You are on page 1of 121

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral

I: Heograpiya at mga Sinaunang


Kabihasnan sa Daigdig

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kaga-
waran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 1/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama-
halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma-
may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral

Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc. ,

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)


2th
Office Address: 5 nd
Floor Mabini
Floor Dorm G,Building,
PSC Complex
DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Meralco Philippines
Avenue, 1600Philippines 1600
Pasig City,
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 2/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

PAUNANG SALITA

Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang maka-

hubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, maka-


kalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw
at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang
mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit
mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa
iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa
kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang
ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring
pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,
politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati
naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at
mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal
na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong
Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig.
Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga
gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 3/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

TALAAN NG NILALAMAN

Modyul I Heograpiya
Daigdig at mga Sinaunang Kabihasnan sa

Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig


Alamin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11

Pagnilayan at Unawain. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
Aralin 2 Ang Mga Sinaunang Tao
Alamin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 39
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40
Pagnilayan at Unawain. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49

Aralin 3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 110
Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 112
Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 116
Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 117

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 4/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 5/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

MODYUL 1

HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG


KABIHASNAN SA DAIGDIG
Panimula

Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa


katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at
pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog
sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.
Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan.

Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang
kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad
ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligi-
ran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang
kultural na tinawag na kabihasnan.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America,
ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng
panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga
tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang

pag-unawa sanagtagumpay
kabihasnang kahalagahan sa
ng mga
mga pamanang ipinagkaloob
hamong dulot ng mga sinaunang
ng kapaligiran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang sumusunod:

Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig

• Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-


unawa sa daigdig

• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

• Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at


mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon

2
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 6/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao

• Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa


daigdig

• Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig

• Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko

Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

• Naiuugnay
kabihasnanang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
sa daigdig

• Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig

• Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika,


ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan

• Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan


sa daigdig

3
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 7/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Panimulang Pagtataya
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng
daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. rehiyon
2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaa-
gang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan
at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng
kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon,
mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo C. kalinangan
B. kabihasnan D. lungsod
4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar
para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient
World?
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat
5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.

4
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 8/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?


A. Tropikal na klima C. Buong taon na nagyeyelo
B. Maladisyertong init D Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng


maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakau-
nawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
7. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong
naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. labis na pagkain
II. kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV
8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng
pag-unlad ng tao?

A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.


B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng ka-
lakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal.
9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

5
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 9/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang


umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.

B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.


C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop


na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopo-
tamia.

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa


pagitan ng Euphrates at Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang
ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia
at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.

A. w at z C. y at z
B. x at y D. z at w

11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?

A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang

Egyptian noong sinaunang panahon.


B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may
pantay na karapatan sa Egypt.
C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring
Egyptian kaysa sa mga mandirigma.
D. Ang pharaoh, maharlika, at magsasaka
ang nasa mataas na antas ng lipunang
Egyptian.

6
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 10/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga


sinaunang tao?
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga

kabihasnan sa kasalukuyang panahon.


B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung
kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang
mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang mak-
agawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang
isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacifc Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t
ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang reli-
hiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang
relihiyon.
15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na
pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo
ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao
na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng
pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

7
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 11/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napaki-


kinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.

B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.


C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ug nayang


heograpiya-kasaysayan?
A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang
bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na
nagbigay daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot
ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan


sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa
iyong lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling
masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang
bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng
lungsod.

19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad


sa Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-
Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasa-
lukuyang panahon.

8
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 12/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay


na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang
buhay.

20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang ini-
handog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng
mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naim-
bento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.

D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang


kabihasnan sa daigdig.

9
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 13/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

ARALIN 1

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
Sa araling ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daig-
dig. Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa
paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

ALAMIN
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na
ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong
interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam
tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa
sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.

GAWAIN 1: GEOpardy!
Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na
ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang
papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

Pacific Ocean Antarctica gubat

lahing Austronesian globo bundok

compass bagyo Tropikal

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacifc Ocean)

10
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 14/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 2: Graffiti Wall 1

Isulat sa Grafti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.
Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Gawain ito sa sagutang papel.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan


ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng
kapaligiran nito?

PAUNLARIN

Matapos ang pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa


daigdig, sisimulan ngayon dito ang pagtalakay sa mga konsepto at
klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito, tatalakayin
ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng
lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga
mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong
kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.

11
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 15/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang


panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar
kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamu-
muhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapang-
hamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging
epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong
tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag
na kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at
graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa si-
yentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:

anyong lupa
HEOGRAPIYA likas na yaman
at anyong tubig

flora (plant life)


klima at panahon
fauna (animal life)
na
saklaw
ang
http://digital-vector-maps.com/ distribusyon at interaksiyon ng tao at iba pang
WORLD/GL-1068-Asia-Globe. organismo sa kapaligiran nito
htm

Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang
tema ng heograpiya.
Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpi-
kal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Asso-
ciation of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas
madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham
panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao
ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.

12
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 16/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya

Lokasyong Absolute na gamit


ang mga imahinasyong
Limang Tema ng Heograpiya
guhit tuladline
longitude latitude
ng na line at
bumubuo
sa grid. Ang pagkukrus ng
dalawang guhit na ito ang
Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan tumutukoy sa eksaktong
ng mga lugar sa daigdig kinaroroonan ng isang lugar sa
daigdig.
na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy Relatibong Lokasyon na ang
batayan ay mga lugar at bagay
na nasa paligid nito. Halimbawa
ang mga anyong lupa at tubig,
at mga estrukturang gawa ng
Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang tao
natatangi sa isang pook
Katangian ng kinaroroonan
tulad ng klima, anyong lupa
na may dalawang
at tubig, at likas na yaman
pamamaraan sa pagtukoy

Katangian ng mga taong


naninirahan tulad ng
wika, relihiyon, densidad
Rehiyon: Bahagi ng daigdig na o dami ng tao, kultura, at
pinagbubuklod ng magkakatulad mga sistemang politikal
na katangiang pisikal o kultural

Kapaligiran bilang
pinagkukunan ng
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: pangangailangan ng tao;
ang kaugnayan ng tao sa pisikal gayon din ang pakikiayon
na katangiang taglay ng kaniyang ng tao sa mga pagbabagong
kinaroroonan nagaganap sa kaniyang
kapaligiran

Paggalaw: ang paglipat ng tao may tatlong uri ng


mula sa kinagisnang lugar pa distansiya ang isang lugar
tungo sa ibang lugar; kabilang din
dito ang paglipat ng mga bagay • Linear - Gaano kalayo ang
at likas na pangyayari, tulad ng isang lugar
hangin at ulan • Time - Gaano katagal ang
paglalakbay
• Psychological - Paano
tiningnan ang layo ng lugar

13
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 17/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 3: Tukoy - Tema - Aplikasyon


Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa
lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pag-
katapos, punan ng inyong pangkat ng kinakailangang impormasyon ang fower
chart sa ibaba.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacifc Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalili-
butan ng dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand

upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang
nagbigay daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad
ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20΄hilagang latitud at 103º 50΄silangang longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang
pansin ng inyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikong napiling
bansa katulad ng mga kongkretong halimbawang naayon sa limang tema ng
heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.

Lugar

Lokasyon Rehiyon
Napiling
Bansa

Interaksiyon ng
Paggalaw
tao at kapaligiran

14
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 18/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang
napili ayon sa limang tema nito.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral
ng katangiang pisikal ng bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa
heograpiya ng isang bansa?

Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod


na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit
na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa
solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na
organismo. Simulan mo na.

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg

Nasaan ang planetang Daigdig sa solar system? Ano ang iyong ma-
sasabi sa posisyon ng Daigdig sa solar system?

Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking


bituin, ang Araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat
ng buhay sa Daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula
sa Araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon,
ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng Araw. Mahalaga rin ang sinag

15
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 19/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

ng Araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Sa-


mantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat
ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa Daigdig ay masasabing dulot ng tiyak
na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis
at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat taon.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.

Ang Daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas


at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot
.
u
4
ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim
s
l
a
r
e l
mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karaga-
in m
m
d
t
h
.r tan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.
n
a
s io
r
k e
t
c
o
r. in
_
w s
th
w
w
r
a
Ang mantle ay isang patong ng mga batong na-
:/ /e
p
tt m
o
pakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
h c
bahagi nito.

Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi


ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng
iron at nickel.
Ang Daigdig ay may
plate o malalaking
masa ng solidong bato
na hindi nananatili sa Estruktura ng Daigdig
posisyon. Sa halip, ang
mga ito ay gumagalaw
na tila mga balsang
inaanod sa mantle.
http://en.wikipedia.org/wiki/
Plate_tectonics /
p
e
r
p
t
Ang Daigdig ay may apat na s
e
t/
g
fm
hating-globo (hemisphere): r
.o
e
c
l.
n m
Ang Northern Hemisphere o
z
y
e
h
c
d o
at Southern Hemisphere na u
t
.s
t
n
o
w c
hinahati ng equator, at ang m
o
w
w
c
///
Eastern Hemisphere at Western /b
5
:
p
tt
s

Hemisphere na hinahati ng h s

Prime Meridian.

Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan, umaabot


Paano nakaaapekto
lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman,
ang mga plate sa
ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas
at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbabago ng
pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang hitsura ng ibabaw
makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ng daigdig?
ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.

16
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 20/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Talahanayan 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig

Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1 024 kg

Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon

Populasyon (2009) 6 768 167 712

Kabuuang Lawak ng Ibabaw 510 066 000 kilometro kuwadrado


ng Daigdig (km2)

Lawak ng Kalupaan 148 258 000 km kwd (29.1%) (km2)

Lawak ng Karagatan 335 258 000 km kwd (km2)

Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361 419 00 km kwd (70.9%) (km2)

Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang

Circumference o Kabilugan sa Equator 40 066 km

Circumference o Kabilugan sa Poles 39 992 km

Diyametro sa Equator 12 753 km


Diyametro sa Poles 12 710 km

Radius sa Equator 6 376 km

Radius sa Poles 6 355 km

Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw


sa bilis na 66 700 milya bawat oras
(mph), 107 320 km bawat oras

Orbit sa Araw Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw


sa loob ng 365 araw, limang oras, 48
minuto at 46 segundo

17
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 21/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Longitude at Latitude

Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid


ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamag-
itan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy
ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan
sa mapa o globo.

