You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7


Pangalan: Petsa: Iskor:
Panuto: Basahin ng may pang-unawa ang mga tanong sa ibaba. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Dumaranas ng iba’t ibang suliranin sa kapaligiran ang Asya. Ito ay


nakakaapekto 1us is-unlad ng mga bansa Asyano. Alin sa mga
sumusunod na 1us is ang makakatulong sa paglutas sa
nasabing suliranin?
A. Walang tigil na pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.
B. Patuloy na pagsunog ng mga plastic at pagtapon ng basura kung
saan-saan.
C. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin
sa kapaligiran.
D. Paggamit ng dinamita sa pangingisda upang makahuli ng mas
maraming isda.

2. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang aangkop sa kahalagahan ng


ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may
buhay at ang kanilang kapaligiran?
A. Anuman ang gawin ng mga tao wala itong kaugnayan sa ating
kapaligiran.
B. Ang patuloy na pagsira sa ating kalikasan ay nakatutulong 1us is-
unlad ng bansa.
C. Ang ugnayan ng mga bagay na may buhay at kapaligiran ay walang
kinalaman sa 1us is ng tao
D. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng
suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.

3. Alin sa mga sumusunod na grupo ng mga bansa ang kabilang sa


Silangang Asya?
A. Afghanistan, Bangladesh, India, Nepal, Pakistan
B. China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan
C. Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Singapore
D. Azerbaijan, Kazakhstan, Mongolia,Tajikistan, Turkmenistan,

4. Ang hilera ng mga buhay na bundok na tinaguriang “Pacific Ring of Fire”


ay nagmumula sa hilagang bahagi ng Siberia at bumabagtas patungong
Korea, Tsina, Hapon at Taiwan. Ano ang tinutukoy na buhay na bundok?
A. bulkan C. burol
B. bulubundukin D. disyerto

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

5. Ang mga rehiyon sa Asya ay may magkakaibang uri ng klima bunsod ng


iba-ibang salik. Ang mga lugar sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at
sa Hilagang Asya ay may mahabang taglamig at maigsi ang tag-init. Ano
naman ang katangian ng klima mayroon sa Timog Asya?
A. Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon
B. Sobrang lamig sa rehioyon at hindi kayang panirahan ng tao.
C. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig,
tag-araw at tag-ulan.
D. May mainit na panahon sa mga lugar na nasa mababang latitude at
may mga bahagi ng rehiyon na nababalutang ng yelo

6. Ang kapuluan o 2us isa22in ay isang anyong lupa na binubuo ng


pangkat ng mga pulo na napapalibutan ng katubigan. Alin sa mga
sumusunod na bansa ang hindi nabibilang dito?
A. Indonesia C. Pilipinas
B. B. Japan D. Saudi Arabia

7. Anong kontinente ang mayroong absolute location 2us isa 100 mula Timog
hanggang 900 Hilagang latitude at mula 110 hanggang 1750
Silangang longitude.
A. Asya C. Europa
B. Aprika D. Hilagang Amerika

8. Magkakaiba ang mga likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Alin sa


mga rehiyon ang sagana sa yamang mineral 2us isa22i na sa langis
at petrolyo?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya

9. Alin sa mga sumusunod na bansa ang sinasakop ang 20% na sukat ng


kabuuang kontinente ng Asya?
A. China C. Kazakhstan
B. Indonesia D. Mongolia

10. Ito ang rehiyon sa Asya na may magubat na kabundukan at malawak


na matabang kapatagan na kinabibilangan ng mga bansang Indonesia,
Malaysia, Singapore at Pilipinas.
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

11. Saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang Kabundukang Ural na


humahati sa mga kontinente ng Asya at Europa at Bering Sea na nag-
uugnay sa Hilagang Asya sa Alaska?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

Para sa mga bilang 12-15, suriin ang talahanayan sa ibaba tungkol sa mga
likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya.

