You are on page 1of 22

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Paraan ng Pagsasailalim ng Katutubong
Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya
(Puwersang Militar/Divide and Rule Policy)

1
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Paraan ng Pagsasailalim ng Katutubong
Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya (Puwersang Militar/ Divide and Rule Policy)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Raul N. Moncida Jr.


Editor: Hope A. Jandomon
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Hope A. Jandomon
Tomas Raglin D. Partosa
Tagaguhit:
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
5

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Paraan ng Pagsasailalim ng
Katutubong Populasyon sa
Kapangyarihan ng Espanya
(Puwersang Militar/Divide and
Rule Policy)

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Mga Paraan ng Pagsasailalim ng Katutubong Populasyon sa
Kapangyarihan ng Espanya (Puwersang Militar/Divide and Rule Policy).”

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa “Mga Perspektibo sa Pagtatatag ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas (Puwersang
Militar/ Divide and Rule Policy).”
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
iv
iv
v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglikha


o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na kwaderno sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
v
Alamin

Panimula

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)

*Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya
a. puwersang military/divide and rule policy

LAYUNIN

K – Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon batay sa


puwersang military/divide and rule policy ng mga Espanyol.

S – Nakagagawa ng graphic organizer na concept map sa perspektibong paraan ng


pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya.

A – Napahahalagahan ang mga paghihirap ng mga katutubong populasyon sa naging epekto


ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas.

1
Paano mo ito ipinakita o
Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Sagutin ang mga katanungang tungkol sa pagsasailalim ng Pilipinas sa


puwersang militar at ang iba-ibang perspektibo sa pagkakatatag ng
Kolonyang Espanyol.

Gamit ang crossword puzzle sa ibaba, hanapin sa loob nito ang iyong sagot.
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

K O L O N Y A L I S M O R U M R
P E Q W I A E I M U O U T I B E
A R Y R K D R U P J U Y F T N D
M T U Y O I M P E R I U M Y U U
P Y G E J E Y J R M L J Y G Y C
A U U T K D U H Y K I K T H T C
L I J U G U I G A H K M R J U I
A R H F K Y A G L K R S E G H O
S E G V F U S F I L E S P A I N
A T C O L O N U S G Q T E R T G
N T Y T E Q I O M X V B N M V E
H N M E R T U H O M O N H O N G
K R I S T I Y A N I S A S Y O N
D I V I D E A N D R U L E X C B

___1. Isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang


bansa.
___2. Tumutukoy sa pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa
sa iba pang lupain upang isulong ang mga pansariling interes.
___3. Salitang latin ng Imperyalismo.
___4. Salitang latin ng Kolonyalismo.
___5. Pangalan ng Isla na unang dumaong si Ferdinand Magellan.
___6. Paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mananakop ang mga local na
pinuno o naninirahan sa isang lugar.
___7. Halos kasinghalaga ng ginto ang isa sa mga hangarin ng mga Espanyol na sakupin
ang Pilipinas.
___8. Tawag sa pagmimisyon ng mga Prayle.
___9. Sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa dati nilang tirahan.
___10. Bansa sa Europa na sumakop sa Pilipinas noong ika-16 na siglo hanggang ika -20
na siglo).

2
Balikan
Punan ang mga patlang ng tamang sagot. Pumili lamang sa loob ng kahon. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.
1. Bansang Europeo na sumakop sa Pilipinas noong 1565.
a. S_ _ I _
2. Pangalang ibinigay ni Villalobos sa kapuluan ng pPilipinas upang parangalan
ang susunid na hari ng Spain.
a. F _ _ I _ _ N A
3. Pulo ng Pilipinas na pinaniniwalaang lugar kung saan ginanap ang unang misa.
a. _ E _ U
4. Unang pamayanang Espanyol na itinatag sa bansa.
a. LA V_L L A D_L SAN_ISI_ _ NO_ BRE _E JES_S
5. Tawag sa lugar o bansang direktang kinontrol , pinamahalaan , at nilinang ng
isang makapangyarihang bansa.
a. ___ O_ON__ A LISMO
6. Pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa
mga Espanyol.
a. LA_ U- LA_ _
7. Pinuno ng mga Espanyol na nagtungo sa Pilipinas at nagwagi sa labanan sa
Cebu at Maynila.
a. M_ _EL LOPEZ __E LE_ _ ZPI
8. Katutubong pinuno sa Cebu na tumanggap kay Magellan at nagpabinyag sa
Kristiyanismo noong 1521.
a. RA__ __ H HUMA__ __ N
9. Tanyag na manlalayag na unang nagpatunay na bilog ang daigdig at siyang
nakarating sa Pilipinas noong 1521.
a. FER__ __ NAND MA__ __LLAN
10. Inihandog ni Magellan kay Humabon bilang tanda ng pagiging Kristiyano dito.
a. IMAHE NG __ __ ÑO JES__ S

