You are on page 1of 22

MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG

KULTURA NG MGA SINAUNANG


TAO SA PANAHONG
PREHISTORIKO

Kagamitang Pang Interbensiyon sa


Araling Panlipunan 8

Photo Source: http://www.slideshare.net

Inihanda ni:
CLEVELANDA L. BAWALAN
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Published by the
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2019

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and
the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited
version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original
work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from
this material for commercial purposes and profit.

ii
PAUNANG SALITA

Ang material na ito ay naaayon tungo sa implementasyon ng K to 12


Curriculum. Ito ay nakapokus sa pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Date of Development : April 2019


Resource Location : Schools Division of Kalinga
Rizal District
Santor National High School
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level : 8
LR Type : Activity Sheet
Quarter/Week : First Quarter
Competencies : AP8HSK-If-6
: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura
ng mga sinaunang tao sa panahong
Prehistoriko.

iii
PASASALAMAT

Ang may-akda ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na


tumulong sa kanya upang mabuo ang materyal na ito:

Sa lahat ng mga kapwa guro ng Santor National High School na ng


suporta;

Kay Ma’am Evelyn C. Ganotice, EPS-AP sa patuloy na pagbabahagi ng


kanyang mga kaalaman;

Sa Division LRMDS Staff na pinangungunahan ni Dr. Marylinda Santos,


kay Gng. Sharon S. Boguen, at kay Gng. Marilou Balinsat sa pagtulong sa may-
akda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaalaman kung paano gumawa
ng learning resource.

Sa kanyang pamilya, na nagsilbing inspirasiyon niya.

At ang pinakaimportante sa lahat, ang material na ito ay buong pusong


iniaalay sa Panginoon.

Clevelanda L. Bawalan
Debeloper

iv
TALAAN NG NILALAMAN

COPYRIGHT NOTICE ..............................................................................................ii


PAUNANG SALITA................................................................................................. iii
PASASALAMAT……………………………………………………………………………… iv
TALAAN NG NILALAMAN……………………………………………………………….v
PAHINANG GABAY ................................................................................................ 1
Gawain 1 ................................................................................................................ 2
Gawain 2 ................................................................................................................ 3
PAGPAPAYAMANG GAWAIN.............................................................................. 4
PAGTATAYA ............................................................................................................... 5
MGA SANGGUNIAN ............................................................................................. 6
RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN ...................... 7
BANGHAY-ARALIN ................................................................................................ 8

v
PAHINANG GABAY

Magandang araw mga mag-aaral!

Nais mo bang malaman ang tungkol sa Yugto ng Pag-unlad ng


Kultura ng mga Sinaunang Tao sa Panahong Prehistoriko na kung saan
ay nakuha ang impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao
sa pamamagitan ng kanilang labi tulad ng mga bungo, buto at mga
kasangkapang kanilang naiwan?

Halina at ating talakayin ang Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ng mga


Sinaunang Tao sa Panahong Prehistoriko sa pamamagitan ng power
point presentation at pagkatapos ng talakayan ay sagutin mo ang mga
iba’t ibang aktibidad na inihanda para sa’yo.

Handa ka na ba?

Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ng mga

Sinaunang Tao.pptx
(highlight then click to open hyperlink in ppt.)

1
Gawain 1 – Bagay mo Choice mo

Apoy Bato Kahoy Buto Banga

Photo Source: http://www.slideshare.net

Bato!

Apoy!

Mga Tanong:

1. Alin ang iyong mga pinili sa mga larawan?

2. Bakit ang mga ito ang iyong napili?

3. Kaya mo bang mabuhay sa panahong iyon kung taglay mo ang mga pinili
mong bagay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Kung ito lamang ang mga kagamitan ng ating mga ninuno, paano umunlad
ang kanilang pamumuhay noong sinaunang panahon

2
Gawain 2 – Talahanayan, Punan Mo

Gamit ang graphic organizer/talahanayan ay punan at ipaliwanag kung paano


umunlad ang Kultura/Pamumuhay ng mga sinaunang tao sa panahong paleolitiko,
neolitiko at metal.

MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG MGA SINAUNANG TAO

PANAHON KATANGIAN NG PAG-UNLAD

PANAHONG PALEOLITIKO

PANAHONG NEOLITIKO

PANAHONG METAL

a. Panahon ng Tanso

b. Panahon ng Bronse

c. Panahon ng Bakal

3
PAGPAPAYAMANG GAWAIN

A. Pang-isahang Gawin: Compare and Contrast

Isulat ang pagkakaiba ng sinaunang pamumuhay sa panahon ng


Prehistoriko sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa pamamagitan ng
Venn Diagram

Pagkakatulad

Sinaunang pamumuhay Kasalukuyang pamumuhay

B. Pangkatang Gawain

Sa pamamagitan ng pag-uulat, paggawa ng jingle/awit, sanaysay, tula,


maikling iskit/dula, collage, Ipaliwanag ang kahalagahan o epekto sa
kasalukuyan ang ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto
ng pag-unlad ng sinaunang tao. Ang bawat grupo ay inaasahang maging
malikhain sa kanilang gagawin.

PANGKAT 1 - Kahalagahan ng Paggamit ng Apoy sa kasalukuyan

PANGKAT 2 - Kahalagahan ng Paggamit ng mga pinatulis na bato sa


kasalukuyan

PANGKAT 3 - Kahalagahan ng Paggamit ng mga kasangkapang metal sa


kasalukuyan

PANGKAT 4 - Kahalagahan ng Pagtatayo ng mga permanenteng titirahan sa


kasalukuyan

PANGKAT 5 - Kahalagahan ng Pag-aalaga ng mga hayop sa kasalukuyan

PANGKAT 6 - Kahalagahan ng Pagsasaka sa kasalukuyan

4
PAGTATAYA

News Analysis

Basahin at pag-aralan ang balita at sagutin ang mga tanong.

Mga Tanong:
1. Ano ang tungkol sa balita?
2. Ano ang implikasyon ng pagkakatuklas ng mga kagamitang bato na nahukay sa Rizal,
Kalinga?
3. Ano ang magiging epekto ng pagkakatukalas ng mga kagamitang ito sa Rizal,
Kalinga?

5
MGA SANGGUNIAN

Aguilon, Jess. 2013. Slideshare.net. July 18.


http://www.slideshare.net.

Blando, Rosemarie C. 2014. Modyul ng Mag-aaral sa Araling


Panlipunan 8, Kasaysayan ng Daigdig. Pasig City: Vibal Group
Incorporation.

Erni, Albert B. 2009. Project Ease Araling Panlipunan III. Module,


Pasig City: Department of Education, Bureau of Secondary Education.

Juezan, Jared Ram. 2012. Slideshare.net. July 2.


http://www.slideshare.net.

DepEdCARLR#: 196-09-19

6
Rubric sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng 20


Nilalaman mga pangyayari noong sinaunang
panahon sa kasalukuyan.

Napatunayan ang kaugnayang ito sa 15


Ebidensiya pamamagitan ng mga kongkretong
halimbawa.

Presentation/ Nagpamalas ng pagkamalikhain, 15


Presentasiyon kahandaan, kooperasyon at kalinawan
sa presentasiyon ng bawat pangkat.

Kabuuan 50

7
Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 8
Grade 8
Quarter 1, Competency #6
3 Araw

Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ng mga Sinaunang Tao sa Panahong


Prehistoriko
PAMANTAYANG Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
PANGNILALAMAN Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa
pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng
mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang
henerasyon.

PAMANTAYAN SA Ang mga mag-aaral ay:


PAGGANAP Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na h enerasyon.

Mga Kasanayan sa
Pagkatuto AP8HSK-If-6
(Learning
Competencies)
(Isulat ang Code ng
bawat kasanayan)
I. MGA 1. Matatalakay ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa
LAYUNIN panahong prehistoriko;
2. Masusuri ang mga katangian ng sinaunang panahon ayon
sa uri ng mga kagamitan at sistema ng pamumuhay ng
tao; at
3. Mapahahalagahan ang mga kagamitang nagawa ng mga
sinaunang tao sa kasalukuyan.