Rehiyon sa Asya Mga Likas na Yaman


Hilagang Asya ginto, natural gas, langis, phosphate, trigo, palay,
barley, bulak, baka, tupa
Kanlurang Asya Langis, petrolyo, natural gas, tanso, bauxite, zinc,
magnesium, phosphate, trigo, barley, palay, bulak,
mais, tabako, dates, dalandan
Silangang Asya Palay, mais, mulberry, antimony, magnesium,
tungsten, karbon
Timog Asya palay,mais, trigo, jute, tubo, gulay, bakal, karbon,
batong apog, natural gas, langis, tanso, asin,
gypsum, mahogany, palm, punong ebony,
satinwood,
Timog-Silangang apitong, teak, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang
Asya narra, mayapis, langis ng niyog, kopra, palay,
bulak, mais, kalabaw, baka, baboy, kabayo,
kambing,
manok, langis, natural gas, liquefied gas

12. Ayon sa mga datos sa talahanayan, ano ang dalawang pangunahing


yamang mineral ng mga rehiyon?
A. Ginto at langis C. Langis at natural gas
B. Ginto at natural gas D. Langis at petrolyo

13. Batay sa talahanayan, ano ang pangunahing pananim ng


bawat rehiyon?
A. Palay at barley C. Palay at mais
B. Palay at bulak D. Palay at trigo

14. Mula sa talahanayan sa itaas, sa rehiyon na ito matatagpuan ang


pinakamaraming punong teak sa buong mundo.
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

15. Batay sa talahanayan, anong rehiyon ang may puno ng palm, ebony
at satinwood?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

16. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa


panahong Paleolitiko?
A. Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.
B. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang mga tao.
C. Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.
D. Nomadiko ang uri ng pamumuhay.

17. Pagsunud-sunurin ang mga panahon.


1. Panahong Neolitiko 3. Panahong Paleolitiko
2. Panahong Metal 4. Panahong Mesolitiko
A. 1,2,3,4 C. 3,4,1,2
B. 2,3,4,1 D. 4,1,2,3
Para sa bilang 18-21, tukuyin kung saan panahon naganap ang mga
sumusunod na pangyayari o pagbabago.
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal

18. Umaasa lamang ang mga sinaunang tao sa kung anong biyaya mayroon
ang mga puno at halaman sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.

19. Sa panahong ito, ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng


metal at paglaon ay napalitan ng tanso.

20. Natutong magpaamo ng hayop ang mga tao at gumawa ng mga damit na
galing sa balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan.

21. Nabuo ang pundasyon ng kabihasnan.

22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasaklaw sa kahulugan


ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.
B. Pamumuhay na pinaunlad gamit ang bagong teknolohiya.
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa lambak at ilog.
D. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat
ng tao.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

23. Ito ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog na kinilala bilang “cradle


of civilization”.
A. China C. India
B. B. Fertile Crescent D. Mesopotamia

24. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang


organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
B. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar
na ito.
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng
bloke ng kabahayan.

25. Ito ang itinuturing na pinakamalaking templo na itinatag ng mga


Sumerian bilang pagbibigay karangalan sa kanilang diyos.
A. Great Wall of China B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat

26. Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa


pagsasaayos ng kanilang lungsod na napapalibutan ng mga matataas na
paderna naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang
lupain. Ano ang tawag sa estrukturang ito?
A. Great Wall of China C. Taj Mahal
B. Hanging Garden D. Ziggurat

27. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigidig at ang
namumunong Emperador ay “Anak ng Langit” o “Son of God”. Ano ang
kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ay namumuno batay sa mga kautusan na itinakda.
B. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng diyos.
C. Ang emperador ay namumuno dahil pinili siya ng mga mamamayan
na anak ng diyos.
D. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang
kasaganaan at kapayapaan.

