You are on page 1of 11

7

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 2
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
ALAMIN
Tinalakay sa nakaraang aralin ang mga pangyayaring nagbigay daan sa unang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya noong ika-16 at ika-17 siglo. Sa
araling ito, susuriin ang lalong pinag-ibayong kolonyalismo at imperyalismo sa ikalawang yugto
noong ika-18 at ika-19 na siglo.

Saklaw ng modyul na ito ang mga dahilan ng masidhing pagnanais ng mga kanluranin na
magpalaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asya gayundin din ang mga epekto ng Una at
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Asya.

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga


kanluranin sa ikalawang yugto (ika-18 at ika-19 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang
Asya.

Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

a. nauunawaan ang kahulugan at konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa kasaysayan


ng Timog at Kanlurang Asya;
b. nasusuri ang mga salik na bunga ng imperyalismo sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo at sa Timog at Kanlurang Asya;
c. natataya ang mga mabuti at masamang epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya.
Batay sa nakaraang aralin, ibigay ang mga Europeong bansa na nanguna sa paghahanap ng
panibagong ruta patungong Asya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. _____________ 2. ______________ 3. ______________ 4. _______________ 5. _____________

TUKLASIN AT SURIIN
IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA (18-19 SIGLO)

Nagpatuloy sa ika-19 na siglo ang paligsahan


ng mga Kanluranin sa pagpapayaman at
pagpapalakas ng kapangyarihan sa pamamagitan
ng pagsakop ng mga bansang Asyano.
Sa unang yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo, umiral ang prinsipyong pang-
ekonomiyang merkantilismo sa Europa. Ang
merkantilismo ang ginamit na dahilan ng mga
Europeo upang mag-unahan na makakuha ng mga
lupaing masasakop sa Asya, may mapagkukunan
ng likas na yaman, hilaw na sangkap, at
pagbebentahan ng mga yaring produkto upang
maging pandaigdigang makapangyarihan. https://static.wixstatic.com/media/ab95b0_c4da1
8de46284353842c83f57ba44352~mv2.jpg/v1/fill/
(Blando et.al., 2014, p. 206) w_450,h_292,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01/ab95
b0_c4da18de46284353842c83f57ba44352~mv2.w
Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang ibig sabihin ay
magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. Kadalasang
pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan ang unang ginagawa upang maisakatuparan ang
1
tunay nilang hangarin. Ito ay ang pagsamantalahan at pakinabangan nang husto ang likas na
yaman, magtatag ng pamahalaang kolonyal,magpataw at magtakda ng paniningil ng buwis at
magsagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop.

Samantala, ang Imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig


sabihin ay command. Ito ay sinimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong
Roma. Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang
nasyon-estado sa isang mahina at maliit na nasyon-estado sa aspektong
pulitika,pangkabuhayan at kultural na pamumuhay upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.

Sa loob ng dalawang libong taon, nakontrol ng Imperyong Roma ang halos kabuuan ng
Mediterranean. Bago matapos ang ika-18 siglo, pinasimulan ng mga bansang Europeo at
Estados Unidos ang pagkontrol sa ibang mga bansa sa lupalop ng Asya, Aprika at Latin
Amerika. Ang panahon mula 1800 hanggang 1914 ay naging kilala bilang Panahon ng
Imperyalismo.(Blando et.al., 2014, p.207)

Mga Pangunahing Salik na naging Resulta ng Imperyalismo


1. Dahil sa udyok ng Nasyonalismo.

-Nasyonalismo- Damdaming makabayan na


nagpapakita ng matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa inang bayan.
-Dahil dito, ninais ng mga nasyon sa Europa na
magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang
labanan ang kanilang mga karibal na mga bansa.

https://assets.sutori.com/user-
uploads/image/96a0ec2a-ead8-4e80-a1cc-
e8b58e3f86cf/d7952f8a20eb75c205398a20
29b78ca7.jpeg
2. Dulot ng Rebolusyong Industriyal

-Rebolusyong Industriyal- tumutukoy sa kaganapang


panlipunan at pang-ekonomiya na humantong sa
pagbabago mula sa lipunang agrikultural at
industry-clipart-13779993-Factory-and-
komersiyal tungo sa modernong industriyal.
much-smoke-Stock-Vector-factory-building- -nangangailangan ng mga hilaw na materyal na
industry.jpg (1300×1061) (clipartpanda.com)
pagkukunan at pamilihan na paglalagyan ng mga produktong yari na at gawa mula sa
malalaking nasyon na nagbunsod sa pagpapalawak
ng teritoryo.

