You are on page 1of 13

7 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Ikalawang Yugto: Panahon ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(Ika-18 Hanggang 19 na siglo)

Manunulat: Monalisa M. Santos

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ikalawang Yugto: Panahon ng Kolonyalismo at
Aralin Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(Ika-18 Hanggang 19 na siglo)

Alamin

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:

 nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga


kanluranin sa ikalawang yugto (ika-18 at ika-19 na siglo) pagdating nila sa Timog at
kanlurang Asya;

 naisa-isa ang mga epekto ng pananakop sa Timog at Kanlurang Asya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin

Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang makabuo ng mga salita/parirala na


may kaugnayan sa ikalawang yugto ng pananakop na naganap sa Timog at Kanlurang Asya.
Isulat ang iyong sagot sa kahon sa bawat bilang.

.
1. 2.
NYSAON TALPIK
OMALIS A SMOI

Ang pagpapakita ng damdaming makabansa. Ito ay isang sistema kung saan


mamumuhunan ng kanyang
salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes.

3. 4.

TEWHI M
A N ‘S B E R LUSYREB
DUN O ONG IN
DUSYALT
RI

Isang tulang isinulat ni Rudyard Kipling upang Tumutukoy sa mga makabagong


ipaunawa sa mga Asyano ang kanilang layunin teknolohiya, makinarya upang padaliin
sa pananakop. at pabilisin ang paggawa partikular na
sa industriya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Balikan
Matapos mong masagutan ang unang pagsubok, susubukin naman ang iyong
kakayahang maibuod ang layunin ng kolonyalismo sa Asya. Sa pamamagitan ng mga
larawan sa ibaba, tukuyin ang tatlong salita at subukin mong ipaliwanag kung bakit ito
ang hinangad ng mga kanluranin upang makapanakop sa iba’t-ibang bahagi sa Timog at
Kanlurang Asya.

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Royal_Crown_of_France.svg

3 G’s

Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:

Pamprosesong mga Tanong:


1. Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang Timog at Kanlurang Asya?
2. Anong bansa ang sinakop ng Portugal, England at France sa Timog Asya? Sa Kanlurang
Asya?
3. Bakit hindi maagang nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya sa unang yugto ng
pananakop?
4. Paano nabago ang pamumuhay ng Timog at Kanlurang Asya dahil sa pananakop na naganap?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul, iyong malalaman kung paano pinaigting ng
mga Kanluranin ang kanilang pananakop sa Timog at Kanlurang Asya at ang
naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano

Ang prinsipyong pang-ekonomiyang merkantilismo ang umiral sa unang yugto ng


imperyalismo at kolonyalismo sa Europa. Ito ang dahilan ng mga Europeo na makakuha ng mga
lupaing masasakop sa Asya, may mapagkunan ng likas na yaman, hilaw na sangkap at
pagbebentahan ng mga yaring produkto at higit sa lahat upang maging pandaigdigang
makapangyarihan. Ang pagtuklas at panggagalugad ng ruta patungong Asya ay naganap sa mga
nag-uunahang mga kanluraning bansa lalo na ang bansang Portugal at Spain. Subalit mas
umigting pa ang kagustuhan ng iba pang Europeong bansa na makapanakop sa Asya sa ikalawang
yugto ng imperyalismo at kolonyalismo noong ika-18 na siglo. Kung anong mga dahilan at
paraan upang maisakatuparan ang kanilang layunin ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng mga Asyano lalo na sa larangan ng politika, ekonomiya at kultura sa Timog at
Kanlurang Asya. Bilang isang Asyano, paano mo matanggap ang ganitong uri ng pamumuhay sa
ilalim ng pamamahala ng mga mananakop?

GAWAIN: Itapat Mo, Hanay Ko


Basahin at unawain ang mga pangungusap na nasa kahon na tumutukoy sa mga naging
epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya batay sa iba’t-ibang aspekto. Ilagay sa
bawat bituin ang letra ng tamang sagot.

EKONOMIYA PULITIKA KULTURA

A. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.


B. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
C. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
D. Pagpapairal ng wikang Kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.
E. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan
ng produktong Kanluranin.
F. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.
G. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa
gamit ang sariling sistema.
H. Mga kaugalian ay nahaluan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Suriin

Mga Dahilan na Lalong Nagbunsod sa mga Europeo na Maghangad ng Kolonya sa


Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(18 hanggang 19 na siglo)

Mga Pangunahing Salik

Ang nasyonalismo, nais ng mga RebolusyongIndustriyal,


nasyon sa Europa na magkaroon nangangailangan ng mga hilaw na
ng malawak na kapangyarihan materyal na pagkukunan at pamilihan
upang labanan ang kanilang mga na paglalagyan ng mga produktong
karibal na mga bansa. yari na gawa mula sa kanila kaya sila
ay nagpalawak ng kanilang mga
teritoryo.

Kapitalism ay isang sistema kung saan The White Man’s Burden na isinulat ni
mamumuhunan ng kanyang salapi ang Rudyard Kipling, isang manunulat na
isang tao upang magkaroon ng tubo o Ingles, ipinasailalim sa isang kaisipan ang
interes. mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga
Kanluraning bansa. Na ang mga
Kanluranin ay may tungkulin na turuan at
tulungan upang “paunlarin” ang kanilang
nasasakupan.

Dahil sa paghahangad ng mga taga-Kanluran ng mas malaki pang oportunidad sa kanilang mga
kolonya kaya hinimok nila ang kanilang mga mamamayan na maglakbay tungo sa mga bansa sa Asya
at Pasipiko. Ang mga imperyalistang bansa ay gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan upang makakuha
ng bagong lupain. Ang una ay tinatawag na colony, kung saan ay direktang kinokontrol at
pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop na bansa gaya ng ginawa ng Britanya sa
India at Pransiya. Ang protectorate ay mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at
kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Mga Paraan at Epekto ng Pananakop sa Timog at Kanlurang Asya

Ang mga
British sa India

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng East India Company ay nakontrol ng mga British ang


kalakalan ng ruta patungo sa India. Ito ang naging dahilan sa pagiging mayaman ng nabanggit na
kumpanya at nagdala ng malaking kita sa imperyo at sa mga mangangalakal na naging bahagi ng
kalakalan. Nang nalaman ito ng Pransiya ay tinangkang agawain ang India sa kamay ng mga British
subalit hindi sila nagtagumpay. Hindi lamang ang kalakalan ang kinontrol ng mga British kundi
nagpasimula na rin silang magpasok at magturo ng mga kultural na pagbabago sa India. Tulad ng
suttee o sati, ay isang boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng
asawa.Ang mga babaeng balo sa paniniwalang Hindu ay pinagbawalang mag-asawa, nagpanukala ng
batas ang Ingles na sila ay pinayagan ng mag-asawa. Ang pagbaba ng katayuan sa lipunan ng mga
Brahman, ang pagpataw ng buwis sa mga may-ari ng lupain, at ang pagtatangi ng lahi na tanging puti
lamang ang binibigyan ng mataas na posisyon sa pamahalaan hanggang sa isang grupo ng mga kawal
sa India o kilala sa tawag na Sepoy ang nag-alsa upang tutulan ang pagsisimula ng pag-impluwensiya
ng mga British sa kanilang pananampalataya at panlipunang pamumuhay ng mga taga-India ngunit
hindi sila nagtagumpay sa kanilang layunin na mapatalsik ang mga British. Sa larangan ng puliltika,
ang pamahalaang Ingles ang direkta ng mamamahala sa India mula sa British East India Company.
Ipinatupad ang eksaminasyon sa nagnanais mamasukan sa pamahalaan at nagpataw ng mataas na
buwis sa mga magsasaka. Upang maipalaganap ang pangunahing interes sa kalakalan sa India.
Ipinaayos ang mga estado na may hidwaan. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaaan.
Dinala ng mga Ingles ang makabagong kaalaman sa teknolohiya. Upang mabilis na madala ang mga
kalakal sa mga pantalan ipinagawa ang mga daan, tulay, riles ng tren, mga pagawaan, sistema ng
komunikasyon , irigasyon, nagpagawa ng mga ospital para mabigyan ng medikal na atensyon ang
kalusugan ng mga Indian. Maging ang paaralan ay nagpatayo sila at may mga Indian na ipinadala at
pinag-aral sa England.

