You are on page 1of 17

Filipino 7

1
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 7: SANAYSAY (Uri, Elemento at Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Blessy J. Villanueva at Domenick A. Tolentino
Tagasuri: Ruby M. Bacsafra at Nida A. Leaño
Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikatlong Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
SANAYSAY- (Uri, Elemento at Bahagi)
Manunulat: Blessy J. Villanueva at Domenick A. Tolentino
Tagasuri: Ruby M. Bacsafra at Nida A. Leaño/ Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino7, ng Modyul 7 para sa
araling SANAYSAY- (Uri, Elemento at Bahagi)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 7 ukol sa SANAYSAY- (Uri,


Elemento at Bahagi)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Magpapamalas ng pagpapahalaga sa sanaysay bilang isang akdang


pampanitikan.
Mga Inaasahang layunin:

A. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng mga pantulong at


pangunahing kaisipan.
B. Nahihinuha ang motibo o pakay ng nagsasalita sa teksto.
C. Nakapagbibigay ng sariling saloobin hinggil sa binasang teksto.

PAUNANG PAGSUBOK
Sa bahaging ito ng modyul susukatin muna natin ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin kung kaya’t hindi mo dapat
ipag-alala kung mali man ang iyong naging kasagutan.

Panuto: Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot para sa sumusunod na


katanungan.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

A. Abadilla B. Di-Pormal C. Matute D. Pormal E. Sanaysay

1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na exaguim na ang ibig sabihin ay


pagtitimbang-timbang.
2. Maingat ang pagtalakay nito at ginagamitan ng pagsusuri.
3. Ito ay may himig na pakikipag-usap sa mambabasa
4. Ang nagsabi na ang sanaysay at kuha sa kahulugan ng pasasalaysay na
isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
5. Premyadong manunulat at mananaysay

BALIK-ARAL
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga kasagutan sa tanong sa Hanay A. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Hanay A. Hanay B.
____1. Nagpapaliwanag ng mga pangyayari sa kalikasan A. Alamat
na noong unang panahon ay hindi pa nauunawaan ng tao.
____2. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga lugar, hayop, B. Gitna
at bagay-bagay sa paligaid.

6
____3. Nasasalamin dito ang likas at malawak na C. Kwentong-
bayan imahinasyon ng isang manunulat.
____4. Ito ang bahagi kung saan napupukaw ang interes ng D. Mito
mambabasa na ipagpatuloy ang kanyang pagbabasa.
____5. Dapat isaalang-alang dito ang pagbuo ng pahayag at E. Simula
kaisipan na nag-aambag sa ikagaganda ng akda.

Kung nasagutan mo ang mga kataungang iyan na may kinalaman sa


nakaraang aralin. Binabati kita! Ikaw ngayon ay handa na sa ating
panibagong aralin.

ARALIN

PANUTO: Ayusin ang ginulong letra upang mabuo ang salita.

Y A S Y A N A S
Gabay na tanong:

1. Ano ang iyong nabuong salita? ________________________________


2. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang iyong nabuo.
__________________________________________________________________________
ANG KAHULUGAN NG SANAYSAY

 Ang Sanaysay ay nagmula sa salitang Latin na exaguim, na


nangangahulugang pagtitimbang-timbang. Ito rin ang tawag sa paglalahad ng
sariling kaisipan, opinyon, o kuro-kuro ng sumusulat ng isang bagay o paksa.
 Ang sanaysay ay tulad ng maikling kwento, nobela, talambuhay, anekdota,
pabula, parabola at dula ay nasa anyong tuluyan na tumatalakay sa isang
paksa. Ang kaibahan lang ng sanaysay sa genre na nabanggit ay nailalahad
nito ng lantad ang pananaw at kuro-kuro ng sumulat o may-akda.
Sa diksyunaryo
-isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit
na maikli at pormal kaysa alinmang akda.
Michael de Montaigne
-lumikha ng sanaysay
-pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga
kaisipan ay maaaring makipagtalastasan sa kanino mang mga kaibigan o
kakilala.
-Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.

Alejandro G. Abadilla
-kilalang makata at mananaysay
-ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng pasasalaysay na isang sanay

7
o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
- idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang liriko sa larangan ng
panunugma o pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awto r

Genoveva E. Matute
-premyadong manunulat at mananaysay
-Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa isang paksa
sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan
kuru-kuro, palgay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw,
magbibigay kaalaman o magturo. Idinugtong pa niya na ang sanaysay ay
isa na sa mga anyong higot na nagpapaisip, nagpapalawak ay
nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’t
damdaminng-bayan.

Dalawang Uri ng Sanaysay


May dalawang uri ng sanaysay. Ito ay ang anyong pormal o maanyo at
sanaysay na di-pormal.