RAJAH HUMABON FERDINAND MAGELLLAN IMAHE NG NIÑO JESUS

LAPU-LAPU MIGUEL LOPEZ DE LAGAZPI SPAIN

FILIPINA LA VILLA DEL SANTISIMO NOMBRE DE JESUS

KOLONYALISMO CEBU

3
Tuklasin
May kaalaman ka ba kung paano mas pinalawak ang pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas? Ano-ano ang mga perspektibong nailahad sa
pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol?

Gaano kaya ka higpit ang puwersang militar sa mga katutubo?


Ano ang ibig sabihin ng Divide at Rule Policy?

BASAHIN AT UNAWAIN

Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya ang sinakop ng


nga kanluranin noong Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo (ika-16 at
ika-17 siglo) kabilang na dito ang Pilipinas.

Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, nagtayo ang mga Espanyol


ng kolonya, pagmimisyon ng mga paring prayle, at nagtatag ng mga patakaran
upang mas mapadali ang pagsakop nito. Nabago ang pamamahala ng Pilipinas
nang dumating ang mga Espanyol. Sinakop nila ang bansa sa loob ng mahigit
tatlong dantaon, mula 1565 hanggang 1898. Sa panahong ito, umiral ang
pamahalaang kolonyal dahil ang Pilipinas ay naging isang kolonya o bansang
sakop ng Espanya.

SAGUTIN NATIN
Ano ang iyong naiintindihan sa tekstong binasa?

4
Suriin
Sa loob ng mahabang panahon, nagpatuloy ang maunlad na pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino sa maraming bahagi ng kapuluan. Malaya ang mga
pamayanang baranggay sa pamumuno ng kani-kanilang pinuno. Nagbago lamang
ang kalagayan ng mga ito sa pagdating ng mga Espanyol sa kapuluan. Hindi,
nagtagal, tuwirang sinakop ng mga dayuhang kanluranin ang kapuluan at isinailalim
ito sa kanilang kapangyarihan. Ito ang simula ng kolonyalismo sa Pilipinas.
Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin
ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop
upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang pagnanais ay
pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob ng mga
nasasakupan ay saka nila isasakatuparan ang kanilang hangarin na
gamitin,pagsamantalahan , at pakinabangan ng husto ang likas na yaman ng kolonya.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtatag ng pamahalaang kolonyal, pagpapataw at
pagtatakda ng paniningil ng buwis, at pagsasagawa ng mga batas na makabubuti sa
mga mananakop.
Samantala, ang Imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium na
ibig sabihin ay command. Nangangahulugang dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at
kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan ng mga nasasakupan upang makapagtatatag ng
imperyo.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa iba-ibang perspektibo ukol sa pagkatatag
ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas. Una, Ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap
ng panibagong paniniwala at pilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing
dahilan ng pananakop ng mga bansa. Pagpapalawig at pagpapalawak ng
nasasakupan, pakinabang sa likas na yaman at sentralisadong pamamahala sa
pamumuno ng mga Espanyol.

Bakit ninanais ng mga Kanluranin na palawakin ang kanilang kolonya?


Sang-ayon ka ba sa dahilan ng mga kanluranin sa pananakop ng mga lupain? Bakit?