Ang England at France


sa Kanlurang Asya

Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning England at France


noong 1914 sa pamamagitan ng isang tsarter, o mandato ng Liga ng mga bansa. Ang Iraq at Palestine
(ngayo’y Israel , ang Westbank, ang Gaza Istrip, at ang Jordan) ang mandato ng Great Britain, ang
mandato ng France ang Syria at Lebanon. Nagkaroon ng interest ang mga Kanluranin sa Kanlurang
Asya nang madiskubre ang langis sa Gitnang Silangan. Sa mga isyung pulitikal at sosyal nanghimasok
ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya. Katulad ng relasyon ng mga Hudyo at mga Palestinong
Arabe.Sa pamamagitan ng Balfour Declaration, Nobyembre 2, 1917. Ang pinairal na patakarang
ginamit sa Kanlurang Asya ay Sistemang Mandato (mandate system), pansamantala silang sasailalim
sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag ng
pamahalaan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Pagyamanin

Upang mapagtibay ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating paksa tungkol sa mga dahilan
na lalong nagbunsod sa mga kanluranin na manakop sa Timog at Kanlurang Asya, gawin ang
inihandang gawain sa ibaba gamit ang tree diagram. Sa pagsasakatuparan nang nabanggit na Gawain,
suriin mo ang nilalaman ng teksto sa mga pahina 7at 8.

Panuto:Isulat sa kahon ang mga dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa ikalawang yugto ng
imperyalismo at kolonyalismo sa Asya. Ipaliwanag ayon sa pagkaunawa ang bawat dahilan at alin sa mga
ito ang nanaig sa ikalawang yugto ng pananakop.

Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Lalong Maghangad ng


Kolonya sa Timog at Kanlurang Asya (18 hanggang19 na siglo)

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na lalong maghangad ng kolonya sa Timog at
Kanlurang Asya?
2. Ano ang White Man’s Burden?
3. Kung ikaw ay isang mamamayan na nakaranas ng pananakop ng Kanluranin, ano ang iyong tugon sa
sinabi ni Rudyard Kipling?
4. Tunay ba na ang ng mga Kanluranin ay nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Asyano?
Paano?

Isaisip

Mula sa tekstong nabasa, mapapansin ang mga pagbabagong naganap sa


pamumuhay ng mga Asyano mula nang sila ay sinakop ng mga Kanluranin lalo na sa
larangan ng pulitika, ekonomiya at kultura. Ano-ano ang mga pagbabagong
ito?Nakabubuti ba o di-nakabubuti ang mga ito sa buhay ng mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Pagbigay-Reaksiyon

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling reaksiyon/opinyon sa


mga pangyayari sa India at mga bansa sa Kanlurang Asya sa panahon ng Imperyalismo
pagkatapos ay sagutan ang tanong sa ibaba. Ang inaasahang sagot ay tatlo hanggang limang
pangungusap lamang.

PANGYAYARI REAKSIYON
1.Pagtatag ng British East
IndiaCompany sa India

2. Pagbabawal ng Suttee o Sati

3. Pag-aklas ng mga Sepoy

4. Pagpapagawa ng mga daan,


tulay, riles at iba pa.

5. Sistemang Mandato

Sa palagay mo, ang pananakop ba ay may mabuti at di-mabuting maidudulot sa isang


bansa?Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa

Matapos mabasa ang teksto at upang masukat ang iyong mga natutunan tungkol sa naging
epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa buhay ng mga Asyano. Sagutan ang katanungan sa ibaba
at ilagay sa callout ang iyong sagot.

Ano ang iyong magiging sagot sa mga katanungan sa ibaba kung tatanungin ka ng
iyong kaibigan?

Ang Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

1. Paano mo maisasalarawan ang epekto sa iyo ng pananakop ng


Kastila? Magbigay ng halimbawa.
2. Anong aral ang iyong natutunan na magagamit mo kung sakaling
may panibagong banta ng pananakop?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Tayahin
Upang masubok ang iyong natutunan tungkol sa aralin, sagutin ang mga katanungan na
nasa ibaba.

