You are on page 1of 131

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral

I: Heograpiya at mga Sinaunang


Kabihasnan sa Daigdig

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula


sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293:
Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda
upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon
at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling
ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan
ng mga tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral

Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga
Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 25thnd Floor Mabini Building, DepEd Complex Floor Dorm G, PSC Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
PAUNANG SALITA
Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng
mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan,
makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa
mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang mga kaalaman
at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit mong mapahalagahan ang mga
pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon.
Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon.
Inaasahan ding malilinang ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos,
pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya,
kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati naman sa bawat
aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay
ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong
Daigdig.
Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga gintong butil
ng kasaysayan. Tara na. Aral na.
TALAAN NG NILALAMAN

Modyul I Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . .2
Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . 2 Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .4

Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . 10
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . 11
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . 36

Aralin 2 Ang Mga Sinaunang Tao


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . 39
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . 40 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49

Aralin 3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . 53
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . 55
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . 110
Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . 112
Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . 116
Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . 117
MODYUL 1

HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG


KABIHASNAN SA DAIGDIG
Panimula

Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa


katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at
pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na
humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.
Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan.
Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang
kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang
mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na
pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na
pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at
America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki
sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa
pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano
maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang
ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong
dulot ng kapaligiran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang sumusunod:

Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig

• Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang


kasangkapan sa pagunawa sa daigdig

• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

2
Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao

• Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon


ng mga unang tao sa daigdig

• Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang


tao sa daigdig

• Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa


panahong prehistoriko
Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

• Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at


pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig

• Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig

• Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig


batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala, at lipunan

• Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig
• Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga
rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang
lahi, pangkat-etniko, at relihiyon

Panimulang Pagtataya
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng
daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. lokasyon C. paggalaw

3
B. lugar D. rehiyon
2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na
pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na
kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong
Pleistocene ?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng
kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan,
relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo C. kalinangan
B. kabihasnan D. lungsod
4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa
ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa
Seven Wonders of the Ancient World?
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat
5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.

Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?


A. Tropikal na klima C. Buong taon na nagyeyelo
B. Maladisyertong init D Nakararanas ng apat na
klima

4
6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng
maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakau-
nawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
7. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong
naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. labis na pagkain II.
kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV
8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-
unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong
Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng
kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal.
9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang


umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China?

5
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng
ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop


na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopo-
tamia.

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa


pagitan ng Euphrates at Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang
ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanentengnanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia
at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.

A. wat z C. y at z
B. x at y D. z at w

11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?

A. May pagkakapantay-pantay sa
lipunang Egyptian noong sinaunang
B. panahon.
Ang mga alipin at mangangalakal ay
C. may pantay na karapatan sa Egypt.
Mas mataas ang posisyon ng mga
D. paring Egyptian kaysa sa mga
mandirigma.

6
Ang pharaoh, maharlika, at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang
Egyptian.
12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga
sinaunang tao?
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung
kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang
mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang
isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng
Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng
West Philippine Sea.
14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t
ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala? A.
Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang
relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang
relihiyon.
15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na
pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong
Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo
ng sapat na pagkain.

7
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao
na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng
pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.
16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na
napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa
lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-


kasaysayan?
A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto
at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na
nagbigay daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot
ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa
mga lambak nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan


sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong
lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling
masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang
bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng
lungsod.

8
19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa
Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-
Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay
na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang
buhay.

20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang


inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng
mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang
naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

9
ARALIN 1

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
Sa araling ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng
daigdig. Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya
sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

ALAMIN
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na
ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong
interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang
alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat
isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.

GAWAIN 1: GEOpardy!

Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na


ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang
papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

Pacific Ocean Antarctica gubat

lahing Austronesian globo bundok

compass bagyo Tropikal

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa


buong daigdig? (Pacific Ocean)

10
GAWAIN 2: Graffiti Wall 1

Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.
Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Gawain ito sa sagutang papel.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan


ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng
kapaligiran nito?

PAUNLARIN
Matapos ang pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa
daigdig, sisimulan ngayon dito ang pagtalakay sa mga konsepto at
klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito, tatalakayin
ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng
lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga
mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong
kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

11
Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar
kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang
pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng
mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang
naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga
prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na
pamayanang tinawag na kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang
Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan.
Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:

HEOGRAPIYA anyong lupa


likas na yaman
at anyong tubig

flora (plant life )


klima at panahon
fauna (animal life )
na
saklaw
ang
distribusyon at interaksiyon ng tao at iba pang
http://digital-vector-maps.com/
WORLD/GL-1068-Asia-Globe. organismo sa kapaligiran nito
htm

Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang
tema ng heograpiya.
Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang
heograpikal sa pangunguna ng National Council for
Geographic Education at ng Association of American
Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang
pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong
ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang
ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.

12
Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya

Lokasyong Absolute na gamit


ang mga imahinasyong
Limang Tema ng Heograpiya
guhit tulad ng latitude line at
longitude line na bumubuo
sa grid . Ang pagkukrus ng
dalawang guhit na ito ang
Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan tumutukoy sa eksaktong
ng mga lugar sa daigdig kinaroroonan ng isang lugar sa
daigdig.
na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy Relatibong Lokasyon na ang
batayan ay mga lugar at bagay
na nasa paligid nito. Halimbawa
ang mga anyong lupa at tubig,
at mga estrukturang gawa ng
Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang tao
natatangi sa isang pook
Katangian ng kinaroroonan
tulad ng klima, anyong lupa
na may dalawang
at tubig, at likas na yaman
pamamaraan sa pagtukoy

Katangian ng mga taong


naninirahan tulad ng
wika, relihiyon, densidad
Rehiyon: Bahagi ng daigdig na o dami ng tao, kultura, at
pinagbubuklod ng magkakatulad mga sistemang politikal
na katangiang pisikal o kultural

Kapaligiran bilang
pinagkukunan ng
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: pangangailangan ng tao;
ang kaugnayan ng tao sa pisikal gayon din ang pakikiayon
na katangiang taglay ng kaniyang ng tao sa mga pagbabagong
kinaroroonan nagaganap sa kaniyang
kapaligiran

Paggalaw: ang paglipat ng tao may tatlong uri ng


mula sa kinagisnang lugar pa distansiya ang isang lugar
tungo sa ibang lugar; kabilang din
dito ang paglipat ng mga bagay • Linear - Gaano kalayo ang
at likas na pangyayari, tulad ng isang lugar
hangin at ulan • Time - Gaano katagal ang
paglalakbay
• Psychological - Paano tiningnan
ang layo ng lugar

13
GAWAIN 3: Tukoy - Tema - Aplikasyon

Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa


lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw.
Pagkatapos, punan ng inyong pangkat ng kinakailangang impormasyon ang
flower chart sa ibaba.
1. May tropikal na klima ang Pilipinas.
2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific
Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine
Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil
napalili- butan ng dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa
Australia at New Zealand upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian
Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital
Region sa Pilipinas ang nagbigay daan upang patuloy na
pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng
pabahay sa kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa
mga bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20΄ hilagang latitud at
103º 50΄ silangang longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang
pansin ng inyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikong napiling
bansa katulad ng mga kongkretong halimbawang naayon sa limang tema ng
heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.

14
Lugar

Lokasyon Rehiyon
Napiling
Bansa

Interaksiyon ng
Paggalaw
tao at kapaligiran

? Pamprosesong mga Tanong


1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang
napili ayon sa limang tema nito.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng
katangiang pisikal ng bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa
heograpiya ng isang bansa?

Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto,


susunod na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito,
higit na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang
planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng
nabubuhay na organismo. Simulan mo na.

15
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg

Nasaan ang planetang Daigdig sa solar system? Ano


ang iyong masasabi sa posisyon ng Daigdig sa solar system?

Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking


bituin, ang Araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat
ng buhay sa Daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula
sa Araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon,
ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng Araw. Mahalaga rin ang sinag ng
Araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis.
Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa
lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa Daigdig ay masasabing dulot
ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa
sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat taon. Ipinakikita sa
Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.

Ang Daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas at


mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang
kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula
sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito
ay may kapal lamang na 5-7 km.

Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit


kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.

Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng


Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng

16
iron at nickel.
Ang Daigdig ay may
plate o malalaking masa
ng solidong bato
na hindi nananatili sa Estruktura ng Daigdig
posisyon. Sa halip, ang
mga ito ay gumagalaw na
tila mga balsang inaanod
sa mantle.
http://en.wikipedia.org/wiki/
Plate_tectonics

Ang Daigdig ay may apat na


hating-globo (hemisphere):
Ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na
hinahati ng equator, at ang
Eastern Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.
Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan, umaabot Paano nakaaapekto
lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang mga plate sa
ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas
at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbabago ng pagbuo ng mga
kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang hitsura ng ibabaw makapagpapaliwanag kung bakit sa
loob ng milyon-milyong taon, ng daigdig? ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay
nagbabago-bago.
Talahanayan 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig

Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1 024 kg

Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon

Populasyon (2009) 6 768 167 712

Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng 510 066 000 kilometro kuwadrado


Daigdig (km2)

Lawak ng Kalupaan 148 258 000 km kwd (29.1%) (km2)

Lawak ng Karagatan 335 258 000 km kwd (km2)

17
Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361 419 00 km kwd (70.9%) (km2)

Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang

Circumference o Kabilugan sa Equator 40 066 km

Circumference o Kabilugan sa Poles 39 992 km

Diyametro sa Equator 12 753 km

Diyametro sa Poles 12 710 km

Radius sa Equator 6 376 km

Radius sa Poles 6 355 km

Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw sa


bilis na 66 700 milya bawat oras (mph),
107 320 km bawat oras

Orbit sa Araw Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw sa


loob ng 365 araw, limang oras, 48
minuto at 46 segundo

Longitude at Latitude

Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang


mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring
matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical,
o tiyak.

18
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na
matatagpuan sa mapa o globo.

Tinatawag na longtitude Ang Prime Meridian na Ang 180 degrees


ang distansiyang angular na nasa Greenwich sa England longitude mula sa Prime
nasa pagitan ng dalawang ay itinatalaga bilang zero Meridian, pakanluran
meridian patungo sa degree longitude . man o pasilangan, ang
kanluran ng Prime Meridian. International Date Line na
Ito rin ang mga bilog ( great matatagpuan sa kalagitnaan
circles ) na tumatahak mula ng Pacific Ocean.
sa North Pole patungong Longitude Nagbabago ang pagtatakda
South Pole. ng petsa alinsunod sa
pagtawid sa linyang ito,
pasilangan o pakanluran.

West East
(+) (+)

Prime
meridian

http://images.yourdictionary.com/
international-date-line

19
http://www.avontrail.ca/
coordinates.html

http://2012books.lardbucket.org/books/regional-
geography-of-the-world-globalization-people-and-
places/s04-01-geography-basics.html

Tinatawag na latitude ang Ito rin ay itinatakdang zero Ang Tropic of Capricorn ay
distansiyang angular sa degree latitude. ang pinakadulong bahagi ng
pagitan ng dalawang parallel Ang Tropic of Cancer ang Southern Hemisphere na
patungo sa hilaga o timog ng pinakadulong bahagi ng direkta ring sinisikatan ng
equator. Northern Hemisphere na araw. Matatagpuan ito sa
Ang equator ang humahati direktang sinisikatan ng 23.5° timog ng equator.
sa globo sa hilaga at timog araw. Makikita ito sa 23.5°
hemisphere o hemispero. hilaga ng equator.

