You are on page 1of 49

Ang Asya ang pinakamalaking

kontinente sa daigdig. Dahil sa


lawak ng sakop ng Asya,
magkakaiba ang uri ng
topograpiya, klima, at vegetation
cover ng mga lupaing kabilang
dito. Bunga nito, nagkakaiba rin
ang uri ng pamumuhay at kultura
ng mga taong naninirahan dito.
Pamilyar ka ba sa Asyang
pinaninirahan mo?

Ano ang Asya para sa iyo?

Ito ba ay isa lamang lupalop o


mayroon ka pang ibang ibig
ipakahulugan sa salitang Asya?
Aralin 1 Ang Asya sa Daigdig
Sagutan ang simulan (journal
entry) sa pahina 3
Globo
Asya bilang Konseptong
Heograpikal
 Ang Asya ay isa sa
pinakamalaking lupalop o
kontinente sa daigdig.
 Ito ang pinakamalaking lupalop
na may sukat na 44, 579,000
kilometro kuwadrado.
 Ito ay halos ikatlong bahagi ng
kabuuang kalupaan ng daigidig.
Mas malaki ang Asya kaysa sa
pinagsama-samang sukat ng mga
lupalop ng Australia, Europa, at
Hilagang Amerika.
Ang Asya rin ang may
pinakamahabang baybayin na
mayroong sukat na 62,800
kilometro.
Sa pangkahalatan, ang mga bahagi
ng Asya ay matatagpuan sa
silangan at hilagang hating-globo.
Matatagpuan sa Asya ang lahat ng
uri anyong lupa, anyong tubig, at
klima.
Tatlo sa mga karagatan ng
daigdig-
Artiko Indiyano
Pasipiko
Ito ang mga pumapalibot sa
lupalop ng Asya.
Tahanan din ito ng napakaraming
hayop at halaman
Ilansa mga hayop na sa Asya
lamang matatagpuan ay ang
Asyanong elepante at tigre,
kamelyo, king cobra, Komodo
dragon, at panda.
Sa Asya rin matatagpuan ang
pinakamataas na lugar sa mundo,
ang Bundok na Everest na bahagi
ng Kabundukan ng Himalayas sa
Timog Asya.
Sa lupalop din na ito matatagpuan
ang pinakamababang bahagi ng
daigdig, ang Dead Sea na nasa
Kanlurang Asya.
Pinaghati-hating Lupalop
Kardinal na lokasyon-Hilaga,
Kanluran, Silangan, Timog at Timog-
Silangan
Silangan, gitnang silangan at
malayong silangan.
Nariyan din ang pagkakahati na
batay sa mga magkakalapit na mga
bansang lubos na magkakaugnay
ang ekonomiya at pamumuhay.
Nariyan ang bahagi ng Asya-
Pasipiko at ang bahagi ng bayan ng
mga Arabo bilang ilang halimbawa.
Nagbunga ang paghahating ito sa
iba’t iba, at kadalasang nakalilitong
mga katawagan.
Nagpapatunay lamang ito na ang
Asya bilang bahagi ng daigdig ay
tunay na malaki at komplikado.
Ang pagtingin sa Asya bilang isang
konseptong heograpikal ay ang
pagtingin sa Asya bilang lupalop
na nagbubuklod sa mga anyong
lupa at anyong tubig, sa mga
hayop, halaman at mga
kapakinabangan, at sa mga taong
naninirahan dito.
Dapat nating maunawaan na ang
kasaysayan at ang kasalukuyang
pamumuhay ng mga tumuturing
sa Asya bilang tahanan ay
naaapektuhan ng kanilang
kapaligiran. Maging ang kapaligiran
ay naaapektuhan din ng mga
taong naninirahan dito.
Asya bilang Konseptong
Kultural
Ang Pangalang Asya ay nagmula sa
salitang Griyego na ‘Aoia o Asie.
Mula ito sa pangalan ng isang
nimpa ng karagatan sa
mitolohiyang Griyego na
pinaniniwalaang nagmula sa
dulong silangan ng Europa.
Ayon pa sa mitolohiya, siya ay
asawa ni Prometheus, isang Titan
na lumikha sa sangkatauhan. Ang
pangalan namang ito ay
pinaniniwalaang hango sa salitang
Akkadian (2500BKP hanggang 800
BKP) na asu na ang ibig sabihin ay
lumabas at bumangon, marahil dahil
sa bahaging ito namamataang
sumisikat ang araw.
Si Herodotus ang ama ng
kasaysayan, ang unang sumulat at
