You are on page 1of 9

Aralin Bilang ____

Pag-unlad ng Komunikasyon at Epekto nito sa


Pamumuhay ng mga Pilipino
Kompetensi:
Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon
epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. AP6KDP-IIa-1.3
Layunin:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa pag-unlad ng komunikasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano
2. Naipapahayag ang saloobin tungkol sa mga epekto ng pag-unlad ng komunikasyon
sa pamumuhay ng mga Pilipino gamit ang editorial cartoon
3. Nakapagtatala ng mga mabuti at di mabuting epekto ng pag-unlad ng
komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino
Isang mapagpalang araw! Kumusta ka? Handa ka na
ba sa ating gagawin ngayong araw? Bilang iyong guro sa
Araling Panlipunan, ako ay naghanda ng ilang kasiya-siya at
kapaki-pakinabang na gawain upang lubusan mong
maunawaan ang ating aralin. Halina’t muli natin itong
tunghayan upang magkaroon ka ng karagdagan pang
kaalaman. Huwag kalimutan na ang lahat ng iyong sagot sa
mga gawain ay isususlat sa iyong kuwaderno (notebook).
Tayo nang magsimula!

Balita Mo, Share Mo!

Nakapanood ka ba ng balita sa inyong telebisyon? May napakinggan ka


bang isyu na nangyari sa kasalukuyan? Kung mayroon, share mo naman! Huwag
kang mag-alala, handa akong making sa iyo!
Panuto: Sa loob ng 30-35 mga salita, bumuo ng isang balita tungkol sa mga makabagong
kagamitan sa komunikasyon na ginagamit sa bansa. Halimbawa ay latest model ng cellphone,
laptop o iba pang napapanahong kagamitan.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Mag-throwback Tayo!

May natatandaan ka ba sa nagdaang aralin? Subukan nating balikan sa


pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na ito.

Concept Map, Punan Mo!


Panuto: Punan ng sagot ang concept map kung saan nakasulat kung ano ang naging epekto
ng pag-unlad ng transportasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano.

Epekto ng pag-unlad ng transportasyon sa pamumuhay ng mga


Pilipino noong panahon ng mga Amerikano

Handa ka na ba? Subukan mong gawin ang mga sumusunod na gawain.


Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na nakahanda
para sa iyo.
Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

https:// https:// https://


https://
filipinograde8blog.wordpress.com www.samsung.com/ www.abenson.com/
jenatuancom.wordpress.com/
/2017/02/02/kom ph/smartphones/ tcl-basic-
24d3100d.html

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Alin sa mga larawan na nasa itaas ang madalas mong ginagamit? Paano
Ito nakatutulong sa iyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang mga kagamitang ito sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Bukod sa mga kagamitang ito, anu-ano pa ang mga kagamitang
pangkomunikasyon ang ginagamit ng mga Pilipino sa kasalukuyan?
_____________________________________________________________________
Basahin at Unawain!
Ang komunikasyon ay isang mahalgang salik sa pag—unlad ng isang
bansa. Sa bahaging ito ng aralin, matutunghayan mo ang mga pagbabago sa pag-
unlad ng komunikasyon at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Amerikano. Iyong pag-aralan ang teksto sa ibaba upang
magabayan ka sa pagsusuri ng mga pagbabagong ito. Halinat’t umpisahan mo ang
pagbabasa upang iyong masagot ang mga gawain sa mga susunod na pahina.
Paano nga ba umunlad ang komunikasyon sa panahon ng mga Amerikano at anu-
ano ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Naging maunlad ang komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas.


Noong 1905, itinatag ang Kawanihan ng Pahatirang Kawad na namamahala sa mga serbisyo
tulad ng paghahatid ng sulat, telegram, airmail, at money order.

Napabilis din ang daloy komunikasyon sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng


pagtatatag ng isang tanggapang pangkoreo sa bawat munisipalidad. Ipinakilala rin sa
panahon ng mga Amerikano ang mga makabagong kagamitan sa komunikasyon tulad ng
telepono, radyo at wireless telegraph. Noong 1933, itinatag ang serbisyo ng radiophone na
nag-ugnay sa Pilipinas sa ibang lungsod sa daigdig.

