You are on page 1of 33

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Kwarter: Modyul 3:
Dahilan, Kaganapan,at Epekto ng
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Industriyal
Araling Panlipunan – Ika-walong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Dahilan, Kaganapan, at Epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jhona Mae L. Jabajab, Flordelisa S. Icasiano,
Mary Lovelle D. Boiser
Tagguhit: Jhona Mae L. Jabajab
Tagasuri: Merlyn Labrador Jose, Arlinda B. Macarayan,
Maria Amparo B. Claro
Tagalapat: Jhona Mae L. Jabajab
Tagapamahala: Josephine L. Fadul - Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay - Chief in Curriculum Instruction Division
Leila L. Ibita - Education Program Supervisor-AP
Lorna Ragos - Education Program Supervisor in LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI-Division of Tagum City

Office Address: E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte


E-mail Address: tagumcity@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Dahilan, Kaganapan, at Epekto ng
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Industriyal
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral
ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Aralin Ang Dahilan, Kaganapan, at

2 Epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment,
at Industriyal

Alamin Natin

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan at masusuri ang


Dahilan, Kaganapan, at Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment,
at Industriyal.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sadyang inayos


upang madaling maintindihan ang pag-aaral.

Ang mga gawaing inihanda dito ay makabuluhan para sa iyong pag-


aaral kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga Gawain sa modyul.
Gumamit ng ibang papel sa pagsagot.

And modyul na ito ay nakasentro sa pagsusuri tungkol sa pamana o


kontribusyon ng Rome sa kabihasnan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto:

Naipapaliwanag ang dahilan, kaganapan, at epekto ng rebolusyong


siyentipiko, enlightenment, at industriyal (AP8pMD-llli-10)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang Modyul, inaasahang iyong:

• Nasusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng rebolusyong


siyentipiko, enlightenment, at industriyal

• Natataya ang dahilan, kaganapan, at epekto ng rebolusyong


siyentipiko, enlightenment, industriyal

• Napapahalagahan ang kontribusyon ng rebolusyong siyentipiko,


enlightenment, at industriyal

1
Subukin Natin
Basahin at alamin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.

_______ 1. Siya ay nakilala sa pag-imbento ng teleskopyo.


a. Galileo Galilei b. Johannes Kepler c. Copernicus d. Harvey
_______ 2. Ano-ano ang mga sangay ng pamahalaan na ipinatutupad sa
Pilipinas?
a. Ehekutibo b. Lehislatura c. Hukuman d. Demokrasya
_______ 3. Sino ang magaling na siyentista na sumikat sa kanyang
pagdiskubre ng batas ng grabidad o Law of Gravity?
a. Galileo Galilei b. Johannes Kepler c. Sir Isaac Newton
d. Harvey
_______ 4. Ano-ano ang epekto ng industriyalismo MALIBAN sa isa?
a. Suliraning panlipunan at pangteknolohiya
b. Pagkakaroon ng unyon sa mga manggagawa
c. Nagkaroon ng migrasyon sa mga lungsod
d. Pagkawala ng skwater
_______ 5. Anong bansa sa Europa ang pinagsibulan ng rebolusyong
industriyal?
a. Great Britain b. France c. Italy d. Netherlands

Aralin Natin

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

Isa sa mahalagang pangyayari at epekto ng unang yugto ng


kolonyalismo at imperyalismo ang pagsibol ng makabagong
kaalaman at teknolohiya na ginamit at ipinakilala ng
eksplorasyon. Ang panahong renaissance at repormasyon ang
dahilan upang ang tao ay magkaroon ng kaalaman partikular sa
edukasyon at agham.

Noong Ika-16-17 siglo ay hudyat ng pagpasok ng


Rebolusyong Siyentipiko. Panahon nagsimula ang pagsisiyasat at
pag-ekperimento partikular sa sansinukob.