tumukoy sa bahaging ito ng
daigdig bilang Asya noong 440
BKP.
Ang mga pangkat ng tao at mga
pamayanang dati nang naninirahan
sa bahaging ito ng daigdig ay may
sari-sariling tawag sa kanilang mga
maliliit na lupain. Hindi pa nila
lubos na nababatid na sila ay nasa
isang lupalop at hindi rin nila ito
tinatawag na Asya noon. Noong
una, Asya ang ibinigay na pangalan
ng mga Griyego, na mga taga-
Europa, sa kanlurang bahagi ng
lupalop na ito na malapit sa
kanilang pamayanan.
Sila ang unang pangkat ng tao na
tumuring sa mga pamayanan,
estado, at kaharian bilang isang
pamayanang maaaring mayroong
nagkakaparehong kultura.
Samakatuwid, ang Asya ay isang
banyagang konsepto para sa mga
naninirahan sa lupaing ito. Hindi
naglaon ay tinanggap na rin ng mga
naninirahan dito ang pangalang
Asya at lumipas pa ang maraming
siglo, ito na ang pangalan ng buong
kontinente sapagkat ito na ang
nakatala at nakasanayan.
Sa mahabang panahon, kaakibat
ng Asya bilang konseptong
kultural ang mga katangiang
kakaiba (exotic), tradisyonal, at
espiritwal. Laman ng maraming
panitikan, lathalain, at pelikula ang
mga kakaibang pangyayari na sa
Asya lamang maaaring matagpuan.
Naririyan din ang mga tradisyon at
disiplinang panlipunan, pampamilya
at pandaigdigang relihiyon. Kaakibat
na ng pag-unlad ng kasaysayan ng
Asya ang mga ganitong uri ng
pagpapakahulugan.
Sa kasalukuyan, halos kalahati ng
buong populasyon ng mundo ay
naninirahan sa lupalop ng Asya.
Humigit-kumulang na apat at
kalahating bilyong tao ang
tumuturing dito bilang tahanan.
Hindi pa kasama sa bilang na ito
ang mga pamilyang nandayuhan na
at lumipat na sa ibang lupalop.
Nasa Asya ang mga pinakamalalaking
bansa kagaya ng Rusya na may sukat
na 17,125, 200 kilometrong kwadrado.
Nasa lupalop ding ito ang mga
bansang may pinakamalaking bilang ng
populasyon kagaya ng Tsina na
mayroong mahigit 1.3 bilyong
mamamayan at India na mayroon ding
populasyon na higit sa 1.3 bilyong
katao.
Unang araw-Asynchronous
Sagutan ang mga sumusunod na
tanong:
1. Magbigay ng ilang mga bansang
kabilang sa Asya.
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang
kasaysayan ng kontinenteng Asya?
3. Paano mo mailalarawan ang Asya
bilang isang kontinente?
Ikalawang araw-Synchronous
Balik Aral
Buuin ang mga pangungusap punan ng tamang
sagot ang bawat patlang.
1. Ang pangalang Asya ay nagmula sa salitang
____________ na ‘Aoia o Asie.
2. Si ___________ ang ama ng kasaysayan.
3. Tatlo sa mga karagatan ng daigdig-ang Artiko,
___________, at Indyano-ang pumapalibot sa
lupalop ng Asya.
4. Ang __________ang pinakamalaking
kontinente sa daigdig.
5. Ito ang pinakamataas na lugar sa mundo,
____________________.
Katangian ng Kultural ng
Asya
Nagbigay ang historyador na si
Colin Mason ng mga higit na
kapuna-punang katangian ng Asya
bilang isang konseptong kultural.
Ayon sa kaniya, ang Asya ay
kakikitaan ng mga ekonomiyang
kolonyal. Maaaring may ilang mga
bayan at bansa nang bumabangon na
mula rito, ngunit nariyan pa rin ang
mga bayan at bansang nakasandig sa
mga malalakas na ekonomiyang dating
sumakop sa kanila. Mayroong yugto sa
kasaysayan ng Asya na halos lahat ng
bansa at bayan dito ay nasakop ng
mga makapangyarihang mga bansa
mula sa ibang bahagi ng mundo.
Sa loob halos ng kalahating milenyo,