28. Sa bansang ito, ang mga hari ay kinilala bilang devajara (Haring Diyos)
at cakravatin bilang hari ng daigdig.
A. China C. Korea
B. India D. Pilipinas

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

29. Ito ang tawag sa pinuno ng mga Muslim 6agging at basbas ni Allah.
A. Amaterasu C. Devajara
B. Caliph D. Son of God

30. Para sa mga Hapones, dito nagmula ang kanilang emperador na nagging
pundasyon ng pagkabuo ng mga imperyo at pag-inog ng kanilang
relihiyon at pamumuno.
A. Amaterasu C. Devajara
B. Caliph D. Son of God

31. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay


command. Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng
pananakop ng Imperyong Roma.
A. Imperyalismo C. Kolonyalismo
B. Kapitalismo D. Nasyonalismo

32. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo


sa rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas

33. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon sa Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng
mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga
dayuhang bansa.
C. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

34. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni


Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido politikal

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
35. Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong
Hari upang mabawi ang banal na lupain sa kamay ng mga
Turkong Muslim.
A. Colony C. Merkantilismo
B. Renaissance D. Krusada
36. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ngkolonyalismo
sa rehiyong Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan
B. Pagkamulat sa kanluraning panimula
C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga
yamang likas.

37. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi


katanggap-tanggap sa mga Indian.Alin ang isang pagbabagong hindi
matanggap ng mga Indian?
A. Pagpapahusay ng serbisyo ng transportasyon at komunikasyon.
B. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posiyon ng
pamahalaan.
C. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pagkabuhayan sa mga
baybaying-dagat.
D. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa
pamantayang Ingles.

38. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay


daan ito para ang mga Asyano ay matutong :
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. Makisalamuha sa mga mananakop
C. Pagiging mapagmahal sa kapwa
D. Maging handa sa panganib

39. Nangunang lider nasyonalista sa India na nagpakita ng mapayapang


paraan sa paghingi ng kalayaan.
A. Ibn Saud C. Mohandas Gandhi
B. Mohammed Ali D. Mustafa Kemal
40. Naghangad rin ng kalayaan ang bansang India.Anong pamamaraan
ang isinagawa nito upang matamo ang kanyang hangarin na makamit
ang kanilang kalayaan?
A. Nagsagawa ng mga rally
B. Nakipag-alyansa sa ibang bansa
C. Binoykot ang mga produkto ng mga Ingles
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
41. Ano ang naging agarang dahilan ng pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Pag-aaway ng Muslim at Hindu
B. Pagdakip kay Mohandas Gandhi
C. Pagpapasabog sa Pearl Harbor ng Hawaii
D. Pagpatay sa tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary

42. Anong samahan ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig upang hindi na muling sumiklab ang ano pa
mang kaguluhan?
A. United Nations
B. League of Nations
C. European Nations
D. Organization of American State

43. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan


ng mga tao?
A. Maraming mga tao ang maghihirap kapag naisagawa ang mga
kabuhayan.
B. Magkakaroon ng di pantay pantay na oportunidad at pamumuhay sa
bawat tao.
C. Mas uunahin ng mga namumuno sa gobyerno ang kanilang mga
kapakanan kaysa sa mga tao.
D. Mas magiging maunlad ang isang bansa kung maayos na naipatupad
ang mga ideolohiya na nararapat para sa mga nasasakupan.

44. Ano ang naging epekto ng mga samahang pangkababaihan at ng mga


kalagayang panlipunan tungo sa pagkakapantay-pantay sa Timog at
Kanlurang Asya?
A. Nagkaroon ng karapatan ang mga kababaihan sa lipunang kanilang
ginagalawan.
B. Naging balakid ang mga kababaihan sa pagtamo ng kalayaan ng mga
bansa.
C. Mas nawalan ng kalayaan at karapatan ang mga kababaihan.
D. Naging sakit sila ng lipunan.

45. Alin sa mga sumusunod ang samahan na naitatag ng mga kababaihan


sa Timog Asya?
A. Womens League
B. Rights of Women
C. Assembly of Women
D. National Council of Indian Women

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
46. Bakit sumiklab ang Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese?
A. Nagkaroon ng alitan dahil kinuha ng mga British ang mga barkong
pangkalakalan ng mga Burmese.
B. Itinuturing ng mga British na pagtataksil ang pakikipagkasundo ng
mga haring Burmese sa bansang France.
C. Paglusob ng mga Burmese sa Assam, Arakan, at Manipur na
itinuturing ng mga British na panghihimasok.
D. Nawalan ng karapatan ang mga Burmese na dumaan sa mga rutang
pangkalakalan na dati nilang pag-aari.