3
Ang kaalaman o ideyang siyentipiko ay daan upang
magkaroon ng panibagong pananaw at pag-iisip. Sumikat ang mga
siyentista sa panahong ito, tulad nina:

• Nicolaus Copernicus 1473-1543

– Sumikat sa larangan ng pisika at


astronomiya, ayon sa kanya ang
daigdig ay umiikot sa kanyang
axis, at ang araw ang sentro ng
uniberso. Ang teoryang ito ay mas
nakilala sa “Teoryang
Heliocentric.”

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/c4/54/88be9dda0e2007639bf5909ec4d2.jpg,
Nicolaus Copernicus,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Nicolaus_Copernicus._Line_eng
raving_by_(C._B.)_after_(A._C.)_Wellcome_V0001263.jpg ,Creative Commons Attribution-Sha
re Alike 4.0 International

• Galileo Galilei 1571-1630

– Nakaimbento ng teleskopyo.
Naobserbahan niya ang sinag ng
buwan at repleksyon na nagmula
sa araw. Nadiskubre rin niya ang
kalawakan.

Felixsj, Sisterman's portrait of Galileo Galilei, out zoomed,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:


Sisterman%27s_portrait_of_Galileo_Galilei,_out_zoomed.png, Creative Commons Attribution-Share
Alike 4.0 International

4
• Johannes Kepler

- Isang Aleman na astronomer,


natural scientist, at mahusay sa
larangan ng matematika na nakabuo
ng isang pormula tungkol sa pag-
ikot ng mga planeta sa parabilog na
tinatawag na ellipse, dahil sa hindi
pareho ang bilis ng pag-ikot nito.

Matěj Baťha, Johannes Kepler,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Praha,_Hrad%C4%8


Dany__Tycho_Brahe_a_Johannes_Kepler.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike
3.0 Unported

Noong ika-17-19 na siglo nagsimula ang pag-alab ng mga kilusan


sa larangan ng siyensiya kung saan nangunguna sina:

• Sir Isaac Newton

– Isang matematisyan, sa kanya


nagmula ang paggamit sa ideyang
calculus na sa pamamagitan ng
pagkukuwenta ay nabigyan ng
katuwiran ang mga nangyayari sa
kapaligiran ayon sa batas ng
kalikasan. Pangalawa nakagawa
siya ng batas ng grabidad o Law of
Gravity, ayon sa prinsipyong ito,
ang bawat bagay sa daigdig ay may
atraksyon sa ibang bagay batay sa
kaniyang pinagsamang timbang at
tayo sa pagitan nila.

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/9e/e8/179d9159b0995bfd4b2de02c09e9
.jpg, Sir Isaac Newton,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Sir_Isaac_Newton._
Wellcome_V0006785EL.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

5
• William Harvey

– Nakilala sa larangan ng
makabagong medisina. Pinag-aralan
ang sirkulasyon o pagdaloy ng dugo
sa katawan, ayon sa pagsusuri ang
puso ang sentro sa pagkalat ng dugo
sa buong katawan. Napag-alaman
din niya ang paraan ng paggrado ng
dugo kapag ito ay tumataas o
bumababa.

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/da/eb/c717b3730c9f885df24038f822b0.j
pg, Portrait of William Harvey (1578 - 1657),https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Portrait
_of_William_Harvey_(1578_-_1657),_surgeon_Wellcome_V0002604EL.jpg, Creative
Commons Attribution 4.0 International

• Edward Jenner

– Ang bakuna ang tinutukan niya ng


pansin. Mahalaga ang bakuna na
panlaban sa mga sakit. Siya ay
nagsaliksik, nagsuri, at nagmasid
ukol sa bakuna hanggang
natuklasan niya ang taong
nagkasakit na di na muli itong
nahawaan. Dito nagsimula ang
ideyang pagbabakuna.

C. Manigaud after E Hamman, File:Edward Jenner vaccinating his young child.png,https://


commons.wikimedia.org/wiki/File:Edward_Jenner_vaccinating_his_young_child.png, Creati
ve Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

6
• Louis Pasteur

– Naimbento ang antibiotic dahil


napag-alaman niya na ang sakit ay
sanhi ng mikrobyo na maaaring
patayin sa pamamagitan ng
antibiotic. Nakagawa rin ng gamot sa
rabies at ang paraan ng
pasteurization.