Tinatawag na longtitude Ang Prime Meridian na Ang 180 degrees


ang distansiyang angular na nasa Greenwich sa England longitude mula sa Prime
nasa pagitan ng dalawang ay itinatalaga bilang zero Meridian, pakanluran
meridian patungo sa degree longitude. man o pasilangan, ang
kanluran ng Prime Meridian. International Date Line na
Ito rin ang mga bilog (great matatagpuan sa kalagitnaan
circles) na tumatahak mula ng Pacific Ocean.
sa North Pole patungong Longitude Nagbabago ang pagtatakda
South Pole. ng petsa alinsunod sa
pagtawid sa linyang ito,
pasilangan o pakanluran.

West
(+) East
(+)
h
m tttpp:
cla :///w
ass ww
ss// ww
GGl w
olos .le.a
sas lerna
rayr err
.hy. n.oe
thm rrg.
tlm o/jr
l ngo/r
jtnh
o/tr
mth
//
tm
/ Prime
meridian

http://images.yourdictionary.com/
international-date-line

18
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 22/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://www.avontrail.ca/
coordinates.html

http://2012books.lardbucket.org/books/regional-ge-
ography-of-the-world-globalization-people-and-plac-
es/s04-01-geography-basics.html

Tinatawag na latitude Ang equator ang humahati Ang Tropic of Cancer ang
ang distansiyang angular sa globo sa hilaga at timog pinakadulong bahagi ng
sa pagitan ng dalawang hemisphere o hemispero. Northern Hemisphere na
parallel patungo sa hilaga o Ito rin ay itinatakdang zero direktang sinisikatan ng
timog ng equator. degree latitude. araw. Makikita ito sa 23.5°
hilaga ng equator.

Ang Tropic of Capricorn ay


ang pinakadulong bahagi
ng Southern Hemisphere na
direkta ring sinisikatan ng
araw. Matatagpuan ito sa
23.5° timog ng equator.

19
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 23/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 4: KKK GeoCard Completion


Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. Kumpletuhin ang
KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang
pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa
loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita.
Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa papel.

Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto


sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa
kasalukuyan?

K
Mga Kataga:
1. Planetang Daigdig
2. mantle
3. plate
K
4. pagligid sa Araw
G
5. longtitude at latitude
E

K
R

20
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 24/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang


makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating pla-
neta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw,
init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon
ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig
ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa http://www.qldaccommodation.com/
tag/alaska
latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan,
at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na
sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming
habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at
napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga
lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

GAWAIN 5: Dito sa Amin


Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan
sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon
tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin
ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram.

Ako si ________________________.
Narito ako sa _________________________
______________________________________

Ang klima dito ay


Batay sa taglay na kli-
ma at likas na yaman ng
aming lugar, ang pamu-
muhay dito sa amin ay
_______________________ Ang mga likas
_______________________ yaman dito ay

_______________________

21
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 25/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang klima?

2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?


3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan
sa lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman
sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?

Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng


daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napa-
palibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift
Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente
na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo
ang kasalukuyang mga kontinente.

Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram


1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.

240 milyong taon – Mayroon lamang isang


super continent na tinawag na Pangaea
na pinaliligiran ng karagatang tinawag na
Panthalassa Ocean.

200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay


ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati
sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at
Gondwana sa Southern Hemisphere.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang


paggalaw ng mga kontinente. 65 milyong taon – Nagpatuloy ang
Tinatayang 2.5 sentimetro ang paghihiwalay ng mga kalupaan.
galaw ng North America at Mapapansin ang India na unti-unting
Europe bawat taon. dumidikit sa Asya.

22
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 26/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

May mga kontinenteng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pi-


tong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America,
at South America, at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama
sa Australia ay ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia,
Melanesia, at Polynesia.
Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kon-
tinente ng daigdig.

Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng


ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang
Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa
ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng


natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng
halos 2 km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang
nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammal ang karagatang
nakapalibot dito.

Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.


Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng North at South America, at
ang kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong
(1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig.
Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha
Zone sa Nepal at Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na


bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa
pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos
6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.

23
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 27/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring


kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalili-
butan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at
inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil

sa
ngmahigit
Australia50bilang
milyong taong
isang pagkakahiwalay
kontinente, may mga
bukod tanging species ng hayop at halaman na
sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito
ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil,
platypus, at iba pa.

Ang North America ay may hugis na malaking


tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dala-

wang mahabangito
sa kontinenteng kabundukan ang matatagpuan
– ang Applachian Mountains
sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsu-


lok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging equator hanggang sa Cape Horn
sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa
kabuuang baybayin ng South America.

Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente

Tinatayang Popu- Bilang ng


Kontinente Lawak (km²)
lasyon (2009) Bansa

Asya 44 614 000 4 088 647 780 44

Africa 30 218 000 990 189 529 53


Europe 10 505 000 728 227 141 47

North America 24 230 000 534 051 188 23

South America 12 814 000 392 366 329 12

Antarctica 14 245 000 -NA- 0

Australia at Oceania 8 503 000 34 685 745 14

24
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 28/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,


ipinaliliwanag sa ibaba ang mala- jigsaw puzzle na hugis ng South Amer-
ica at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa
rehiyong tinatawag na Pacic Ring of Fire.

Kung susuriin ang isang


mapa, mapapansing ang
mga baybayin ng silangang
bahagi ng South America at
kanlurang bahagi ng Africa
ay tila lapat at akma sa isa’t
isa na parang mga piraso
ng isang malaking jigsaw
puzzle. Ito ay sa kadahila-
nang dating magkaugnay
ang dalawang lupaing ito.
Habang tumatagal, patu-
loy pa rin ang proseso ng
paglawak ng karagatan sa phillipriley.comswiki.wikispaces.net

pagitan nito at ang paglayo


ng dalawang nasabing kon-
tinente. Ang paliwanag na Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at
ito ay batay sa Continental South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw
Drift Theory. nito ang kanlurang hangganan ng South America at North
America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,
pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New
Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil
matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito
bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng
crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga


ito ay nasa Pacic Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacic Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong 1815 (92 000
ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36 000 ang namatay); at Mt. Pelee noong
1902 (30 000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala
ng malalakas na lindol ay ang China noong 1556 (830 000 ang namatay) at 1976
(242 000 ang namatay); Japan noong 1923 (143 000 ang namatay); Sumatra
noong 2004 (227 898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222 570 ang namatay).

25
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 29/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 6: Three Words in One

Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy sa bawat


bilang? Isulat ang sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.
1. 2.
Appalachian
Nile River Sahara Desert Hudson Bay
Mountains

Rocky
Egypt
Mountains

3. 4.
Andes
Cape Horn K-2 Lhotse
Mountains

Argentina Tibet

5. 6.
Tasmanian Iberian Balkan
Kangaroo
Devil Peninsula Peninsula

Micronesia Italy

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?
2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga
kontinente ng Daigdig?

26
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 30/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig


Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.
Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang

kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak
ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na
populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig
ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29 028 talampakan o 8 848 metro).
Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19 340 talampakan o 5 895 metro) at
sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18 510 talampakan o 5 642 metro). Tingnan
ang Talahanayan 1.3.

Talahanayan 1.3: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig

Bundok Taas (sa metro) Lokasyon

Everest 8 848 Nepal/Tibet

K-2 8 611 Pakistan

Kangchenjunga 8 586 Nepal/India

Lhotse 8 511 Nepal

Makalu 8 463 Nepal/Tibet

Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet

Dhaulagiri 8 167 Nepal

Manaslu 8 163 Nepal

Nanga Parbat 8 125 Pakistan

Annapurna 8 091 Nepal

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:


Pacic, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60°s latitude. Tingnan
ang Talahanayan 1.4 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.

27
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 31/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Talahanayan 1.4: Mga Karagatan sa Daigdig

Lawak (sa Average na


Pinakamalalim na Bahagi
Karagatan kilometro lalim (sa
(sa talampakan)
kuwadrado) talampakan)

Pacific Ocean 155 557 000 12 926 Mariana Trench, 35 840 talam-
pakang lalim

Atlantic Ocean 76 762 000 11 730 Puerto Rico Trench, 28 232 ta-
lampakang lalim

Indian Ocean 68 556 000 12 596 Java Trench, 23 376 talampa-


kang lalim

Southern Ocean 20 327 000 13 100 (4 000 - 5 000 metro) 16 400


talampakang lalim, ang
katimugang dulo ng South
Sandwich Trench, 23 736 talam-
pakang lalim (7 235 metro)

Arctic Ocean 14 056 000 3 407 Eurasia Basin, 17 881 talampa-


kang lalim

Matatagpuan
pangunahin sa mga
sa talaan angkaragatan ang
Challenger ilangsapinakamalalim
Deep nana
Mariana Trench bahagi
nasang daigdig,
kanlurang
bahagi ng Pacifc Ocean. Iba pang malalim na trench ay ang Puerto Rico Trench
sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China
Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo
etal, Edisyon 2012 (pp. 12-20)

Mababasa rin sa AP III Project Effective Alternative Secondary


Education (EASE), Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang
higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng
daigdig.

28
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 32/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 7: Illustrated World Map


Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa
loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: (Talain o ixerox ang mapa.)

bundok disyerto
dagat, look,
golpo
bulubundukin ilog

Source: phillipriley.comswiki.wikispaces.net

Anyong Lupa Anyong Tubig


Greenland Nile River
Madagascar Amazon River
Borneo Yangtze River
Mt. Everest South China Sea
Mt. Kilimanjaro Mediterranean Sea
Sahara Desert Caribbean Sea
Himalayas Mountain Range Bering Sea
Andes Mountain Range Arabian Sea
Appalachian Mountain Range Bay of Bengal
Tibetan Plateau Hudson Bay
Scandanavian Peninsula Gulf of Mexico
Arabian Peninsula Persian Gulf

29
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 33/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig na makikita
sa mapa?
2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na
kanilang pinaninirahan?
3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng
kabuhayan ng tao?

GAWAIN 8: The Map Dictates…


Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya
ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang
sagot sa papel.

Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig.

Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan, at isang tangway.

Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig.

Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL.

Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may


simbolong YL.

Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.

KL
KL

YL
YL
YL
YL YL
YL
H
KL
KL

YL
YL

KL

30
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 34/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta?

2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo


at tao? Bakit mo ito nasabi?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligi-
ran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan?

Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod


ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpi-
yang pantao. Simulan mo na.