5
Mga mahalagang puna sa pagkakatatag ng kolonyalismo sa Pilipinas.

FERDINAND Sumakop: España MINDANAO


MAGELLAN
Mga Lugar na sinakop: halos Hindi tulad ng Luzon at
Narating niya ang kabuuan ng Luzon at Visayas, ilang bahagi lamang
Silangan gamit ang Visayas at ilang bahagi ng ng Mindanao ang nasakop ng
rutang pangkanluran. Mindanao. mga Espanyol dahil sa
Napatunayan sa matagumpay na
kaniyang paglalakabay Dahilan: Mayaman ang
Pilipinas sa ginto. May pakikipaglaban ng mga
na bilog ang mundo.
mahusay na daungan tulad muslim.
ng Maynila.
Mga pampalasa:
Paraan ng Pananakop: DIVIDE AND RULE POLICY
Mataas ang unang dumaong sa isla ng
Isang paraan ng pananakop kung
paghahangad at Homonhon si Ferdinand
saan pinag-aaway-away ng
pangangailangan ng Magellan, isang Portugues
mananakop ang mga lokal na
mga Kanluranin sa na naglayag para sa Hari ng
pinuno o mga naninirahan sa
pampalasa. Tulad ng Espanya noong Marso 16,
isang lugar, ginagamit naman
cloves, nutmeg, at 1521. Nabigo niyang
ang mga mananakop ang isang
mace. Halos masakop ang Pilipinas dahil
tribo upang masakop ang ibang
kasinghalaga ng ginto napatay siya ng mga tauhan
tribo.
ang mga pampalasa sa ni Lapu-Lapu sa labanan sa
pamilihan. Mactan. Nagpadala ang Hari
ng Espanya ng iba pang
maglalakbay na ang layunin
Nagtagumpay na ay masakop ang Pilipinas sa
masakop ang Pilipinas pamumuno ni Miguel Lopez
sa mga Kanluranin sa de Legazpi. Naitayo ang
pamamagitan ng unang pamayanan sa Cebu
pakikipagkasunduan sa noong abril 27, 1565.
mga lokal na pinuno at
paggamit ng dahas.
Kung sakaling nag-alsa
ang mga katutubo sa
mga Espanyol ,
nilalabanan ito ng mga
katutubo nang patas
laban sa Espanyol.

Bakit naging matagumpay ang divide and rule policy?


Bakit mahal ang presyo ng mga pampalasa sa pamilihan ng Europe?

6
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Gamit ang Concept Map sa ibaba. Punan ng sagot ang mga bilog na
nag-uugnay sa mga perspektibong paraan sa pagkakatatag ng Kolonyalismo sa
Pilipinas. Isulat ito sa iyong kwaderno.

PERSPEKTIBONG
PARAAN SA
PAGKAKATATAG NG
KOLONYALISMO SA
PILIPINAS

7
Gawain B
Panuto: kumpletuhin ang sanaysay sa ibaba. Haanpin sa loob ng kahon ang iyong
tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

A. Luzon at Visayas B. pampalasa


C. Lapu-Lapu D. Miguel Lopez de Legazpi
E. Marso 16, 1521 F. Abril 27, 1565
G. Ferdinand Magellan H. Homonhon
I. España J. pakikipagkasunduan
K. dahas L. Espanyol

Sinakop ng 1.______ ang Pilipinas noong ika- 16 na siglo hanggang ika-20


siglo. Halos kabuuan ng 2___________________ at ilang bahagi ng Mindanao. Dahil
sa mayaman ang Pilipinas sa ginto at sagana sa mga 3._______________. May
mahusay na daungan tulad ng Maynila. Unang dumaong sa isla ng 4._________ si
5._________, isang Portugues na naglayag para sa Hari ng Espanya noong
6.___________. Nabigo niyang masakop ang Pilipinas dahil napatay siya ng mga
tauhan ni 7.___________ sa labanan sa Mactan. Nagpadala ang Hari ng Espanya ng
iba pang manlalakbay na ang layunin ay masakop ang Pilipinas sa pamumuno ni
8._______________. Naitayo ang unang pamayanan sa Cebu noong
9.________________. Nagtagumpay na masakop ang Pilipinas sa mga Kanluranin
sa pamamagitan ng 10.___________sa mga lokal na pinuno at paggamit ng
11._______. Kung sakaling nag-alsa ang mga katutubo sa mga Espanyol, nilalabanan
ito ng mga katutubo na mga tapat sa 12.___________.

8
Isaisip

TANDAAN
Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin
ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop
upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang pagnanais ay
pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob ng mga
nasasakupan ay saka nila isasakatuparan ang kanilang hangarin na
gamitin,pagsamantalahan , at pakinabangan ng husto ang likas na yaman ng kolonya.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtatag ng pamahalaang kolonyal, pagpapataw at
pagtatakda ng paniningil ng buwis, at pagsasagawa ng mga batas na makabubuti sa
mga mananakop.

Samantala, ang Imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium na


ibig sabihin ay command. Nangangahulugang dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika , pangkabuhayan , at
kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan ng mga nasasakupan upang makapagtatatag ng
imperyo.

DIVIDE AND RULE POLICY


Isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mananakop ang
mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar, ginagamit naman ang mga
mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang tribo.