Felix Nadar, Louis Pasteur by Nadar,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Louis_


Pasteur_by_Nadar.jpg, Creative Commons Attribution 4.0 International

• Dr. William Thomas Green Morton

– nadiskubre ang paglanghap ng


Ether (organic compound) na
nakakaalis ng sakit sa pagbunot ng
ngipin. Dito nabuo ang bagong
sangay ng medisina na tinatawag na
“Anesthesiology.”

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/01/bf/522245b468626bf91c89b1cf9f7d.j
pg , Portrait of William T. G. Morton,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Portrait_of_William
_T._G._Morton._Wellcome_M0010199.jpg ,Creative Commons Attribution 4.0 International

7
• Roentgen

- Nakaimbento ng X-ray.

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/40/ee/6bb2d6f7422fbd58c6afba046a16.
jpg, Portrait of W. C.Roentgen,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Portrait_of_W._C._
Roentgen_Wellcome_M0010903.jpg,Creative Commons Attribution 4.0 International

• Charles Darwin

- nabuo ang teoryang ebolusyon, na


lahat ng kasalukuyang hayop at
halaman ay nagmula sa mga unang
hayop at halaman. Pinatunayan niya
na sa pamamagitan ng natural
selection, ang ideyang ito ay nasa
naisulat niyang aklat na “On the
Origin of the Species.”

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/42/c6/2e01bd51fdf27d0c69dbf966b2ac.
jpg, Portrait of Charles Darwin,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Portrait_of_Charles
_Darwin._Wellcome_M0010103.jpg,Creative Commons Attribution 4.0 International

8
• Pierre at Marie Curie

- Nakaimbento ng radium.

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/b1/39/aecc9d98a43b42241bd63bbf03b
8.jpg, Pierre and Marie Curie at work in laboratory,https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:Pierre_and_Marie_Curie_at_work_in_laboratory_Wellcome_L0001761.jpg,Creative
Commons Attribution 4.0 International

ANG PANAHONG ENLIGHTENMENT

Noong ika-18 siglo sumibol ang Panahon ng


Kaliwanagan o Enlightenment, binubuo ito ng mga iskolar na
nagmungkahing gamitin ang makabangong pamamaraan upang
mapaunlad ang buhay at maging sa edukasyon. Maaring ang
panahong ito ay maituturing na kilusang intelektwal.

Mga Makabagong Ideyang Pampolitika:

Napag-isipan ng mga pilosopo at iskolar na magkaroon ng


sistematikong batas na maaaring gabay sa larangan ng
pampolilitika, pangkabuhayan at panlipunan. Narito ang mga
kaisipang iminungkahi nina:

9
• Thomas Hobbes

-Ginamit niya ang ideyang “Natural


Law”.Isinulong niya ang paniniwala
sa absolutong monarkiya na
pinakamahusay na uri ng
pamahalaan. Pinaniniwalaan din
niya na ang pagkakaroon ng
kaguluhan ay likas sa tao kaya dapat
isang absolutong pinuno lamang ang
mamuno. Naisulat ito sa kanyang
aklat na “Leviathan” noong1651.

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/de/ce/f65be71c9d8903d514c4dbb1594e
.jpg, Thomas Hobbes,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thomas_Hobbes._Line
_engraving_by_W._Faithorne,_1668._Wellcome_V0002798.jpg,Creative
Commons Attribution 4.0 International

• John Locke

- Isang pilosopong Ingles na


naniniwala na kinakailangang
magkaroon ng kasunduan sa
pagitan ng mga tao at ng kanilang
pinuno. Naiiba siya sa paniniwala sa
natural na kalikasan. Natural sa
kanya na dapat ang tao ay may
karapatang mangatwiran, may
mataas na moral, lahat ng karapatan
sa buhay, kalayaan, at pag-aari. Ang
tao ay gumamit ng pangatwiran
upang makarating sila sa pagbuo ng
isang pamahalaang mabisa sa
https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/98/0c/1b4ca47405c521645c77475b800b pakikipag-ugnayan na
.jpg, John Locke. Line engraving by G. Vertue, 1713, after Sir G.,https://commons.wikimedia
.org/wiki/File:John_Locke._Line_engraving_by_G._Vertue,_1713,_after_Sir_G._Wellcome_V000
3650.jpg,Creative Commons Attribution 4.0 International makatutulong sa kanilang pinuno.