Ang pagpapaunlad sa sistema ng komunikasyon ay


Uri ng Komunikasyon noong panahon
inasikaso ng mga Amerikano upang mapadali ang ng mga Amerikano

pagdadala ng produkto mula sa mga taniman tungo sa mga https://pt.slideshare.net/mhervz05/mga-


impluwensya-ng-pamahalaang-
sentrong pamilihan. amerikano/18?smtNoRedir=1

Nagkaroon ng serbisyo sa radio at mayroon ng higit


sa 1000 koreo sa bansa kung kaya naging madali ang
komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Naiugnay
nito sa isa’t isa ang mga Pilipino at naisulong ang
pagbabago. Napadali ang pagresponde sa mga kaganapan sa
iba’t-ibat bahagi ng Pilipinas.

Dahil napabilis ang daloy komunikasyon sa loob at


labas ng bansa, mabilis din ang daloy ng kalakalan at
Talagang kawili-wiling pag-aralan ang mga pagbabago sa pag-unlad ng
pagluwas ng mga produkto sa maraming lugar. Nagbunga din ito ng maraming trabaho at
komunikasyon at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Sagutin ang mga
pagbabago ng kabuhayan.
katanungan sa ibaba para mas mapalalim pa natin at maunawaan ang ating aralin.
1. Anu-anong mga pamamaraan sa komunikasyon ang ginamit noong panahon ng mga
Amerikano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan nakatulong sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang
sistema ng komunikasyon sa panahon ng mga Amerikano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, alin ang pinakamahalagang epekto ng pag-unlad ng sistema ng
komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano?

___________________________________________________________________________
4. Higit bang napaunlad at napabuti ang sistema ng komunikasyon ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sa pagkakataong ito, subukan nating hasain pa ang iyong kaalaman upang


maipamalas mo ng mas malalim ang pagkakaunawa mo sa araling ito.
Ilabas na ang natatago mong galling at subukang gawin ang gawain sa
ibaba. Alam kong kayang kaya mo ‘yan. Ikaw pa!

Itala Mo!
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, magtala ng limang (5) makaluma o makabagong kagamitan
sa komunikasyon at itala din ang mga mabuti at di mabuting epekto nito sa pamumuhay ng
mga tao.
Kagamitan sa Mabuting Epekto Di-Mabuting Epekto
Komunikasyon

Wow! Ang husay mo naman! Malapit na tayong matapos sa ating gawain.


Nagkaroon ka na ng malalim ng kaalaman tungkol sa pag-unlad ng komunikasyon
at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman. Handa ka na ba?

Isabuhay Mo!
Panuto: Gumuhit ng isang editorial cartoon na nagpakita ng iyong ideya at saloobin tungkol
sa epekto ng pag-unlad ng komunikasyon sa panahon ng mga Amerikano at kung paano ito
lubos na nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Gawing gabay sa paggawa ang rubric na
nasa susunod na pahina.
Rubric sa Pagtataya ng Editorial Cartoon
Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
 Angkop ang iginuhit na editorial cartoon sa 8
paksa ng gawain
 Malinaw na naipakita sa editorial cartoon ang 5
ideya at saloobin tungkol sa paksa
 Mahusay ang pagkakaguhit ng editorial cartoon 12
Kabuuang Puntos 15

Complete Me!

Mula sa mga paksang tinalakay na may kinalaman sa pag-unlad ng


komunikasyon sa panahon ng mga Amerikano, natutunan ko na
____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Subukin Mo!

Panuto: Isulat ang letrang S kung sang-ayon ka sa ipinapahayag ng


bawat pangungusap at DS kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_____ 1. Ipinakilala rin sa panahon ng mga Amerikano ang mga makabagong kagamitan sa
komunikasyon tulad ng telepono, radyo at wireless telegraph.
_____ 2. Nagkaroon ng serbisyo sa radio at mayroon ng higit sa 1000 koreo sa bansa kung
kaya naging madali ang komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
_____ 3. Sa pag-unlad ng komunikasyon, naging mahirap ang pagresponde sa mga
kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
_____ 4. Naging mabilis ang daloy ng kalakalan at pagluwas ng mga produkto sa maraming
lugar.
_____ 5. Dahil sa pag-unlad ng komunikasyon, nagbunga ito ng maraming kaguluhan sa
pamumuhay ng mga Pilipino.

Takdang-Aralin

Alamin ang ibig sabihin ng salitang “pasipikasyon at kooptasyon”.


Maaaring magsaliksik sa internet ng mahahalagang detalye ukol dito.

Sa pagtatapos ng gawaing ito, binabati kita sa ipinamalas mong husay sa


pagsagot sa mga nakaatas na gawain gayundin sa iyong ipinakitang dedkasyon at
kasipagan. Hinahangad ko ang iyong aktibong partisipasyon sa mga susunod pang
mga aralin.

You might also like