Heograpiyang Pantao

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,


relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagka-
kakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay
na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6 200 000 000 katao. Nakapaloob
ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaug-
nay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong
daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang
ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.5 ang
ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.
Talahanayan 1.5 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig

Pamilya ng Buhay na Bahagdan ng mga Bansang Gumagamit ng Wika


Wika Wika Nagsasalita
Afro-Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad,
Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia,
Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya,
Mali, Malta, Mauritania, Morocco,
Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi
Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan,
Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab
Emirates, Uzbekistan, at Yemen

31
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 35/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Austronesian 1 221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook


Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia,
Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar,
Malaysia, Marshall Islands, Mayotte,
Micronesia, Myanmar, Nauru, New
Caledonia, New Zealand, Niue, Northern
Mariana Islands, Palau, Papua New
Guinea, Philippines, Samoa, Solomon
Islands, Suriname, Taiwan, Thailand,
Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States,
Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna
Indo-European 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,
Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium,
Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Canada, China, Croatia, Czech Republic,
Denmark, Fiji, Finland, France, Germany,
Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland,
Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,
Luxembourg, Macedonia, Maldives,
Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway,
Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal,
Romania, Russian Federation, Serbia,
Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri
Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland,
Tajikistan, Turkey, Ukraine, United
Kingdom, United States, Vatican State, at
Venezuela
Niger-Congo 1 524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,
Burundi, Cameroon, Central African
Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte
d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of
the Congo, Equatorial Guinea, Gabon,
Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau,
Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,
Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger,
Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,
Somalia, South Africa, South Sudan,
Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo,
Uganda, Zambia, at Zimbabwe
Sino-Tibetan 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India,
Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal,
Pakistan, Thailand, at Viet Nam

Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family

32
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 36/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Relihiyon

Mabibigyang kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at


rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapang-
yarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang
“buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa
mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan
ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala
na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga
relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa
kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon
sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking
salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming
buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa
kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang
bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

Pinagkunan: The World Factbook 2012

33
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 37/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Lahi/Pangkat-Etniko

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race
o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin
ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang bu-
muo ng iba-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang
nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito
ng maraming diskriminasyon.
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na eth-
nos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon
kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito
sa pisikal na heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng
indibiduwal o isang pangkat ng tao?
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng
mga tao sa daigdig?

34
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 38/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 9: Crossword Puzzle

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy


sa inilalarawan ng bawat bilang. Gawain ito sa kuwaderno.

1 2

3 4

5 6

7 8

10

Pahalang Pababa
1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinaka-
3. Sistema ng mga paniniwala maraming tagasunod
at ritwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang bayolohi- pinakamaraming taong
kal ng pangkat ng tao gumagamit
9. Pamilya ng wikang Filipino 5. Salitang-ugat ng relihiyon
10. Matandang relihiyong 6. Salitang Greek ng mama-
umunlad sa India mayan
8. Pangkat ng taong
may iisang kultura at
pinagmulan

35
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 39/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na


katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim
na pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang
pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at
pamumuhay ng tao.

GAWAIN 10: My Travel Reenactment


Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang:

1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang


paglalakbay sa isang lugar.
2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay.
3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento.
4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang
tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.
5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito.
6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan.

7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Pagsasalaysay Angkop ang pagsasalaysay sa paksang tinalakay; 10


nakapaloob ang tatlo o higit pang kaalaman ng aralin;
madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento;
malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang
isinasagawa ang pagsasadula

Pagsasadula Magaling ang pagsasadula ng kuwento; mahusay na 10


naipakita ng mga tauhan ang kanilang pag-
arte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap

Pagkama- Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa 5


likhain pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang
ginawang pagsasadula

Kabuuan 25

36
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 40/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?
2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang
dula?
3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya
at pamumuhay ng tao?
4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na
katangian ng daigdig?
5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes?
Bakit naging interesante ito para sa iyo?

GAWAIN 11: Modelo ng Kultura


Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang
inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo
at bagay na tumutukoy sa lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng iyong
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong ka-

suotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng ka-
suotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay
sa ibinigay na rubric.

37
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 41/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na
makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang
pinili ng iyong kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napil-
ing bansa batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?

Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman ng Wasto ang impormasyong nakasulat at mga 10


Kasuotan bagay o simbolong nakaguhit sa damit; na-
kapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng
aralin

Disenyo ng Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay 10


Kasuotan at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;
malinaw ang mensahe batay sa disenyo

Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa 5


klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o ban-
sang kinakatawan ng modelo

Kabuuan 25

Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng


bagong Grafti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graftti Wall at
paghambingin ang dalawang sagot. Gawin sa kuwaderno.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan


ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng
kapaligiran nito?

38
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 42/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

ARALIN 2

ANG MGA SINAUNANG TAO

ALAMIN
Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na
baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong
ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralan.

GAWAIN 1: Kung Ikaw Kaya?

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.


Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan
ng iyong pagpili.

apoy bato

kahoy banga

buto ng hayop

? Pamprosesong mga Tanong

1. Alin ang iyong mga pinili?


2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang
bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-F Chart upang matukoy ang iyong
nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao.

39
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 43/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 2: Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart


Isulat sa unang kolum ng tsart ang sariling sagot sa tanong.

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?


Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

PAUNLARIN
Pagkatapos masabi ang alam mo ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang
magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang
iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang
tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizers, at mga gawaing
higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno


ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang Homo species (homo
na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at
nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng Homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga
ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng
Ebolusyon ng tao mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo sapiens.

Australopithecine –
Ape – sinasabing tinatayang ninuno ng Homo habilis, Homo
Chimpanzee – pina- makabagong tao; Ape erectus, at Homo sapi-
pinagmulan ng
palagay na pinaka- na may kakayahang ens – mga pangkat ng
tao
malapit na kaanak tumayo nang tuwid homo species
ng tao, ayon sa mga
siyentista
Lucy – pinakatanyag na
Australopithecus afarensis
http://www.thejunglestore.com/ape
na natuklasan ang mga
http://news.nationalgeographic.com/news/2012/10/121026-australopithe-
labi noong 1974
cus-afarensis-human-evolution-lucy-scapula-science/
http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus

40
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 44/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis
noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong
Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

• Tinatawag ding “Panahon Lower Paleolithic Period


ng Lumang Bato” (Old
• Nagwakas dakong 120000 taon
Stone Age)
na ang nakararaan
• Nagmula ang Paleolitiko sa mga • Pinakamaagang pananatili ng
katagang paleos o matanda at tao sa daigdig
lithos o bato
• Hindi pa lumilikha ng mga
• Pinakamahabang yugto sa kasangkapan
kasaysayan ng sangkatau- • Ang Homo habilis ay
han nangangahulugang able man o
handy man dahil sila ang unang
• Maiuugat sa pagsisimula ng species ng hominid na marunong
paggamit ng kasangkapang gumawa ng kagamitang bato
bato ng mga Hominid
• Sinundan ng mga Homo erectus
• Unang gumamit ng apoy at nang higit na may kakayahan sa
nangaso ang mga sinaunang paggawa ng kagamitang bato
tao

Panahong Paleolitiko
dakong 2 500 000 – 10 000 BCE

Upper Paleolithic Period Middle Paleolithic Period


• Dakong 40000 – 8500 taon ang • Dakong 120000 – 40000 taon
nakararaan ang nakararaan

• Nagkaroon na ng mga unang • Paglitaw ng makabagong tao


pamayanan sa anyong mga noong 100000 taon ang nakalil-
campsite na kadalasang ipas
matatagpuan sa mga lambak
• Umusbong ang pagiging artis-
• Ang mga yaong Neanderthal ay tiko ng mga tao sa pagpipinta
nawala sa panahong ito at na- sa katawan at pagguhit sa bato
palitan ng mga Taong Cro-Mag-
non • Nabuhay ang taong Neander-
thal na natuklasan sa Germany
• Lumitaw ang mga ang mga labi
komplikadong pagpapangkat
sa lipunan.

41
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 45/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mga Tanyag na Prehistorikong Tao

Ang Homo sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo
sapiens neanderthalensis (circa 200000 - 30000 CE). Higit na malaki ang utak
ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahu-
lugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan.
May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang
ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.

Homo sapiens
neanderthalensis Cro-Magnon

ttp://en.wikipedia.org/wiki/File:Homo_ http://en.wikipedia.org/wiki/
sapiens_neanderthalensis.jpg File:Cro-Magnon.jpg

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong


tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12000 taon nang
matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad
ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito
ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

42
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 46/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

• Ang huling bahagi ng Pana- • Kilala ang panahong ito sa


hong Bato ay tinatawag na paggamit ng makikinis na
Panahong Neolitiko (Neo- kasangkapang bato, perma-
lithic Period) o Panahon ng nenteng paninirahan sa pa-
Bagong Bato (New Stone mayanan, pagtatanim, pagga-
Age) na wa ng palayok at paghahabi.
• Hango sa mga salitang Greek na • Naganap sa panahong ito ang
neos o bago at lithos o bato. Rebolusyong Neolitiko o siste-
matikong pagtatanim.
• Ang terminong neolitiko ay
ginagamit sa arkeolohiya • Isa itong rebolusyong
at antropolohiya upang agrikultural sapagkat natustusan
italaga ang isang antas ng na ang pangangailangan sa
ebolusyong pangkalinangan pagkain.
o pagbabago sa
pamumuhay at teknolohiya. • Ito rin ang nagbigay-daan sa
permanenteng paninirahan sa
isang lugar upang alagaan ang
mga pananim.

Panahong Neolitiko
dakong 10 000 – 4 000 BCE

• May populasyong mula 3000 – • Catal Huyuk – Isang


6000 katao pamayanang Neolitikong
• Magkakadikit ang mga ding- matatagpuan sa kapatagan
ng Konya ng gitnang Anatolia
ding ng kabahayan at ang
(Turkey ngayon)
tabing pasukan ng isang
bahay ay mula sa bubungan • Isang pamayanang sakahan
pababa sa hagdan
• Inililibing ang mga yumao sa
loob ng kanilang bahay
• May paghahabi, paggawa ng
mga alahas, salamin, at kutsilyo

Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal. Edisyon 2012 pp.12-20

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang


tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang
yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 BCE. Inilalarawan sa susunod
na diyagram – ang Panahon ng Metal.

43
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 47/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Panahon ng Tanso Panahon ng Bronse


• Naging mabilis ang pag-un- • Naging malawakan na noon
lad ng tao dahil sa tanso ang paggamit ng bronse nang
subalit patuloy pa rin ang matuklasan ang panibagong
paggamit sa kagamitang paraan ng pagpapatigas dito.
yari sa bato.
• Pinaghalo ang tanso at lata
• Nagsimulang gamitin ang (tin) upang makagawa ng higit
tanso noong 4000 BC sa na matigas na bagay,
ilang lugar sa Asya, at 2000
BCE sa Europe at 1500 BCE • Iba’t ibang kagamitan at armas
naman sa Egypt. ang nagagawa mula sa tanso
tulad ng espada, palakol,
• Nalinang na mabuti ang kutsilyo, punyal, martilyo, pana,

paggawa at pagpapanday
ng mga kagamitang yari sa at sibat,
tanso. • Sa panahong ito natutong
makipagkalakalan ang mga tao
sa mga karatig-pook.

