You are on page 1of 14

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Thelma A. Abella at Cynthia B. Datiles
Tagasuri: Richard Abrenilla at Nida Leaño
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Kahulugan ng Tula at Mga Elemento Nito
Manunulat: Thelma A. Abella at Cynthia B. Datiles
Tagasuri: Richard Abrenilla at Nida Leaño/Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 10 ng Modyul
para sa araling Tula!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 10 Modyul ukol sa Tula!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa o napakinggan

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. Naiisa-isa ang iba’t ibang elemento ng tula
B. Natutukoy ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa o
napakinggan
C. Napahahalagahan ang aral na nais iparating ng tulang nabasa o
napakinggan ng mambabasa

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Tukuyin kung sino at ano ang tinutukoy ng pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Ito ay tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat


sa tula at ang kabuuan nito.
__________2. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng tula.
__________3. Ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong at taludtod
__________4. Bilang ng pantig sa bawat taludtod
__________5. Tulang walang sukat at tugma.

BALIK-ARAL
Ngayong natutuhan mo na ang tungkol sa anekdota, mga
halimbawa ng akdang ito at ang mga paraan ng pagpapahayag. Alamin
natin ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng maikling pagsubok.
PANUTO: Tukuyin kung ano o sino ang tinutukoy ng pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ito ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag.


A. paglalarawan C. pagsasalaysay
B. pakikinig D. pagsusulat
______2. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukwento ng katatawanan.
A. Mongheng Mohametano C. Sultan
B. Mullah Nassreddin D. Vizier o ministro

6
______3. Ito ay nakapokus sa pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan
ng kanilang pandama.
A. Buddhism C. Protestantism
B. Catholicism D. Sufism
______4. Siya ang nagsalin ng akdang “Mullah Nassreddin”.
A. Consolation P. Conde C. Nelson Mandela
B. Idries Shah D. Roderic P. Urgelles
_____5. Ito ay kwentong nakawiwili, nangyayari sa totoong buhay at kapupulutan
ng aral.
A. anekdota C. talambuhay
B. maikling Kwento D. tula

ARALIN
Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod. Bawat
saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay
nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng
pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa
matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging
madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga
elemento nito. Ito ay ang sumusunod:
1. SUKAT – Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Hal. Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/ lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ - nag/ka/bi/tak
Sukat – Pipituhing Pantig
2. TUGMA – Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
Hal. Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’t umiilag, tuwa’y lumalayo
Tugmang-Ganap
3. KARIKTAN – ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at
ang kabuuan nito
Hal. Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/ Hiwang Kaunlaran?
Kariktan – lalabindalawahing pantig, Tugmang Ganap at Tayutay
4. TALINGHAGA – ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng
tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal. Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga – Nararanasang gutom ng isang mahirap

7
Mga Anyo ng Tula
1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang
may malalim na kahulugan.
2. Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma.
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng
tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng
pagbabago ng mga kabataan.

Halimbawa ng tula:
Ako ang Daigdig
ni Alejandro Abadilla
I ako
ako ang larawang
ang daigdig buhay
ako
ang tula ako
ang buhay
ako na walang hanggan
ang daigdig
ng tula ako
ang tula ang damdamin
ng daigdig ang larawan
ang buhay
ako
ang walang maliw na ako damdamin
ang walang kamatayang ako larawan
ang tula ng daigdig buhay
tula
II ako
ako
ang daigdig ng tula IV
ako ako
ang tula ng daigdig ang daigdig
sa tula
ako ang malayang ako
matapat sa sarili ako
sa aking daigdig ang tula
ng tula sa daigdig

ako ako
ang tula ang daigdig
sa daidig
ako
ako ang tula
ang daigdig
ng tula daigdig

8
ako tula
ako....
III
ako
ang damdaming
malaya

Gabi
ni Ildefonso Santos

Habang nagduruyan ang buwang ninikat


sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!
Ilipad mo ako sa masalimsim
na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!
Iakyat mo ako sa pinagtipunan
ng mga bitui’t mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y


makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
samantala namang ang hamog kong luha
sa sangkalikasa’y magpapasariwa!