GAWAIN 4: KKK GeoCard Completion

Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. Kumpletuhin


ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may
kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang
bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang
bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang
kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa
ibaba. Gawin ito sa papel.

20
Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa
buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa
kasalukuyan?

K
Mga Kataga:
1. Planetang Daigdig
2. mantle
3. plate
K
G 4. pagligid sa Araw
5. longtitude at latitude
E

A
K
R

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng


buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at
sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga
klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa

21
latitude at gayon din sa panahon, distansiya
http://www.qldaccommodation.com/

mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.


Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng
pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong
daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang
nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang
matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang
mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira
naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook,
tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa tag/alaska

mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

GAWAIN 5: Dito sa Amin

Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa


mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon
tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin
ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang klima?
2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan
sa lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

Ako si ________________________.
Narito ako sa _________________________
______________________________________

Ang klima dito ay


Batay sa taglay na kli -
ma at likas na yaman ng
aming lugar, ang pamu -
muhay dito sa amin ay
_______________________ Ang mga likas
_______________________ yaman dito ay

_______________________
22
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman
sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?

Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng


daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift
Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente
na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo
ang kasalukuyang mga kontinente.

Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram


1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.

240 milyong taon – Mayroon lamang isang


super continent na tinawag na Pangaea
na pinaliligiran ng karagatang tinawag na
Panthalassa Ocean.

200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay


ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati
sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at
Gondwana sa Southern Hemisphere.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang


paggalaw ng mga kontinente. 65 milyong taon – Nagpatuloy ang
Tinatayang 2.5 sentimetro ang paghihiwalay ng mga kalupaan.
galaw ng North America at Mapapansin ang India na unti-unting
Europe bawat taon. dumidikit sa Asya.
May mga kontinenteng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May
pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya,
Europe, North America, at South America, at Australia. Sa mga
estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ay ang Oceania na
tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente
ng daigdig.

23
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at
diyamante. Naroon din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara
Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang
nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng


natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2
km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa
Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga
isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.

Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.


Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng North at South America, at ang
kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong (1/3)
bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon
sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na
bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at
Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi


lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa
pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos
6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalili-
butan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at
inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa
mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng
Australia bilang isang kontinente, may mga
bukod tanging species ng hayop at halaman na sa
Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang
kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil,
platypus, at iba pa.

24
Ang North America ay may hugis na malaking
tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang
mahabang kabundukan ang matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na


unti- unting nagiging patulis mula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes
Mountains na may habang 7 240 km (4 500 milya)
ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South
America.

Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente

Tinatayang Bilang ng
Kontinente Lawak (km²) Populasyon (2009) Bansa

Asya 44 614 000 4 088 647 780 44

Africa 30 218 000 990 189 529 53

Europe 10 505 000 728 227 141 47

North America 24 230 000 534 051 188 23

South America 12 814 000 392 366 329 12

Antarctica 14 245 000 -NA- 0

Australia at Oceania 8 503 000 34 685 745 14

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,


ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South
America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan
sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire.
Kung susuriin ang isang
mapa, mapapansing ang
mga baybayin ng silangang

25
bahagi ng South America at
kanlurang bahagi ng Africa
ay tila lapat at akma sa isa’t
isa na parang mga piraso ng
isang malaking jigsaw
puzzle. Ito ay sa
kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang
lupaing ito. Habang
tumatagal, patuloy pa rin
ang proseso ng
paglawak ng karagatan sa phillipriley.comswiki.wikispaces.net

pagitan nito at ang paglayo


ng dalawang nasabing Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South
kontinente. Ang paliwanag America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito
na ito ay batay sa ang kanlurang hangganan ng South America at North America
Continental Drift Theory. patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,
pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand
sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang
pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-
uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng
crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga


ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan
sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking
pinsala, ang Tambora noong 1815 (92 000 ang namatay); Krakatoa
noong 1883 (36 000 ang namatay); at Mt. Pelee noong
1902 (30 000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga
bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol
ay ang China noong 1556 (830 000 ang namatay) at
1976 (242 000 ang namatay); Japan noong 1923 (143 000
ang namatay); Sumatra noong 2004 (227 898 ang
namatay); at Haiti noong 2010 (222 570 ang namatay).
GAWAIN 6: Three Words in One

Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy sa bawat

26
bilang? Isulat ang sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.
1. 2. Appalachian
Nile River Sahara Desert Hudson Bay
Mountains

Rocky
Egypt
Mountains

3. Andes 4.
Cape Horn K-2 Lhotse
Mountains

Argentina Tibet

5. Tasmanian 6. Iberian Balkan


Kangaroo
Devil Peninsula Peninsula

Micronesia Italy

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?
2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa
mga kontinente ng Daigdig?
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

27
Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa
pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang
kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga
lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, HuangHo sa Asya, at
lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit
na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong
daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29
028 talampakan o 8 848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19 340 talampakan o 5
895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia
(18 510 talampakan o 5 642 metro). Tingnan
ang Talahanayan 1.3.

Talahanayan 1.3: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig

Bundok Taas (sa metro) Lokasyon

Everest 8 848 Nepal/Tibet

K-2 8 611 Pakistan

Kangchenjunga 8 586 Nepal/India

Lhotse 8 511 Nepal

Makalu 8 463 Nepal/Tibet

Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet

Dhaulagiri 8 167 Nepal

Manaslu 8 163 Nepal

Nanga Parbat 8 125 Pakistan

Annapurna 8 091 Nepal

28
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:
Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang
itinakda ng International Hydrographic Organization ang
isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica:
ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60°s latitude. Tingnan ang
Talahanayan 1.4 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.
Talahanayan 1.4: Mga Karagatan sa Daigdig

Lawak (sa Average na


Pinakamalalim na Bahagi (sa
Karagatan kilometro lalim (sa
talampakan)
kuwadrado) talampakan)

Pacific Ocean 155 557 000 12 926


Mariana Trench, 35 840
talampakang lalim

Atlantic Ocean 76 762 000 11 730


Puerto Rico Trench, 28 232
talampakang lalim

Indian Ocean 68 556 000 12 596


Java Trench, 23 376 talampakang
lalim

Southern Ocean 20 327 000 13 100 (4 000 - 5 000 metro) 16 400


talampakang lalim, ang katimugang
dulo ng South Sandwich Trench, 23
736 talampakang lalim (7 235
metro)

Arctic Ocean 14 056 000 3 407


Eurasia Basin, 17 881 talampakang
lalim

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng


daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na
nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim
na trench ay ang Puerto Rico Trench sa Atlantic
Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at
Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South
China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.

29
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo
etal, Edisyon 2012 (pp. 12-20)

Mababasa rin sa AP III Project Effective Alternative Secondary


Education (EASE), Modyul 3 - Heograpiya
ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na mapagyaman ang
sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
GAWAIN 7: Illustrated World Map

Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa

30
loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: (Talain oxerox
i ang mapa.)

bundok disyerto
dagat, look,
golpo
bulubundukin ilog

Source: phillipriley.comswiki.wikispaces.net

Anyong Lupa Anyong Tubig


Greenland Nile River
Madagascar Amazon River
Borneo Yangtze River
Mt. Everest South China Sea
Mt. Kilimanjaro Mediterranean Sea
Sahara Desert Caribbean Sea
Himalayas Mountain Range Bering Sea
Andes Mountain Range Arabian Sea
Appalachian Mountain Range Bay of Bengal
Tibetan Plateau Hudson Bay
Scandanavian Peninsula Gulf of Mexico
Arabian Peninsula Persian Gulf

? Pamprosesong mga Tanong


31
1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig na
makikita sa mapa?
2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na
kanilang pinaninirahan?
3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng
kabuhayan ng tao?

GAWAIN 8: The Map Dictates…

Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya ng


daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang
sagot sa papel.

Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig.


Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan, at isang
tangway.

Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig.


Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL.
Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may
simbolong YL.
Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.

K
KL

Y
YL
Y
YL Y
YL
H
K
KL

Y
YL
K
KL

32
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta?
2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo
at tao? Bakit mo ito nasabi?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating
kapaligiran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan?

Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod


ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang
heograpiyang pantao. Simulan mo na.

Heograpiyang Pantao

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng


wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura.


Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong
kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay na wika sa daigdig
na ginagamit ng mahigit 6 200 000 000 katao.
Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga
wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136
language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay
nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.5 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng
wika sa daigdig. Talahanayan 1.5 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig
Pamilya ng Wika Buhay na Bahagdan ng mga Bansang Gumagamit ng Wika
Wika Nagsasalita

33
Afro-Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad,
Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran,
Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta,
Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman,
Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan, Syria,
Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United
Arab
Emirates, Uzbekistan, at Yemen
Austronesian 1 221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands,
East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam,
Indonesia, Kiribati, Madagascar, Malaysia,
Marshall Islands, Mayotte, Micronesia,
Myanmar, Nauru, New Caledonia, New
Zealand, Niue, Northern Mariana Islands, Palau,
Papua New Guinea, Philippines, Samoa,
Solomon Islands, Suriname, Taiwan, Thailand,
Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States,
Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna

Indo-European 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,


Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium,
Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Canada, China, Croatia, Czech Republic,
Denmark, Fiji, Finland, France, Germany,
Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of
Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,
Luxembourg, Macedonia, Maldives, Myanmar,
Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan,
Peru, Poland, Portugal, Romania, Russian
Federation, Serbia, Slovakia, Slovenia, South
Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden,
Switzerland, Tajikistan, Turkey, Ukraine, United
Kingdom, United States, Vatican State, at
Venezuela

34
Niger-Congo 1 524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,
Burundi, Cameroon, Central African Republic,
Chad, Comoros, Congo, Côte d’Ivoire, Cuba,
Democratic Republic of the Congo, Equatorial
Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea,
Guinea-Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi,
Mali, Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger,
Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,
Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan,
Swaziland, Tanzania, Togo,
Uganda, Zambia, at Zimbabwe

Sino-Tibetan 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India, Kyrgyzstan,


Laos, Myanmar, Nepal,
Pakistan, Thailand, at Viet Nam
Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family
Relihiyon

Mabibigyang kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at


rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa
salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para
maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos
ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na
nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi
ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may
organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging
malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang
indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging
malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at
pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng
tao ang relihiyon.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang
bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

35
Pinagkunan: The World Factbook 2012
Lahi/Pangkat-Etniko

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang
race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,
gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming
eksperto ang bumuo ng iba-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit
marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring
magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-
etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at
relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling
pagkakakilanlan.

Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.