ang mga banyagang mananakop na ito
ay nanatili sa Asya. Dito sila ay nagdala
ng kanilang mga batas at alituntunin,
mga paniniwala at relihiyon, at mga
tradisyon at pagpapahalaga. Ang
kanilang pagdating at pananatili sa Asya
ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
lahat ng aspekto ng pamumuhay. Isa sa
mga pinaka-naapektuhan ay ang
kabuhayan at ekonomiya ng mga
Asyano.
Marami sa mga industriya ang namatay
dahil mayroon lamang iilang industriya
na pinahahalagahan ang mga
mananakop. Bumuo ang mga
mananakop ng maraming bagong
sistema ng agrikultura, pangangalakal, at
pagbabayad ng buwis. Naging madalas
din at halos walang katapusan ang
pagsandig ng mga kolonya sa kanilang
mananakop.
At kahit ilang taon na ang nakalilipas
matapos ang panahon ng kolonyalismo
at imperyalismo, nakasandig pa rin ang
maraming bansa at bayan sa mga
makapangyarihang bansa na ito. Buhay
na buhay pa rin ang mga sistemang
naiwan at sadyang napakahirap na
baguhin o hindi naman kaya ay ibalik sa
dati. Ang kabuhayan at ekonomiya ng
Asya sa kasalukuyan ay mayroong
ganitong katangian.
Ikalawa sa mga kapuna-punang
katangian ng Asya ay ang malaking
agwat sa pagitan ng mga mayamang
mamamayan at mahihirap na
mamamayan ng isang bansa. Maaaring
bunga ito ng pagkakaroon ng kolonyal
na ekonomiya ng maraming bansa at
bayan sa Asya. Umuusbong ang hindi
pagkakapantay-pantay ng mga
mamamayan sa Asya.
Ilan sa mga tuwirang dahilan ng agwat
na ito ang mga sumusunod:
• hindi pantay na sahod ng mga
manggagawa sa isang bansa at sa iba
pang mga bansa;
• hindi pantay na pagtrato at pagbibigay
ng oportunidad sa mga
manggagawang walang kasanayan at
sa mga manggagawang mayroong
kasanayan;
• polisiyang nilikha ng pamahalaan at
pagbubuwis; at
• edukasyon at iba pang institusyong
panlipunan
Pang huli, ayon kay Colin Mason, ang
mga Asyano sa kasalukuyan ay
mayroong papataas na occidentalist na
pananaw. Mula ito sa konsepto ng
Occidentalism,akda nina Ian Buruma at
Avishai Margalit, na tumatalakay sa
kasalukuyang disposisyon ng mga
Asyano patungkol sa mga Kanluranin
at iba pang hindi taga-Asya.
Ang Occidentalism ay ang kasukdulang
pananaw kontra sa mga Kanluranin.
Ilan sa mga bunga nito ay ang pag-iiba
ng pananaw hingil sa pamumuhay sa
isang lungsod, pagtakwil sa agham at
pangangatwiran, pagtaliwas sa burges
na pamumuhay, at pagkagalit sa mga
hindi nananampalataya. Ito marahil ay
tugon ng mga Asyano sa naunang
pagtingin ng mga Kanluranin sa kanila.
Kakaiba (exotic) at mababang uri
Sinasalamin ang mga hindi patas na
pagtinging ito sa akdang Orientalism ni
Edward Said. Ayon sa kaniya, nag-ugat
din ang mga pananaw at ideolohiyang
oriental sa kolonyalismo. Ginamit
aniya ang pananaw na ito upang
maisakatuparan ang kolonyalismo at
mapalawig pa ang pananatili ng
kapangyarihan ng Kanluraning
mananakop.
Asyanong Pagpapahalaga
Ang ilan sa mga pagpapahalagang
Asyanong ito ay ang mga sumusunod:
• Ang pagkakabuklod-buklod o
pagsasama-sama ng mga miyembro,
mapa-pamilya man ito o mapa-lipunan
ay ninanais ng mga Asyano tungo sa
pagkamit ng iisang hangarin o mithiin.
• Ang pangkalahatang kapakinabangan
ang madalas na iniisip ng mga Asyano.
Kahit ang sariling kapakanan ay handa
nilang isakripisyo para sa ikaaayos ng
lahat. Ganito rin ang inaasahan sa lahat
