You are on page 1of 15

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Tula sa Panahon ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Justine S. Golifardo
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I
Tagalapat: Justine S. Golifardo
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

!
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikalawang Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto
Tula sa Panahon ng mga Amerikano
Manunulat: Justine S. Golifardo
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I at Josefina T. Salangsang, HT III
Editor: Paul John S. Arellano

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling Tula sa Panahon ng mga Amerikano !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa Tula sa


Panahon ng mga Amerikano !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo


mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa


binasa (F8PB-IIa-b-24)

Mga Layuning Pampagkatuto:

1. Nailalahad ang konteksto ng tula batay sa mga pangyayari noong


panahon ng Amerikano;
2. Nababasa nang may pag-unawa ang tula mula sa panahon ng
Amerikano sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsasanay; at
3. Nasusuri ang nilalaman ng tulang binasa sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pangunahin at pantulong na kaisipan.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, subukin muna natin ang


abot ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin sa pamamagitan ng
pagsagot sa maikling pagsubok na ito.

Panuto: Punan ng wastong mga letra ang bawat kahon upang mabuo ang
kasagutan sa bawat tanong.

1. Ang tulang isinulat ng isang makata na nanalo sa timpalak sa Balagtasan


noong panahon ng Amerikano (Ang _______________)

HA K
2. Uri ng panitikan na binubuo ng mga taludtod at mga saknong.

T
3. Dito umiikot ang kabuan at mga detalye ng isang akda. Makikita ito sa
pangunahing kaisipan.

P K

6
4. Siya ang tinaguriang ikalawang hari ng balagtasan. (Apelyido lamang)

C L L T S
5. Ayon sa kanyang tula, ang halik daw ng lahing ito ay hindi pasipsip ni
hindi pasupsop kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot.

P N

BALIK-ARAL

Sa nakaraang modyul ay nalaman mo ang kaligirang kasaysayan ng


panitikan sa Panahon ng mga Amerikano. Bago natin pag-aralan at
talakayin ang isa sa mga tula na naisulat sa panahong iyon ay magbalik-
aral muna tayo.

Panuto: Piliin ang titik ng salitang kokompleto sa pangungusap.


1. Si _______________________ ang itinuring na “Ama ng Modernong Tulang
Tagalog” dahil sinalungat niya ang tradisyunal na ayos ng tula.
A. Francisco Balagtas C. Alejandro G. Abadilla
B. Andres Bonifacio D. Jose P. Rizal
2. Nagpatayo ng _____________________ ang mga Amerikano na naglalayong
mabigyan ng libreng edukasyon ang mga Pilipino.
A. Pampublikong Ospital C. Lupain ng mga Magsasaka
B. Pampublikong Paaralan D. Lupain ng mga Amerikano
3. Ayon sa batas ____________________ pinagbabawalan ang mga Pilipino na
magsulat ng mga akdang pupukaw sa paghihimagsik laban sa mga
Amerikano.
A. Jones C. Paris
B. Sedisyon D. Thomasites
4. Si _____________________ ang isa sa mga kinikilalang magagaling na makata
sa Panahon ng mga Amerikano dahil mababakas sa kanyang mga tula ang
romantisismo.
A. Carlos P. Garcia C. Francisco Balagtas
B. Francisco Soc Rodrigo D. Jose P. Rizal
5. ________________________ ang wikang itinuro at ipinagamit sa mga Pilipino
noong Panahon ng mga Amerikano.
A. Ingles C. Filipino
B. Tagalog D. Espanyol

7
ARALIN

Yaman din lamang at napag-uusapan natin ang tungkol


sa mga tula at makata noong Panahon ng mga Amerikano, ay
ating talakayin ang isa sa mga ito.
Si Florentino Collantes (1896 – 1951) ay kinilalang
duplero ng kanyang panahon at nahirang na Ikalawang Hari
ng Balagtasan sa Panahon ng mga Amerikano.
Mahigpit niyang karibal sa balagtasan si Jose Corazon
de Jesus. Ginamit niya ang bansag na "Kuntil Butil" sa
pagsusulat.
https://quizlet.com/
275996875/florentino-collantes-
Ang mga tula ni Collantes ay halos tungkol sa tao kaya
karaniwan at madaling unawain. Isa sa kanyang mga kilalang akda ang tula na
ating tatalakayin ngayon. Basahin ang tulang “Ang Halik” sa ibaba at sagutan ang
pagsasanay tungkol dito,

Ang Halik
ni Florentino Collantes
May nangagsasabing ang halik ng tao
Ay isang pagkaing lutong paraiso
Anang iba naman ay lutong impiyerno
Ewan ko kung alin dito ang totoo,
Marahil sa langgam ang tao natuto
Sapagkat una na ang hayop na ito.