Panahong Metal
4 000 BCE – Kasalukuyan

Persian Silver Cup Panahon ng Bakal


• Natuklasan ang bakal ng mga
Hittite, isang pangkat ng Indo-
Europeo na nanirahan sa Kanlu-
rang Asya dakong 1500 BCE.

• Natutuhan nilang magtunaw at


magpanday ng bakal.

• Matagal nilang pinanatiling


lihim ang pagtutunaw at pag-
papanday ng bakal.

http://en.wikipedia.org/wiki/ • Nang lumaon, lumaganap


File:Elam_cool.jpg ang paggamit ng bakal sa iba
pang kaharian.

Teksto mula sa Araling Panlipunan III Project EASE Modyul 2

44
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 48/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 3: I-Tweet Mo!

Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga


kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.”
Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa
sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko, at sa pangkat 3
at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. Ibibigay
ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng
mga tweet o maiikling pahayag.
Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga
pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng
komento ng diyagram.

@Paraan ng Pamumuhay
___Tweet:_______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Komento

@Paraan ng Pamumuhay
___Tweet:_______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Komento

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng
tao?
2. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay
sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?
3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang
tao?

45
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 49/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 4: Tower of Hanoi Chart


Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng
pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower
ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Gawin ito sa kuwaderno.

Malaki ang epekto ng Malaki ang naging Higit na umunlad ang


heograpiya sa pag-usbong epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao dahil
ng unang pamayanan. pamumuhay ng tao. sa paggamit ng metal.

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

? Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon?


2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang
tao? Patunayan.
3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito
ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.
4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang
nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura
ng mga sinaunang tao sa daigdig?

46
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 50/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 5: Ano Ngayon Chart


Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng
pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong
ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat din iugnay ang mga pangyayari ng
nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na
kabuluhan ng kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa
iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon Chart.

Mga pangyayari sa Kahalagahan sa Kasalukuyan


iba-ibang yugto ng
pag-unlad

Paggamit
ng apoy

Pagsasaka

Pag-iimbak ng labis
na pagkain

Paggamit ng mga
pinatulis na bato

Paggamit ng
mga kasangkapang
metal

47
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 51/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Pagtatayo ng
mga permanenteng
tirahan

Pag-aalaga
ng mga hayop

Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon Chart

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga 10


pangyayari noong sinaunang panahon sa kasalu-
kuyan

Ebidensiya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng 10


mga kongkretong halimbawa

Kabuuan 20

? Pamprosesong mga Tanong


1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang
panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamu-
muhay ng tao?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang
may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?

Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling


sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart. Isulat ito sa ikalawang kolum,
sa Refned Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula
sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nag-
payabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto
sa Initial Idea.

48
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 52/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

PAGNILAYAN at UNAWAIN

Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman


sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa
iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman
sa pangkatang gawain sa bahaging ito.

GAWAIN 6: Archaeologist at Work


Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang
pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar.

Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis
Worksheet 1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at
sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet 2.

Task Card

Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasa-
lukuyang naghuhukay sa Catal Hüyük. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na
natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang Iyong Misyon
Gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Hüyük. Tingnan
ang pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon
Ang Catal Hüyük sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pa-
mayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24
football fields. Malapit ang Catal Hüyük sa pampang ng Ilog Carsamba.

Artifact Analysis Worksheet 1 Artifact Analysis Worksheet 2


1. Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian 1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hüyük
nito? batay sa iyong ginawang imbestigasyon?
_____________________________________ _____________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito _____________________________________
noong sinaunang panahon?
2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng
_____________________________________ mga taga-Catal Hüyük sa kasalukuyang
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa pamumuhay gamit ang sumusunod na
kasalukuyang panahon? aspekto:
_____________________________________ a. pang-araw-araw na gawain
4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito b. paraan ng paglilibing
tungkol sa Catal Hüyük? c. sining
_____________________________________ d. pinagkukunan ng pagkain

49
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 53/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga
taong nabuhay sa Catal Hüyük?
2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hüyük ay lumitaw noong pana-
hong Neolitiko?
3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay
sa Catal Hüyük at sa kasalukuyang pamumuhay?

Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Artifact Analy- Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat arti- 10


sis Worksheet 1 fact; mahusay na natukoy ang gamit at kahala-
gahan ng mga na ito

Artifact Analy- Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng 10


sis Worksheet 2 Catal Hüyük gamit ang mga sinuring artifact;
mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa
Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit
ang iba’t ibang aspekto

Pag-uulat Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilala- 5


had na kasagutan; mahusay na nalagom ang
mga impormasyong inilahad

Kabuuan 25

50
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 54/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mural Painting Isang Pigurin


Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.
Louis Community College http://users. Louis Community College http://users.
stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Ceremonial Flint Dagger Obsidian Arrow Head


Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Lou-
Louis Community College http://users.stlcc. is Community College http://users.stlcc.edu/
edu/mfuller/catalhuyuk.html. mfuller/catalhuyuk.html.

Mga Palamuti mula sa mga Bato at Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa


Buto ng Hayop Catal Hüyük
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.
Imahe mula sa Science Museum of Minne-
Louis Community College http://users.stlcc.
sota, www.smm.org/catal
edu/mfuller/catalhuyuk.html.

51
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 55/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at Work, muling


sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay ang sagot
sa huling kolum na Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang lahat
ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart.

52
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 56/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

ARALIN 3

MGA SINAUNANG KABIHASNAN


SA DAIGDIG

ALAMIN

Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, na


mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang
nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng
mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat
ng tao sa kasalukuyang panahon.
Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

GAWAIN 1: Picture Frame

Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa.
Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng larawan mula sa salitang
inilaan ng guro sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang tumutukoy
sa mga naguhit na larawan.

53
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 57/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?

2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong
pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan?”

GAWAIN 2: WQF Diagram


Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng
WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito:
1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuug-
nay sa paksa.

2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot


tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa bilog “F” (facts). Babalikan ito pagkatapos ng
Pagnilayan at Unawain.

Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

W Q F

Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF Diagram,


malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng pag-
aaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin.

54
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 58/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

PAUNLARIN

Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang


impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng
mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.

Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito simulan


mo na.

Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan

a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay


na kahulugan ng mga kamag-aral.

b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan
sa kabihasnan.
c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan
ng salitang kabihasnan?
d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.

hp://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/ghng-for-the-crown/ hp://www.shfarming.com/lapia.html
hp://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=2818140

hp://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancient- hp://listdose.com/top-10-invenons-that-changed-human-lives-forever/
egypt-hieroglyphics-on-wall.html

55
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 59/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pang-
kabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular
sa Asya, Africa, at America?

Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga


batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa pag-
talakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang talakayin
ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan
noong sinaunang panahon.

56
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 60/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan

Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan

ang mapa ngsabituin
kabihasnan ( ) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang
daigdig.

Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)

Huang Ho (China) Mesoamerica

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan


ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagi-

tan” at potamos o “ilog.” Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulu-


gang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang lunduyan ng unang
kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa
buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng
tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at
Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang
panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang
lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

57
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 61/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga


ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lung-
sod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaing
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalu-
kuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Tur-
key. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile
Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula
sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Med-
iterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik
(silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon

na nakabubuti sa pagtatanim.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya
mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan
din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at
tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay
ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng
lipunan sa mga sumunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong
panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapang-
yarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang
lungsod sa daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,
binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan,
Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung iha-
hambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na
sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya mai-
tuturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan
ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang
pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay
of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang
ginagamit sa rehiyong ito.

58
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 62/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,


nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang
mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India.
Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno
subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang
mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa


lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi
ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na
ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay
halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung iha-
hambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sa-
kop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran
ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing
Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay
Mapa ng Indus Valley
nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang
http://www.mapsofndia.com/history/indus-
milenyo BCE. Sa kasalukuyan tinatayang mahigit valley-civilization.html
1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito
partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok
ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900
km.(1800 milya) at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga
sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo
at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa
at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng
3000 BCE Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at
maayos na mga kalsada. Ang sumunod na limang siglo, ay nagkaroon din ito
ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

59
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 63/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit
kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng si-
naunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya


Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na
pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daig-
dig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na
milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng
mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.
Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng es-

tado, partikular
nagpatatag ang Confucianism
sa kabihasnang Tsino. at
SaTaoism, ay lalo
aspektong pang
politikal,
halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagka-
kawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa
kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong
Mapa ng Kabihasnan sa China
panahon.
http://history.howstuffworks.com/asian-histo-
ry-of-china.htm

Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa


tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula
sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Ito ay du-
madaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang
makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang
malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China
Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyonal ng
China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit
dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan
ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa
ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga
magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao
sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan
ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom.

60
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 64/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa


Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na
nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay
mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pag-
sapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt
bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang
paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol
sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng
mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na
ang paninirahang bago pa sumapit 8000 BCE Sinasabing maaaring ang mga
kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula
sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,


mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung
saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt
ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan
Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River
na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay ma-
giging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito
ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lu-
gar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng
pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang
pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang
noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos Mapa ng Egypt
ang suplay ng tubig. http://egypt-trade.wikidot.com/

61
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 65/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan


upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay
nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain
na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim
sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa
bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar
na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig
mula rito para sa mga lupang sakahan.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang
Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal
upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga
proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na
teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan
magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay
na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkaka-
roon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay
ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil
dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa
loob ng mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica


Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o
hunter ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na
ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North
America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa
mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E.,
umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga
Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna.”


Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central
America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf
of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan

62
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 66/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mapa ng Mesoamerica
http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations/
mesoamerica.html

ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay


mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicara-
gua sa Pacifc at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng
Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador,
at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng
pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi
ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang
paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikul-
tura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking
populasyon ang rehiyong ito.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig
ni Mateo etal., (2012), pp. 75-82

Mababasa rin sa EASE Araling Panlipunan III Modyul 3 – Ang Unang


Kabihasnan pp. 7-15, p.22, p.54 upang higit na mapagyaman ang kaalaman
tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

63
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 67/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 3: Triple Matching Type


Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.

A B C

Sa pagitan ng mga Lupain ng


ilog Yucatan Peninsula
Timog ng
Egypt Nasa gitna ng konti-
Mediterranean
nente
Tsino Nasa kanluran
Biyaya ng Nile
ng Yellow Sea
Indus Nasa tangway ng Dumadaloy ang
Timog Asya Indus River
Mesoamerica
May matabang lupain Nasa Kanlurang
Mesopotamia sa Huang Ho Asya

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang
may pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?
3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking
impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipali-
wanag ang sagot.

