You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Calaca Academy, Inc.

BANGHAY ARALIN

Araling Panlipunan 7
Oct. 21-25, 2019

Paksang Aralin: Kolonyalismo sa Timog Asya


Mga Sakop na Aralin:
Sanggunian: Paglinang sa Kasaysayan –Araling Asyano
pp. 179-184
Antas I – Inaasahang Bunga
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral aynaipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag- unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagkatuto:

AP7TKA-IIIa- 1.1
Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
Naihahambing ang mga karanasan sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at
imperyalismong Kaluranin.

Mga Kakailanganing Pang-unawa

Nakasentro ang British East India Company ay nakasentro sa Bombay at naitatag noong
1600.
Nagsimula ang rebelyon dahil sa pagkaroon ng bagong ripple na may paper cartridge.

Mga Mahahalagang Tanong


Saan nakasentro ang British east India Company at kalian ito naitatag?
Bakit nagsimula ang rebelyon sa pagitan ng mga sepoy?
Antas II – Pagtataya
Antas ng Pagganap
Pagpapaliwanag

Iba pang Patunay


Protektahan ang Prinsesa --------------------------------------------Time Line
Pangkatang Gawain -------------------------- Pagsagot sa mga katanungan

Antas III – Mga Plano ng Pagkatuto

A. Tuklas
Protektahan ang Prinsesa!
Gumawa ng isang kwento na pumapatungkol sa pagpoprotekta ng napiling prinsesa ng
bawat grupo. Sa itinakdang oras kinakailangang hindi makuha ng kabilang grupo ang prinsesa.

B. Paglinang
Pangkatang Gawain
Itatakda ang paksa upang talakayin.
1. Unang Grupo- Mga salik sa paggalugad ng mga bansang kanluranin.
2. Ikalawang Grupo- Ang pangunguna ng Portugal sa pagtuklas at paggalugad sa
India.
3. Ikatlong Grupo- Pag-aagawan ng mga bansang Kanluranin sa India.
4. Ikaapat na grupo- Pananatili at pamamahala ng mga Briton sa India.
5. Ikalimang grupo- Mga pagbabagong panlipunan sa India sa panahon ng
Kolonisasyon.
C. Pagpapalalim
TimeLine
Gumawa ng timeline na nagpapakita ng pagdating at pananakop ng mga bansang
kanluranin sa India.

D. Paglilipat
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Bakit Portugal ang nanguna sa paglalakbay sa karagatan?


2. Makatuwiran ba ang naging dahilan ng mga Europeo sa kanilang paglalakbay sa ibang
lupain? Ipaliwanag.
3. Bakit kinuha ng kaharian ng Britanya ang pamamahala sa India mula sa British East
India Company?
4. Nagkaroon din ba ng pakinabang ang India sa pagdating ng mga Kanluranin?
5. Maayos ba ng naging pakikitungo at pamamalakad ng mga Briton sa India?

Calendar of Activities
Sesyon 1 Sesyon 2 Sesyon 3 Sesyon 4
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4
(Pagtuklas) (Paglinang) (Pagpapalalim) (Paglilipat)
Protektahan ang Pangkatang Gawain TimeLine Pagsagot sa mga
Prinsesa! katanungan

Malayang Talakayan

Inihanda ni:

JENNELYN B. TUMBAGA
Guro sa Araling Panlipunan

Pinagtibay nina:

MEJIA REGINA D. NAVARRO, RN, MAN, LPT RENIE C. HERNANDEZ, LPT


Akademik Koordineytor Punungguro, JHS/SHS

You might also like