At tayong Pilipino sa Kastila lamang


Umano natuto ng paghahalikan
Sa Amerikano tayo nasanay
Ng gawang paghalik kahit sa lansangan.

Datapwat sa aking ganang pagkabatid


Tayo’y may sarili’t katutubong halik
May halik Pilipino may halik Ingles
May halik Kastila at may halik Intsik.

Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway


Pisngi’y ginagawang mangkok ng linugaw
Parang humuhithit sa kwako ng apyan
Parang pumapangos ng tubong sinambay

Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso


Dikdikan ng labi’t ngudnguran ng nguso
Datapwa ang atin, ang halik Pilipino
Ay hindi pasipsip ni hindi pasupsop
Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot.

8
Ang halik ay bugtong na kataka-taka
Pabango ng puso at ng kaluluwa
Sa iisang tao ay walang halaga
Ngunit pulot-gata kapag sa dalawa.

Ang halik ay mahal, banal at dakila


Ngunit nahihingi kung sa munting bata
Ito’y ninanakaw ng mga binata
Ngunit binibili ng mga matanda.

Ang halik sa sanggol isang kautangan


Sa mutyang kasuyo ito’y karapatan
Tanda ng pag-ibig, ng damdaming banal
Ngunit balatkayo ng pusong tulisan.

Ang halik sa sinta pag-asang sariwa


Sa mutyang asawa’y pagsintang dakila
Datapwat sa isang dalagang matanda
Ang halik ay isang pagkakawanggawa

Sa unang saknong ay inihalintulad ang halik sa lutong paraiso o lutong


impyerno depende sa pagtingin ng tao dito. Ayon din sa tula “Sa Amerikano tayo
nasanay ng gawang paghalik kahit sa lansangan”. Nagpapakita ito ng isa sa mga
kaugalian na natutunan natin sa mga Amerikano.
Ito ay ang pagiging liberal sa kaisipan kung saan gustong malayang
naipahahayag ang sarili sa iba. Nasanay ang mga Pilipino sa turo ng mga Kastila
noon na hindi magandang masyadong inihahayag ang damdamin at ang
paglalambingan ng mga magkasintahan ay hindi dapat ginagawa nang lantad sa
karamihan.
Kaya naman nakakapanibago ang ganitong uri ng akda na tumatalakay sa
paksa na kadalasan ay pribadong bagay lamang para sa mga tao noon. Inilarawan
din ng tula ang iba’t ibang uri ng halik tulad ng sa Intsik, sa Ingles at sa Pilipino.
Nakasasaad din sa akda ang tingin ng tao sa halik batay sa kanilang edad.
Sa kabuoan, masasabi natin na ang akda ay isinulat ni Collantes para sa
susunod na mga henerasyon upang kanilang malaman ang pinagmulan o ang
kasaysayan ng halik at maipabatid ang tama at maling paggamit nito.
Pansinin din natin ang mga metaporang kanyang ginamit sa kahulugan ng
“halik”.
METAPORA CONTEXT NA KAHULUGAN
At tayong Pilipino sa Kastila lamang Ang paghahalikan ayon dito ay sa kung
Umano natuto ng paghahalikan paano tayo naimpluwensiyahan ng mga
Kastila dahil sa kanilang pananakop.
Totoo na ang unang nanakop o humalik
sa Pilipinas ay ang mga Kastila.

9
Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway Ang paglalarawan sa halik ng Intsik ay
Pisngi’y ginagawang mangkok ng pasaid. Ito ay halik na may gusto
linugaw makuha. Dahil tinutukoy nito ang
Parang humuhithit sa kwako ng apyan matagal na panahong pakikinabang ng
Parang pumapangos ng tubong mga Intsik sa ating bansa na
mapapansin naman natin sa pagtatayo
sinambay
nila ng maraming negosyo sa bansa, at
maging ang pagkakaroon ng lupain o
pag-aari.
Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso Inilalarawan dito ng may-akda ang
puwersahang paghalik. Tulad ng
Dikdikan ng labi’t ngudnguran ng puwersahang pagtuturo sa mga Pilipino
nguso ng wikang Ingles noong simula ng
kanilang pamamahala. Kasama na rin
dito ang kulturang kanluranin.
Datapwa ang atin, ang halik Pilipino Tinutukoy dito ang na ang halik ng
Pilipino ay passionate o puno ng
Ay hindi pasipsip ni hindi pasupsop pagmamahal. Dahil totoo na ang tanging
magmamahal lamang nang totoo sa
Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot
bansang Pilipinas ay tanging mga anak
o mamamayan nito. Walang masama at
nakatagong motibo, kung hindi pag-ibig
lamang.