At ano kung bukas ang ating silahis


ay papamusyawin ng araw ang langit?
Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid
Sa dagat ng iyong mga panaginip?

Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,


ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ilipad mo habang gising ang damdamin
sa banal na tugtog ng bawat bituin!

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?________________________________


_____________________________________________________________________
2. Paano naging marikit ang mga tulang binasa? _______________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? __________________________
_____________________________________________________________________

9
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Tukuyin kung sino at ano ang tinutukoy ng pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Ang may-akda ng tulang Ako ang Daigdig.
__________2. Ang pamagat ng tulang ginawa ni Ildefonso Santos.
__________3. Ang sukat ng tulang Ako ang Daigdig ay…
__________4. Ito ay ang kaayusan ng mga salitang ilalapat ng tula at ang kabuuan
nito.
__________5. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Paghambingin ang dalawang tulang binasa at suriin ang mga
elemento ng bawat isa. Itala ang mga sagot sa kasunod na tsart.
Ako ang Daigdig Gabi
ni Alejandro Abadilla ni Ildefonso Santos
Paksa

Sukat

Tugma

Mensahe

Anyo ng
Tula

PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
tula. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang tulang Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla ay nasa


anyong___________.
A. berso blangko C. tradisyunal
B. malayang taludturan D. walang sukat at may tugma

2. Ano ang nais ipakahulugan ng “ako, ang walang maliw na ako, ang walang
kamatayang ako, ang tula ng daigidig”?
A. Ang mundo niya ay paggawa ng tula
B. Sa kanya at sa tula nakasentro ang daigdig
C. Walang kamatayan para sa kanya ang paggawa ng tula
D. Siya at ang tula ay walang limitasyon at walang kamatayan dahil
ang tula at siya ay iisa.

10
3. Ang ibig ipakahulugan ng ikaapat na saknong sa tulang Ako ang Daigdig
ay________.
A. gusto niyang maging malaya.
B. ang tula ang bumubuo ng kanyang buhay.
C. ang kanyang daigdig ay ang pagsulat ng tula.
D. malaya ang may-akda sa paraang nais niyang gawin sa pagsulat
ng tula.

4. Ang tulang Gabi ni Ildefonso Santos ay nasa anyong____________.


A. berso blangko C. tradisyunal
B. malayang taludturan D. walang sukat at may tugma

5. Ang kabuuan ng tulang Gabi ay nangangahulugang________________.


A. paborito niya ang gabi.
B. sa gabi niya naipahahayag ang kanyang damdamin.
C. tuwing gabi lamang siya nakararamdam ng kaligayahan.
D. paghahanap ng lugar at panahon upang mahanap niya ang tunay
na kaligayahan at kapayapaan sa buhay.

PAGLALAHAT

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na saknong mula sa mga piling tula.
Ibigay ang hinihinging kasagutan ng mga sumusunod na elemento ng tula.

Hal.
Sukat: Lalabindalawahing pantig / malayang taludturan
Tugma: Ganap / Di - ganap
Talinghaga: (Mensahe/Aral ng Tula)
Anyo ng Tula: Malaya / Tradisyunal

1. Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

Sukat:______________________________________________________________
Tugma:_____________________________________________________________
Talinghaga:_________________________________________________________
Anyo ng Tula:______________________________________________________

11
2. Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!

Sukat:______________________________________________________________
Tugma:_____________________________________________________________
Talinghaga:_________________________________________________________
Anyo ng Tula:______________________________________________________

3. At siya’y hindi na muling makalipad


Hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
Ang ganyang parusa’y siyang nararapat
Sa hindi marunong sumunod na anak.

Sukat:______________________________________________________________
Tugma:_____________________________________________________________
Talinghaga:_________________________________________________________
Anyo ng Tula:______________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Gumupit ng larawan tungkol sa mga bagay na nais mong gawin o


nais mong puntahan matapos ang pandemyang ito. Sumulat ng malayang
taludturan na may kaugnayan sa larawang napili. Gawin ito sa short
bondpaper.

AKO
at ang NAIS KO

12
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Tunay na nakapaghatid ng mahahalagang impormasyon ang paksang


tinalakay. Sagutin mo ang mga tanong na ito upang masukat ng guro
kung talagang marami kang natutuhan.