10
Ang ideya ni Locke ay nailathala
noong 1689 sa kanyang aklat na
“Two Treaties of Government.”

• Baron de Montesquieu

-Isang pilosopong Pranses sa


larangan ng politika.Naniniwala sa
ideya tungkol sa paghahati ng
kapangyarihan sa isang
pamahalaan. Ang ideyang ito ay ang
paghahati sa tatlong sangay ng
pamahalaan: Ehekutibo -
tagapagpatupad ng batas
Lehislatura – tagapagbuo ng batas
Hukuman – tagapaghatol

https://www.metmuseum.org/art/collection/search/188928, Charles de Secondat, Baron de


Montesquieu (1689–1755),https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Charles_de_
Secondat,_Baron_de_Montesquieu_(1689%E2%80%931755)_MET_DP156479.jpg,Creative
Commons Attribution 4.0 International

ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Sa Europa at United States unang nagkaroon ng malawakang


pagbabago sa larangan ng agrikultura at industriya noong Ika-17-18 siglo.
Tinawag itong Rebolusyong Industriyal dahil mula sa makalumang paraan ng
agrikultura ay napalitan ito ng makabago o modernong naimbentong
makinarya, dahilan nito napabilis at naparami ang produksyon. Isa rin ito sa
dahilan ng pagdami ng tao sa syudad sanhi ng paglipat ng tao mula sa rural
upang kumita ng malaking pera mula sa industriya.

11
Sa Great Britain nagsimula o sentro ng Rebolusyong Industriyal dahil
sa mga salik na taglay nito:

• Una, matatagpuan dito ang maraming uling at iron na pangunahing


gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumakas ang
kalakalan, suportado ng pamahalaan ang kalakalan at ito ang naging dahilan
upang makapagtatag ng malakas na hukbong-pandagat upang
maprotekahan ang imperyo ng kalakalan.

• Pangalawa , nakapagprodyus sila ng tela na ginagawa lamang sa bahay


hanggang sa nakabuo ng isang tapos na produkto na ipinagbibili at
pinatutubuan, mga mayayaman lamang ang may oportunidad na makabili
ng tela dahil sa sobrang mahal nito.

• Pangatlo, naimbento ni Eli Whitney ang makinang cotton gin na


nakatutulong upang mapadali ang paghihiwalay ng buto at iba pang
materyal sa bulak, upang mapabilis ang produksyon ng tela na kalaunan
nagdulot ito ng pagbaba ng presyo ng bilihin.

• Pang-apat, naimbento ang makinang spinning jenny upang mapabilis


ang paglagay sa mga sinulid sa bukilya.

• Panlima, naimbento ang steam engine, paraan upang madagdagan ang


suplay ng enerhiya sa magpapatakbo sa pabrika.

• Pang-anim, naimbento ang unang telepono ni Alexander Graham Bell.

• Pampito, naimbento ni Thomas Alva Edison ang elektrisidad, dahilan


upang maliwanagan ang buong komunidad. Naimbento din ni Samuel B.
Morse ang telegrapo na nakakatulong para makapagpadala ng mga mensahe
sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anak sa ibang lugar. Noong 1705-1760
naimbento ang Newcomen steam engine at Watt steam engine ni James Watt,
nakatutulong ito sa pagpump ng tubig upang mabigyan ng suplay ang
enerhiyang hydroelectric, gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya sa mga
pabrika.

12
Ang Rebolusyong Industriyal ay isang napakahalagang pangyayaring
nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng mga bansang kasangkot dito.
Maraming opurtunidad ang hatid nito sa mga tao. Ang pagkakaroon ng
malaking puhunan ang nakapagbago sa pamumuhay ng mga tao, daan ito
para sumibol ang Middle Class o Panggitang uri ng tao sa lugar.