47. Alin sa mga patakaran na ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas


noon ang makikita pa rin ang pagkakahawig ng konsepto sa
sistemang pang-ekonomiya natin ngayon?
A. Encomienda C. Reduccion
B. Polo y Servicio D. Tributo

48. Alin sa mga makabayang samahan sa Indonesia ang pinamunuan ni


Sukarno laban sa mga mapaniil na patakaran ng mga Dutch?
A. Budi Utomo
B. Sarekat Islam
C. Indonesian Nationalist Party
D. Indonesian Communist Party

49. Isa ang Pilipinas sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga


kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Pilipino
na nakipaglaban para makamit ang kalayaan. Pagsunud-sunurin ang
mga pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng mga Pilipino
ng damdaming nasyonalismo.

I. Pakikipaglaban ni Lapulapu sa mga Espanyol


II. Pamumuno ni Andres Bonifacio sa rebolusyon
III. Pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora
IV. Pagsulat ni Rizal ng nobelang Noli Me Tangere

A) I, II, III, IV C) I, III, IV, II


B) I, II, IV, III D) I, IV, II, III

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
Pag-aralan ang Timeline para masagutan ang mga tanong sa aytem 50-52.

50. Kailan natigil ang pananakop ng Japan sa China?


A. 1931 C. 1942
B. 1936 D. 1949

51. Paano nakamit ng mga Tsino ang kanilang kalayaan mula sa


kamay ng mga kanluranin?
A. Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan
sa paglaya ng China.
B. Nagkaisa ang mga komunista at nasyonalista Tsino upang harapin
ang mga mananakop.
C. Binuo ang United Front bilang paghahanda ng mga Tsino sa
pakikipaglaban sa kanila.
D. Itinatag ng mga komunista ang People’s Republic of China sa
pamumuno ni Mao Zedong.

52. Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag? Pahayag


1 Nagtulungan ang mga komunista at nasyonalistang Tsino laban sa
mga Hapones
Pahayag 2 Natalo ni Mao Zedong si Chiang Kai-Shek.
A. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali
B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
C. Parehong pahayag ay tama
D. Parehong pahayag ay mali

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
53. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga prinsipyong
isinulong ni Sun Yat-Sen?
A. Demokrasya C. Komunismo
B. Kabuhayang Pantao D. Nasyonalismo

54. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya


ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?

A. Nag-alab ang damdaming makabayan kaya madami ang lumaban.


B. Nagpatuloy ang kaguluhan dahil sa pagkakaroon ng digmaang
sibil.
C. Marami ang nawalan ng kabuhayan dahil sa mga napinsalang
ari-arian.
D. Nagkaroon ng tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at
komunismo.

55. Anong pagpapahalaga ang nais pukawin ni Jose Abad Santos ng


kanyang wikain na, “Hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong
mamatay para sa bayan”?
A. Pagpatay upang maipagtanggol ang kalayaan at bayan.
B. Pag-aalay ng buhay na taos sa kalooban para sa bayan.
C. Paghihintay ng pagkakataon na mamatay sa sariling bayan.
D. Pagkitil ng buhay upang ipakita ang pagmamahal sa bayan.

56. Sa kasalukuyan, mahigpit na pinagtatalunan ng maraming bansa


ang usapin kaugnay ng teritoryo gaya ng sa West Philippine Sea.
Maraming mga Pilipino ang nangangamba na maaaring mauwi sa
digmaan ang pag-aagawang ito kung hindi ito mareresolba. Sa iyong
palagay, ano ang dapat isaisip kung papasok ang ating bansa sa
kasunduan?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating
karapatan.
B. Ipagpapatuloy ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating
ekonomiya.
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang
kapayapaan.
D. Pagtitibayin ang alyansa sa malalakas na bansa bilang
paghahanda sa digmaan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
57. Paano nakapag-ambag ang mga kababaihang Asyano gaya nila
Corazon Aquino (Pilipinas), Megawati Sukarnoputri (Indonesia), at
Aung San Suu Kyi (Myanmar) sa kanilang bansa?
A. Pinanatili nila ang moral na pagpapahalaga ng mga tao sa kanilang
pamumuno.
B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihan sa
pamumuno ng bansa.
C. Pinagsikapan nilang itaguyod ang pagtamasa ng demokrasya sa
kanilang bansa.
D. Pinaunlad nila ang ekonomiya ng bansa sa panahon ng kanilang
panunungkulan.