II. KAGAMIT
ANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Pahina 26-35
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pahina 42-53
Pang- Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Project Ease (pahina 17-22)
kagamitan Ibang References: http//www.google.com
mula sa portal

8
ng Learning
Resource
5. Iba pang Mga larawan, Slide decks tungkol sa Mga Yugto ng Pag-unlad
kagamitang ng Kultura ng mga Sinaunang Tao sa Panahong Prehistoriko,
panturo Balita (News article)
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa *Balik-aral tungkol sa nakaraang aralin.


nakaraang
aralin at/o
pagsisimula ng
bagong aralin
(5 minuto)

B. Paghahabi sa Ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin ng aralin.


Layunin ng
aralin 1. Matatalakay ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa
panahong Prehistoriko

2. Maikukumpara ang bawat panahon ng pag-unlad; at

3. Mapahahalagahan ang mga kagamitang nagawa ng mga


sinaunang tao sa kasalukuyan.

C. Pag-uugnay ng Gawain 1: Bagay mo, Choice mo


mga
halimbawa sa Ipagpapalagay na ang mga mag-aaral ay nabuhay sa daigdig
bagong aralin noong sinaunang panahon. Papipiliin sila ng tatlong bagay mula
(10 minuto) sa mga larawan na sa palagay nila ay makatutulong sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay at kanilang ipaliliwanag kung
bakit iyon ang kanilang mga pinili.

9
Pamprosesong Tanong:
1. Alin ang iyong mga pinili sa mga larawan?

2. Bakit ang mga ito ang iyong napili?

3. Kaya mo bang mabuhay sa panahong iyon kung taglay


mo ang mga pinili mong bagay? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

4. Kung ito lamang ang mga kagamitan ng ating mga


ninuno, paano umunlad ang kanilang pamumuhay noong
sinaunang panahon?

10
D. Pagtalakay ng Itanong sa mga mag-aaral:
bagong 1. Ano ang kahulugan ng prehistory o prehistoriko?
konsepto at
paglalahad ng  Posibleng Sagot:
bagong - Panahon na wala pang tala o hindi pa nasusulat ang
kasanayan #1 kasaysayan.
(5 minuto)
 Sagot ng Guro:
- Mga pangyayaring naganap bago magawa ang Sistema
ng pagsusulat. Nahahati ito sa mga sumusunod na
panahon:
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahong Metal

2. Ano ang mga patunay na may naganap na pag-unlad


sa kultura ng mga sinaunang tao sa panahong
prehistoriko batay sa kasangkapan, kabuhayan, at
iba pang aspekto ng pamumuhay?

Posibleng sagot:
- Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon
tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao sa
pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto,
at mga kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng
mundo. Buhat sa mga iyon nalaman ang kanilang mga
gawain at pamamaraan ng pamumuhay na siyang
bumubuo ng kanilang kultura.

E. Pagtalakay ng Gawain 2: Talahanayan, Punan Mo


bagong
konsepto at Gamit ang graphic organizer/talahanayan ay punan at
paglalahad ng ipaliwanag kung paano umunlad ang Kultura/Pamumuhay ng
bagong mga sinaunang tao sa panahong paleolitiko, neolitiko at metal.
kasanayan #2
(20 minuto)
MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG
MGA SINAUNANG TAO

KATANGIAN NG
PANAHON PAG-UNLAD

11
PANAHONG  Paggamit ng kasangkapang
PALEOLITIKO bato at kahoy.

 Paleolitiko  Unang gumamit ng apoy at


nangaso.
- Mula sa
katagang  Nagkaroon ng mga unang
paleos o pamayanan/campsite.
matanda at
lithos o  Pagiging artistiko sa pag
bato. pipinta sa katawan at pagguhit
sa bato.
- “Panahon
ng
Lumang
Bato”
(Old Stone
Age)

PANAHONG  Paggamit ng makikinis na


NEOLITIKO kasangkapang bato.