36
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito
sa pisikal na heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng
indibiduwal o isang pangkat ng tao?
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng
mga tao sa daigdig?
GAWAIN 9: Crossword Puzzle

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy

37
38
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na


katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na
pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang
pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at
pamumuhay ng tao.

GAWAIN 10: My Travel Reenactment

Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang:


1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang
paglalakbay sa isang lugar.
2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay.
3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento.
4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang
tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.
5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito.
6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan.
7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Pagsasalaysay Angkop ang pagsasalaysay sa paksang tinalakay; 10


nakapaloob ang tatlo o higit pang kaalaman ng aralin;
madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento;
malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang
isinasagawa ang pagsasadula

Pagsasadula Magaling ang pagsasadula ng kuwento; mahusay na 10


naipakita ng mga tauhan ang kanilang pag- arte;
kapani-paniwala ang kanilang pagganap

39
Pagkama- Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa 5
Likhain pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang ginawang
pagsasadula

Kabuuan 25

? Pamprosesong mga Tanong


1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?
2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang
dula?
3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya
at pamumuhay ng tao?
4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na
katangian ng daigdig?
5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes?
Bakit naging interesante ito para sa iyo?

GAWAIN 11: Modelo ng Kultura

Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang


inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at
bagay na tumutukoy sa lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng iyong
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong
kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng
kasuotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay
sa ibinigay na rubric.

? Pamprosesong mga Tanong


40
1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na
makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa
bansang pinili ng iyong kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa
napiling bansa batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?

Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman ng 10
Kasuotan Wasto ang impormasyong nakasulat at mga bagay
o simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang
tatlo o higit pang konsepto ng aralin

Disenyo ng Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay at 10


Kasuotan laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;
malinaw ang mensahe batay sa disenyo

Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa klase; 5


akma ang kilos sa pangkat-etniko o bansang
kinakatawan ng modelo

Kabuuan 25
Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong
Graffiti Wall. Pagkatapos ay muling balikan
ang naunang Graffitti Wall at paghambingin ang
dalawang sagot. Gawin sa kuwaderno.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng


mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng
kapaligiran nito?

41
ARALIN 2

ANG MGA SINAUNANG TAO


ALAMIN
Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na
baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito
sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralan.

GAWAIN 1: Kung Ikaw Kaya?

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.


Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng
iyong pagpili.

apoy bato

kahoy banga

buto ng hayop

? Pamprosesong mga Tanong


1. Alin ang iyong mga pinili?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang
bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-F Chart upang matukoy ang iyong
nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao.

42
GAWAIN 2: Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart

Isulat sa unang kolum ng tsart ang sariling sagot sa tanong.

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

PAUNLARIN
Pagkatapos masabi ang alam mo ngayon tungkol sa paksa, ay maaari
nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito,
inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa
mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizers,
at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga


ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang Homo species
(homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang
kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong
sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng Homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga
ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya
ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo
sapiens.

43
Australopithecine –
tinatayang ninuno ng Homo habilis , Homo
Ape – sinasabing
Chimpanzee – pina - makabagong tao; Ape erectus , at Homo sapi -
pinagmulan ng
palagay na pinaka - na may kakayahang ens – mga pangkat ng
tao
malapit na kaanak tumayo nang tuwid homo specie s
ng tao, ayon sa mga
siyentista
Lucy – pinakatanyag na
Australopithecus afarensis
http://www.thejunglestore.com/ape
na natuklasan ang mga
http://news.nationalgeographic.com/news/2012/10/121026-australopithe -
labi noong 1974
cus-afarensis-human-evolution-lucy-scapula-science/
http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis
noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang
Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga
sinaunang tao.

• Tinatawag ding “Panahon Lower Paleolithic Period ng


Lumang Bato” (Old • Nagwakas dakong 120000 taon
Stone Age) na ang nakararaan
• Nagmula ang Paleolitiko sa mga • Pinakamaagang
pananatili ng katagang paleos o matanda at tao sa daigdig
lithos o bato • Hindi pa lumilikha
ng mga
• Pinakamahabang yugto sa kasangkapan kasaysayan ng sangkatau- •
Ang Homo habilis ay
han nangangahulugang able man o
handy man dahil sila ang unang
• Maiuugat sa pagsisimula ng species ng hominid na marunong
paggamit ng kasangkapang gumawa ng kagamitang bato bato ng mga
Hominid
• Sinundan ng mga Homo erectus • Unang gumamit ng
apoy at nang higit na may kakayahan sa nangaso ang mga
sinaunang paggawa ng kagamitang bato
tao

Panahong Paleolitiko dakong 2


500 000 – 10 000 BCE

44
Upper Paleolithic Period Middle Paleolithic Period
• Dakong 40000 – • Dakong 120000 –
8500 taon ang 40000 taon ang
nakararaan nakararaan

• Nagkaroon na ng • Paglitaw ng makabagong


mga unang pamayanan tao noong 100000 taon
sa anyong mga campsite na ang nakalilipas
kadalasang matatagpuan sa
mga lambak • Umusbong ang pagiging
artistiko ng mga tao sa
• Ang mga yaong Neanderthal pagpipinta sa katawan at
ay nawala sa panahong pagguhit sa bato
ito at napalitan ng mga Taong
Cro-Magnon • Nabuhay ang taong
Neanderthal na natuklasan
• Lumitaw ang mga sa Germany ang mga labi
komplikadong pagpapangkat
sa lipunan.
Mga Tanyag na Prehistorikong Tao

Ang Homo sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo
sapiens neanderthalensis (circa 200000 - 30000 CE). Higit na malaki ang
utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya
nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa
ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa
paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta
sa kuweba.

Homo sapiens
neanderthalensis Cro-Magnon

ttp://en.wikipedia.org/wiki/File:Homo_ http://en.wikipedia.org/wiki/
sapiens_neanderthalensis.jpg File:Cro-Magnon.jpg

45
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong
tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12000 taon nang
matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding
umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na
bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
• Ang huling bahagi ng kasangkapang bato,
Panahong Bato ay tinatawag permanenteng paninirahan sa
na Panahong Neolitiko (Neolithic pamayanan, pagtatanim,
Period) o Panahon ng paggawa ng palayok at
Bagong Bato (New Stone paghahabi.
Age) na • Naganap sa panahong
• Hango sa mga ito ang Rebolusyong
salitang Greek na neos Neolitiko o sistematikong
o bago at lithos o bato. pagtatanim.
• Ang terminong neolitiko • Isa itong rebolusyong
ay ginagamit sa agrikultural sapagkat
arkeolohiya at antropolohiya natustusan na ang
upang italaga ang isang antas ng pangangailangan sa pagkain.
ebolusyong pangkalinangan o • Ito rin ang nagbigay-
pagbabago sa pamumuhay at daan sa
teknolohiya. permanenteng paninirahan
• Kilala ang panahong sa isang lugar upang alagaan ang
ito sa mga pananim.
paggamit ng makikinis na
Panahong Neolitiko dakong
10 000 – 4 000 BCE

• May populasyong mula 3000 – • Catal Huyuk – Isang


6000 katao pamayanang Neolitikong
• Magkakadikit ang mga ding- matatagpuan sa kapatagan ding ng kabahayan at ang
ng Konya ng gitnang Anatolia tabing pasukan ng isang (Turkey ngayon)
bahay ay mula sa bubungan • Isang pamayanang sakahan
pababa sa hagdan
• Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay
• May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin, at
kutsilyo

Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal.


Edisyon 2012 pp.12-20

46
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan
at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 BCE. Inilalarawan
sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal.
Panahon ng Tanso Panahon ng Bronse
• Naging mabilis ang pag-un- • Naging malawakan na
noon lad ng tao dahil sa tanso ang
paggamit ng bronse nang subalit patuloy pa rin ang matuklasan ang
panibagong paggamit sa kagamitang paraan ng pagpapatigas dito.
yari sa bato.
• Pinaghalo ang tanso at lata
• Nagsimulang gamitin ang (tin) upang makagawa ng higit tanso
noong 4000 BC sa na matigas na bagay,
ilang lugar sa Asya, at 2000
BCE sa Europe at 1500 BCE • Iba’t ibang
kagamitan at armas
naman sa Egypt. ang nagagawa mula sa tanso
tulad ng espada, palakol,
• Nalinang na mabuti ang kutsilyo, punyal, martilyo, pana,
paggawa at pagpapanday at sibat,
ng mga kagamitang yari sa
tanso. • Sa panahong ito
natutong
makipagkalakalan ang mga tao sa
mga karatig-pook.

Panahong Metal
4 000 BCE – Kasalukuyan

Persian Silver Cup Panahon ng Bakal


• Natuklasan ang bakal ng
mga Hittite, isang pangkat ng
Indo- Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya dakong 1500 BCE.

• Natutuhan nilang magtunaw


at magpanday ng bakal.

• Matagal nilang pinanatiling


lihim ang pagtutunaw at
pagpapanday ng bakal.

http://en.wikipedia.org/wiki/ • Nang lumaon,


lumaganap
47
File:Elam_cool.jpg ang paggamit ng bakal sa iba
pang kaharian.

Teksto mula sa Araling Panlipunan III Project EASE Modyul 2


GAWAIN 3: I-Tweet Mo!

Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga


kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.”
Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa
pagkaunawa sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko,
at sa pangkat 3 at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon
ng Metal. Ibibigay ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng
organizer sa anyo ng mga tweet o maiikling pahayag.
Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga
pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng
komento ng diyagram.

@Paraan ng Pamumuhay
___Tweet:_______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Komento

@Paraan ng Pamumuhay
___Tweet:_______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Komento

? Pamprosesong mga Tanong

48
1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng
tao?
2. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay
sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?
3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang
tao?
GAWAIN 4: Tower of Hanoi Chart

Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto
ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng
tower ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Gawin ito sa
kuwaderno.

Malaki ang epekto ng Malaki ang naging Higit na umunlad ang


heograpiya sa pag-usbong epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao dahil
ng unang pamayanan. pamumuhay ng tao. sa paggamit ng metal.

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

? Pamprosesong mga Tanong


49
1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon?
2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao? Patunayan.
3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang
ito ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.
4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang
nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura
ng mga sinaunang tao sa daigdig?
GAWAIN 5: Ano Ngayon Chart

Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng


pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong
ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat din iugnay ang mga pangyayari ng
nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na
kabuluhan ng kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ilan sa mga pangyayaring naganap
sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon
Chart.

Mga pangyayari sa Kahalagahan sa Kasalukuyan iba-ibang yugto ng

50
pag-unlad

Paggamit
ng apoy

Pagsasaka

Pag-iimbak ng labis
na pagkain

Paggamit ng mga
pinatulis na bato

Paggamit ng
mga kasangkapang
metal

Pagtatayo ng
mga permanenteng
tirahan

Pag-aalaga
ng mga hayop

51
Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon Chart

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman 10
Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga
pangyayari noong sinaunang panahon sa kasalukuyan

Ebidensiya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng mga 10


kongkretong halimbawa

Kabuuan 20

? Pamprosesong mga Tanong


1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang
panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang
pamumuhay ng tao?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang
may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?

Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling


sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart. Isulat ito sa ikalawang kolum,
sa Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula
sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing
nagpayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga
konsepto sa Initial Idea.
PAGNILAYAN at UNAWAIN

Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.


Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa
iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman
sa pangkatang gawain sa bahaging ito.

52
GAWAIN 6: Archaeologist at Work

Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang


pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar.
Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis
Worksheet 1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at
sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet 2.

Task Card
Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal Hüyük. Nakapaloob sa task card na ito ang
ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang Iyong Misyon
Gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Hüyük. Tingnan ang
pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon
Ang Catal Hüyük sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na
ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 football fields.
Malapit ang Catal Hüyük sa pampang ng Ilog Carsamba.
Artifact Analysis Worksheet 1 1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hüyük batay
sa iyong ginawang imbestigasyon?
1. Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian
nito? _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong 2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga
sinaunang panahon? taga-Catal Hüyük sa kasalukuyang
pamumuhay gamit ang sumusunod na
_____________________________________
aspekto:
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa
a. pang-araw-araw na gawain
kasalukuyang panahon?
b. paraan ng paglilibing
_____________________________________
c. sining
4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito
tungkol sa Catal Hüyük? d. pinagkukunan ng pagkain

_____________________________________
Artifact Analysis Worksheet 2

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga
taong nabuhay sa Catal Hüyük?

2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hüyük ay lumitaw noong


panahong Neolitiko?

3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa


Catal Hüyük at sa kasalukuyang pamumuhay?

53
Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Artifact Analysis 10
Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat artifact;
Worksheet 1
mahusay na natukoy ang gamit at kahala- gahan ng
mga na ito

Artifact Analysis Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng Catal 10


Worksheet 2 Hüyük gamit ang mga sinuring artifact; mahusay na
napaghambing ang pamumuhay sa Catal Hüyük sa
kasalukuyang pamumuhay gamit ang iba’t
ibang aspekto

Pag-uulat 5
Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilalahad
na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga
impormasyong inilahad

Kabuuan 25

54
Mural Painting Isang Pigurin
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.
Louis Community College http://users. Louis Community College http://users.
stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Ceremonial Flint Dagger Obsidian Arrow Head


Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Lou -
Louis Community College http://users.stlcc. is Community College http://users.stlcc.edu/
edu/mfuller/catalhuyuk.html. mfuller/catalhuyuk.html.

Mga Palamuti mula sa mga Bato at Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa


Buto ng Hayop Catal Hüyük
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.
Imahe mula sa Science Museum of Minne -
Louis Community College http://users.stlcc.
sota, www.smm.org/catal
edu/mfuller/catalhuyuk.html.

55
Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at Work,
muling sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay
ang sagot sa huling kolum na Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase
ang lahat ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart.

56
ARALIN 3

MGA SINAUNANG KABIHASNAN


SA DAIGDIG
ALAMIN

Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, na


mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang
nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag
ng mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat
ng tao sa kasalukuyang panahon.
Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

GAWAIN 1: Picture Frame

Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa.
Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng larawan mula sa salitang
inilaan ng guro sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang
tumutukoy sa mga naguhit na larawan.

? Pamprosesong mga Tanong


57
1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?
2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong
pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan?”

GAWAIN 2: WQF Diagram

Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng WQF


Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito:
1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuugnay
sa paksa.
2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot
tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa bilog “F” (facts). Babalikan ito pagkatapos ng
Pagnilayan at Unawain.

Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

W Q F

Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF


Diagram,
malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng pag-
aaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin.

58
PAUNLARIN

Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang


impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan. Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa
pamumuhay ng mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.

Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito simulan mo


na.

Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan

a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na


kahulugan ng mga kamag-aral.

b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan
sa kabihasnan.
c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng
salitang kabihasnan?
d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.

http://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/fighting-for-the-crown/ http://www.fishfarming.com/tilapia.html
http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=2818140

http://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancient- http://listdose.com/top-10-inventions-that-changed-human-lives-forever/
egypt-hieroglyphics-on-wall.html

? Pamprosesong mga Tanong

59
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular
sa Asya, Africa, at America?

Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga


batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa
pagtalakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang
talakayin ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga
kabihasnan noong sinaunang panahon.
Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan ang
mapa ng bituin (✩) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

60
Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)
Huang Ho (China) Mesoamerica
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagi-
tan” at potamos o “ilog.” Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang
lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-
unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t
ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang
lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang
mga kabihasnan.
Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog


Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa
daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaing
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at
Turkey. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng
Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing
nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw
ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-
iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang
lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya
mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan
din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at
tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng
malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan
sa mga sumunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong
panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong

61
kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-
unahang lungsod sa daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa
kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung
ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na
sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan
ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang
pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay
of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang
ginagamit sa rehiyong ito.
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,
nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang
mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng
India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng
mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga
iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng
India.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang


pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong
1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng
pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating
India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na
ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang

62
http://www.mapsofindia.com/history/indus- milenyo BCE. Sa
kasalukuyan tinatayang mahigit valley-civilization.html
1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito
partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid
ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang
Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at
nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na
dumadaloy sa Indus River na may habang 2900
km.(1800 milya) at bumabagtas sa Kashmir
patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa
Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa
ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan Mapa ng Indus Valley
at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon,
ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan
upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng
3000 BCE Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at
maayos na mga kalsada. Ang sumunod na limang siglo, ay nagkaroon din ito ng
mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit
kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at
pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-
tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya


Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na
pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong
daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat
na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng
mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.
Mapa ng Kabihasnan sa China Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng
estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa
aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang
mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong
panahon.
http://history.howstuffworks.com/asian-history-of-china.htm

Heograpiya ng Ilog Huang Ho


63
Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa
tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula
sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Ito ay
dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago
nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng
isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang
Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North
China Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong
tradisyonal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari
sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan
ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu
ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng
Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa
lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga
sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi
sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na
Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na
nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay
mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang
kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang
isang estado pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong
milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago
pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang
paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar
tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo,
natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog
ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang
naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 BCE Sinasabing

64
maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa
kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang


tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog
Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa
Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o
6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula
katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay
magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na
ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar
na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-
apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang
pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang
noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos
Mapa ng Egypt

ang suplay ng tubig. http://egypt-trade.wikidot.com/


Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-
apaw ng Nile ay nagbigay daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-
ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng
halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng
matabang lupain na mainam para sa
pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-
baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa
hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay naging
tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa
mga lupang sakahan.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng
mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang
ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga
manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng
65
panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa
mga panahong ito.
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay
na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang
pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay
nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga
pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang
mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica


Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso
o hunter ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon
na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng
North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na
pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-
13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang
mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing
sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi
ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang


“gitna.” Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang
Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley
sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang
hangganan nito matatagpuan

66
Mapa ng Mesoamerica
http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations/
mesoamerica.html

ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay


mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng
Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan,
saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El
Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng
pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi
ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang
paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng
agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may
malaking populasyon ang rehiyong ito.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni
Mateo etal., (2012), pp. 75-82

Mababasa rin sa EASE Araling Panlipunan III Modyul 3 – Ang Unang


Kabihasnan pp. 7-15, p.22, p.54 upang higit na mapagyaman ang
kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

67
GAWAIN 3: Triple Matching Type

Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga


terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.

A B C

Sa pagitan ng mga Lupain ng


ilog Yucatan Peninsula
Timog ng
Egypt Nasa gitna ng konti -
Mediterranean
nente
Tsino Nasa kanluran
Biyaya ng Nile ng Yellow Sea
Indus Nasa tangway ng Dumadaloy ang
Timog Asya Indus River
Mesoamerica
May matabang lupain Nasa Kanlurang
Mesopotamia sa Huang Ho Asya

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may
pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?
3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking
impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito?
Ipaliwanag ang sagot.

GAWAIN 4: Geography Checklist

Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba.


1. Makilahok sa iyong pangkat.
2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin:
(1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3)
Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica.
3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat.
Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila paper) sa tulong

68
ng sumusunod na panuto:
Isulat ang kabihasnang
nakatalaga sa pangkat

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikal


ng kabihasnang nakatalaga sa pangkat.

4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang


pangkat.
5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat.
6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto:

Isulat ang pangalawang Isulat ang pangatlong


kabihasnang ihahambing kabihasnang ihahambing

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Lagyan ng tsek (3) ang kahon kung taglay ng mga


kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpi -
kal ng kabihasnan ng iyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing


ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal.
Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng
daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?

69
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal
ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng
mga sinaunang tao?
4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang
kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.

Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang


kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos
tungkol sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at
kontinente ng America.

70
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong
nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-
unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang
Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng
Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Sumer (3500 - 2340 BCE)
Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing

sakahan ng lambak ilog.
Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash,
• Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari. Tinawag na
Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng
mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.

Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.
Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na
Ziggurat • ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida
http://www.bible-archaeology. • Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
info/ziggurats.htm Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado tungkol sa
• lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na
pamahalaan ang mga Sumerian.

Akkad (2340 - 2100 BCE) •


Sinakop ni Sargon I (2334 - 2279 BCE) ang mga lungsod-
estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa

lungsod-estado ng Akkad o Agade.
Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
• Naram Sin (2254 - 2218 BCE)
Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ng lungsod-
• estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang
Sumer at Akkad.
Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga
Sargon I • Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod
http://en.wikipedia.org/wiki/Sar- na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan,
gon_of_Akkad partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang
makontrol ang rehiyon.

71
• Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng
lungsod ng Babylon, ang
Mesopotamia.

Babylonian (1792 - 1595 ang Babylon ay naging kabisera ng
Imperyong Babylonia.
BCE) • Sa panahon ng kaniyang paghahari,
nasakop ni Hammurabi ang mga
kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
• Nang mamatay si Hammurabi ay
nagkawatak-watak ang kaharian ng
• Babylon.
Noong 1595 BCE sinalakay ng
mga Hittite Anatolia ang Babylon
bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod-
estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang
Code of Hammurabi pinuno.
http://commons.wikimedia.org/ • Ang mga Hittite ay orihinal na
wiki/File:Code-de-Hammurabi-1.jpg nagmula sa hilagangsilangang bahagi ng
Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
• Noong 1120 BCE, nasupil ni
Tiglath-Pileser I (1114 -
1076 BCE) ang mga Hittite at naabot ng puwersa
Assyrian (1813 - 605 BCE) ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang
imperyong Assyrian.

Noong ika-9 na siglo BCE,
nagpadala sila ng
mga ekspedisyong militar
pakanluran upang mapasakamay ang
• mahahalagang rutang pangkalakalan at
makatanggap ng tributo.
Isa si Ashurbanipal (circa 668
• - 627 BCE) sa mga
haring kinakitaan ng maayos na pamamahala
Ashurbanipal sa kaniyang panahon.
http://commons.wikimedia.org/ Pinabagsak ng mga Chaldean ang
wiki/File:Kinadshburn.JPG Assyria sa isang pag-aalsa.