3. Kapitalismo

-sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang


salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o
interes.
-Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga
Europeo at mga Asyano, dumami ang salaping naipon
ng mga mangangalakal. Nahikayat ang mga ito na
2 kapitalismo clip-art - Google Search
gamitin ang kanilang salaping naipon sa mga pananim at minahan sa mga kolonya upang ito
ay mas kumita. (Blando et.al., 2014, p.207)

4. Ang White Man’s Burden

- Ang White Man’s Burden ay isinulat ni Rudyard


Kipling, isang manunulang Ingles, kung saan
ipinasailalim sa kaisipan ng mga nasasakupan na sila ay
pabigat sa mga Kanluraning bansa. Ayon pa dito, ang
Kanluranin ay may tungkulin na turuan at tulungan
upang “paunlarin” ang kanilang nasasakupan. Ito ang
naging pagbibigay-katuwiran ng mga Kanluranin sa
ginawa nilang pananakop sa Asya. Ang paghahangad na
ipakilala ang kanilang superyor na kultura, relihiyon at
paniniwala sa iba pang mga bansa sa mundo. (Blando
220px-1890sc_Pears_Soap_Ad.jpg (220×331) et.al., 2014, p.207)
(wikimedia.org)

Nagkaroon ng ibat-ibang paraan o sistema ng pagkontrol at pananakop ng mga bansang


Europeo upang lubos na mapakinabangan ang mga likas yaman ng kolonya.

Uri ng Pananakop
Termino Kahulugan Halimbawa
Sphere of Kontrolado ng isang makapangyarihang bansa Pinaghati-hatian ng England,
Influence na pamahalaan at pulitika ng isang lugar o France at Germany ang ibat-
bahagi ng mas mahinang bansa. ibang bahagi ng China.
Colony direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng - Spain sa Pilipinas
imperyalistang bansa ang kaniyang sakop na - Great Britain sa India
bansa - France sa dating Indo-
China

Protectorate mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga - Amerika sa Pilipinas


patakaran at kautusan ay idinidirekta ng - Great Britain sa Hongkong
imperyalistang bansa lalo na sa patakarang - Portugal sa Macau
panlabas

Concession Ito ay mahihinang bansa na nagbibigay China


konsesyon sa malalakas na bansa para sa mga
espesyal na karapatan pagnenegosyo.
(Fernandez, 2020, www.froiscorner.com)

Ang uri ng pananakop ay maari ding tuwiran o di-tuwiran:

1. Tuwirang Pananakop
- Ito ay direktang paggamit ng puwersa. Nagpapakita ito ng katatagang pampulitika at
pangmilitar ng mas maunlad na bansa.
- Binabago nito ang mga sinaunang kaayusan at iniaangkop nito ang kolonya sa
kultural na oryentasyon ng mananakop.

3
2. Di-Tuwirang Pananakop
- Ito ay pagkakaroon ng epekto sa ekonomiya at panlipunang kalagayan ng isang
kolonya sa pamamagitan ng mga patakarang ipinatutupad sa mga kolonya ng mga
mananakop na bansa. (Fernandez,2020,.www.froiscorner.com)

Mga Bansang Nasakop sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo


Saklaw ng mga Bansang Kanluranin
England Australia, Bahamas, Myanmar (Burma) Canada, Sri Lanka (Ceylon) Egypt,
Hongkong, Honduras, Nigeria, New Zealand, India
France Algeria, Indo-Tsina ( laos, Myanmar, Cambodia) Madagascar, Tunisia,
Morocco at Vanuatu
Netherlands Indonesia (Dutch East Indies) Dutch New Guinea
Portugal Africa, India, Macau,Timor
Spain Brazil, Gitnang Amerika,Mexico at Pilipinas
(Fernandez, 2020, www.froiscorner.com)

Ang mga Ingles sa India


Ang pagsisimula ng panggagalugad ng mga bansang Europeo ang nagtulak upang
magkaroon ng pagkakataon ang Britanya na kontrolin ang kalakalan sa India. Sa pamamagitan
ng pagtatatag ng East India Company ay nakontrol ng mga British ang kalakalan ng ruta tungo
sa India. Ito ang naging dahilan sa pagiging mayaman ng nabanggit na kompanya at nagdala ng
malaking kita sa imperyo at sa mga mangangalakal na naging bahagi ng kalakalan.
(Blando,et.al.,2014,p.209)
Ang mga Europeo sa Kanlurang Asya

Ang Kanlurang Asya ang pinakahuling rehiyon na bumagsak sa kamay ng mga Europeo.
Magugunita na dahil napakalakas ng kapangyarihan ng mga Seljuk Turk sa buong rehiyon,
naging malakas ang Islam na siyang nagbigkis sa lahat ng teritoryong sakop nila. Nagsimula
lamang humina ang kanilang kapangyarihan nang magsimula nang magpalawak ng teritoryo
ang mga Russian at unti-unting maagaw ang ilang teritoryo. Matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig noong 1918, tuluyan nang bumagsak ang Imperyong Ottoman.