 Permanenteng paninirahan sa
 Neolitiko mga pamayanan.

- Salitang  Paggawa ng palayok at nag-


Greek na simula ang paghahabi.
neos o
bago at  Naganap ang rebolusyong
lithos o neolitiko/sistemang pagtatanim.
bato.
 Paglibing ng mga yumao sa
loob ng kanilang bahay.

 Paggawa ng mga alahas,


salamin at kutsilyo.

12
PANAHONG d. Panahon ng Tanso
METAL
 Kauna-unahang natuklasang
uri ng metal.

 Nalinang ang paggawa at


pagpapanday ng mga
kagamitang tanso.

 Nagsimulang gamitin ang tanso (4000 BC) sa


ilang lugar sa Asya, at sa
Europe (2000 BCE) at sa Egypt (1500 BCE).

e. Panahon ng Bronse

 Pinaghalong tanso at lata (tin)


upang makagawa ng higit na
matigas na bagay.

f. Panahon ng Bakal

 Natuklasan ng mga Hittite ang


pagtunaw at pagpanday ng
bakal.

 Lumaganap sa boung Africa,


Asia at Europe ang paggamit
ng bakal.

F. Paglinang sa Gawain 3: News Analysis


Kabihasaan Basahin at pag-aralan ang balita. Sagutin ang mga tanong.
(Tungo sa
Formative
Assesstment)

13
Pamprosesong Tanong:
4. Ano ang tungkol sa balita?
5. Ano ang implikasyon ng pagkakatuklas ng mga
kagamitang bato na nahukay sa Rizal, Kalinga?
6. Ano ang magiging epekto ng pagkakatukalas ng mga
kagamitang ito sa Rizal, Kalinga?

14
G. Paglalapat ng Maipagmamalaki mo ba bilang isang mag-aaral ang mga
aralin sa pang- kagamitang nagawa ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang
araw-araw na henerasyon? Bakit?
buhay

H. Paglalahat ng
Aralin Gawain 4: Compare and Contrast

Isulat ang pagkakaiba ng sinaunang pamumuhay


sa panahon ng Prehistoriko sa kasalukuyang
panahon. Gawin ito sa pamamagitan ng Venn
Diagram

Pagkakatulad

Sinaunang Kasalukuyang
pamumuhay pamumuhay

I. Pagtataya ng Gawain 5: Pangkatang Gawain


Aralin
Sa pamamagitan ng pag-uulat, paggawa ng jingle/awit,
sanaysay, tula, maikling iskit/dula, collage ay ipaliwanag ang
kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ang ilan sa mga
pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng
sinaunang tao. Ang bawat pangkat ay inaasahang maging
malikhain sa kanilang gagawin alinsunod sa paksang nakatalaga
sa kanila.

PANGKAT 1 - Kahalagahan ng Paggamit ng Apoy sa


kasalukuyan

PANGKAT 2 - Kahalagahan ng Paggamit ng mga


pinatulis na bato sa kasalukuyan

PANGKAT 3 - Kahalagahan ng Paggamit ng mga


kasangkapang metal sa kasalukuyan

PANGKAT 4 - Kahalagahan ng Pagtatayo ng mga


permanenteng titirahan sa kasalukuyan

15
PANGKAT 5 - Kahalagahan ng Pag-aalaga ng mga
hayop sa kasalukuyan

PANGKAT 6 - Kahalagahan ng Pagsasaka sa


kasalukuyan

J. Karagdagang Magsaliksik at magbasa tungkol sa Mga Sinaunang Kabihasnan


gawain para sa sa Daigdig.
takdang-aralin
at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A.Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B.Bilang ng mga mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation
C.Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mga mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E.Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?
F.Anong suliraning
ang aking naranasan
na nasolusyunan sa
tulong ang aking
punongguro at
superbisor?
G.Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

16
17

You might also like