GAWAIN 4: Geography Checklist


Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba.
1. Makilahok sa iyong pangkat.
2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin:
(1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3)
Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica.

64
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 68/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat.


Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila paper) sa tulong
ng sumusunod na panuto:

Isulat ang kabihasnang


nakatalaga sa pangkat

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Magtala ng 5 hanggang
ng kabihasnang 10 katangiang
nakatalaga sa pangkat.heograpikal

4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang


pangkat.
5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat.
6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto:

Isulat ang pangalawang Isulat ang pangatlong


kabihasnang ihahambing kabihasnang ihahambing

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Lagyan ng tsek (3) ang kahon kung taglay ng mga


kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpi-
kal ng kabihasnan ng iyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing


ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal.
Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.

65
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 69/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan
ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal
ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng
mga sinaunang tao?
4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang
kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.

Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang


kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos
tungkol sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at
kontinente ng America.

66
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 70/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga ta-
ong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang
kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang
Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng
Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Sumer (3500 - 2340 BCE) • Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga
lupaing sakahan ng lambak ilog.
• Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish,
Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.

• Tinawag at
tahanan natemplo
Ziggurat
ngang
mgastrukturang nagsilbing
patron o diyos na
makikita sa bawat lungsod.
• Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling
tao.
• Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na
Ziggurat ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida
• Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at
http://www.bible-archaeology.
baboy.
info/ziggurats.htm
• Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado
tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang
matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.

Akkad (2340 - 2100 BCE) • Sinakop ni Sargon I (2334 - 2279 BCE) ang mga lung-
sod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo
sa daigdig.
• Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopota-
mia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.
• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
Naram Sin (2254 - 2218 BCE)
• Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ng lung-
sod-estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pina-
munuan ang Sumer at Akkad.
• Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga
Sargon I Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng su-
http://en.wikipedia.org/wiki/Sar- munod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa
gon_of_Akkad katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtung-
galian upang makontrol ang rehiyon.

67
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 71/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Babylonian (1792 - 1595 • Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Baby-


BCE) lon, ang Mesopotamia.
• ang Babylon ay naging kabisera ng Imperyong Baby-
lonia.
• Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Ham-
murabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang
kahariang Ashur.
• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak
ang kaharian ng Babylon.
• Noong 1595 BCE sinalakay ng mga Hittite Anatolia
ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga
lungsod-estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
Code of Hammurabi dayuhang pinuno.
• Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-
http://commons.wikimedia.org/
silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa
wiki/File:Code-de-Hammurabi-1.jpg
Asia Minor (kasalukuyang Turkey).

Assyrian (1813 - 605 BCE) • Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114
- 1076 BCE) ang mga Hittite at naabot ng puwersa
ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang
imperyong Assyrian.
• Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng
mga ekspedisyong militar pakanluran upang
mapasakamay ang mahahalagang rutang
pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
• Isa si Ashurbanipal (circa 668 - 627 BCE) sa mga haring
kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang
panahon.
• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang
Ashurbanipal pag-aalsa.
http://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Kinadshburn.JPG

Chaldean (612 - 539 BCE) • Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) ang nagtatag ng


bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan
ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562
B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo
ng Assyria noong 609 B.C.E.
• Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang
natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang
nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa
kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa
sa Seven Wonders of the Ancient World.
Hanging Gardens
• Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni
http://en.wikipedia.org/wiki/ Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging
File:Hanging_Gardens_of_ bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian
Babylon.jpg ang Mesopotamia.

Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang


pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.

68
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 72/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Persian (539 - 330 BCE) • Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga
Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa
Persia (kasalukuyang Iran) and sentro ng imperyong
ito.

• Sa ilalim ni Cyrus the Great (559 - 530 BCE)


nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim
nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at
Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
• Darius the Great (521 - 486 BCE) – umabot ang sakop
hanggang India.
• Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Per-
sian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga
lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador
o satrap.
• Nagpagawa rin dito ng isang Royal Road na
tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na
kilometro mula Sardis hanggang Susa.
Cyrus the Great • Napatanyag din ng mga Persian ang pagsulong ng
http://en.wikipedia.org/wiki/Cyrus_ relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
the_Great

GAWAIN 5: Complete It!


A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang
letra sa patlang. Gawain ito sa kuwaderno.

1. ___ ___ M ___ ___ – Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia

2. ___ K ___ ___ ___ – Unang imperyong itinatag sa daigdig

3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ – Kabisera ng Imperyong Babylonia

4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ – Imperyong itinatag ni Nabopolassar

5. ___ ___ T ___ ___ ___ – Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia

6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ – Imperyong itinatag pagkatapos ng


Babylonia

B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang ma-


kumpleto ang pangungusap.
1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil ____________
_________________________________________________.

2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __


_________________________________________________.

69
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 73/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _____________________


_________________________________________________.

4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang ___


_________________________________________________.

5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Im-


peryong Persian ang ___________________________________
_________________________________________________.

? Pamprosesong mga Tanong

1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?


2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa Imperyo?
3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?
4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong
at pagbagsak ng mga kabihasnan?”

70
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 74/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa
mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang ban-
sang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng
kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod
na diyagram.

• Natuklasan ang dala-


wang lungsod na ito sa
lambak Indus at tina-
tayang umusbong ito
noong 2700 BCE
• Sinasabing ang mga
Dravidian ang bumuo
ng kabihasnang Indus.
• Planado at malalapad
ang mga kalsada nito.
http://www.thenagain.info/web- http://en.wikipedia.org/wiki/Mo-
• Ang mga gusali ay
chron/india/harappa.html henjo-daro
hugis parisukat at ang
mga kabahayan ay may
Harappa malalawak na espasyo.
Mohenjo-Daro

Natagpuan sa • Ang pagkakaroon Ang Mohenjo-Daro ay


ng mga palikuran ng
kasalukuyang Punjab na mga kabahayan ay
nasa katimugang bahagi
bahagi ng Pakistan. May itinuturing na kauna- ng daluyang Indus River.
350 milya ang layo nito unahang paggamit
mula sa Mohenjo-Daro sa kasaysayan ng
sistemang alkantarilya o
pahilaga. sewerage system.

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay


matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang
mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang
suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang
Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng
bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto,
tulad ng bulak, mga butil, at tela.

Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-


aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila
rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula
rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat
ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at
ginto sa kanilang mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga

71
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 75/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong


palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati
ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao.

Sea.Nagtatag
Ang mgangmangangalakal
mga daungan saaybaybayin ng Arabian
naglakbay sa mga
baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang
kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak,
mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa
Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na
representasyon ng isang bagay sa anyong larawan.
Sewer System
Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang
http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/
IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChan- kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang
nelPic_large.jpg kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon
pa mang 2300 BCE. Kapuna-punang wala ni isa
mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema
ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000
BCE subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan
at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.
May iba’t ibang paliwanag tungkol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May
nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at
pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.
May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta
sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE
Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohen-
jo-Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob
ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang
Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na
ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at

Aryan na nagdulot ng wakas sa kabihasnang Indus.


Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula
sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at
nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pag-
daan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at
mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong
nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga
Steatite Seal
Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang
http://phys.org/news168539680.html
Indus.

72
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 76/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Panahong Vedic (1500 - 500 BCE)

Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Per-


sia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong
Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay
nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad
ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.
Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.
Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman
tungkol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-
kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas:
ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong
himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay.
Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 BCE
hanggang 500 BCE na tinatawag ding panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki
at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit
unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran. Hindi na
pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin
sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 BCE, tuluyang nasakop ng mga
Aryan ang hilagang bahagi ng India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: –
maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.
Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat
sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan
at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw
din ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang
pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
kanilang pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang
lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mama-
na. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo
ng mga pari.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang
katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa In-
dia noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
nangangahulugang “lahi” o “angkan.”

73
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 77/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat


ng mga tao.

Brahmin
kaparian

Ksatriya
mandirigma

Vaisya
mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa

Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo
ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan

Pariah
naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay,
nagbibitay sa mga kriminal

GAWAIN 6: Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya

A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan


sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog
Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa
kanilang pamumuhay.

74
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 78/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at


Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa
kasalukuyan.

Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan Ngayon

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus?
Ilarawan ang mga ito.
2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
3. Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga
tao sa India batay sa sistemang caste? Ipaliwanag ang sagot.

75
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 79/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE - 500 CE)

Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimulang


tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16 na
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang
India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito
ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.
Pagsapit ng 500 BCE, ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan
at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa
maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng
monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang
mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo
ng mga bagong lungsod at lansangan.
Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa
bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain,
mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga
sa panahon ng digmaan at pagsasaka.
Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 BCE) Nag-
pagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan,
at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang
pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon,
nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges
at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na
kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay
makabagong Patna sa Bihar.
Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong pina-
munuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang
India. Noong 518 BCE nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lam-
bak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa
loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng
kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring
makapag-aral.
Tinapos ni Alexander the Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia.
Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas
patungong India noong 327 BCE. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian
ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian,
nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang
nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang
mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India.

76
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 80/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng


sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE, ang bahagi ng hilagang-kanlurang
India ay naiwang walang mahusay na pinuno.
Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan
ang kasunod na diyagram.

Imperyong Maurya

Pagkatatag
• Noong 322 BCE, nasakop
ni Chandragupta Maurya
ang dating kaharian ng

Magadha at tinungo
ang mga naiwang lupain
ni Alexander. Sakop ng
imperyo ang hilagang India
at bahagi ng kasalukuyang Mahalagang Pangyayari
Afghanistan. • Ang kabisera ay nanatili sa
Pataliputra.
• Tagapayo ni Chandragupta
Maurya si Kautilya, ang may
akda ng Arthasastra. Naglala-
man ito ng mga kaisipan hinggil
sa pangangasiwa at estratehi-
yang politikal.

• Ang imperyo ay pinamunuan ni


Ashoka o Asoka (269-232 BCE)
ang kinikilalang pinakamahusay
na pinuno ng Maurya at isa sa
mahuhusay na pinuno sa kasay-
sayan ng daigdig. Matapos ang
Lions of Sarnath
kaniyang madugong pakikibaka
http://en.wikipedia.org/wiki/Em- sa mga kalinga ng Orissa noong
blem_of_india 261 BCE na tinatayang 100,000
katao ang nasawi, tinalikdan
niya ang karahasan at sinunod
Pagbagsak ang mga turo ni Buddha.
• Nagsimulang humiwalay sa
imperyo ang ilang mga es-
tadong malayo sa kabisera.
Sa pagbagsak ng Imperyong
Maurya noong ikalawang
siglo BCE nagtagisan ng
kapangyarihan ang mga
estado ng India. Sa sumunod
na limang siglo, ang hilaga
at gitnang India ay nahati
sa maliliit na kaharian at
estado.