Bunga nito, napasailalim ang Kanlurang Asya sa mga Kanluranin. Kakaiba ang
pamamaraan ng pagsakop sa Kanlurang Asya. Pinairal ang Sistemang Mandato (mandate
system), na isang konsepto ng imperial trusteeship. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na
naghahanda upang maging isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa
patnubay ng mga bansang Europeo. Ang mga Ingles ay nakuha ang mandate ng Iraq, Palestine
(Israel ngayon) at Jordan. Ang mga French naman ay nakuha ang mandate ng Lebanon at
Syria.(Mateo et.al., 2010, p. 298)

Epekto ng Imperyalismong Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya:

Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng pananakop ng mga


Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang sumusunod na aspekto ay nagpapakita kung
paano nagbago ang pamumuhay ng mga katutubong Asyano nang tuluyang pinamahalaan ng
mga Kanluranin ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

 Pinakinabangan nang husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga
nang nagaganap na Rebolusyong Industriyal na nagdulot ng pagdagsa ng mga kapitalista
sa mga kolonya.
 Napilitan ang mga katutubo na magtanim ng mga produktong pangkalakal na nagbunsod
sa pagkakaroon ng taggutom sa mga bansang kolonya.
4
 Nagkaroon ng pamilihang paglalagyan ng mga produktong galing sa mga bansang
mananakop at pagkukunan ng mga hilaw na materyal na kailangan ng bansang
mananakop sa pagbuo ng kanilang produkto.
 Nagkaroon ng pabrikang bubuo sa mga hilaw na materyal na galing sa mga kolonya.
 Ang natural na kapaligiran ng mga Asyano ay unti-unting naubos at pinagkakitaan ng
mga dayuhan.
 Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren at kalsada ang mga mananakop upang maging
mabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto.
 Isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o middlemen ng mga produkto.
 Inayos ang kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan kaya nagtayo ng ospital para
magamot ang mga maysakit at mabigyang lunas ang mga sakit na laganap bago
dumating ang mga mananakop.
 Nagtatag ang mga mananakop ng sentralisadong pamahalaan ngunit ang mataas na
posisyon ay para lamang sa mga kanluranin at ang mababang posisyon ay para sa
katutubo
 Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
 Lumaganap ang Kristiyanismo at pinanghimasukan ang tradisyon ng mga katutubo.
 Inangkat at nakarating sa Aprika at Asya ang mga surplus o labis na produkto ng mga
Europeo dahil sa mga imbensiyon sa teknolohiya.
 Nagkaroon ng dalawang reaksyon ang mga bansang naapektuhan ng imperyalismo:
- rebolusyon o pagpapatalsik sa puwersang Kanluranin, at
- paghingi ng reporma sa mga Kanluranin. (Fernandez, 2020, www.froiscorner.com)

Ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng damdaming makabayan o


nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang naging simula ng pagbubuo pa ng mga kilusang
nasyonalismo na naglalayong magpalaya ng mga bansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan.

Pagbubuod:

 Noong ika-19 siglo, pinalawak ng maraming bansang Kanluranin ang kanilang


pamamahala sa Asya, lalo na sa mga lugar na hindi maunlad.
 Ang paghangad ng mas maraming kolonya ay dahil sa pangangailangan ng Rebolusyong
Industriyal sa mga hilaw na kagamitan, tulad ng bulak, asukal, tabako, kape at niyog na
gagawing mga yaring produkto ng mga pabrika.
 Ang pakay ng ibang bansang kanluranin sa ikalawang yugto ng kolonisasyon ay turuan
ng kabihasnang Kanluranin ang nga Asyano sa paniniwala na mababa ang kabihasnan
ng mga ito.
 Nagkaroon ng iba’t ibang paraan o sistema ng pagkontrol at pananakop ang mga bansang
Europeo upang lubos na mapakinabangan ang mga likas na yaman ng mga kolonya.
 May mga mabuti at masamang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.

MGA GAWAIN
Gawain 1: Asya Life: I-historya mo!

1. Panuto: Buoin ang talata sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letra sa loob ng


panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang 1.____________ (KOYALONMOLIS) ay nagmula sa salitang Latin na colonus na
ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga
sinakop upang magamit ang mga 2. _______________( SALIK AN MANAY) ng bansa.