Ngayon naman ay aaralin natin kung paano kumuha ng Pangunahin at


Pantulong na Kaisipan.

Ang Pangunahin at Pantulong na mga Kaisipan


• Ang pangunahing kaisipan (main idea) ay ang sentro o pangunahing tema
ng isang akda. Dito sa paksa o pangunahing kaisipan umiikot ang kabuoan
ng akda.
• Ang mga pantulong na kaisipan (supporting details) naman ay naglalaman
ng mga detalye, paliwanag o halimbawa na may kinalaman sa pangunahing
kaisipan ng akda.
Kunin nating halimbawa ang mga Pangunahing Kaisipan at Pantulong na mga
Kaisipan sa isang saknong ng tulang binasa.

Ang halik ay bugtong na kataka-taka


Pabango ng puso at ng kaluluwa
Sa iisang tao ay walang halaga
Ngunit pulot-gata kapag sa dalawa.

Pangunahing Kaisipan

Ang halik ay bugtong na kataka-taka

(Ang halik daw ay mystery o misteryo)

10
Pantulong na Kaisipan Pantulong na Kaisipan

Pabango ng puso at ng kaluluwa Sa iisang tao ay walang halaga


(Bugtong o misteryo rin ang pag-unawa (Ginawa ang halik para sa dalawang tao.
sa puso ng tao at maging ang kaluluwa) Wala talaga itong kuwenta sa taong nag-iisa)

Pantulong na Kaisipan
Ngunit pulot-gata kapag sa dalawa.
(Ang pulot-gata ay honeymoon sa Ingles. ‘ika nga, ang honeymoon ay ang
magandang biyaya ng kasal para sa dalawang taong nagmamahalan)

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1 – Panuto: Piliin ang titik ng wastong salita sa patlang sa bawat


pangungusap.

1. Si Florentino Collantes ay tinaguriang ______________________________.


A. Makata ng Taon C. Hari ng Balagtasan
B.Makata ng Pag-ibig D. Ikalawang Hari ng Balagtasan
2. Tayong mga Pilipino ay natuto ng pakikipaghalikan sa mga
______________________________.
A. Intsik C. Amerikano
B. Kastila D. Hapon
3. Ang halik para sa isang matandang dalaga ay _______________________.
A. Kawang-gawa C. Kalupitan
B. Pag-ibig D. Pagmamalasakit
4. Ang halik sa kasuyo ay tanda ng ______________________________.
A. Pagmamalasakit C. Pag-ibig
B. Kalupitan D. Kawang-gawa
5. Sa Amerikano tayo nasanay sa paghalik na _________________________.
A. pasiil at paamoy C. pagmamalabis
B. kahit nasa lansangan D. may pagmamahal

Pagsasanay 2 – Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang


talahanayan sa ibaba. Kopyahin ang mga taludtod na nagpapakita ng
kaisipan.

Pamagat:

“Ang Halik”
Ni Florentino Collantes

11
Pangunahing Kaisipan:

Mga Pantulong na Kaisipan:


1.
2

Pagsasanay 3 – Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
wastong sagot.