77
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 81/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Imperyong Gupta

Pagkatatag
• Ang pangalan nito ay
hango mula sa pangalan ng
naunang imperyo. Itinatag
ito ni Chandragupta I (Circa
319-335 CE)

Mahalagang Pangyayari
• Chandragupta II (Circa 376 - 415 CE).
Nakontrol uli ang hilagang India.
Muli, ang kabisera ng imperyo ay
nasa Pataliputra.
• Itinuturing itong panahong klasikal
ng India.
• Naging epektibo ang pangangasiwa
samantalang ang panitikan, sining,
at agham ay yumabong.
• Maunlad ang mga larangan ng
Astronomiya, Matematika, at
Siruhiya (surgery) sa panahong ito.
• Si Kalidasa, ang kinikilalang
pinakamahusay na manunulat at
Si Reyna Kumaradevi makata ng India, ay nabuhay sa
at Chandragupta I panahong ito bagama’t hindi alam
ang eksaktong petsa. Ang dulang
http://commons.wikimedia.org/ Sakuntala na tinatayang isinulat niya
wiki/File:Queen_Kumaradevi_ noong ikaapat o ikalimang siglo CE
and_King_Chandragupta_I_on_a_ ay hango mula sa kaisipang Hindu.
coin_of_their_son_Samudragup-
ta_350_380_CE.jpg

Pagbagsak
• Sa pagsapit ng ikaanim na
siglo CE, nagsimulang humi-
na at bumagsak ang Gupta
sa kamay ng panibagong
mananakop, ang mga White
Hun, na maaaring mga Ira-
nian o Turk mula sa Gitnang
Asya.

78
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 82/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Imperyong Mogul

Pagkatatag
• Itinatag ang Mogul nang
masakop ni Babur ang
hilagang India at Delhi
noong 1526.

Mahalagang Pangyayari
• Narating ng imperyo ang tuga-
tog ng kapangyarihan sa ilalim
ni Akbar na namuno sa kabuuan
ng hilagang India mula 1556
hanggang 1605.
• Nagpatupad siya ng kalayaan
sa pananampalataya at
makatarungang pangangasiwa.
Taj Mahal
• Ilan pang magagaling na pinuno
http://commons.wikimedia.org/ ang humalili kay Akbar tulad
wiki/File:Taj_Mahal_2012.jpg nina Shah Jahan na nagpatayo
ng Taj Mahal at Aurangzeb
na nagbawal ng sugal, alak,
prostitusyon, at sati (suttee)
o pagsunog ng buhay sa mga
Pagbagsak
biyuda.
• Sa pagsapit ng ikaanim na
siglo CE, nagsimulang humi-
na at bumagsak ang Gupta
sa kamay ng panibagong
mananakop, ang mga WHite
Hun, na maaaring mga Ira-
nian o Turk mula sa Gitnang
Asya.
• Labis na humina ang Mogul
dahil na rin sa pagdating ng
makapangyarihang English
sa India.

79
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 83/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 7: Empire Diagram


Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya.
Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga
ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang
bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag
na imperyo sa Timog Asya.

Imperyo sa Timog Asya

Maurya Gupta Mogul

Datos: Datos: Datos:

• • •

• • •

• • •

Pinuno: Pinuno: Pinuno:

• • •

• • •

• • •

Aral na Natutuhan:

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang
imperyo?
2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?
3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang
kabihasnan?

80
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 84/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin,


at dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga
sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000
taon. Suriin ang kasunod na diyagram:

Kabihasnang Tsino

Xia (2000 - 1570 BCE) • Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang
kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng
Huang Ho.
• Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa
kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

Shang (1570 - 1045 BCE) • Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang


gumamit ng bronse sa panahong ito.
• Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda
sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle
bones o mga tortoise shell at cattle bone.

• Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng


mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na
pinuno.

Oracle Bone • Pinatalsik ang Shang noong 1045 BCE


http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Orakelknochen.JPG

Zhou o Chou (1045 - 221 BCE) • Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o
“Basbas ng Kalangitan” na ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit. Pinili
siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay
naging masama at mapang-abuso, ay babawiin
ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot,
peste, o digmaan.
• Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang
humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
– Confucianism – Layuning magkaroon ng
Confucius isang tahimik at organisadong ; ipunan sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at
pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa
lipunan.
– Taoism – Hangad ang balanseng sa kalikasan
at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
– Legalism – Ipinanganak ang tao na masama
http://en.wikipedia.org/wiki/File- at makasarili. Subalit sila ay maaaring
Confocius_Tang_Dynas mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na
batas at marahas na kaparusahan.

81
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 85/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE) • Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng
dinastiyang Zhou.
• Sa ilalim ng Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang
pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t
ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili
bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala
bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221 - 210
BCE)
• Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo
Confucius upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng China. May
haba itong 2400 kilometro o 1500 milya.
• Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih
http://en.wikipedia.org/wiki/
Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang
File:The_Great_Wall_of_China_at_
mag-alsa si Lui Bang.
Jinshanling.jpg

Han (202 BCE - 200 CE) • Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa
Confucianism.
• Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang
napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

Sui (589 - 618 CE) • Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang


Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin
ang watak-watak na teritoryo ng China.
• Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall of China
na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin
ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng
Huang Ho at Yangtze.
Grand Canal
http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Kaiserkanal01.jpg

T’ang (618 - 907 CE) • Li Yuan – dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban
sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag
niya ang dinastiyang T’ang.
• Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng
China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan
ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa
larangan ng sining at teknolohiya.
• Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon
sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga
dugong bughaw at mga k araniwang tao.
• Ibinalik ang civil service examination system na naging
mahalga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang
pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han
subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang.
Mapa ng China sa ilalim ng T’ang
• Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring
pag-aalsang naganap sa China.
http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Tang_Dynasty_circa_700_CE.png

82
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 86/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Song (960 - 1127 CE) • Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinasti-
yang ito.

• Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil


sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

• Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

• Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi


ng China kaya napilitan ang Sung na iwanan ang
kabisera nito noong ika-12 siglo.

Yuan (1279 - 1368 CE) • Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa
unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang ka-
buuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang
barbaro.

• Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspek-


tong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila
ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang
hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan.

• Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang


dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o
panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng
komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak
na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya
hanggang silangang Europe.

• Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na

ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itina-


tag ang dinastiyang Ming.

Ming (1368 - 1644 CE) • Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa
ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbid-
den City sa Peking na naging tahanan ng empera-
dor.

• Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa


ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian
Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga
Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.

• Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pam-


amaraang movable type. Lumaki rin ang populasyon ng
China na umabot sa 100 milyon.

• Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito


Forbidden City ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan.
Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na
http://en.wikipedia.org/wiki/File:For- sumalakay sa Korea.
bidden_City_Courtyard.jpg

83
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 87/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Qing o Ch’ing (1644 - 1911) • Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang
Dinastiyang Ming ng mga semi-nomadic mula sa
hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino
na barbarong dayuhan.

• Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium


laban sa England (1839-1842) at laban sa England
at France (1856-1860) ay malaking dagok sa
imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang
pagbebenta ng opyo ng Europeo sa China, dahil
nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng
lipunan.

Mapa ng China sa ilalim ng T’ang • Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon
sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain
http://www.inquirer.net/ tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din
sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang
ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga
rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang
pang-ekonomiya ng nanalong bansa.

• Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865)


at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin
ang mga Manchu na lubhang mahina at walang
kakayahang labanan ang panghihimasok ng
mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping
na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino.
Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer
(1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang
mga mapanghimasok na Kanluranin.

• Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang maga-


pi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French
(1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-
1895).

• Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya


sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911
na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng
China.

84
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 88/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 8: Maramihang Pagpili sa Tsart


A. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga
tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob
ng mga bilog.

Kabihasnang Tsino

Mga Dinastiya: Chou, Ming, Q’ing, Shang, Sui, T’ang, Yuan

1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang
Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3. Huling dinastiya sa China
4. Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang
Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of
Heaven
7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

Mga Tauhan: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi

8. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”


9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China
10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang
bahagi ng Africa
11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

Mga Ambag: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism

12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador


13. Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong noma-
diko sa hilagang China
14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming
15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao
sa kalikasan

85
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 89/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Kabihasnang Egyptian
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong
batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno
at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim
ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang
nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh
ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang
sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa
kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng
Egypt sa sumusunod na pagpapanahon:

1 Pre-dynastic Nauna sa Panahon Nauna sa 3100 BCE


Period ng mga Dinastiya

2 Early Dynastic Panahon ng mga Una at Ikalawang Dinastiya


Period Unang Dinastiya (circa 3100 - 2670 BCE)

3 Old Kingdom Matandang Ikatlo hanggang Ikaanim na


Kaharian Dinastiya (circa 2670 - 2150
BCE)

4 First Interme- Unang Interme- Ikapito hanggang Ika-11 Di-


diate Period dyang Panahon nastiya (circa 2150 - 2040 BCE)

5 Middle Gitnang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (cir-


Kingdom ca 2040 - 1650 BCE)

6 Second Inter- Ikalawang Interme- Ika-14 hanggang Ika-17 Di-


mediate Period dyang Panahon nastiya (circa 1650 - 1550 BCE)

7 New Kingdom Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20 Di-


nastiya (circa 1550 - 1070 BCE)

8 Third Interme- Ikatlong Inter- Ika-21 hanggang Ika-25 Di-


diate Period medyang Panahon nastiya (circa 1070 - 664 BCE)

9 Late Period Huling Panahon Ika-26 hanggang Ika-31 Di-


nastiya (circa 664 - 330 BCE)

86
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 90/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang


tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang
tiyak na petsa.
Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng
sinaunang kasaysayan ng Egypt.

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya


Nile hieroglyphics nome nomarch

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa


Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal
na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay naka-
paglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hiero-
glyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang
sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala
ng mga pangyayari.
Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging sentro
ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na
nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan
ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay
unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panre-
hiyong pagkakakilanlan.

Tungkol saan ang larawan?

Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga


sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/
Hieroglyphics
87
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 91/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Panahon ng mga Unang Dinastiya


Upper Egypt Lower Egypt menes Memphis

Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Ma-


halagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga
pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang
populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang
sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt
at Lower Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan
ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang
lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa
panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang
Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.

Tungkol saan ang nasa larawan?

Ano ang nais ipahiwatig nito?