PANUTO: Pagtapat-tapatin ang mga kaisipang magkakaugnay sa hanay A at


sa hanay B. Isulat ang letra sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____1. Tulang ito ay siyang nanaluktok A. tula


na anyong tula sa panahon ng paghingi
ng pagbabago ng mga kabataan.

_____2. Ito ang pinakapuso ng tula B. Ildefonso Santos


sapagkat ito ang kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng may-akda.

_____3. Ito ay anyo ng panitikan C. Alejandro Abadilla


na binubuo ng saknong o taludtod.
Bawat saknong naman ay binubuo ng
mga taludtod o linya at ang bawat
taludtod ay nahahati sa mga pantig. D. malayang taludturan

_____4. Ito ay isang anyo ng tula na


may sukat,tugma at mga salitang may E. tradisyunal na tula
malalim na kahulugan.

_____5. Siya ang manunulat na naglakas-


loob na sumulat ng makabagong paraan F. berso blangko
sa pagsulat ng tula.

G. talinghaga

13
14
various-authors-gabi-ni-ildefronso-santos_1065.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-
abadilla.html
http://maestroromano.blogspot.com/2009/12/ako-ang-daigdig-ni-alejandro-
http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/ang-anyo-ng-tula.html
Sanggunian
MODYUL 7
ARALIN 3.3 Tula
Paunang Pagsusulit Pagsasanay 3 Panapos na Pagsusulit
1. kariktan 1. B 1. D
2. talinghaga 2. D 2. G
3. tula 3. D 3. A
4. sukat 4. C 4. E
5. malayang taludturan 5. D 5. C
Balik-aral Paglalahat
1. C 1. sukat: lalabindalawahing pantig
2. B tugma: ganap
3. D mensahe: ang mundo ay hindi-pantay
4. D anyo ng tula: tradisyunal
5. A
2. sukat: pipituhing pantig
Pagsasanay I tugma: ganap
1. Alejandro Abadilla mensahe: maging mapamaraan sa buhay
2. Gabi anyo ng tula: tradisyunal/ tanaga
3. malayang taludturan
4. kariktan 3. sukat: lalabindalawahing pantig
5. tradisyunal tugma: ganap
mensahe: sumunod sa sa mga magulang
anyo ng tula: tradisyunal
Pagpapahalaga
-paggupit ng larawan na nais gawin o puntahan
matapos ang pandemyang ito
Pagsasanay 2
Ako ang Daigdig Gabi
malaya sa pagpapakita ng kakayahan Paksa paghahanap ng kaligayahan at kapayapaan
sa pagsulat
walang sukat o hindi pare-pareho ang
bilang ng pantig sa bawat taludtod Sukat lalabindalawahing pantig
ipakita ang natural na kakayahan, hanapin ang tunay na kaligayahan at
huwag matakot tumuklas ng ibang Mensahe kapayapaan at maging kuntento sa buhay
paraan
malayang taludturan Anyo ng tradisyunal
Tula
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Lenlen Feliciano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Document13 pages
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Document18 pages
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    Document12 pages
    FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Q2M9 Akad
    Q2M9 Akad
    Document17 pages
    Q2M9 Akad
    Mary Grace Katipunan Malagonio
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Twin Afable Rivera Miralpes
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M10-Pagbasa
    FIL11 Q3 M10-Pagbasa
    Document14 pages
    FIL11 Q3 M10-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Maria Carmela Arellano
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    Document14 pages
    FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Mayren Vizarra
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Kate Batac
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M7 Pagbasa
    FIL11 Q3 M7 Pagbasa
    Document18 pages
    FIL11 Q3 M7 Pagbasa
    Izumi
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
    Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
    From Everand
    Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
    Rating: 4 out of 5 stars
    4/5 (8)
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • Libro ng Bokabularyo ng Indonesian: Isang Paraan Batay sa Paksa
    Libro ng Bokabularyo ng Indonesian: Isang Paraan Batay sa Paksa
    From Everand
    Libro ng Bokabularyo ng Indonesian: Isang Paraan Batay sa Paksa
    No ratings yet