang nais ipahayag ng video ?

2. Paano mo ito maihahalintulad ang iyong sarili sa video na nakita?

3. Paano mo maiiwasan ang kawalan ng trabaho sa iyong hinharap?

Guro: Ayon sa video na nakita, ito ay isang patunay lamang na marapat na

magkasamang buuin ng mamamayan, pamahalaan kasama na ang mga

pribadong sector na solusyunan ang mga suliranin na pinapasan n gating

bansa. Mas mapapadali tayong makarating sa karera ng ating pag-unlad kung

mag sasama-sama tayong lahat at mag tulong-tulong para maabot natin ang

kaunlaran na nais nating marating. Bilang isang mamamayan marapat lamang

na tayoy maging isang aktibo para makamtan natin an gating mga mithiin para

sa ating lipunan. Yun lamang po at maraming salamat sa pakikinig.


7

C. Isabuhay

 Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase.

 Bawat grupo ay bibigyan lamang ng isang minuto para makatapos

sa gawain.

 Ipagpapalagay ng mga mag-aaral sa sila ay isang kongresista, na

kung saan sila ang tagapagpanukala ng batas.

 Bawat pangkat ay gagawa batas na ipanunukala upang maibsan

ang suliranin ng kawalan ng trabaho sa bansa.

 Dalawa hanggang tatlong pangungusap ang dapat na buuin ng

bawat grupo, na kung saan ipapahayag nila ang kanilang layunin

sa batas na nais ipatupad.

Pamantayan:

Nilalaman 20

Presentasyon 15

Pagkamalikhain 10

Pinaka unang matapos 5

KABUUAN 50%

V. Takdang Aralin

 Magsaliksik ng mga organisasyon o samahan na siyang kaakibat

ng pamahalaan sa pagpa-unlad sa bansang Pilipinas.

 Isulat ito sa inyong Journal sa Araling Panlipunan.

You might also like