Chaldean (612 - 539 BCE) Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) ang
nagtatag ng bagong imperyo ng
Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa
• laban sa Assyria.
Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar
II (605-562 B.C.E.), anak ni
• Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria
noong 609 B.C.E.
Si Nebuchadnezzar II ang
pinuno ng imperyo nang
Hanging Gardens natamo nito ang rurok ng kadakilaan.
• Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of
http://en.wikipedia.org/wiki/ Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga
File:Hanging_Gardens_of_ Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient
Babylon.jpg World.

72
Noong 539 BCE, ang Babylon ay
nilusob ng hukbo ni
Cyrus the Great ng Persia hanggang
tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo
ng mga Persian ang Mesopotamia.

Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang


pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.

Persian (539 - 330 BCE)
Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga
Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa
• Persia (kasalukuyang Iran) and sentro ng imperyong ito.
Sa ilalim ni Cyrus the Great (559 - 530 BCE) nagsimulang
manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga
Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
• (kasalukuyang Turkey).
Darius the Great (521 - 486 BCE) – umabot ang sakop
• hanggang India.
Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa
kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o
satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
• Nagpagawa rin dito ng isang Royal Road na tinatayang
may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis
hanggang Susa.
Cyrus the Great • Napatanyag din ng mga Persian ang pagsulong ng
http://en.wikipedia.org/wiki/Cyrus_ relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
the_Great

Gawain 5: Complete It!

A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra
sa patlang. Gawain ito sa kuwaderno.

1. ___ ___ M ___ ___ – Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia

2. ___ K ___ ___ ___ – Unang imperyong itinatag sa daigdig

3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ – Kabisera ng Imperyong Babylonia

4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ – Imperyong itinatag ni Nabopolassar


73
5. ___ ___ T ___ ___ ___ – Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia

6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ – Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia

B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang


makumpleto ang pangungusap.
1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil ____________
_________________________________________________.

2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __


_________________________________________________.
3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _____________________
_________________________________________________.

4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang ___


_________________________________________________.

5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa


Imperyong Persian ang ___________________________________
_________________________________________________.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?
2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa Imperyo?

3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?

4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at


pagbagsak ng mga kabihasnan?”
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa
mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang
bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng
kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod
na diyagram.
74
• Natuklasan ang
dalawang lungsod
na ito sa lambak Indus at
tinatayang umusbong ito
noong 2700 BCE
• Sinasabing ang
mga Dravidian
ang bumuo ng
kabihasnang Indus.
• Planado at
malalapad
ang mga kalsada
nito.
http://www.thenagain.info/web- http://en.wikipedia.org/wiki/Mo-
chron/india/harappa.html • Ang mga gusali ay
henjo-daro
hugis parisukat at ang
Harappa mga kabahayan ay may malalawak na espasyo. Mohenjo-Daro

Natagpuan sa • Ang pagkakaroon Ang


Mohenjo-Daro ay
kasalukuyang Punjab na ng mga palikuran ng mga kabahayan ay nasa katimugang bahagi bahagi
ng Pakistan. May itinuturing na kauna- ng daluyang Indus River.
350 milya ang layo nito unahang paggamit mula sa Mohenjo-
Daro sa kasaysayan ng pahilaga. sistemang alkantarilya o sewerage
system.

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar


ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos
walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga
kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan
hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang
libong taon, nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa
pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela.
Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian.
Nagaalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring
sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit
mula rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang
at sukat ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso,
bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga
tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito
ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao.

75
Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng
Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay
sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang
dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang
yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory.
Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na
may pictogram na

Sewer System representasyon


ng isang bagay sa anyong larawan.
Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang
http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/
kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang nelPic_large.jpg
IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChan-
kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon pa mang 2300 BCE. Kapuna-punang wala
ni isa
mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang
sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang
tala.
Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000
BCE subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang
kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.
May iba’t ibang paliwanag tungkol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May
nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at
pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.
May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa
pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE
Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo-Daro at Harappa ay nawasak
dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya,
kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang
mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wakas sa kabihasnang Indus.
Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng
Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber
Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang
taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga
Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang

76
http://phys.org/news168539680.html
Indus.
Ang Panahong Vedic (1500 - 500 BCE)

Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe


at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa
mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong
Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng
panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-
European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi
at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.
Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang
“marangal” sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang Steatite Seal
tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman tungkol sa unang
milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagangkanlurang India ay
hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama
Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma,
mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung
paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 BCE hanggang 500 BCE na
tinatawag ding panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at
mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti
rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran. Hindi na pagpapastol ang
kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng
pagsulat. Pagsapit ng 1100 BCE, tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang
bahagi ng India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: –
maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.
Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa
ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at
pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw din ang
mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop
nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang
pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon.
Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging
mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang
katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong
ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
nangangahulugang “lahi” o “angkan.”

77
Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat
ng mga tao.

Brahmin
kaparian

Ksatriya
mandirigma

Vaisya
mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa

Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo
ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan

Pariah
naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, nagbibitay
sa mga kriminal

GAWAIN 6: Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya

A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan


sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa
Timog Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at
kahalagahan nito sa
kanilang pamumuhay.

78
B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at
Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito
sa kasalukuyan.

Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan Ngayon

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus?
Ilarawan ang mga ito.
2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
3. Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao
sa India batay sa sistemang caste? Ipaliwanag ang sagot.
79
Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE - 500 CE)

Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimulang


tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16 na
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng
hilagang India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh.
Kabilang dito ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.
Pagsapit ng 500 BCE, ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan
at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa
maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng
monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang
mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo
ng mga bagong lungsod at lansangan.
Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa
bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain,
mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga
sa panahon ng digmaan at pagsasaka.
Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 BCE)
Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga
pamayanan, at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar.
Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang
lumaon, nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng
Ganges at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging
pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa
Pataliputra na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar.
Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong
pinamunuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-
kanlurang India. Noong 518 BCE nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang
mga Lambak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng
Persia sa loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging
sentro ng kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay
maaaring makapag-aral.
Tinapos ni Alexander the Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia.
Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas
patungong India noong 327 BCE. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian
ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian,
nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang
nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang
mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India.

80
Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng
sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE, ang bahagi ng hilagang-kanlurang
India ay naiwang walang mahusay na pinuno.
Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan
ang kasunod na diyagram.

Imperyong Maurya

Pagkatatag
• Noong 322 BCE, nasakop
ni Chandragupta Maurya
ang dating kaharian ng
Magadha at tinungo
ang mga naiwang lupain
ni Alexander. Sakop ng
imperyo ang hilagang India
at bahagi ng kasalukuyang Mahalagang Pangyayari
Afghanistan. • Ang kabisera ay nanatili sa
Pataliputra.
• Tagapayo ni Chandragupta
Maurya si Kautilya, ang may
akda ng Arthasastra. Naglala -
man ito ng mga kaisipan hinggil
sa pangangasiwa at estratehi -
yang politikal.
• Ang imperyo ay pinamunuan ni
Ashoka o Asoka (269-232 BCE)
ang kinikilalang pinakamahusay
na pinuno ng Maurya at isa sa
mahuhusay na pinuno sa kasay -
sayan ng daigdig. Matapos ang
Lions of Sarnath
kaniyang madugong pakikibaka
http://en.wikipedia.org/wiki/Em - sa mga kalinga ng Orissa noong
blem_of_india 261 BCE na tinatayang 100,000
katao ang nasawi, tinalikdan
niya ang karahasan at sinunod
Pagbagsak ang mga turo ni Buddha.
• Nagsimulang humiwalay sa
imperyo ang ilang mga es -
tadong malayo sa kabisera.
Sa pagbagsak ng Imperyong
Maurya noong ikalawang
siglo BCE nagtagisan ng
kapangyarihan ang mga
estado ng India. Sa sumunod
na limang siglo, ang hilaga
at gitnang India ay nahati
sa maliliit na kaharian at
estado.

81
Imperyong Gupta

Imperyong Mogul
Pagkatatag
• Ang pangalan nito ay
hango mula sa pangalan ng
Pagkatatag
naunang imperyo. Itinatag
• ito niang
Itinatag Chandragupta
Mogul nangI (Circa
319-335 CE
masakop ni Babur ) ang
hilagang India at Delhi
noong 1526.

Mahalagang Pangyayari
• Chandragupta II (Circa 376 - 415 CE).
Nakontrol
Mahalagang uli ang hilagang India.
Pangyayari
Muli, ang kabisera ng imperyo ay
• Narating ng imperyo ang tuga -
nasa Pataliputra.
tog ng kapangyarihan sa ilalim
Itinuturing
•ni Akbar itong sa
na namuno panahong
kabuuan klasikal
ng India.
ng hilagang India mula 1556
•hanggang
Naging1605.
epektibo ang pangangasiwa
• Nagpatupad siyaang
samantalang panitikan, sining,
ng kalayaan
at agham ay yumabong.
sa pananampalataya at
•makatarungang
Maunlad angpangangasiwa.
mga larangan ng
Taj Mahal Astronomiya, Matematika, at
• Ilan pang magagaling na pinuno
Siruhiya ( surgery ) sa
ang humalili kay Akbar tuladpanahong ito.
http://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Taj_Mahal_2012.jpg •ninaSiShah Jahanang
Kalidasa, na nagpatayo
kinikilalang
ng Taj Mahal at Aurangzeb
pinakamahusay na manunulat at
Si Reyna Kumaradevi na nagbawal
makata ngngIndia,
sugal,ayalak,
nabuhay sa
at Chandragupta I prostitusyon,
panahongat itosati ( sutteehindi
bagama’t ) alam
o pagsunog ng buhay
ang eksaktong petsa.sa mga
Ang dulang
Pagbagsak
http://commons.wikimedia.org/ biyuda.
Sakuntala na tinatayang isinulat niya
• wiki/File:Queen_Kumaradevi_
Sa pagsapit ng ikaanim na noong ikaapat o ikalimang siglo CE
and_King_Chandragupta_I_on_a_
siglo CE, nagsimulang humi - ay hango mula sa kaisipang Hindu.
coin_of_their_son_Samudragup
na at bumagsak ang Gupta -
ta_350_380_CE.jpg
sa kamay ng panibagong
mananakop, ang mga WHite
Hun, na maaaring mga Ira -
nian o Turk mula sa Gitnang
Pagbagsak
Asya.
• Sa pagsapit ng ikaanim na
• Labis na CE,
siglo humina ang Mogul
nagsimulang humi -
dahilnanaatrin sa pagdating
bumagsak ng
ang Gupta
makapangyarihang English
sa kamay ng panibagong
sa India.
mananakop, ang mga White
Hun, na maaaring mga Ira -
nian o Turk mula sa Gitnang
Asya.

82
GAWAIN 7: Empire Diagram

Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya.


Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga
ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang
bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag
na imperyo sa Timog Asya.

Imperyo sa Timog Asya

Maurya Gupta Mogul

Datos: Datos: Datos:

• • •

• • •

• • •

Pinuno: Pinuno: Pinuno:

• • •

• • •

• • •

Aral na Natutuhan:

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng
kanilang imperyo?
2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?

