You are on page 1of 3

ANG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA

TIMOG AT KANLURANG ASYA


Ang Asya ay nakaranas ng mahabang panahon ng pananakop ng mga Europeo o Kanluranin.
Ang Pilipinas ay isa lang sa maraming bansang sumailalim at naapektuhan sa pananakop na ito.
Maraming nagbago at mayroon rin namang mga nanatili na lubhang nakaapekto sa kasaysayan at
kasalukuyang panahon sa mga bansa sa Asya. Ang naganap sa panahong iyon ay tinawag na
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya.

Sa araling ito, tatalakayin ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo,
at maging ang mahahalagang papel nito sa mga pagbabagong idinulot sa pamumuhay ng mga Asyano.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang: a) natutukoy ang mga dahilan, paraan at epekto ng


kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin, b) natatalakay ang mahalagang papel ng kolonyalismo at
imperyalismo sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya, at c) napapahalagahan ang mga nagbago at
nanatili sa ilalim ng kolonyalismo.

Mga Paraan ng Pananakop

KOLONYALISMO

 Isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas
na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
 Pagtatatag ng kolonyal, pagpapataw at paniningil ng buwis at pagsasagawa ng mga batas na
makabubuti sa mga mananakop.

IMPERYALISMO

 Nangangahulugang ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong


pangpolitika, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado
upang maging makapangyarihan.
 Ang pagtatatag ng maraming kolonya ang magbibigay daan sa pagpapalawak ng mga
nasasakupan upang makapagtatag ng imperyo.

PROTECTORATE

 Isang sistema na kung saan ay mayroong sariling pamahalaan ang isang bansa ngunit ang mga
patakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas.

MANANAKOP NASAKOP

Portugal Calicut, Diu at Goa sa India Portugal Calicut, Diu at Goa sa India

England India, Iraq, Palestine (ngayon ay Israel),


Westbank, Gaza Strip at Jordan
France Ilang bahagi ng India na hindi nagtagal at ang
Syria at Lebanon

Netherlands Isang bahagi ng India

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

MGA DAHILAN NA NAGBUNSOD SA MGA KANLURANIN NA MAGTUNGO SA ASYA

KRUSADA • Ang mga ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga


Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa
Israel na napasakamay ng mga Muslim.
• Ang Krusada ay nagdulot ng pagbubukas ng pakikipagkalakalan ng mga
Europeo sa mga bansa sa Silangan. Nakilala sa mga bansang Europeo ang
mga produktong mula sa Silangan kung kaya’t sila ay naghanap ng mga
ruta upang makarating sa Asya.

PAGLALAKBAY
NI MARCO POLO • Isang adbenturerong mangangalakal na taga Venice si Marco Polo. Siya
ay nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan ng Dinastiyang Yuan.
Siya ay kinalugdan at nagsilbing tagapayo ni Kublai Khan at itinalagang
maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng emperador.
RENAISSANCE  Ang Renaissance ay isang kilusan na naganap noon sa Europa.
• Umiral ito mula ika-14 hanggang ika-16 na siglo kung saan muling
pinanumbalik ang mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma.
• Ang kaganapang ito ay nagpabago sa larangan ng kalakalan at negosyo na
nagdulot ng pagbabago sa mga gawaing pang-ekonomiya sa Europa.

PAGBAGSAK NG  Ang Constantinople ay nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa


CONSTANTINOPL patungo sa mga bansa sa Silangan dahil sa lokasyon nito.
E • Ito ang maituturing na pinakamalapit na teritoryo sa Asya na malapit sa
Europa Noong 1453.
• Bumagsak ito sa mga kamay ng mga Turkong Muslim na nagtulak sa mga
mangangalakal mula Europa na maghanap ng panibagong ruta upang
maipagpatuloy ang pakikipagkalakalan sa mga bansa sa Asya.

MERKANTILISM  Ang Merkantilismo ay ang isang prinsipyong pang-ekonomiya na umiral


O sa Europa kung saan ang konsepto ng yaman ng isang bansa ay nakabatay
sa ginto at pilak na mayroon ito.
• Dahil dito, kinailangan ng mga Europeo na humanap ng ligtas at mabilis
na rutang pangkalakalan tungo sa mga teritoryong maaaring mapagkunan
ng ginto, pilak at iba pang likas na yaman at hilaw na sangkap.

Para sa karagdagang kaalaman at pagpapaliwanag :

https://www.youtube.com/watch?v=NIRUZB5uAb4

You might also like