You are on page 1of 11

Aralin Bilang ___

Mga Pagbabago sa Lipunan sa Panahon ng mga Amerikano


Kompetensi:
Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga
Amerikano. AP6KDP-IIa-1

Layunin:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano at mga
epekto nito
2. Napapahalagahan ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano
at mga epekto nito
3. Napaghahambing ang mga pagbabagong naganap sa lipunan sa panahon ng mga
Amerikano at kasalukuyan
Isang mapagpalang araw! Kumusta ka? Handa ka na
ba sa ating gagawin ngayong araw? Bilang iyong guro sa
Araling Panlipunan, ako ay naghanda ng ilang kasiya-siya at
kapaki-pakinabang na gawain upang lubusan mong
maunawaan ang ating aralin. Halina’t muli natin itong
tunghayan upang magkaroon ka ng karagdagan pang
kaalaman. Huwag kalimutan na ang lahat ng iyong sagot sa
mga gawain ay isususlat sa iyong kuwaderno (notebook).
Tayo nang magsimula!

Balita Mo, Share Mo!

Nakapanood ka ba ng balita sa inyong telebisyon? May napakinggan ka


bang isyu na nangyari sa kasalukuyan? Kung mayroon, share mo naman!
Huwag kang mag-alala, handa akong making sa iyo!

Panuto: Maglahad ng isang komprehensibong balita na binubuo ng 30-35 mga salita na may
kinalaman sa impluwensiya ng mga Amerikano sa ating bansa. Kinakailangan na ito ay
detalyado at lagyan ito ng headline.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Mag-throwback Tayo!

May natatandaan ka ba sa nagdaang aralin? Subukan nating balikan sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan at isulat ang iyong mga sagot sa
talahanayan sa ibaba.
1. Sino sa mga bayani o natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng ating
bansa laban sa pananakop ng mga Amerikano ang iyong pinakahahangaan?
2. Ano ang nagawa nilang kabayahinan para ipaglaban ang ating kalayaan?

Mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan


Pangalan Mga Nagawang Kabayanihan

Handa ka na ba? Subukan mong gawin ang mga sumusunod. Huwag kang
mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na nakahanda para sa iyo.
Hanapin Mo!
Panuto: Suriin ang mga letrang nasa palaisipan (puzzle). Hanapin at ilista ang limang
salitang kaugnay ng mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano.

J T E D U K A S Y O N F A P A T G
E H F H F A B I N D U S T R I Y A
G D F G I L J K L C A H I T E M B
I H K R M U F A Y C H N R A A Q N
D H K A L S Y A A N B Y H J K N D
K N D R E U B O N I F R C I O H C
V M I L I G J A C I N E O T Y U V
O I F T R A N S P O R T A S Y O N
N K O M U N I K A S Y O N H J J K
Sagutin ang
mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang mga salitang iyong nabuo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng mga salitang ito sa mga pagbabagong
naganap sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Basahin at Unawain!

Sa loob ng mahigit apatnapung taong pananakop sa bansa, maraming


natutuhan ang mga Pilipino sa kultura ng mga Amerikano na nagpabago sa
kanilang pamumuhay. Sa bahaging ito ng aralin, matutunghayan mo ang ilang mga
pagbabagong naganap sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano. Iyong pag-aralan
ang talahanayan sa ibaba upang magabayan ka sa pagsusuri ng mga pagbabagong
ito. Halinat’t umpisahan mo ang pagbabasa ng talahanayan upang iyong masagot
ang mga gawain sa mga susunod na pahina.

Anu-ano nga ba ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano?


Aspekto ng Lipunang Pilipino Pagbabago sa Panahon
ng Amerikano
Edukasyon

Ang sistema ng
pampublikong edukasyon ang
maituturing na
pinakamahalagang ambag ng
kolonyalisong Amerikano sa
Pilipinas. Ang mga sundalong
Amerikano ang mga naging
unang guro sa Pilipina.

https://www.slideshare.net/
GabbieAllTheWay7/edukasyon-noong-
panahon-ng-amerikano

Kaluanan ay pinalitan sila ng


mga Thomasites, mga gurong
ipinadala ng US sa Pilipinas
lulan ng SS Thomas.
Sa bisa ng Education Act of
1901 ay itinatag ang Department
of Public Instruction na
naatasang mangasiwa sa sistema
ng pampublikong paaralan sa
Pilipinas.
Sapilitan ang ang
pagpapasok ng kabataan sa
pampublikong paaralan. Sa bisa
naman ng Pensionado Act of
1903, ang mga piling mag-aaral
na nagpakita ng husay sa iba’t
ibang larangan ng pagkatutuo ay
pinag-aral sa US bilang mga
pensionado.
Pampublikong Kalusugan

Upang itaguyod ang


pampublikong kalusugan noong
panahon ng mga Amerikano,
itinatag ang Quarantine Service;
itinuro sa mga paaralan ang

Philippine General Hospital


https://www.shutterstock.com/search/
philippine+general+hospital

pangangalaga sa kalusugan at
kalinisan; at itinatag ang Board
of Public Health. Nagtatag din
ang US sa Pilipinas ng mga
institusyon para sa mga ulila,
mga may sakit sa pag-iisip at
mga kabataang nagkasala sa
batas.
Itinayo sa mga bayan ang mga
sentrong pangkalusugan tulad ng
klinika at ospital. Pinakatanyag
sa mga ito ang Philippine
General Hospital na itinayo
noong 1910.
Transportasyon at
Komunikasyon