83
3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang
kabihasnan?
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at


dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga
sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000
taon. Suriin ang kasunod na diyagram:

Kabihasnang Tsino
Xia (2000 - 1570 BCE) • Sinasabing
nag-ugat ito
mula sa
Longshan,
isang
kulturang
Neolitikong laganap sa
lambak ng Huang Ho.
• Hindi pa ito
lubusang
napatutunayan
dahil sa
kawalan ng
matibay na ebidensiyang
arkeolohiya.
• Sinasabing ito
ang
pinakamaunlad
• na
kabihasnang
gumamit ng bronse
• sa panahong ito.
Naiwang kasulatan ng
panahong
• ito ang
pinakamatanda
sa mga panulat sa
Tsino na nakasulat sa mga
Shang (1570 - 1045 BCE) oracle
bones o mga
tortoise shell at
cattle bone. Malimit
ang
isinasagaw
ang
pagsasakri
Oracle Bone pisyo ng
http://en.wikipedia.org/wiki/ mga tao
File:Orakelknochen.JPG lalo na sa tuwing

84
may namamatay na
pinuno.
Pinatalsik ang Shang
noong 1045
BCE

Zhou o Chou (1045 - 221 BCE) • Naniwala ang


mga
tao sa
Mandate of
Heaven o
“Basbas ng
Kalangitan” na ang
emperador ay

namumuno sa
kapahintulutan ng
Confucius langit. Pinili siya dahil
puno siya ng
kabutihan. Kapag siya
ay naging masama at
mapang-abuso, ay
babawiin ng
kalangitan sa anyo ng
lindol, bagyo,
http://en.wikipedia.org/wiki/FileConfocius_Tang_Dynas tagtuyot, peste, o
digmaan.
Umusbong noon
ang
mahahalagang
kaisipang humubog
sa kamalayang Tsino kabilang
ang:
– Confucianism –
Layuning
magkaroon ng
isang tahimik at
organisadong ;
ipunan sa
pamamagitan ng
pagpapabuti sa
sarili at
pagpapahalaga sa
ugnayan ng mga
tao sa lipunan.
– Taoism – Hangad
ang balanseng sa
kalikasan at
daigdig at

85
pakikiayon ng tao
sa kalikasan.
– Legalism –
Ipinanganak ang
tao na masama
at makasarili. Subalit
sila ay maaaring
mapasunod sa
pamamagitan ng
mahigpit na batas at
marahas na
kaparusahan.

Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE) • Ginapi ng mga


pinunong Qin
ang mga
• estado ng
dinastiyang
Zhou.
Sa ilalim ng
Ying
Zheng ng
Qin o
Confucius • Ch’in,
nagawang
pag-isahin ang
mga nagdidigmaang
estado at isinailalim sa
kaniyang kapangyarihan
ang iba’t ibang rehiyon sa
China. Inihayag niya ang
sarili bilang “Unang
Emperador” ng China at
kinilala bilang si Shi
Huangdi o Shih Huang Ti
(221 - 210 BCE)
Ang hinahangaang
Great Wall
of
China ay
itinayo
upang
magsilbing tanggulan
laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa
hilaga ng China. May

86
haba itong 2400
kilometro o 1500 milya.

• Humina ang
dinastiya nang
mamatay si
http://en.wikipedia.org/wiki/
Shih
File:The_Great_Wall_of_China_at_
Huangdi at
Jinshanling.jpg
napalitan ng dinastiyang
Han nang mag-alsa si Lui
Bang.
Han (202 BCE - 200 CE) • Ito ang kauna-
unahang dinastiyang
yumakap sa
• Confucianism.
Ang pagsulat ng
kasaysayan
ng China
ay isang
napakalaking
ambag ng Dinastiyang Han.
• Nagkaroon
lamang ng
dalawang
emperador
• ang Sui.
Gayon man, nagawa
nitong muling pag-isahin
ang watak-watak na
teritoryo ng China.
Isinaayos sa
panahong
Sui (589 - 618 CE)
ito ang
Great Wall
of China
na napabayaan
sa mahabang panahon.
Ginawa rin ang Grand
Grand Canal Canal na nag-uugnay sa
http://en.wikipedia.org/wiki/ mga ilog ng Huang Ho at
File:Kaiserkanal01.jpg Yangtze.

87
• Li Yuan –
dating
opisyal ng
Sui na
• nag-alsa
laban sa
dinastiya dahil sa mga
pang-aabuso. Itinatag
• niya ang dinastiyang
T’ang.
Itinuturing na
• isa sa
mga
dakilang
dinastiya ng
China

sapagkat nagkaroon
muli ng kasaganaan ang
lupain at mabilis na mga
pagbabago sa larangan
ng sining at teknolohiya.
Ang Buddhism
na
naging
dominanteng
relihiyon sa
mga panahong ito ay
T’ang (618 - 907 CE) tinangkilik ng mga
dugong bughaw at mga
karaniwang tao.
Ibinalik ang civil
service examination system
na naging mahalga sa
pagpili ng opisyal ng
pamahalaan. Ang pagsusulit
na ito ay unang ginamit sa
panahong Han subalit
pinagbuti pa sa panahong
T’ang. Bumagsak ang
Mapa ng China sa ilalim ng T’ang dinastiya dahil
sa samu’t
http://en.wikipedia.org/wiki/ saring pag-
File:Tang_Dynasty_circa_700_CE.png aalsang naganap sa China.
Itinayo ng isang
hukbong
Song (960 - 1127 CE) •
imperyal ang
dinastiyang ito.
• Naging sapat ang
suplay ng
pagkain sa
China dahil
sa pag-unlad ng
teknolohiyang
agrikultural.
88
Nalikha ang isang
• paraan ng
paglilimbag.
• Sinakop ng
mga
barbaro
ang
hilagang
bahagi
ng China
kaya napilitan ang
Sung na iwanan ang
kabisera nito noong
ika-12 siglo.
Yuan (1279 - 1368 CE) • Itinatag ito ni
Kublai
Khan,
isang
Mongol. Sa
unang
pagkakataon para sa
mga Tsino, ang
kabuuang China ay
pinamunuan ng mga
dayuhang barbaro.
• Ang mga
Mongol ay
kaiba sa
mga
Tsino sa
aspektong
kultural, tradisyon, at
wika. Pinanatili nila
ang kanilang
pagkakakilanlan at
namuhay nang hiwalay
sa China na hindi nila
pinagkatiwalaan.
• Pagkatapos ng
mga
labanan,
dumaan ang
dinastiya sa
tinatawag na Pax
Mongolica o panahon
ng kapayapaan, maayos
na sistema ng
komunikasyon, at
mabuting kalakalan sa
malawak na teritoryong
sakop mula Timog-

89
silangang Asya
hanggang silangang
Europe.

• Pinabagsak ang
dinastiya ng
mga
pag-aalsa na
ang isa
ay
pinamunuan
ni Zhu
Yuanzhang
at
itinatag ang
dinastiyang Ming.
Ming (1368 - 1644 CE) • Ang malaking
bahagi ng
Great Wall
ay
itinayo sa
ilalim ng
dinastiyang ito. Naitayo
rin ang Forbidden City sa
Peking na naging
tahanan ng emperador.
• Ang sining ay
napayaman
partikular ang
paggawa ng
porselana. Naglayag at
nakarating sa Indian
Ocean at silangang
bahagi ng Africa ang
mga Tsino sa
pamumuno
ni
Admiral
Zheng He.
• Maraming aklat
ang nailimbag
sa
pamamagitan
ng
pamamaraang
movable type. Lumaki rin ang
populasyon ng China na
umabot sa 100 milyon.

90
Bumagsak ang
dinastiya noong
1644. Pinahina
• ito
Forbidden City ng mga pagtutol sa mga
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Forbidden_City_Courtyard.jpg pagbabago sa lipunan.
Kasama rito ang
pakikipaglaban nito sa Japan
na sumalakay sa Korea.
Itinatag ito ng
mga
Manchu.
Matapos
magapi
ang
Dinastiyang
Ming ng mga semi-
nomadic mula sa
hilagang Manchuria at
itinuturing ng mga
Tsino na barbarong
dayuhan.

Qing o Ch’ing (1644 - 1911) • Ang pagkatalo ng


China sa
mga
Digmaang
Opium
• laban sa
England (1839-1842) at
laban sa England at
France (1856-1860) ay
malaking dagok sa
imperyo. Tinutulan ng
pamahalaang China ang
pagbebenta ng opyo ng
Mapa ng China sa ilalim ng T’ang • Europeo sa China, dahil
nakasisira ito sa
moralidad ng tao at
kaayusan ng lipunan.

Sa pagkatalo ng
China,
nagkaloob
ito ng
mga
konsesyon
sa mga dayuhan,
kabilang ang pagkakaloob ng
lupain

91
http://www.inquirer.net/ tulad ng Hong Kong sa mga
British. Pinagkalooban din
sila ng karapatang
pakinabangan at pamunuan
ang ilang teritoryo sa China
bilang sphere of influence o
mga rehiyon kung saan
nangingibabaw ang
kapakanang pang-ekonomiya
ng nanalong bansa.

Hinangad ng
Rebelyong
Taiping
(1850-
1865) at
Rebelyong Nien
(1851-1863) na
pabagsakin ang mga
Manchu na lubhang
mahina at walang
kakayahang labanan
ang panghihimasok
ng mga Kanluranin.
Nais din ng
Rebelyong Taiping na
baguhin ang
tradisyonal na
lipunang Tsino.
Samantala,
sumuporta ang
Rebelyong Boxer
(1900) sa mga
Manchu sa layuning
palayasin ang mga
mapanghimasok na
Kanluranin.

Lalong humina ang


Dinastiyang
Qing
• nang
magapi ang
hukbong Tsino sa
Digmaang Sino-French
(1883-1885) at
Digmaang Sino-
Japanese (18941895).

Noong 1911,
nagwakasang

sistema ng
dinastiya sa
China nang maganap
ang Rebolusyon ng
• 1911 na nagbigay-daan

92
sa pagkatatag ng
Republika ng China.

GAWAIN 8: Maramihang Pagpili sa Tsart

A. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na
dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin
ang sagot sa loob ng mga bilog.

Kabihasnang Tsino

Mga Dinastiya: Chou, Ming, Q’ing, Shang, Sui, T’ang, Yuan

1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay sa
dinastiyang ito
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3. Huling dinastiya sa China
4. Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism,
Taoism, at Legalism
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven
7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

93
Mga Tauhan: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi

8. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”


9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China
10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa
11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

Mga Ambag: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism

12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador


13. Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China
14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming
15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan
Kabihasnang Egyptian
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong
batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno
at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim
ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang
nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh
ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa
kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa
kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng
Egypt sa sumusunod na pagpapanahon:

1 Pre-dynastic Nauna sa Panahon ng Nauna sa 3100 BCE


Period mga Dinastiya

2
Early Dynastic Panahon ng mga Unang Una at Ikalawang Dinastiya (circa
Period Dinastiya 3100 - 2670 BCE)

3 Old Kingdom Matandang Kaharian Ikatlo hanggang Ikaanim na


Dinastiya (circa 2670 - 2150
BCE)

94
4 First Interme- Unang Interme- dyang Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya
diate Period Panahon (circa 2150 - 2040 BCE)

5 Gitnang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa


Middle Kingdom
2040 - 1650 BCE)

6 Second Ikalawang Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya


Intermediate Intermedyang Panahon (circa 1650 - 1550 BCE)
Period

7 New Kingdom Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya


(circa 1550 - 1070 BCE)

8 Third
Ikatlong Inter- Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya
Intermediate
medyang Panahon (circa 1070 - 664 BCE)
Period

9 Late Period Huling Panahon Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya


(circa 664 - 330 BCE)
Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang
tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang
tiyak na petsa.
Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng
sinaunang kasaysayan ng Egypt.