Sanaysay na Pormal
-gumagamit ng mga salitang pormal at pili ang paksa. Maingat ang
pagtalakay nito at ginagamitan ng pagsusuri. Angkin din ng sanaysay na pormal
ang malinaw na balangkas at anyo at naayon sa mga kaisipang obhetibo

Ang pormal na sanaysay ay:


1. pumupuna o pumupuri
2. naglalahad ng mga namasid sa mga bagay, tao, at mga pangyayari
3. nagpapagaan sa mga paksang pang-agham; at
4. nagpapahiwatig ng mga paglilinaw ng mga puntos at parangal.

Ang tatlong anyo ng pananaliksik para sa sanaysay na pormal ay ang sumusunod:

a. Scholarship research-anyong naglalayong mangalap ng datos.


b. Kritisismo-karaniwang matatagpuan sa anlohiya’t dyornal
c. Pagsasateorya- nangangailngan ng pananaliksik.

Sanaysay na Di- Pormal


-maaaring pumaksa sa anumang bagay. Ito ay may himig na pakikipag-usap
sa mambabasa. Maaaring nanunudyo, nagpapasaring, o nagbibigay ng mga
talinghaga na hahamon sa isip ng mga mambabasa. Ang paksa’y personal, magaan
at karaniwang masasaya.
-Nagmimithing mangganyak, magpatawa o kay ay manudyo o magsilbing
salamin sa lahat ng mga saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga
mambabasa.
-Tinitingnan ng di-pormal ang mga bagay-bagay sa paraang suhetibo mula
sa personal na antas, malapait sa karanasan ng may-akda at lubog na lubog sa
kamalayan ng tao.

8
Ang mga sanaysay na di-pormal ay maaaring…
 sanaysay na personal ● dyornal
 larawan-sanaysay (photo-essay) ● talumpati
 payo sa anyo ng liham ● dokumentaryo
 kwentuhan (prose poem) ● artikulong pamperyodiko

Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay at mga Elemento o Bahagi Nito

1. Pasalaysay 7. Nagpapaalala
2. Naglalarawan 8. Editoryal
3. Mapag-isip, di-praktikal 9. Makasiyentipiko
4. Mapagdili-dili 10. Sosyo-historikal
5. Kritikal o mapanuri 11. Sanaysay na pankalikasan
6. Didakto o nangangaral 12. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan

Mga Bahagi ng Sanaysay


Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.

1. Simula/Panimula
Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay
dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2. Gitna/Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang
isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti
dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng
sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan

Basahin at unawain

Online learning sa New Normal ng Edukasyon


GRABE ang epekto ng COVID-19 pandemic sa larangan ng edukasyon sa
buong mundo at ang anyo ng bagong normal sa edukasyon ay malayong malayo sa
dating normal. Sa ayaw man o sa gusto ng mga titser, magulang, estudyante at mga
opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas at magiging
pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online learning”
na dati’y madalang gamitin. Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid
paaralan lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap ang
edukasyon. Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at
maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at
palitan ng kuro-kuro.