5
Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang pagnanais ay 3.
_________________(PAPAGKAIBIKIKIGAN) at 4. __________________ ( PAPAGKALAKIKILANKA).
Kapag nakuha na ang loob ng mga nasasakupan ay saka nila isasakatuparan ang
kanilang hangarin na gamitin,5. ______________( PAGMANLASATAHAN) at pakinabangan
nang husto ang likas na yaman ng kolonya.

Samantala, ang 6._______________ (IMYALISPERMO) ay nagmula sa salitang Latin


na 7. ________________( IMRIPEMU) na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin
na sinimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo
ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa
aspektong pulitika,pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit
na nasyon-estado upang maging pandaigdigang 8.
____________________(MAPANGKARIYAHAN). Ang pagtatag ng maraming 9.
________________( LONKOYA) ang magbibigay daan sa pagpapalawak ng mga nasasakupan
upang makapagtatag ng 10. ______________(PERIMYO).

Gawain 2: Kolonyalismo ba Kamo?

A. Panuto: Buoin ang pangalan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na sinakop ng
mga Kanluranin at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. . RALESI 4. DINIA

2. . DANROJ 5. DOSIANENI

3. .
NONBALE

Pagproseso ng Gawain
1. Anong mga bansa ang kabilang sa Kanlurang Asya? Sa Timog Asya? ___________________
2. Bakit pinakahuling rehiyon ang Kanlurang Asya na bumagsak sa kamay ng mga
Europeo?_______________
3. Ano ang pamamaraan na ginamit ng Kanluranin sa pagsakop sa mga bansa sa Kanlurang
Asya?___________________

B. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang letra ng sagot sa
sagutang papel.
Hanay A
Hanay B
1. Sistema kung saan mamumunuhan ng kanyang
salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o
interes. A. Colony
2. Dahil sa pagmamahal sa kanilang bansa, ninais ng
mga Europeo na magkaroon ng malawak na B. Udyok ng Nasyonalismo
kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga
karibal na bansa.
3. Kaganapang panlipunan at pang-ekonomiya na C. Kapitalismo
humantong sa pagbabago mula sa lipunang agrikultural
at komersiyal tungo sa modernong industriyal D. Rebolusyong Industriyal
4. Tula kung saan ipinisailalim sa kaisipan ng mga
nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning E. White Man’s Burden
bansa.
5. Direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng
imperyalistang bansa ang kanyang sakop na bansa.
6
Gawain 3: Mabuti o Masama?

Panuto: Lagyan ng plus sign (+) kung mabuti ang epekto at minus sign (-) kung masama ang
epekto ng kolonyalismo sa mga sumusunod na aspekto sa Timog at Kanlurang Asya. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.

Aspekto Timog Asya Kanlurang Asya


Mabuti Di-mabuti Mabuti Di-mabuti
Pamahalaan
Kabuhayan
Teknolohiya
Lipunan
Edukasyon
Paniniwala
Pagpapahalaga
Sining at Kultura

Tayahin:
I. Panuto: Sagutin ang puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng sagot na pahalang sa loob ng
kahon gamit ang mga gabay na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

1. Direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop


na bansa .
2. Damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa
inang bayan.
3. Ang tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa upang mapagsamantalahan ang
yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya.
4. Ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at nagsasariling bansa ay
ipapasailalim muna sa patnubay ng mga bansang Europeo.
5. Tula na isinulat ni Rudyard Kipling, kung saan ipinasailalim sa kaisipan ng mga
nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning bansa.
6. Ginamit na dahilan ng mga Europeo upang mag unahan na makakuha ng mga lupaing
masasakop sa Asya dulot ng pangangailangan ng likas na yaman
7. Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pulitika,
pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado
upang maging pandaigdigang makapangyarihan.

7
8. Mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at kautusan ay idinidirekta ng
imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas.
9. Sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon
ng tubo o interes.
10. Direktang paggamit ng puwersa. Nagpapakita ito ng katatagang pampulitika at
pangmilitar ng mas maunlad na bansa.

II. Panuto: Bumuo ng data information chart na nagpapakita ng mga dahilan at epekto ng
kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

KOLONYALISMO SA ASYA
BANSA NA REHIYON SA BANSANG DAHILAN NG EPEKTO NG
SINAKOP ASYA NANAKOP PAGSAKOP PAGSAKOP

India
Israel

III. Panuto: Lagyan ng E kung Ekonomiya, P kung Politika, at SK kung Sosyo-Kultural na


epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya.

_____1. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng
produktong Kanluranin.
_____2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
_____3. Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
_____4. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
_____5. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang
katapatan ng kolonya.
_____6. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
_____7. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang
sariling sistema.
_____8. Nailipat sa Europa ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng mga
Asyano.
_____9. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.
_____10.Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa pagpapatakbo ng
pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspeto ng buhay .