Noong panahon ng
kolonyalismong Amerikano sa
Pilipinas, ipinakilala ang mga
de-koryenteng tranvia; pinahaba

https://pt.slideshare.net/mhervz05/mga-
impluwensya-ng-pamahalaang-
amerikano/18?smtNoRedir=1
ang mga riles ng Manila
Railroad Company pahilaga at
patimog ng Luzon upang
idugtong ang malalayong pook
sa sentro ng komerisiyo, pulitika
at kultura ng Pilipinas-ang
Maynila; ipinakilala ang mga
truckless trolly bus; at
pinasimulan ang unang
komersiyal na eroplano sa
Pilipinas.
Naging mabilis nanamn ang
daloy ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatatag ng
mga linya ng telepono, radyo, at
telegrapo.
Kalakalan at Industriya

Naisabatas ang
pagpapatupad ng malayang
https://www.slideshare.net/dravara/mga-
patakarang-pangkabuhayan-sa-panahon-
ng-amerikano

kalakalan sa bisa ng Payne-


Aldrich Tariff Act at Underwood
Simmons Act. Sa bisa ng Payne-
Aldrich Tariff Act,
pinahuntulutan ang pagluluwas
ng piling produkto mula sa
Pilipinas ng walang buwis at
ayon sa itinakdang quota
restriction. Samantala,
nakapagluwas sa Pilipinas ang
US ng mga produkto nang
walang binabayarang buwis at
walang quota restriction. Sa bisa
naman ng Underwood-Simmons
Act, tinanggalan na rin ng quota
limits ang lahat ng produktong
iniluluwas ng Pilipinas sa US.
Ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano ay nakatulong sa pag-unlad ng bansa. Higit ang naging pag-unlad nito kung
ihahambing noong panahon ng mga Kastila. Gayumpaman, mayroon din itong masamang
naidulot na naging dahilan ng Kilusang Propaganda noong panahon ng Amerikano.

Sa pagkakataong ito, subukan nating i-organisa ang iyong natutunan upang


maipamalas mo ng mas malalim ang pagkakaunawa mo sa araling ito.
Ilabas na ang natatago mong galling at subukang gawin ang gawain sa
ibaba. Alam kong kayang kaya mo ‘yan. Ikaw pa!

Tsart, Punan Mo!


Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mahahalgang detalye upang iyong matalakay ang mga
pagbabagong panlipunan sa pamumuhay ng mga Pilipino sa pagdating ng mga Amerikano at
saka ito ihambing sa kasalukuyan.
Aspeto Pagbabago sa Panahon ng ng Pagbabago sa
Amerikano at Epekto nito Kasalukuyang Panahon
Edukasyon
Kalusugan
Transportasyon at
Komunikasyon
Kalakalan at
Industriya
Talagang napakahalagang matutunan ang mga pagbabagong naganap sa
panahon ng mga Amerikano. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba para mas
mapalalim pa natin at maunawaan ang ating aralin.

1. Anu-ano ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano?


___________________________________________________________________________

2. Anu-ano ang mga naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?


___________________________________________________________________________

3. Paano nakatulong ang mga pagbabagong ito sa pag-unlad ng bansa?


___________________________________________________________________________

4. Nababakas pa ba hanggang sa kasalukuyan ang impluwensiyang


Amerikano sa bansa? Patunayan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________

Wow! Ang husay mo naman! Malapit na tayong matapos sa ating gawain.


Nasaksihan mo ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano.
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman. Handa ka na ba?

Isabuhay Mo!
Panuto: Sa loob ng 55-60 mga salita, bumuo ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong
sariling pananaw ukol sa mga katanungan sa ibaba. Gawing gabay sa paggawa ang rubric sa
susunod na pahina. Talagang malaki ang naging impluwesya ng mga Amerikano
sa ating bansa. Sa iyong palagay, alin sa mga
impluwensiyang ito ang maituturing na pinakamahalaga,
bakit? At Alin sa mga pagbabagong ito ang lubos na
nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino, bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________
___________________________________________________________________
__
___________________________________________________________________
__
Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay
Mahusay Sapat Kaunti Kulang
Pamantayan 10 8 5 3
puntos puntos puntos puntos
 Tiyak na mensahe at sapat ang bilang
nga mga salita
 Wasto at magkaugnay ang mga
pangungusap
 Malinaw na naiparating ang ideya
 Nakahikayat sa mga mambabasa

Complete Me!

Mula sa mga paksang tinalakay na may kinalaman sa mga pagbabago sa lipunan


sa panahon ng mga Amerikano, natutunan ko na
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Subukin Mo!
Panuto: Pagparisin ang mga pangyayari sa Hanay A sa epekto
nito sa Hanay B. Piliin ang titik at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A B
____ 1. Nagbukas ng mga a. Napangalagaan ang kalusugan ng
paaralang pampubliko. ng mga Pilipino.
____ 2. Nagkaroon ng radyo at b. Naging maayos ang
telepono sa bansa. komunikasyon sa bansa.
____ 3. Umunlad ang sistema ng c. Nabuksan ang pag-iisip ng mga tren sa Luzon
Pilipino sa karagdagang
kaalaman.
____ 4. Nagpatayo ng mga klinika d. Napabilis ang sistema ng
at ospital sa bansa. transportasyon sa bansa.
____ 5. Nakapagluwas ng produkto e. Nakilala ang mga produkto ng
ang Pilipinas sa ibang bansa. sa bansa.
f. Nakilala sa kahusayan ang mga
Pilipino sa larangan ng agrikultura.

Takdang-Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga paaralang naitatag sa bansa sa panahon ng mga


Amerikano. Itala ang mga mahahalagang detalye sa inyong kuwaderno.

Sa pagtatapos ng gawaing ito, ikaw ay aking lubos na binabati sa iyong


ipinakitang dedikasyon at kasipagan sa pagsunod sa mga nakaatas na gawain.
Hinahangad ko ang iyong aktibong partisipasyon sa mga susunod na aralin.

You might also like