58. Ayon kay Confucius, tungkulin ng nasa ilalim na sundin at igalang


ang nakatataas sa kanya. Kaya naman sa limang relasyon na
kanyang iniatas, makikita na may nakatataas at may nasa ilalim. Alin
sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tanging pantay na relasyon?
A. kaibigan sa kaibigan
B. ama sa anak na lalaki
C. asawang lalaki sa asawang babae
D. emperador sa nasasakupang mamamayan

59. Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag kaugnay


ng neokolonyalismo?
Unang Pahayag: Ang mga mayayamang bansa ay nagkakaloob ng
tulong pinansiyal at militar sa mga dating kolonya na kalimitan ay
nasa Asya at Africa.
Ikalawang Pahayag: Nagiging instrumento ng mga kapitalistang
bansa ang mga institusyon gaya ng International Monetary Fund
(IMF) at World Bank (WB) sa pagtataguyod ng neokolonyalismo.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Mali ang una at ikalawang pahayag
C. Tama ang unang pahayag samantalang mali naman ang ikalawa
D. Mali ang unang pahayag samantalang tama naman ang ikalawa

60. Masasalamin sa kultura ng mga Asyano ang pagpapahalaga sa


kabutihang asal kaya naman naging bahagi ng pang-araw-araw na
buhay ang mga katagang, “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin nila sa iyo.” Saang aral nakabatay ang golden rule na ito?
A. Confucianism C. Shintoism
B. Legalism D. Taoism

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
Susi sa Pagwawasto

1 C 31 A
2 D 32 D
3 B 33 A
4 A 34 A
5 C 35 D
6 D 36 D
7 A 37 D
8 B 38 A
9 A 39 C
10 D 40 C
11 A 41 D
12 C 42 B
13 C 43 D
14 D 44 A
15 C 45 D
16 B 46 B
17 C 47 D
18 A 48 C
19 D 49 C
20 C 50 C
21 B 51 D
22 D 52 C
23 D 53 C
24 D 54 A
25 D 55 B
26 A 56 A
27 D 57 C
28 B 58 A
29 B 59 A
30 A 60 A

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education

Remembering

Understandin

Evaluating
No. Competencies No. Percentage No. Item

Analyzing
Applying

Creating
of of Placement
Days Item
s

g
1 Napapahalagahan 1 2 1 1 1,2
ang ugnayan ng
tao at kapaligiran
sa paghubog ng
kabihasnang
Asyano

2 Naipapaliwanag 2 2 2 3,4
ang konsepto ng
Asya tungo sa
paghahating
– heograpiko:
Silangang
Asya,
Timog-Silangang
Asya, Timog-
Asya,
Kanlurang Asya,
Hilagang
Asya at Hilaga/
Gitnang Asya
3 Nailalarawan ang 3 2 1 1 5,6
mga katangian ng
kapaligirang
pisikal sa mga
rehiyon ng Asya
katulad ng
kinaroroonan,
hugis, sukat,
anyo, klima at
“vegetation cover”
(tundra, taiga,
grasslands,
desert, tropical
forest, mountain
lands)

4 Nakakagawa ng 3 5 3 1 1 7,8,9,10,11
pangkalahatang
profile
ng
heograpiya ng
Asya

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
5 Nailalarawan ang 3 4 4 12,13,14,15,
mga yamang likas
ng Asya

6 Napapahalagahan 1 2 2 16,17
ang mga
kaisipang,
Asyano,
pilosopiya at
relihiyon na
nagbigay-daan sa
paghubog
ng sinaunang
kabihasnan
sa Asya at sa
pagbuo ng
pagkakilanlang
Asyano