9
Sinabi ni Cathy Li ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online
learning kesa sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan.
Mas natatandaan ng estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online
kumpara sa 8-10% lang kung sa silid-paaralan ito itinuro. 40-60% ang nababawas
na oras para matutuhan ng bata ang isang aralin sa online learning. Ito raw ay dahil
kayang balik-balikan ng bata ang aralin, puedeng lumaktaw at umabante sa ibang
konsepto batay sa sariling kakayanan ng bata. Hindi nababagot ang bata sa bagal
ng pagtuturo ng titser sa silid paaralan.
May distance o remote learning kung saan mananatili sa bahay ang mga
estudyante upang aralin ang mga learning modules na ipapadala sa kanila ng titser
gamit ang teknolohiya tulad ng email, viber, telegram, at FB PM. Maaari din bahay
bahayin ng titser ang paghahatid ng mga modules na ito. Maaari din gumamit ng
TV at Radio learning broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa Inglatera,
mga sikat na atleta at artista ang kanilang isinama dito para mahikayat ang
estudyante na manood at makinig sa mga learning broadcasts. Pagkaraan nito,
maaaring mag video conference o virtual meeting o di kaya bibisita ang titser sa bahay
ng estudyante para magkaroon ng “one on one” sa estudyante.
May “blended learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din
“flipped classroom”, isang uri ng blended learning kung saan manonood ang mga
estudyante sa online lecture, magbabasa ng mga itinakdang aralin, may video chat
ang mga magkaklase upang talakayin ang aralin o magtulong-tulong sa
pagsasaliksik sa internet ng mga materyales na kailangan upang lalong luminaw,
lumawak at lumalim ang kanilang pagkaunawa sa mga konsepto na tinatalakay ng
titser.
Sa isang napanood kong video sa epekto ng online learning sa Wuhan sa
panahon ng pandemic, isang 10 taon gulang na bata ay nag-online sa takdang oras,
tumayo sa harap ng monitor at sumaludo habang kinakanta ang kanilang
pambansang awit. Mayroon din ilang minuto ng calisthenics at sumusunod ang bata
sa mga kilos ng titser sa monitor. May ilang saglit na pahinga bago mag umpisa sa
aralin ng araw na iyon at sumagot sa mga tanong sa learning modules na hawak
niya. Ang bata ay nagsabing malungkot mag-aral mag-isa dahil wala siyang
makausap. Mas gusto pa niya pumasok sa paaralan para magkita ng mga kaklase
at makapaglaro pagkatapos ng klase. Ang nanay naman ng bata ay nangangamba
sa kalusugan ng tumatabang anak na isang swimmer dahil kulang ito sa ehersisyo.
Mayroon dalawang puna ang mga nangangamba na hindi magtatagumpay
ang online learning sa Pilipinas: una, mabagal ang internet sa Pilipinas, at
pangalawa, maiiwanan ang mga mahihirap sa bagong normal sa edukasyon.
Nakakahiya ang kupad ng mobile internet download speed ng Pilipinas sa
15.06 megabits per second (Mbps) para sa taong 2019. Ang global average speed ay
26.12 Mbps. Daig pa tayo ng Zimbabwe (15.2 Mbps) at Syria (19.48 mbps). Pang
103rd sa 139 bansa ang ating rango. Ang DepEd, CHED, Tesda at DICT ay kailangan
magsanib puwersa para pigain ang mga Telecom carriers na palakasin ang internet
connectivity infrastructure ng Pilipinas. Free WiFi at libo-libo pang mga cloud servers
ang kailangan upang ang mahihirap na estudyante ay hindi na kailangan pang
magpaload ng kanilang mobile device para makapag online at magkasya ang
napakalaking bulto ng data na kailangan idownload at upload.

10
Kailangan maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili
ng mga desktop, laptop, at mobile devices para sa estudyante at mga guro. Dagdag
pa rito ang paglalaan ng pondo para sa training ng titser sa pagsasalin ng kanilang
ituturo sa digital format at kung paano gumamit ng mga devices para mag upload ng
mga aralin na ginawa nila. Ang lesson na pang isang oras sa silid paaralan ay
kailangan kinisin upang magkasya sa loob ng 15- 30 minuto lamang sapagkat ito
ang pinaka epektibong online session, ayon sa University of Peking.
Ayon kay Antonio Contreras (Manila Times, Mayo 7,2020), noong 2017, 80%
ng mga Pilipino na ang edad ay 18-24 ay nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na
malaking hamon paano mabubuksan ang isipan ng age group na ito na ang internet
ay tagapaghatid din ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng libangan,
aliwan at pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila. Minungkahi
niya na pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa
online at offline learning sapagkat “learning should be fun”.
Sabi ni Alfred Mercier, dapat maging masayang karanasan ang pag-aaral
upang hindi makalimutan ng mag-aaral ang kanyang natutuhan. Kung susundin ng
DepEd, CHED at Tesda ang mungkahi ni Contreras, hindi mababagot ang mga
batang mag-online para mag-aral. Ang bagong normal sa edukasyon ay dapat
maging isang masayang karanasan ng bata at titser.
Mula sa: https://journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-edukasyon

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Bilugan ang angkop na motibo o pakay ng may-akda ukol sa pahayag na
nakatala.
1. Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid paaralan lang
maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap ang edukasyon.
A. Mas dadalas at magiging pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng
karunungan ang “online learning” na dati’y madalang gamitin.
B. Hindi na papasok sa paaralan ang mga guro at mga estudyante.
C. Ipagpapaliban ng isang taon ang pag-aaral ng mga bata.
2. Minungkahi niya na pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng
mga programa sa online at offline learning sapagkat “learning should be fun”.
A. Dapat maging masayang karanasan ang pag-aaral upang hindi
makalimutan ng mag-aaral ang kanyang natutuhan.
B. Ang bagong normal sa edukasyon ay dapat maging isang masayang
karanasan ng bata at titser.
C. Hindi mababagot ang mga batang mag-online para mag-aral.
3. Hindi magtatagumpay ang online learning sa Pilipinas.
A. Hindi mauunawaan ng mga bata ang aralin.
B. Mabagal ang internet sa Pilipinas, at pangalawa, maiiwanan ang mga
mahihirap sa bagong normal sa edukasyon.
C. Hindi na papasok sa paaralan ang mga guro at mga estudyante.