1. Ano ang pangunahing kaisipan?


A. Ito ay ang aral na maaaring mapulot mula sa akda.
B. Ito ay ang sentro o pangunahing tema ng isang akda.
C. Ito ay naglalaman ng mga detalye, paliwanag o halimbawa.
D. Ito ay naglalaman ng mga tauhan at tagpuan ng isang kuwento.
2. Ano ang pantulong na kaisipan?
A. Ito ay ang aral na maaaring mapulot mula sa akda.
B. Ito ay ang sentro o pangunahing tema ng isang akda.
C. Ito ay naglalaman ng mga detalye, paliwanag o halimbawa.
D. Ito ay naglalaman ng mga tauhan at tagpuan ng isnag kuwento.
3. Anong pag-uugali ng mga Amerikano ang naimpluwensiya sa atin na
ipinapakita ng paghalik kahit nasa lansangan?
A. Pagiging bastos at walang modo C. Pagiging mapagmalaki
B. Pagiging liberal sa pag-iisip D. Pagiging mapagmataas
4. Bakit isinulat ni Florentino Collantes ang tulang “Ang Halik”?
A. Upang maipabatid na ang halik Pilipino ay kakaiba.
B. Upang malaman kung anong halik ang pinakamagaling.
C. Upang maturuan ang mga Pilipino kung paano humalik.
D. Upang malaman ang kasaysayan nito at ang tama at maling paggamit.
5. Anong halik ang tinutukoy na “pasipsip-suso’, dikdikan ng labi’t
ngudnguran ng nguso”?
A. Halik Amerikano C. Halik Intsik
B. Halik Ingles D. Halik Pilipiiino

PAGLALAHAT

Kompletohin ang pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng


paglalahat sa araling iyong natutuhan.

12
Sa paglalahat ng aralin, ang mahahalagang konsepto na natutuhan ko sa aralin ay

PAGPAPAHALAGA

Matapos mong aralin ang paksa sa araw na ito, nais kong magtala/magsulat ka ng
mga nabago sa iyong pananaw o pagpapahalaga (2 pangungusap lamang)

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng wastong
sagot.

1. Sino ang tinaguriang Hari ng Balagtasan?


A. Francisco Balagtas C. Jose Corazon de Jesus
B. Florentino Collantes D. Lope K. Santos
2. Ano ang karaniwang paksa ng mga akda ni Florentino Collantes?
A. Hayop C. Pag-ibig
B. Kapaligiran D. Tao
3. Ito ang naglalaman ng paksa at kung saan umiikot ang kabuuan ng isang
akda.
A. Mga detalye C. Pantulong na kaisipan
B. Pangunahing kaisipan D. Tema ng akda
4. Paano inilarawan ang halik ng Pilipino sa tulang “Ang Halik”?
A. Pasipsip-suso’ at dikdikan ang labi’t ngudnguran ng nguso
B. Paghalik kahit na sa lansangan at walang halong kahihiyan
C. Pahigup-laway at ang pisngi’y ginagawang mangkok ng linugaw
D. Hinid pasipsip ni hindi pasupsop kung hindi pasiil, paamoy, at pasinghot
5. Ano ang pangunahing kaisipan ng tula?
A. Ang halik-Pilipino ang pinakamainam na uri ng halik sa lahat.
B. Ang halik ay masarap para lamang sa mga magkasintahang nag-iibigan.
C. Ito ay isang uri na ng pagkakawang-gawa para sa isang matandang
dalaga.
D. Ang halik ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan depende sa
uri ng tao at kulturang kanyang kinabibilangan.

13
14
Paunang Pagsubok Pagsasanay 3
1. Halik 1. B
2. Tula 2. C
3. Paksa 3. B
4. Collantes 4. D
5. Pilipino 5. B
Balik-Aral
1. C
2. B
3. B
4. C
5. A
Pagsasanay 1
1. D
2. C
3. A
4. C
5. B
Pagsasanay 2
Pangunahing Kaisipan:
Datapwat sa aking ganang pagkabatid
Tayo’y may sarili’t katutubong halik
May halik Pilipino may halik Ingles
May halik Kastila at may halik Intsik.
Mga Pantulong na Kaisipan:
1. Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway
Pisngi’y ginagawang mangkok ng linugaw
Parang humuhithit sa kwako ng apyan
Parang pumapangos ng tubong sinambay
2. Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso
Dikdikan ng labi’t ngudnguran ng nguso
3. Ang halik Pilipino
Ay hinid pasipsip ni hindi pasupsop
Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot.
Panapos na Pagsusulit
1. C
2. D
3. B
4. D
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Collantes, Florentino. (2008). Ang Halik. http://


copypasteverything.blogspot.com/2008/07/tula-ang-halik-ni-florentino-
collantes.html

Yap, Patricia. (2014). Ang Halik. https://prezi.com/_22taudh-v9a/ang-


halik/

Guape, Isabel. (2015). Panulaang Pilipino: Panahon ng Amerikano. https://


www.slideshare.net/isabelguape/panulaang-filipino-panahon-ng-amerikano

15

You might also like