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya


Nile hieroglyphics nome nomarch

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa


Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na
pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay
nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na
95
hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.
Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at
pagtatala ng mga pangyayari.
Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging sentro
ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na
nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan
ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay
unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng
panrehiyong pagkakakilanlan.

Tungkol saan ang larawan?

Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga


sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/
Hieroglyphics

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Panahon ng mga Unang Dinastiya


Upper Egypt Lower Egypt menes Memphis

Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo.


Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga
pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang
populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang
sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt
at Lower Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni
Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang
lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa
panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang
Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.
96
Tungkol saan ang nasa larawan?

Ano ang nais ipahiwatig nito?

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Matandang Kaharian
Great Pyramid Khufu Seven Wonders Pepi II

Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang


mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito
ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling
hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng
estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at
sakripisyo naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa
halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo
noong 2600 BCE. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga
piramide. Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga
piramide sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga
piramide ang tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang
panahon. Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na
itinala ng mga Greek na pinakamagandang arkitektura sa mundo.
Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng
mga pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang
dito ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang
mapabilis ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga
latian sa Nile Delta upang maging bagong taniman.
Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90
BCE). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na
nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa
kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono.
97
Namatay siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang
pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na
taggutom at mahinang pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga
opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang
lupain sa kaguluhan sa loob halos ng dalawang siglo.

Unang Intermedyang Panahon

Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito


hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 BCE, tinangka ng mga
panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera
nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes
ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang
magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay
nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na
pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.

Anong estruktura ang nasa larawan?

Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng


mga sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/
gizapryramid

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Gitnang Panahon
Mentuhotep I Itjtawy Amenemhet II Hyksos

Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I.


Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa
Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon ni
Senusret I o Sesostris I (1970 - 1926 BCE), nakipagtunggali siya sa bahaging
Nubia. Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878 - 1842

98
BCE) ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka
niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang
pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929 - 1895
BCE) na namayani sa loob ng 45 taon.
Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga
naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang
nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang
bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din
ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at
pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang
katagang Hyksos ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang
lupain.” Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang
lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang
pamamayani ng mga Hyksos noong 1670 BCE at kanilang napasailalim ang
Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga
chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa kawalan ng
kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan ng
Egypt.

Ikalawang Intermedyang Panahon

Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman


sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang
humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya
ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at
katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang
bahaging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes
ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na
namayani sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang
kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang
pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-
17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula
sa Egypt.

99
Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?

Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasay-


sayan ng sinaunang Egypt?

http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Ibscha.jpg

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Bagong Kaharian
Empire Age Ahmose Hatsheput Akhenaton Rameses II

Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng


kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din
ito bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570 - 1546 BCE) ang mga Hyksos
mula sa Egypt noong 1570 BCE. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang
pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa
katimugan. Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa
kamay ng malalakas na mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot
sa Nubia sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain
ng mga Hittite at Mitanni.
Si Reyna Hatshepsut (1503 - 1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II
(1518 - 1504 BCE), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa
kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga
ekspedisyon sa ibang mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig
ni Thutmose III (1504 - 1450 BCE), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo BCE ay si Amenophis IV
o Akhenaton (1350 - 1334 BCE). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan
ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng
mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong
relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng
araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong
pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang

100
sinimulan. Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334 - 1325 BCE) na noon ay
siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono.
Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293 - 1291 BCE). Siya
ay sinundan nina Seti I (1291 - 1279 BCE) at Rameses II (1279 - 1213 BCE).
Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20
taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting
pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite
nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis
III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa
pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang
Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na
namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.

Ikatlong Intermedyang Panahon

Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes


(1070 - 1044 BCE) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga
hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang
pinuno nito ay si Shoshenq I (946 - 913 BCE) na isang heneral sa ilalim ng
nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang
pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa
pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang
kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang
sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot
ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang
kaniyang katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower
Egypt. Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.

101
Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?

Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang


Empire Age?

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Huling Panahon
Psammetichus Alexander the Great Cleopatra VII

Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664 - 610


BCE). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya
ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala
upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na
Cyrene. Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng
kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570 - 526 BCE). Hindi
naglaon, napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian
na si Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28
Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong
lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa Ika-30 Dinastiya
bagama’t mahihina ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa
kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.
Noong 332 BCE, sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong
bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang
imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia
hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 BCE,
naging satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si
Ptolemy.
Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng
Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay
102
naghari sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang
reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30
BCE.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig
ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82

Sino ang nasa larawan?

Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?

GAWAIN 9: Walk to Ancient Egypt

Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem sa ibaba upang makumpleto ang


dayagram.

Kabihasnang Egyptian

1. Tauhan 8. Tauhan

2. Bagay 7. Bagay

3. Panahon 4. Tauhan 5. Tauhan 6. Panahon

1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig

2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian

3. Itinuring bilang Empire Age at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang Egypt

4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt

5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt

6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng mga


pyramid sa Egypt

103
7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging
libingan ng mga ito

8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga


Hittite

? Pamprosesong mga Tanong


1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?
2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga
kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?
3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?
4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel
sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt?
5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?

Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente na
America, partikular sa Mesoamerica—ang mga Olmec at Teotihuacan.
Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica
Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 - 1500 BCE)

Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay


sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa
Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga
produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz
noon pa mang 3500 BCE. Sa pagsapit ng 1500 BCE, maraming taga-
Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din
sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa
Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa maraming rehiyon, ang
maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong
pangekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong
tatag na lipunan ay ang Olmec.

104
Ang mga Olmec

Olmec (1500 - 500 BCE)

• Ang kauna-unahang umusbong sa Central


America (at maaaring maging kabuuang America) ay
ang Olmec.
• Ang katagang Olmec ay nangangahulugang
rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit
ng dagta ng punong rubber o goma.
• Ang kanilang kabihasnan ay yumabong
sa rehiyon ng Gulf Coast sa
katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang
Guatemala.
• Ang panahong ito ay halos
kasabayan ng Dinastiyang Shang
sa China.

Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na


itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay
nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may
pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-
tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa
pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang
nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa
Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang
labi ng kanilang panahon. Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang
Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na
kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.

Kulturang Olmec

105
Larong Pok-a-tok Ang rituwal sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa
pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na larong
tinatawag na Pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong
basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring
gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari
sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangka
ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit
na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang mataas na pader.
Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro
ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang
lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong
Mesoamerica.

Lilok ng anyong ulo mula


Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga anyong ulo
sa mga bato
mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na
siyam na talampakan at may bigat na 44 libra. Maaari
diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang
mga pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis
piramide sa ibabaw ng mga umbok na lupa. Ang mga
estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng
kanilang mga diyos.

Hayop na jaguar
Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na
pinakakintatakutan ng maninila (predator) sa Central America
at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at
kakayahang manirahan saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at
matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga
lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong
mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong
lugar tulad ng Costa Rica.
Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang
Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba
pang mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang
taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng
Teotihuacan.
Ang mga Teotihuacan

Teotihuacan
• Sa pagsapit ng 200 BCE, ang ilan sa mga lugar sa

106
(250 BCE - 650 CE) lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at
pagyabong ng ekonomiya
• Isa sa mga dakila at pinakamalaking
lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan
na nangangahulugang “tirahan ng diyos”
• Pagsapit ng 150 CE, ito ay
naging isang lungsod na may halos
12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao
• Sa pagitan ng 150 CE at 750
CE, ang populasyon nito ay minsang
umabot sa 120,000

Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan,


kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay
nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging
sentrong pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo
sa mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang
obsidian ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na
lava. Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at
talim ng mga kutsilyo. Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o
nobility ang malaking bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa
pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at
pagpapasunod nang puwersahan.
Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang
Feathered Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa
kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan.
Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng
hangin.
Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650
C.E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-
lugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig ni
Mateo et al. (2012)

Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE


(Effective Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang
impormasyon.
a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48)
b. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico (pp. 9-16)

107
GAWAIN 10: Tracing the Beginning Chart

a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.


b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.

Ano ang sinaunang Paano nagsimula


Ano ang katangian ng
kabihasnang umusbong ang kasaysayan ng
mga katutubo nito?
sa daigdig? kabihasnang ito?

? Pamprosesong mga Tanong


1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang
katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?
3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila
ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng
mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?
108
GAWAIN 11: Pagbuo ng K-Web Diagram

Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web Diagram.”


1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.
2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.

Mesopotamia Egypt

Mesoamerica Sinaunang Indus


Kabihasnan

Tsino

1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian


2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus
3. Sagradong aklat ng mga Aryan
4. Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”
5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America
6. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu
7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian
8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt
9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng
diyos”
10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa Seven Wonders ng sinaunang daig -
dig
11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga ma -
nanakop
12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, at El Salvador
13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt
14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit
na pamunuan ang china
15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat sa Egyptian

109
Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at
tuluyang pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na
gawaing tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.

GAWAIN 12: Kabihasnan (Pathway Diagram)

1. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan.


a. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat
2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat
4 ang Kabihasnang Egyptian.
b. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong
makilahok sa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa
pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat
hakbang.
c. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba
pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang
ekonomiya, kultura, at lipunan nito.
d. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.

e. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong


pathway diagram.
f. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang
sumusunod na rubric.

110
Rubric sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman 10
Nakapaloob sa diyagram ang 5 o higit pang
mahahalagang pangyayari sa nakatalagang
kabihasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nito

Pag-uulat 10
Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng
nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong diyagram

Iba pang 5
Nakapaglahad ng iba pang datos na may
impormasyon
kaugnayan sa kasaysayan ng nakatalagang
kabihasnan

Kabuuan 25

2. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan at


iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan.
3. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

GAWAIN 13: Gallery of Ancient Rulers

1. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat
ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin.
2. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno.
Isaalangalang ang kasunod na mga panuntunan:
a. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatuwa” na kakatawan sa
piniling pinuno.
b. Ihanda ang posisyon ng “estatuwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling
pinuno.

111
c. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang
maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatuwa.”
d. Itanghal sa klase ang mga “estatuwa.” Magtalaga ng 1-2 kapangkat na
magpapaliwanag tungkol sa estatuwa.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?
2. Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan?
3. Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno?
Ipaliwanag.
4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng
isang pinuno? Ipaliwanag.