Mga Epekto ng Industriyalismo

Ito ang mga epekto sa pakakaroon ng rebolusyong industriyal:

• Yumaman ang mga tao

• Pagkakaroon ng migrasyon sa mga lungsod

• Dumami ang mga squatter

• Sapilitang pagtatrabaho ng mga bata

• Suliraning panlipunan at pang-ekonomiya dahil sa pagdami ng tao sa


lungsod

• Nagkakaroon ng pagtutunggali sa politika

• Nagkaroon ng union ang mga manggagawa

• Patuloy pa rin ang pananakop ng mga kanluraning bansa dahil


kailangan pa rin nila ang mga hilaw na sangkap mula sa kolonyang
bansa.

13
Gawin Natin

Gawain 1-A (Rebolusyong Siyentipiko) PAGTAPAT-TAPAT:


Pagtapatin ang mga nasa Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

A B

____1. Galileo a. ebolusyon

____ 2. Louis Pasteur b. Teleskopyo

____ 3. Harvey c. telegrapo

____ 4. Newton d. antibiotic

____ 5. Charles Darwin e. Law of Gravity

f. sirkulasyon ng dugo

Gawain 1-B – Tama o Mali. Basahin at sagutin ang mga


sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

__________ 1. Umunlad ang agham sa paraang pagsisiyasat.

__________ 2. Hindi maaaring malunasan ang mga sakit na nagmula sa mikrobyo.

__________ 3. Ang lahat ng bagay sa mundo ay may atraksyon.

__________ 4. Ang bakuna ay walang kinalaman sa pagkakasakit.

__________ 5. Ang pagiging palatanong ay palatandaan ng isang magaling na tao.

14
Sanayin Natin
Gawain 1:

Panuto: Upang mas mahasa pa ang iyong kaalaman, bibigyan kita ng


kalayaang itala sa angkop na Rebolusyon ang mga imbensyong nasa ibaba.
Bigyang pansin ang halimbawa bilang gabay sa mahusay na pagsagot.

TELEPONO

Evolution of Man
Teoryang Helliocentric

JOHN LOCKE

LIGHTBULB

Baron de Montesquieu
ANTI-RABIES
SANGAY ng PAMAHALAAN

Rebolusyong Rebolusyong Rebolusyong


Siyentipiko Enlightenment Industriyal
HALIMBAWA:
1. 1. 1. TELEPONO
2. 2. 2.
3. 3. 3.

15
Tandaan Natin

TAYAHIN: Basahin at alamin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.
______1. Sino ang nakaimbento ng teleskopyo?
a. Copernicus
b. Galileo Galilei
c. Jonnanes Kepler
d. William Harvey

______2. Sila ang mga naging sikat sa larangan ng siyensiya MALIBAN sa


isa?
a. Graham Bell
b. Galileo Galilei
c. Nicolaus Copernicus
d. Sir Isaac Newton
______ 3. Ang mga nabanggit ay mga imbensyon para sa industriya. Alin ang
hindi kabilang?
a. Cotton gin b. teleskopyo c. water frame d. spinning jenny
______4. Lahat ng nabanggit ay epekto dala ng industriyalismo. MALIBAN sa
isa?
a. Suliraning Panlipunan.
b. Pagkakaroon ng unyon ang manggagawa.
c. Pagkakaroon ng migrasyon sa mga lungsod.
d. Pagkawala ng skwater.
_______ 5. Saang bansa sa Europe nagsimula ang rebolusyong indutriyal?
a. Spain b. Italy c. France d. Great Britain
_______ 6. Saan napahanay ang kilusang intelektwal?
a. Rebolusyong Siyentipiko
b. Rebolusyong Matimatiko
c. Epekto ng Industriyalismo
d. Panahon ng Enlightenment
_______ 7. Ano ang kilusan na binubuo ng mga iskolar na naglalayong iahon
ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng
katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong
middle ages?
a. Rebolusyon b. Renaissance
c. Enligthenment d. Industriyalismo