9
Isagawa
POSTER
Bumuo ng isang poster, o kaya tula o awit na naglalarawan ng pagpapahalaga sa mga
paghihirap na ginawa ng mga Pilipino sa kolonyang Espanyol.
Gawing gabay ang pamantayan na nasa ibaba.

Nangangailangan
pa ng Dagdag na
Pamantayan Mahusay Katamtamang Pagsasanay sa
(3) Husay Paggawa ng
(2) Poster
(1)
Wastong wasto Wasto ang May mali sa Mali ang mensahe
ang detalye ng detalye ng mga detalye ng ng nagawang
mensaha ng mensaha ng mensahe ng poster.
nagawang gawain. nagawang nagawang
gawain. gawain .
Kompletong Kompleto ang May ilang kulang Maraming kulang
kompleto ang detalye ng sa detalye ng sa detalye ng
detalye ng mensahe ng nagawang nagawang gawain.
mensaha ng nagawang gawain.
nagawang gawain. gawain.
Kasiningan ng Masining na Ordinaryo ang Magulo at hindi
Pagkakagawa masining ang pagkakagawa. masining ang
pagkakagawa pagkakagawa
ng poster.
Kalinisan ng Malinis na Medyo malinis Marumi ang
pagkakagawa malinis ang ang pagkakagawa ng
pagkakagawa pagkakagawa gawain .
ng gawain. ng gawain.
Kabuuang Puntos

10
Tayahin
Tama o Mali: Isulat ang T kung Tama at M kung Mali ang mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Naging masaya ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.

2. Umangat ang buhay ng mga Pilipino dahil sa patakaran ng mga Espanyol.

3. Halos kabuuang Luzon at Visayas ang nasakop ng mga Espanyol.

4. Ang Divide at Rule Policy ay isang paraan ng pananakop kung saan pinag-
aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa
isang lugar.

5. Unang dumaong sa isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan.

6. Ang Cebu ang naging unang pamayanang Espanyol at siyudad ng Pilipinas.

7. Ang Sulu ay napuntahan ng mga Espanyol noong 1637.

8. Nasakop ang Pilipinas sa pamamagitan ng Krus at Espada.

9. Pampalasa ang isa sa mga hangarin na masakop ang Pilipinas ng mga


Espanyol.

10. Ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay humantong hanggang 333 na


taon.

11
Karagdagang Gawain

Ano ang kahalagahan para sa iyo ng iyong nalalaman tungkul sa iba-ibang


perspektibong paraan sa pagkakatatag ng kolonyalismo sa Pilipinas? Paano mo
mailalapat ang kaalamang ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? sa iyong
pag-aaral ng pagsasailalim ng Spain sa Pilipinas? Isulat sa iyong notbuk ang sagot.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
K O L O N Y A L I S M O R
P M E
A P D
M I M P E R I U M U
P R C
A Y C
L A I
A L O
S I S P A I N
A C O L O N U S
M
H O M O N H O N
K R I S T I Y A N I S A S Y O N
D I V I D E A N D R U L E

Balikan

1. SPAIN
2. FELIPINA
3. CEBU
4. LA VILLA DEL SANTISIMO
NOMBRE DE JESUS
5. KOLONYALISMO
6. LAPU-LAPU
7. MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
8. HUMABON
9. FERDINAND MAGELLAN
10. IMAHE NI NIÑO JESUS
12
GAWAIN A

Una, Ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng panibagong paniniwala


at pilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing dahilan ng
pananakop ng mga bansa. Pagpapalawig at paglawak ng nasasakupan,
pakinabang sa likas na yaman at sentralisadong pamamahala sa pamumuno
ng mga Espanyol.

GAWAIN B

1. Luzon at Visayas 2. Pampalasa


3. Lapu-Lapu 4. Miguel Lopez de Legazpi
5. Marso 16, 1521 6. Abril 27, 1565
7. Ferdinand Magellan 8. Homonhon
9. España 10. Pakikipagkasunduan
11. Dahas 12. Espanyol

Tayahin

1. M
2. M
3. M
4. T
5. T
6. T
7. M
8. T
9. T
10. T

13
Sanggunian

Mga Aklat
Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa Batayang Aklat
mga pahina 120-127.

Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa Gabay ng Guro


mga pahina 33-42.

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba 7 Batayang Aklat mga pahina 324-327.

Most Essential Learning Competencies

Denofra, Ruby & Mercado, Michael M. Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang
Bansa Batayang Aklat mga pahina 120-127. 2016

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like