Bibigyan ng marka ang ginawang estatuwa gamit ang kasunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient Rulers

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Gawang Estatuwa 10
Angkop ang estatuwa bilang kinatawan ng piniling
pinuno ng pangkat; wasto ang mga simbolo at
datos na ikinabit sa estatuwa

Pag-uulat 10
Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang pinuno
batay sa estatuwa; naglahad nang higit sa tatlong
impormasyon tungkol sa nasabing pinuno

Orihinalidad 5
Natatangi ang pagkakabuo ng estatuwa; gumamit
ng mga akmang disenyo upang maging
makatotohanan ang hitsura

Kabuuan 25

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


112
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng
kanikanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng
kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at
aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit
araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang
kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay
maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng
kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa
mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?

Mesopotamia

Ang Ziggurat ay estruktura kung saan


Ziggurat
pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng
isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang
Ziggurat.

Code of Hammurabi Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na


mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang
napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng
282 batas na pumapaksa sa halos lahat na
aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.

Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng


Cuneiform pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer.
Ito ay tinatawag na Cuneiform.

113
Epic of Gilgamesh Sa larangan ng literatura, itinuturing ang
Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang
akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito
ay kuwento ni Haring Galgamesh ng
lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong
ikatlong siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata
ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great
Flood ng Bibliya.

Iba pang kontribusyon


• water clock
• paggawa ng unang mapa
• sexagesimal system o pagbibilang na
nakabatay sa 60
• astronomiya

Indus

May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod


Sewerage System dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala
bilang mga kauna-unahang paninirahang
sumailalim sa tinatawag na urban o city
planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga
kalsada sa matatandang lungsod ng MohenjoDaro
at Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.

Arthasastra Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong


siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda o treatise
hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay
tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang
tagapagtatag ng Imperyong Maurya.

114
Ayurveda
Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay’’ ay isang
mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang
India. Tinawag itong “Agham ng Buhay’’ sapagkat
binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.

Ramayana at Mahabharata
Ang dalawang epikong pamana ng India sa
larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang
salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-anak – ang
mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at
kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang salaysay
tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip
niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na
sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.

Iba pang kontribusyon • Pamantayan ng bigat at


sukat
• Decimal system
• Paggamot at pagbubunot ng
ngipin
• Halaga ng pi (3.1416)
• Taj Mahal
• Pinagmulan ng mga relihiyon
(Hinduism, Buddhism, Jainism, at
Sikhism)

Tsino

115
Sa panahon ng Qin, tinatayang isang mil-yong
Great Wall of China katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang
Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.

I Ching at Bing Fa Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng


perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa
iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing
na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na
aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun
Zi o Sun Tzu noong
510 BCE.

Feng Shui Ang paniniwala sa Feng shui o Geomancy ay


nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa
tamang pagbalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap sa
sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan—malambot at kalmado. Samantala
ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas
at masigla.

116
Iba pang kontribusyon
• Paggamit ng silk o seda

• Kalendaryo

• Star map

• magnetic compass

• seismograph

• wheel barrow

• water clock

• sundial

• chopsticks

• abacus

• pamaypay

• payong

Egypt

Pyramid Ang mga piramide ay hitik sa mga


simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng
pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang
kapangyarihan ng mamuno. Gayundin,
pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay
matapos ang kamatayan. Lahat ng kayamanan
at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa
piramide bilang paghahanda sa kabilang
buhay.

117
Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa
Mummification isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa
isang prosesong tinatawag na mummification,
ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal
upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang
isang mummy o embalsamadong bangkay ay
pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.

Hieroglyphics May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian


na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang isang
larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang
hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga
papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong
gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o
kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa
pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng
pergamino o paper scroll ay mula sa malatambong
halaman na tinatawag na papyrus.

Iba pang kontribusyon


• Geometry
• Medisina tulad ng pagsasaayos ng
nabaling buto
• Kalendaryo na may 365 araw
• Sagradong pagdiriwang

GAWAIN 14: K-A-K Organizer

Unawain ang sumusunod sa pagbuo ng organizer.


a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Ambag-
Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang ambag,
at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.

118
Kabihasnan Ambag Kabuluhan

c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga
sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa


impluwensiyang heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay
bibigyan ng malalim na pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang
gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng
heograpiya at pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang
pamumuhay ng tao.

119
GAWAIN 15: Thank You Letter
Sundin ang sumusunod.
1. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.
2. Isaalang-alang ang sumusunod na hakbang sa gawaing ito:
a. Pumili ng isang anyong lupa, anyong tubig o kahit anong bagay na may
kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong
gawan ng liham pasasalamat.
b. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na
ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao hanggang sa
kasalukuyan.
c. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.

Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Mahusay na naipaliwanag ang bahaging 12


ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga
sinaunang tao; nakapagbigay ng halimbawang
magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa mga
sinaunang tao

Teknikal na 8
Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ng mga
Pagbuo ng
salita, at maayos ang mga bahagi ng isang liham
Liham

Anyo at Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng 5


Disenyo malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang kulay
ng disenyo

Kabuuan 25
d. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral.
GAWAIN 16: Maimpluwensiyang Kabihasnan

Kumpletuhin ang kasunod na diyagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang


kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa
sa kasalukuyang panahon.

120
Impluwensiya sa Daigdig

Impluwensiya sa Pilipinas

Pamana ng Sinaunang Kabihasnan

? Pamprosesong mga Tanong


1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang
pamanang tinukoy sa diyagram?
2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino?
Magbigay ng halimbawa.
3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?
4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana,
ano ang iyong reaksiyon?
5. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang
tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang
pamana?

Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F (facts) ng mga


bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa.

ILIPAT AT ISABUHAY

Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, ang


ILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto
at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod
na proyekto.

GAWAIN 17: POKUS NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ng mga


Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

121
Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural
Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang
proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong
bansa.
Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong na unang bubuo ng isang panukalang
proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa
pagbuo ng panukalang proyekto:

1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod:

Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia

Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia

Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian

Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus

Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino

Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica

2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyaking


makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa
itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang
proyekto.
a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na
ipreserba: Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang
tradisyon/kaugalian, at Pares 3 – isang sinaunang bagay
b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang
kasunod na template.
Bansang nakatalaga sa pangkat: __________________________ National
Committee on the Preservation of Cultural Heritage

UNANG BAHAGI:
a. Pamagat ng proyekto: __________________________________________
b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________________________
c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: __________
d. Halagang gugugulin sa proyekto: _______________________________

Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _____________________


122
IKALAWANG BAHAGI:
a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?)
b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?)
c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong paraan?)

IKATLONG BAHAGI:
a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin upang
magtagumpay sa hangarin ng pangkat?)
b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa
proyekto?)
c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit ng
proyekto?)
d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyekto?)

IKAAPAT NA BAHAGI:
a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kung
isasagawa ang proyekto?)
b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong sabihin
upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga sinaunang ambag
at pamana ng bansa?)
c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan ng
gagawing proyekto?)
c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala.
d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala.
e. Iulat sa klase ang ginawang panukala.

3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.

Kraytirya 4 3 2 1

123
Nilalaman ng Kumpleto ang May 1-2 ang Mahigit sa 50% Mahigit sa 50%
Panukalang nilalaman ng nawala sa ang nawala sa ang nawala sa
Proyekto panukalang panukalang panukalang nilalaman ng
proyekto; 100% proyekto; hindi proyekto; panukalang
na wasto ang bababa sa 75% mahigit sa 50% proyekto;
itinala ang may wastong ang hindi wasto mahigit sa 50%
sa panukala; itinala sa sa mga itinala sa ang hindi wasto
makatotohanan panukala; panukala; may sa mga itinala sa
ang lahat ng makatotohanan 50% sa nilalaman panukala; hindi
sagot sa tanong; ang mahigit 75% ng panukala ay maka-totohanan
may kabuluhan sagot sa tanong; hindi ang panukala;
ang gawang may kabuluhan makatotohanan; hindi maipakita
panukala; ang gawang may pag- ang kaugnayan
mahusay ang panukala; aalinlangan sa ng guhit sa
iginuhit sa mahusay ang kabuluhan ang panukala
magiging bunga iginuhit sa gawang
ng proyekto magiging bunga panukala; hindi
ng proyekto na gaanong
may 1-2 aspekto malinaw ang
ng guhit ang guhit
kailangang
isaayos

Pinagkunan ng Ibinatay sa 3 o Ibinatay sa 2 Ibinatay lamang Walang batayang


Datos higit pang sanggunian ang ang sanggunian pinagkunan at
sanggunian ang datos sa batayang aklat gawa-gawa
datos na kabilang lamang ang mga
sa panukalang impormasyon
proyekto (aklat,
pahayagan, video
clip, internet, at
iba pa)

124
Presentasyon ng Mahusay ang Maayos ang Karaniwan ang Hindi malinaw
Panukalang paglahad sa paglahad sa paglahad sa ang paglahad sa
Proyekto presentasyon; presentasyon; presentasyon; presentasyon;
malinaw at may ilang maikli at hindi hindi
binigyan ng pansin naipaliwanag ang
malakas ang kinabahan at
ang maraming maraming bahagi
boses ng mahinang boses; ng panukala;
bahagi ng
tagapagsalita; naipaliwanag ang panukala; hindi hindi maunawaan
lubos na higit sa 75% ng gaanong ang pagsasalita;
naipaliwanag ang kabuuang aytem maunawaan kaunti lamang
bawat aytem sa sa panukala ang pagsasalita; ang
panukala mahigit sa 50% naipaliwanag
ang hindi
naipaliwanag sa
panukala
TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL

Tinalakay sa modyul na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito
tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may
malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.
Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay
na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran.
Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging
matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang
higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng
mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.
Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng
politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay
lubos na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat
ng panahon.
Sa susunod na modyul, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang
klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga
Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng
daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.
TALASALITAAN

Ahimsa – doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo

Caste – pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic

125
Core – pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380 milya
ang kapal ng outer core

Crust – pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta

Dinastiya – pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan

Hellenistic – nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate Greeks”; tumutukoy sa


kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang Greek pagkaraan ni
Alexander the Great

Heograpiya – pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran

Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at


pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

Hominid – miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa
kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee, at orangutan

Khanate – estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang Asya)

Klima – kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa matagal
na panahon

Kontinente – pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig

Khyber Pass – lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na naguugnay sa


Timog Asya at Kanlurang Asya

Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal

Nome – malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt

Nomarch – pinuno ng nome

Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang mensahe o
saloobin ng mga diyos ng mga Tsino
Pacific Ring of Fire – rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga aktibong bulkan

Plate – malaking masa ng solidong bato

Satrap – gobernador o pinuno ng satrapy

Satrapy – lalawigan ng Imperyong Persian

Steppe – malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa silangang Europe at
Asya

Terra-cotta – anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang luwad
126
Vedas – sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.

SANGGUNIAN

A. Aklat

Mateo, PhD Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, edisyon 2012

B. Module

EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 2

EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 3

127

You might also like