Panuto:Basahin ang mga katanungan sa ibaba at bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Sa ikalawang yugto ng Kolonyalismo umiral ang prinsipyong ito na kung saan tumutukoy sa isang
sistemang mamumuhunan ng salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
A. Imperyalismo C. Kapitalismo
B. Nasyonalismo D. Merkantilismo
2. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang tumutukoy sa tungkulin ng mga Kanluranin sa kanilang
pananakop na turuan at tulungang paunlarin ang kanilang nasasakupan?
A. Kapitalismo C. Rebolusyong Industriyal
B. Nasyonalismo D. The White Man’s Burden
3. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula D. paggalugad at pakikinabang ng mga
Kanluranin sa mga yamang likas
4. May iba’t-ibang dahilan ang una at ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at
kanlurang Asya. Alin sa mga dahilan sa ikalawang yugto ang nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay
ng mga taga-Asya?
A. Kapitalismo C. Nasyonalismo
B. Renaissance D. Rebolusyong Industriyal
5. Ang mga sumusunod maliban sa isa ay ang dahilan kung bakit hindi kaagad nasakop ng mga
Kanluranin ang bandang Kanlurang Asya?
A. Kulang ang kanilang mga gamit sa pakikipaglaban
B. Pagkakaisa ng mga Muslim dahil sa relihiyong Islam
C. Malayo at mahirap puntahan
D. Hindi sila interesado sa mga likas na yaman dito
6. Alin sa sumusunod ang kabutihang dulot ng kolonyalismo at imperyalismo sa Kanluran at Timog
Asya?
A. Nakilala at natuklasan ang Asya ng mga Europeo
B. Umunlad ang mga rutang pangkalakalan sa Asya
C. Natutunan ang higit na pamamahala sa bansa ng mga taga-Timog at kanluran
D. Nakalahok sa malayang kalakalan sa daigdig ang mga taga-Timog at kanluran
7. Kung susuriin, ano ang pinaka-epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya?
A. Mabuti dahil higit na umunlad ang kabuhayan nila
B. Hindi mabuti dahil nabago ang sistema ng kanilang pamahalaan
C. Lubhang mabuti dahil nagkaroon ng pagbabago sa ibat-ibang aspeto ng kabuhayan
D. Hindi mabuti dahil ang higit na nakinabang at umunlad ay ang mga mananakop
8. Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan ng kolonyalismo at imperyalismo sa paglaganap
ng rebolusyong industriyal ano ang higit na inangkin ng mga taga- kanluran sa mga bansa na nasakop
nila sa Timog at kanlurang Asya?
A. Likas na yaman ng mga ito
B. Mga daungang pangkalakalan
C. Ang kanilang mga nakagisnang kultura

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
D.Ang porma ng kanilang ideolohiya at sistemang pampulitika
9. Maraming isinagawang pagbabago sa India ang mga Ingles. Alin sa mga kaugalian ng taga-India ang
ipinagbawal ng mga British?
A. Suttee o Sati
B. Relihiyong Hinduismo
C. Pagkakaroon ng mga Brahman
D. Hindi pagkain ng baboy at baka
10. Upang matulungan ang mga Asyano na makabangon at maging malaya ay ipinatupad ng mga
Europeo ang isang patakaran o sistema sa mga bansa sa Kanluramg Asya. Ano ang tawag sa
patakarang ito?
A. Kapitalismo C. Merkantilismo
B. Mandato D. Resident

Karagdagang Gawain

PANUTO: Sa isang papel, gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa iyong natutunan sa modyul na ito.

Ang Aking Repleksiyon

Natutunan ko na __________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Aking naunawaan na_______________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gagamitin ko ang aking nauunawaan sa _______________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang iyong natutunan tungkol sa pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya?
2. Ano ang iyong pagkaunawa sa mga epektong dulot ng pananakop ng mga Kanluranin ukol sa
pamumuhay, pulitika, kultura at edukasyon sa mga Asyano?
3. Paano mo gagamitin ang iyong mga natutunan bilang isang mag-aaral sa mga makabagong
hamon ng Kolonyalismo at Imperyalismo?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Sanggunian

Aklat
Blando et al ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; Unang Edisyon.Eduresources
Publishing Inc.
2014 pp 206-211

Mula sa Website
http://www.nationalgeographic.com.uk
http://www.images.christianitytoday.com/images

10. B 5. B
9. A 4. D
8. A 3. D
7. D 2. D
6. A 1. C
TAYAHIN:

4. REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Kultura- A, D, H Glory- Kapangyarihan 3. WHITE MAN’S BURDEN
Pulitika- C, G Gold- Kayamanan 2. KAPITALISMO
Ekonomiya – B, E, F God- Kristiyanismo 1. NASYONALISMO
TUKLASIN: BALIKAN: SUBUKIN:

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Monalisa M. Santos

Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano


Tagaguhit: Gwendelene Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Supervisor

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12

You might also like