8
SAGOT SA MGA GAWAIN:
- - Sining at Kultura
+ + Pagpapahalaga
- - Paniniwala
+ + Edukasyon
- - Lipunan
+ + Teknolohiya
- - Kabuhayan
- - Pamahalaan
Mabuti Di-mabuti Di-mabuti Mabuti
Kanlurang Asya Timog Asya Aspeto
Gawain 3
10. imperyo
9. kolonya
8. makapangyarihan
7. imperium
6. Imperyalismo
a 5. 5. Indonesia 5. pagsamantalahan
e 4. 4. India 4. pakikipagkalakalan
d 3. 3. Lebanon 3. pakikipagkaibigan
b 2. 2. Jordan 2. likas na Yaman
c 1. 1. Israel 1. kolonyalismo
II I.
Gawain 2. Gawain 1.

SANGGUNIAN
A. MGA AKLAT:
Blando,R.C; Sebastian, A.A.; Espiritu, A.C; Galveque, E.C.; Jamora, A.M.; Capua, R.R.;
Victor, S.I.; Del Rosario, A.F.; Mariano, R.R. (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba (Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: EDURESOURCES
Publishing Inc., p. 206- 215.
Mateo, G.E.C.; Camagay, M.L.T.; Jose, R.T.; Miranda, E. A.; Boncan, C. P. (2010) Asya sa
Pag-usbong ng Kabihasnan. Vibal Publishing House, pp.278-280.
Vivar,T.L.; Viloria, E.M.; Quiray, R.E.; Fuentes, R.V.(2000) ASYA: Noon, Ngayon at sa
Hinaharap: Batayang Aklat sa Ikalawang Taon: (SD Publications, Inc),pp. 136-
141.
B. ONLINE AT IBA PA
Fernandez,F. (2020). Ikalwang Yugto ng kolonyalismo at
Imperyalismo.www.froiscorner.com
Marcera, N. (2020).Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo.www.slideshare.net
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6016
https://static.wixstatic.com/media/ab95b0_c4da18de46284353842c83f57ba44352~mv2.
jpg/v1/fill/w_450,h_292,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01/ab95b0_c4da18de462843538
https://assets.sutori.com/user-uploads/image/96a0ec2a-ead8-4e80-a1cc e8b58e3f86cf/
d7952f8a20eb75c205398a2029b78ca7.jpeg
industry-clipart-13779993-Factory-and-much-smoke-Stock-Vector-factory-building
industry.jpg (1300×1061) (clipartpanda.com)
kapitalismo clip-art - Google Search220px-1890sc_Pears_Soap_Ad.jpg (220×331)

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Dr. Girlie O. Matusalem

Tagasuri: Dr. Marilex A. Tercias


Jeannerose R. Acosta
Ofelia G. Cerdineola
Jessibel O.Taganas
Jennifer L. Lacbayan
Gloria F. Fernandez
Florecita M. Ananayo
Tagalapat: Geni M. Sarmiento
Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison
Dr. Teodora V. Nabor
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista
9

9
10
I.
1. C O L O N Y
2.N A S Y O N A L I S M O
3.K O L O N Y A L I S M O
4.M A N D A T E S Y S T E M
5W H I T E M A N S B U R D E N
6M E R K A N T I L I S M O
7.I M P E R Y A L I S M O
8.P R O T E C T O R A T E
9.K A P I T A L I S M O
10T U W I R A N
II. Mga Posibleng Sagot
KOLONYALISMO SA ASYA
BANSA NA REHIYON SA BANSANG DAHILAN NG EPEKTO NG PAGSAKOP
SINAKOP ASYA NANAKOP PAGSAKOP
-Udyok ng  Napilitan ang mga
India Timog Asya England Nasyonalismo katutubo na magtanim
-Dahil sa ng mga produktong
Rebolusyong
pangkalakal na
Industriyal
-Kapitalismo nagbunsod sa
pagkakaroon ng
taggutom sa mga
bansang kolonya.
Jordan,Israel,Iraq, Kanlurang Asya England Udyok ng Napilitan ang mga
Syria at Lebanon Nasyonalismo katutubo na magtanim
-Dahil sa ng mga produktong
Rebolusyong pangkalakal na
Industriyal nagbunsod sa
-Kapitalismo pagkakaroon ng
taggutom sa mga
bansang kolonya
III.
1. E 6. E
2. S/K 7. P
3. P 8. E
4. P 9. E
5. S/K 10. P
SAGOT SA TAYAHIN:

You might also like