_______ 8. Sila ang sumikat sa larangan ng siyensya sa panahong ng


rebolusyong siyentipko MALIBAN sa isa?
a. John Locke
b. Charles Darwin
c. Johannes Kepler
d. Nicolaus Copernicus
_______ 9. Mga sangay ng pamahalaan na ipinatupad sa Pilipinas
MALIBAN sa isa?
a. Ehekutibo b. Lehislatura c. Hukuman d. Dynasty

16
_______ 10. Anong makina ang ginagamit upang mapadali ang paghihiwalay
ng buto at iba pang materyal sa bulak upang mapadali ang
produksyon ng tela.
a. Spinning jenny b. cotton gin c. steam engine d. cotton

Payabungin Natin

I-Picture Mo Ako!

Magkolekta ng mga larawan na may kaugnayan sa rebolusyong


siyentipiko, enlightenment, at industriyal. Idikit ito sa isang malinis na papel
(yellow paper o intermediate paper).

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa nadikit na mga


larawan?__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________
2. Paano ito nakakatulong sa pang-araw-araw mong
pamumuhay?_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

50 15 8
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang
Walang
ang mga salitang ginamit na hindi
kaugnayan at
ginamit sa angkop at wasto
hindi wasto ang
pagbubuo mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula mabisa ang nilalaman ng tula
mensahe ng tula

17
Pagnilayan Natin

Panuto: Binabati kita kaibigan! Ngayong marami ka ng kaalaman


tungkol sa mga rebolusyong naging saan patungo sa modernong
panahon. Sa bahaging ito ikaw ay may kalayaan na ipahayag ang
iyong saloobin sa mga paksang natalakay. Isulat sa sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang nagawa ng rebolusyong industriya sa buhay mo at sa


bansa?_________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________________________________________.
2. Bakit nais mong gamitin ang mga makabagong makinarya sa
kasalukuyan?__________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang
Walang
ang mga salitang ginamit na hindi
kaugnayan at
ginamit sa angkop at wastohindi wasto ang
pagbubuo mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula mabisa ang nilalaman ng tula
mensahe ng tula

18
19
SUBUKIN NATIN GAWIN NATIN 1-A GAWIN NATIN 1-B
1. b 1. Tama
1. a 2. d 2. Mali
2. d 3. f 3. Tama
3. c 4. e 4. Mali
4. d 5. a 5. Tama
5. a
SANAYIN NATIN:
Rebolusyong Rebolusyong Rebolusyong
Siyentipiko Enlightenment Industriyal
HALIMBAWA:
1. Teoryang Heliocentric 1. Baron de Montesquieu 1. TELEPONO
2. Sangay ng Pamahalaan
2. Evolution of Man 2. Telegrapo
3. John Locke
3. Anti-Rabies 3. Lightbulb
TANDAAN NATIN
1. b
2. a
3.b
4. d
5. d
6. d
7. a
8. a
9. d
10. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

AKLAT
De Leon, Zenaida M., Discipulo, Neiva J., Rillo, Priscila H., Vivar, Teofista L. Ed.D.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon. pp 189-204, G.
Araneta Ave. Col Ma. Clara Street 5197, Quezon City Philippines: SD Publication,
Inc., 2000

Grace Estela C. Mateo, Ph. D., Rosita D. Tadena, Ph. D., Mary Dorothy dl. Jose,
Celine E. Balonso, Ph. D., Jphn N. Ponsaran, Jerome A. Ong. Kasaysayn ng Daigdig:
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. pp.250-283, Davao Kalamansi
St., cor. 1st Ave., Juna Subd., Matina, Davao City, Philippines: Vibal Publishing
House, Inc. 2012

Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal,


Yorina C. Manalo, KalennaLorene S. Asis Rosemarie C. Blando, Michael M.
Mercado, Mark Alvin M. Cruz Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig ph. 342-344, 2014

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Tagum City

E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte

Telefax:

Email Address: tagumcity@deped.gov.ph


1

You might also like