ng miyembro ng pangkat o lipunan.
• Ang edukasyon para sa mga Asyano
ay mataas na pagpapahalaga. Ito ang
nagbibigay kapangyarihan sa kanila
upang maabot ang mithiin. Dito rin
nag-uugat ang pagnanais ng mga
Asyanong maisulong ang teknolohiya.
• Ang mga Asyano ay kilala sa pagiging
masinop. Sila ay kakikitaan ng pagiging
masigasig sa pag-iipon at paghahanda
para sa mga mas makabuluhang bagay.
Asya bilang Konseptong
Politikal
Ang Asya ay mayroong humigit-
kumulang na limampung bansa. Ang
mga bansang ito ay mayroong iba’t
ibang anyo, ideolohiya, at pamamaraan
ng pamamahala. Iba-iba rin ang mga
anyo ng kani-kanilang mga batas at
alituntunin. Ang lupalop din na ito ay
kakikitaan ng mga kaharian. Mayroon
ding mga republika, sosyalista,
sultanato, at nasa ilalim ng diktadurya
at pamahalaang totalitaryanismo.
Bagama’t ang konsepto ng
demokrasya ay banyaga sa Asya,
noong dumating naman ito ay
binigyan ng sariling mukha. Ang
kapangyarihan mula sa mamamayan
ay nalimitahan. Ang kalayaang
pangako ng demokrasya ay
nagkaroon ng karampatang bigat ng
responsibilidad at tungkulin. Ilan sa
mga ideolohiyang pampamahalaan at
pang-ekonomiya ang binigyan ng
bagong mukha sa Asya.
Ito ay sinusundan ng iba pang bansa.
Ang iba ay tinututulan ang mga
pamamaraang ito. Mayroon namang
mga bansa sa ibang lupalop na
sinusubaybayan ang mga kilos ng mga
bansa sa Asya upang malaman kung
matagumpay ba o hindi ang
pagsasakatuparan sa mga ideolohiya at
paraan ng pamamahalaang ito.
Nasa Asya rin ang ilan sa mga
pinakamayayamang bansa sa buong
mundo katulad ng Qatar, Singapore,
Brunei, Kuwait, at United Arab
Emirates.
Naririto rin ang mga malalaking
ekonomiya ng Tsina, Hapon, at India.
May mga kaso rin ng agawan ng
nasasakupan.
Maaaring ang dahilan ay dahil sa likas
na yaman na matatagpuan sa pinag-
aagawang teritoryo o kaya ang maling
pagkakahati at pagkabuo ng mga bansa
ng dahil sa kolonyalismo at
imperyalismo.
May mga pagkakataon na hindi sapat
ang kaalaman ng mga mananakop kaya
nasasama nila ang mga pangkat etniko
na hindi naman dapat magkasama na
nagiging dahilan ng alitan.
 Upang maiwasan ang mga alitang ito at
mas lalong mapaunlad ang kabuhayan sa
lupalop ay nagtatag ang mga koopersyon
pang-ekonomiya at pangseguridad upang
mapangalagaan ang kapakinabangan ng
mga bansa sa Asya. Nakabatay ito sa ideya
na dapat ang mga bansang bahagi ng Asya
ay nagkakasundo sa maraming bagay para
sa ikabubuti ng nakararami.
Ikalawang araw-Asynchronous

Aralin 1 Ang Asya sa Daigdig


Sagutan ang Unawain A at B at Pagnilayan
pahina 9-10.
Sanggunian:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.sli
deshare.net%2Fchikath26%2Funang-
markahan&psig=AOvVaw03sehRCCJbvX3kC6ND7WXJ&ust=1
629110693807000&source=images&cd=vfe&ved=0CAsQjRxqF
woTCIDy9rvssvICFQAAAAAdAAAAABA0
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fbrainly.
ph%2Fquestion%2F2793956&psig=AOvVaw03sehRCCJbvX3kC
6ND7WXJ&ust=1629110693807000&source=images&cd=vfe&
ved=0CAsQjRxqFwoTCIDy9rvssvICFQAAAAAdAAAAABBR
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.fa
cebook.com%2F103075694928839%2Fposts%2Fpitong-
kontinente-ng-
daigdig%2F103080288261713%2F&psig=AOvVaw03sehRCCJbv
X3kC6ND7WXJ&ust=1629110693807000&source=images&cd
=vfe&ved=0CAsQjRxqGAoTCIDy9rvssvICFQAAAAAdAAAA
ABCmAQ

You might also like