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Matandang Kaharian
Great Pyramid Khufu Seven Wonders Pepi II

88
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 92/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang


mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong
ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling
hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruk-
tura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo
naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay
ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 BCE. Ito
ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide.
Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa
Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga piramide ang
tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang
ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek
na pinakamagandang arkitektura sa mundo.
Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga
pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang
paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis
ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile
Delta upang maging bagong taniman.
Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90
BCE). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na
nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasay-
sayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay
siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang
kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na taggutom at mahinang
pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang
kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa
loob halos ng dalawang siglo.

Unang Intermedyang Panahon

Ang tinatawag
Ika-11 nang
Dinastiya Unang Intermedyang
Egypt. Sa pagsapitPanahon
ng 2160 ay panahon
BCE, ng Ikapito
tinangka ng mgahanggang
paniba-
gong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong
Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo
naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na
dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya
ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes
ay pinangalanang Inyotef o Antef.

89
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 93/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Anong estruktura ang nasa larawan?

Paano inilarawan
mga sinaunang ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng
Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/
gizapryramid

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Gitnang Panahon
Mentuhotep I Itjtawy Amenemhet II Hyksos

Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I.


Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera
sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon ni
Senusret I o Sesostris I (1970 - 1926 BCE), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878 - 1842 BCE)
ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang
palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay
na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929 - 1895 BCE) na namayani
sa loob ng 45 taon.
Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga
naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo
sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na
maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan
sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating
ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang Hyksos
ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala
nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang
kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang pamamayani ng mga

90
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 94/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Hyksos noong 1670 BCE at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang
siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng
mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula
ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt.

Ikalawang Intermedyang Panahon

Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman


sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang
humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya
ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at
katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang baha-
ging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang
Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani
sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan
hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng
dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Naga-
wang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.

Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?

Ano
sayanang
ng bahaging
sinaunangkanilang
Egypt? ginampanan sa kasay-

http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Ibscha.jpg

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Bagong Kaharian
Empire Age Ahmose Hatsheput Akhenaton Rameses II

91
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 95/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabi-


hasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din ito
bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570 - 1546 BCE) ang mga Hyksos mula
sa Egypt noong 1570 BCE. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pha-
raoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa katimugan.
Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng
malalakas na mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia
sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga
Hittite at Mitanni.
Si Reyna Hatshepsut (1503 - 1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518
- 1504 BCE), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang
mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504
- 1450 BCE), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo BCE ay si Amenophis IV
o Akhenaton (1350 - 1334 BCE). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng
mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga
tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong relihi-
yon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw.
Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka.
Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay
pinalitan ni Tutankhamen (1334 - 1325 BCE) na noon ay siyam na taong gulang
pa lamang nang maupo sa trono.
Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293 - 1291 BCE).
Siya ay sinundan nina Seti I (1291 - 1279 BCE) at Rameses II (1279 - 1213 BCE).
Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng
20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pu-
mapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite
nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis
III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa
pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang
Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na
namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.

Ikatlong Intermedyang Panahon

Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes


(1070 - 1044 BCE) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari
mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno

92
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 96/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

nito ay si Shoshenq I (946 - 913 BCE) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang


dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang
nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23
Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower
Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang
kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan
hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si
Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya
ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.

Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?

Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang


Empire Age?

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Huling Panahon
Psammetichus Alexander the Great Cleopatra VII

Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664 - 610


BCE). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya
ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala
upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene.
Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang
sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570 - 526 BCE). Hindi naglaon,
napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si
Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya.
Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito.
Namuno ang mga Egyptian hanggang sa Ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina

93
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 97/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian


at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.
Noong 332 BCE, sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong

bahagi
imperyongnakanyang
umabotImperyong Hellenistic. Asia
ng Egypt, Macedonia, Malawak angPersia,
Minor, saklawMesopotamia
ng kaniyang
hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 BCE, naging
satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt
at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari
sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng
dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig

ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82

Sino ang nasa larawan?

Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?

GAWAIN 9: Walk to Ancient Egypt


Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem sa ibaba upang makumpleto ang
dayagram.

Kabihasnang Egyptian

1. Tauhan 8. Tauhan

2. Bagay 7. Bagay

3. Panahon 4. Tauhan 5. Tauhan 6. Panahon

94
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 98/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig

2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian

3. Itinuring bilang Empire Age at pinakadakila sa kasaysayan ng si-


naunang Egypt

4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt

5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt

6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng


mga pyramid sa Egypt

7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at nag-


ing libingan ng mga ito

8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng


mga Hittite

? Pamprosesong mga Tanong


1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?
2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa
mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?

3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?


4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging
papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt?
5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?

Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente na
America, partikular sa Mesoamerica—ang mga Olmec at Teotihuacan.

95
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 99/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 - 1500 BCE)

Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay


sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa
Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga
produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz
noon pa mang 3500 BCE. Sa pagsapit ng 1500 BCE, maraming taga-Mesoamerica
ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang
karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa
Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa maraming rehiyon, ang
maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pang-
ekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag
na lipunan ay ang Olmec.

Ang mga Olmec

Olmec (1500 - 500 BCE)

• Ang kauna-unahang umusbong sa Central America


(at maaaring maging kabuuang America) ay ang
Olmec.
• Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber
people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng
dagta ng punong rubber o goma.
• Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf
Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig
hanggang Guatemala.
• Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang
Shang sa China.

Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo


rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa
ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa
hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining.
Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang
palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hang-
gang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang
tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga

96
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 100/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya


sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.

Kulturang Olmec

Larong Pok-a-tok Ang rituwal sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa


pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na
larong tinatawag na Pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong
basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring
gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang
yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang,
tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola
sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang
mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang
ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos
ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang
sentro sa buong Mesoamerica.

Lilok ng anyong ulo Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga
mula sa mga bato anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking
ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat
na 44 libra. Maaari diumanong ang mga lilok na ito
ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay
nakagawa ng mga templong hugis piramide sa ibabaw
ng mga umbok na lupa. Ang mga estrukturang ito
ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga
diyos.

Hayop na jaguar Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jag-


uar na pinakakintatakutan ng maninila (predator) sa
Central America at South America. Ito ay nagpapa-
kita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan
saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang. Si-
nasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga
lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong
mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong
lugar tulad ng Costa Rica.
Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec
ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang
mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong
sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.

97
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 101/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ang mga Teotihuacan

Teotihuacan • Sa pagsapit ng 200 BCE, ang ilan sa mga lugar sa


(250 BCE - 650 CE) lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa
ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya
• Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa
panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahu-
lugang “tirahan ng diyos”
• Pagsapit ng 150 CE, ito ay naging isang lungsod na may
halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000
katao
• Sa pagitan ng 150 CE at 750 CE, ang populasyon
nito ay minsang umabot sa 120,000

Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan,

at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawang


makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong pagawaan
ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang
produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian ay isang
maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit ito ng
mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo.
Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking
bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa
ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.

Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered


Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya
nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan
din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.
Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650
C.E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar,
tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig ni

Mateo et al. (2012)

Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE


(Efective Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang
impormasyon.
a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48)
b. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifco (pp. 9-16)

98
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 102/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 10: Tracing the Beginning Chart


a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.
b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.

Ano ang sinaunang Paano nagsimula


Ano ang katangian ng
kabihasnang umusbong ang kasaysayan ng
mga katutubo nito?
sa daigdig? kabihasnang ito?

? Pamprosesong mga Tanong


1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang
katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?
3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag
nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan
ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?

99
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 103/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 11: Pagbuo ng K-Web Diagram


Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web Diagram.”
1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.
2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.

Mesopotamia Egypt

Mesoamerica Sinaunang Indus

Kabihasnan

Tsino

1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian


2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus
3. Sagradong aklat ng mga Aryan
4. Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”
5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America
6. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu
7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian
8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt
9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng
diyos”
10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa Seven Wonders ng sinaunang daig-
dig
11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga ma-
nanakop
12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, at El Salvador
13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt
14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit
na pamunuan ang china
15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat sa Egyptian

100
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 104/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabi-


hasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at tuluyang
pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na gawaing
tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.

GAWAIN 12: Kabihasnan (Pathway Diagram)

1. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan.


a. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat
2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat
4 ang Kabihasnang Egyptian.

b. Batay sa iyong
sa iyong pag-unawa
pangkat sa pinag-aralang
sa pagkumpleto kasaysayan,
ng Pathway Diagram aktibong makilahok
sa pamamagitan
ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang.
c. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba
pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang
ekonomiya, kultura, at lipunan nito.
d. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.

e. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong path-


way diagram.
f. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang sumusu-
nod na rubric.

101
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 105/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Rubric sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Nakapaloob sa diyagram ang 5 o higit pang ma- 10


hahalagang pangyayari sa nakatalagang kabi-
hasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nito

Pag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng 10


nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong
diyagram

Iba pang Nakapaglahad ng iba pang datos na may kaug- 5


impormasyon nayan sa kasaysayan ng nakatalagang kabi-
hasnan

Kabuuan 25

2. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan


at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan.
3. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang si-

naunang kabihasnan sa daigdig.

GAWAIN 13: Gallery of Ancient Rulers


1. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat
ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin.
2. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalang-
alang ang kasunod na mga panuntunan:
a. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatuwa” na kakatawan sa
piniling pinuno.
b. Ihanda ang posisyon ng “estatuwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling
pinuno.
c. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang
maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatuwa.”
d. Itanghal sa klase ang mga “estatuwa.” Magtalaga ng 1-2 kapangkat na
magpapaliwanag tungkol sa estatuwa.

102
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 106/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?

2. Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan?


3. Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipali-
wanag.
4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin
ng isang pinuno? Ipaliwanag.

Bibigyan ng marka ang ginawang estatuwa gamit ang kasunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient Rulers

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Gawang Angkop ang estatuwa bilang kinatawan ng pini- 10


Estatuwa ling pinuno ng pangkat; wasto ang mga simbolo
at datos na ikinabit sa estatuwa

Pag-uulat Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang pinu- 10


no batay sa estatuwa; naglahad nang higit sa
tatlong impormasyon tungkol sa nasabing pinu-
no

Orihinalidad Natatangi ang pagkakabuo ng estatuwa; gu- 5


mamit ng mga akmang disenyo upang maging
makatotohanan ang hitsura

Kabuuan 25

103
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 107/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-
kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan,
husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi
natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay
maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t
ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin
sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay
may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan
na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?

Mesopotamia

Ziggurat Ang Ziggurat ay estruktura kung saan


pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron
ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang
Ziggurat.

Code of Hammurabi Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na


mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang
napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman
ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na
aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.