7 Nasusuri ang 1 2 1 1 18,19


paghubog, pag-
unlad at
kalikasan ng mga
pamayanan at
estado
8 Nakakabuo ng 1 2 1 1 20,21
mga kongklusyon
hinggil sa
kalagayan,
pamumuhay at
development ng
mga sinaunang
pamayanan

9 Nabibigyang 3 4 1 2 1 22,23,24,25,
kahulugan ang
konsepto ng
kabihasnan at
nailalahad ang
mga katangian
nito
10 Napaghahambing 3 1 1 26
ang mga
sinaunang
kabihasnan sa
Asya (Sumer,
Indus, Shang)

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
11 Napahahalagahan 3 4 2 2 27,28,29,30
ang mga bagay at
kaisipang
pinagbatayan
(sinocentrism,
divine origin,
devajara) sa
pagkilala sa
sinaunang
kabihasnan

12 Nasusuri ang mga 5 6 3 1 2 31,32,33,34,3


dahilan, paraan 5,36
at epekto ng
kolonyalismo at
immperyalismo
ng mga
Kanluranin sa
unang yugto (ika-
16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa
Timog at
Kanlurang Asya
13 Nasusuri ang mga 3 3 1 2 37,38,39
salik, pangyayari
at kahalagahan
ng nasyonalismo
sa pagbuo ng mga
bansa sa Timog at
Kanlurang Asya
14 Natatalakay ang 3 3 2 1 40,41,42
karanasan at
implikasyon ng
digmaang
pandaigdig
sa
kasaysayan ng
mga bansang
Asyano
15 Nasusuri ang 2 2 1 1 43,44
karanasan at
bahaging
ginampanan ng
mga kababaihan
tungo
sa
pagkakapantay-

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
pantay,
pagkakataong
pang-ekonomiya

at karapatang
pampolitika
16 Napahahalagahan 3 1 1 45
ang bahaging
ginampanan ng
nasyonalismo sa
pagbibigay wakas
sa imperyalismo
sa Timog at
Kanlurang Asya
17 Nasusuri ang mga 7 2 1 1 46,47
dahilan, paraan
at epekto ng
kolonyalismo at
imperyalismo ng
mga Kanluranin
sa unang yugto
(ika-16 at ika-17
siglo) pagdating
nila sa Silangan
at Timog-
Silangang Asya
18 Nasusuri ang mga 8 6 2 2 1 1 48,49,50,51,5
salik, pangyayari 2,53
at kahalagahan
ng nasyonalismo
sa Silangan at
Timog-Silangang
Asya
19 Natatalakay ang 3 3 1 2 54,55,56
karanasan at
implikasyon ng
digmaang
pandaigdig
sa
kasaysayan ng
mga bansang
Asyano
20 Nasusuri ang 2 1 1 57
karanasan at
bahaging
ginampanan ng
mga kababaihan
tungo

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
sa
pagkakapantay-
pantay,
pagkakataong
pang-ekonomiya
at karapatang

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)
Republic of the Philippines
Department of
Education
pampolitika
21 Natataya ang 1 1 1 58
bahaging
ginampanan ng
relihiyon sa iba’t
ibang aspekto ng
pamumuhay
22 Nasusuri ang mga 1 1 1 59
anyo, tugon at
epekto sa neo-
kolonyalismo sa
Silangan at
Timog-Silangang
Asya
23 Napahahalagahan 2 1 1 60
ang mga
kontribusyon ng
Silangan at
Timog-Silangang
Asya sa kulturang
Asyano.

Inihanda nina:

MICHELIN G. DANAN
SDO-Pampanga-Betis National High School
Teacher III

CATHERINE M. GAZA
SDO-Pampanga-San Roque Dau High School
Master Teacher I

MARILYN D. SACDALAN
SDO-Balanga City- Bataan National High School
Teacher III

JENNY C. MANGAWANG
SDO-Balanga City-City of Balanga National High School
Master Teacher I

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P)

You might also like