Cuneiform Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng


pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer.
Ito ay tinatawag na Cuneiform.

104
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 108/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Epic of Gilgamesh Sa larangan ng literatura, itinuturing ang


Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang
akdang pampanitikan sa buong daigdig.

Ito ay kuwento ning


lungsod-estado Haring Galgamesh
Uruk sa ng
Sumeria noong
ikatlong siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata
ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great
Flood ng Bibliya.

Iba pang kontribusyon • water clock


• paggawa ng unang mapa
• sexagesimal system o pagbibilang na
nakabatay sa 60

• astronomiya

Indus

Sewerage System May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod


dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala
bilang mga kauna-unahang paninirahang
sumailalim sa tinatawag na urban o city
planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga
kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-
Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.

Arthasastra Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong


ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda
o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya.
Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya,
ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya.

Ayurveda Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay’’ ay isang


mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng
Buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang
pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa
mga karamdaman.

105
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 109/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Ramayana at Mahabharata Ang dalawang epikong pamana ng India sa


larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang
salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng

dalawang
mga Pandavapamilya na magkakamag-anak
na kumakatawan – ang
sa kaguluhan
at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang
salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang
asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang
demonyong hari.

Iba pang kontribusyon • Pamantayan ng bigat at sukat


• Decimal system
• Paggamot at pagbubunot ng ngipin
• Halaga ng pi (3.1416)
• Taj Mahal
• Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism,
Buddhism, Jainism, at Sikhism)

Tsino

Great Wall of China Sa panahon


katao ng Qin, tinatayang
ang sapilitang isang
pinagtrabaho mil-yong
upang itayo
ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing
simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng
mahabang panahon.

I Ching at Bing Fa Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng


perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol
sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing
na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na
aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni
Sun Zi o Sun Tzu noong 510 BCE.

106
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 110/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Feng Shui Ang paniniwala sa Feng shui o Geomancy ay


nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol
sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang

makapagdulot ngyin
sa sinuman. Ang magandang hinaharap
ay sumisimbolo sa
kababaihan—malambot at kalmado. Samantala
ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas
at masigla.

Iba pang kontribusyon • Paggamit ng silk o seda

• Kalendaryo

• Star map

• magnetic compass

• seismograph

• wheel barrow

• water clock

• sundial

• chopsticks

• abacus
• pamaypay

• payong

Egypt

Pyramid Ang mga piramide ay hitik sa mga


simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng
pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang
kapangyarihan ng mamuno. Gayundin,
pinatunayan nito ang paniniwala sa
buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng
kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay
makikita sa piramide bilang paghahanda sa
kabilang buhay.

107
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 111/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Mummification Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa


isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa
isang prosesong tinatawag na mummification,

ang mga
upang Egyptian
patuyuin aybangkay.
ang gumagamit ng kemikal
Matapos nito,
ang isang mummy o embalsamadong bangkay
ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.

Hieroglyphics May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian


na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang
isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan.
Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang
sa mga papel kundi nakaukit din sa mga
pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta
sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging
mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga
rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa
malatambong halaman na tinatawag na papyrus.

Iba pang kontribusyon • Geometry


• Medisina tulad ng pagsasaayos ng naba-

ling buto
• Kalendaryo na may 365 araw
• Sagradong pagdiriwang

108
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 112/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 14: K-A-K Organizer


Unawain ang sumusunod sa pagbuo ng organizer.
a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Am-
bag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang
ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig?
2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng
mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?

109
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 113/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa impluwensiyang


heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay bibigyan ng malalim
na pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito
ang pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng heograpiya at pamana ng
mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao.

GAWAIN 15: Thank You Letter


Sundin ang sumusunod.
1. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.
2. Isaalang-alang ang sumusunod na hakbang sa gawaing ito:
a. Pumili ng isang anyong lupa, anyong tubig o kahit anong bagay na may
kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong
gawan ng liham pasasalamat.
b. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na
ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao hanggang sa kasalukuyan.
c. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.

Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Mahusay na naipaliwanag ang bahaging 12


ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga
sinaunang tao; nakapagbigay ng halimbawang
magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa
mga sinaunang tao

Teknikal
Pagbuo ngna Wasto ang paggamit
mga salita, at maayosng
angmga
mgabantas,
bahagibaybay ng
ng isang 8
Liham liham

Anyo at Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay 5


Disenyo ng malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang
kulay ng disenyo

Kabuuan 25

d. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral.

110
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 114/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

GAWAIN 16: Maimpluwensiyang Kabihasnan


Kumpletuhin ang kasunod na diyagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang
kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa
sa kasalukuyang panahon.

Impluwensiya sa Daigdig

Impluwensiya sa Pilipinas

Pamana ng Sinaunang Kabihasnan

? Pamprosesong mga Tanong


1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang
pamanang tinukoy sa diyagram?
2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pili-
pino? Magbigay ng halimbawa.
3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?
4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pama-
na, ano ang iyong reaksiyon?
5. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang
tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang
pamana?

Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F ( facts) ng mga


bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa.

111
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 115/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

ILIPAT AT ISABUHAY

Sa pagkakataong
ILIPAT. ito, isagawa
Gamit ang kaalamang ang huling
natutuhan mulayugto ng Modyul
sa pag-unawa ng 1, ang
teksto
at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod
na proyekto.

GAWAIN 17: POKUS NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ng


mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig
Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural
Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Na-
katanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang
proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong
bansa.
Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong na unang bubuo ng isang panukalang
proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa
pagbuo ng panukalang proyekto:
1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod:

Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia


Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia
Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian
Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus
Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino
Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica

2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyaking


makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa
itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto.
a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na ipreserba:
Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang tradisyon/kaugalian,
at Pares 3 – isang sinaunang bagay
b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang
kasunod na template.

112
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 116/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Bansang nakatalaga sa pangkat: __________________________


National Committee on the Preservation of Cultural Heritage

UNANG BAHAGI:
a. Pamagat ng proyekto: __________________________________________
b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________________________
c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: __________
d. Halagang gugugulin sa proyekto: _______________________________

Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _____________________

IKALAWANG BAHAGI:
a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?)
b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?)
c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong
paraan?)

IKATLONG BAHAGI:
a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin
upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?)
b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa
proyekto?)
c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit
ng proyekto?)
d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyek-
to?)

IKAAPAT NA BAHAGI:
a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kung
isasagawa ang proyekto?)
b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong
sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga si-
naunang ambag at pamana ng bansa?)
c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan
ng gagawing proyekto?)

113
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 117/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala.


d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala.
e. Iulat sa klase ang ginawang panukala.

3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.

Kraytirya 4 3 2 1

Nilalaman ng Kumpleto ang May 1-2 ang Mahigit sa 50% Mahigit sa 50%
Panukalang nilalaman ng nawala sa ang nawala sa ang nawala sa
Proyekto panukalang panukalang panukalang nilalaman ng
proyekto; proyekto; hindi proyekto; panukalang
100% na wasto bababa sa mahigit sa 50% proyekto;
ang itinala 75% ang may ang hindi wasto mahigit sa 50%

sa panukala; wastong itinala sa


sa mga
itinala ang hindi wasto
makatotohanan sa panukala; panukala; sa mga itinala sa
ang lahat ng makatotohanan may 50% sa panukala; hindi
sagot sa tanong; ang mahigit 75% nilalaman ng maka-totohanan
may kabuluhan sagot sa tanong; panukala ay hindi ang panukala;
ang gawang may kabuluhan makatotohanan; hindi maipakita
panukala; ang gawang may pag- ang kaugnayan
mahusay ang panukala; aalinlangan sa ng guhit sa
iginuhit sa mahusay ang kabuluhan panukala
magiging bunga iginuhit sa ang gawang
ng proyekto magiging bunga panukala;
ng proyekto na hindi gaanong
may 1-2 aspekto malinaw ang
ng guhit ang guhit
kailangang
isaayos

Pinagkunan ng Ibinatay sa 3 Ibinatay sa 2 Ibinatay lamang Walang batayang


Datos o higit pang sanggunian ang ang sanggunian pinagkunan
sanggunian ang datos sa batayang aklat at gawa-gawa
datos na kabilang lamang ang mga
sa panukalang impormasyon
proyekto (aklat,
pahayagan, video
clip, internet, at
iba pa)

114
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 118/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Presentasyon Mahusay ang Maayos ang Karaniwan ang Hindi malinaw


ng Panukalang paglahad sa paglahad sa paglahad sa ang paglahad sa
Proyekto presentasyon; presentasyon; presentasyon; presentasyon;

malinaw at
malakas ang may ilang at
kinabahan maikli at hindi
binigyan ng hindi
naipaliwanag
boses ng mahinang boses; pansin ang ang maraming
tagapagsalita; naipaliwanag maraming bahagi bahagi ng
lubos na ang higit sa 75% ng panukala; panukala; hindi
naipaliwanag ng kabuuang hindi gaanong maunawaan
ang bawat aytem aytem sa maunawaan ang pagsasalita;
sa panukala panukala ang pagsasalita; kaunti
mahigit sa lamang ang
50% ang hindi naipaliwanag
naipaliwanag sa
panukala

TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL

Tinalakay sa modyul na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito
tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may
malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.
Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay
na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran.
Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging
matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang
higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng
mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.
Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politi-
ka, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos
na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng
panahon.
Sa susunod na modyul, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang
klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga
Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng
daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.

115
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 119/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

TALASALITAAN

Ahimsa – doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo

Caste – pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic

Core – pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380
milya ang kapal ng outer core

Crust – pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta

Dinastiya – pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan

Hellenistic – nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate Greeks”; tumutukoy


sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang Greek
pagkaraan ni Alexander the Great

Heograpiya – pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran

Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon,


lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

Hominid – miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa
kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee, at orangutan

Khanate – estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang
Asya)

Klima – kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa


matagal na panahon

Kontinente – pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig

Khyber Pass – lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na nag-


uugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya

Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal

Nome – malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt

Nomarch – pinuno ng nome

Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang
mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino

116
http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 120/121
7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

Pacific Ring of Fire – rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga aktibong
bulkan

Plate – malaking masa ng solidong bato

Satrap – gobernador o pinuno ng satrapy

Satrapy – lalawigan ng Imperyong Persian

Steppe – malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa silangang


Europe at Asya

Terra-cotta – anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang luwad

Vedas – sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga
salaysay.

SANGGUNIAN

A. Aklat

Mateo, PhD Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, edisyon 2012

B. Module

EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 2

EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 3

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 121/121

You might also like