11
4. Kailangan maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili ng
mga desktop, laptop, at mobile devices para sa estudyante at mga guro.
A. Hindi lahat ng mga estudyante at guro ay may kakayanan na
makapaghanda o makabili ng mga kagamitan para sa online learning tulad
ng mga desktop, loptop at mobile devices.
B. Ito ang mga pangunahing pangangailangan sa online learning.
C. Responsilbilidad ng pamahalaan, nasyonal at local na ibigay ang mga
panganagailangan ng mga kabataan at guro para sa online learning.
5. Free WiFi at libo-libo pang mga cloud servers ang kailangan ng mga estudyante
at guro.
A. Hindi lahat ng mga estudyante at guro ay may kakayanan na
makapagpaload para lang makapag online.
B. Upang hindi na dumagdag sa budget ng mga magulang ang panload para sa
online learning.
C. Upang ang mahihirap na estudyante ay hindi na kailangan pang magpaload
ng kanilang mobile device para makapag online at magkasya ang
napakalaking bulto ng data na kailangan idownload at upload.

Pagsasanay 2
Nakapagbubuod ng Tekstong Binasa sa Tulong ng Pangunahin at Pantulong na
kaisipan.
Sa pamamagitan ng Cyclical Thinking Map ay gumawa ng buod ng akdang
“Online Learning sa New Normal ng Edukasyon”

Pangunahing Kaisipan
Ano ang online learning?
1.
2.

Mga Pantulong na Kaisipan


Aral na Nakuha sa Buod ng sanasay
na Positibong pananaw sa
Binasang Akda Online learning Online Learning
1. sa New Normal 1.
ng Edukasyon
2.

Mga Pantulong na
Kaisipan
Negatibong Pananaw sa
Online Learning
1.
2.

12
Pagsasanay 3
Sa iyong palagay bakit mahalaga ang online learning? Ano ang maitutulong
nito sa iyo bilang mag-aaral lalo na sa panahon ngayon ng pandemya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT
PANUTO: Iguhit sa loob ng kahon ang emoticon na angkop sa iyong
damdamin sa katatapos na aralin at ipaliwanag kung bakit iyon ang
ang iyong damdamin sa natutunan na aralin.

PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Lagyan ng Tsek (✔) ang sa tingin mo ay tumutukoy sa kahalagahan
ng pag-aaral ng sanaysay at ekis ( x ) kung hindi.

Nakapagbibigay tayo ng ating opinyon sa tamang paraan na hindi tayo


nakapananakit ng damdamin ng iba.
Natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang
taglay ng isang manunulat. Nakikilala rin ng mga mambabasa ang
manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa
lawak ng kaalaman sa paksa.

Maaari nitong mapagaan ang ating damdamin. Maaari rin itong maging
pampalipas oras o libangan.
Maaari nating isulat kung ano ang gusto nating isulat ng basta-basta.

Maaari nating isulat ang gusto nating isulat ng hindi isinasaalang- alang
ang mga bahagi nito.

13
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Pahalang
4 Ito ay may himig na pakikipag-
usap sa mambabasa.
5 Ito ang salitang Latin na
pinagmulan ng sanaysay.
6 Ito ay nakasisilaw at nakasisira
sa paningin.
7 Ang nagsabi na ang sanaysay
at kuha sa kahulugan ng
pasasalaysay na isang sanay o
nakasulat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay.
9 Pinakagamitin sa halos lahat
ng larangan ng mga
mamamayan-pampulitika,
panlipunan, pang-edukasyon,
atb.

Pababa
1 Ang sumulat ng sanaysay na Ningning at Liwanag.
2 9. Ito ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay.
3 Gumagamit ng mga salitang pormal at pili ang paksa.
4 Ang nagsabi ng kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa
sanaysay.
8 Ang nagsabi na ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higot na nagpapaisip,
nagpapalawak ay nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay
sa ispa’t damdaminng-bayan.

14
15
Paunang Pagsusulit Balik-Aral Pagsasanay 1 :
1. E 1. D 1. A
2. D 2. A 2. A
3. B 3. C 3. B
4. A 4. E 4. A
5. C 5. B 5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
16
Pagsasanay 3
Maaaring sagot
Sa panahon ngayon ng pandemya mahalaga ang online learning sapagkat ito ang
magiging daan upang maipagtuloy ang aking pag-aaral. Naniniwala naman ako na gumagawa ng
paraan ang aming mga guro maging ating gobyerno para makatulong at mapadali ang aming pag-
aaral. Makatutulong ito sapagkat mapapangalagaan ko aking kalusugan. Maiiwasan ang
pagkalat ng virus dahil hindi naming kailangan magpunta sa paaralan para matuto ng mga
aralin.
Paglalahat
Masaya ako sa ating natapos na aralin sapagkat natutunan ko ang kahulugan
ng sanaysay, uri, elemento at bahagi nito.
Pagpapahalaga
✔ Nakapagbibigay tayo ng ating opinyon sa tamang paraan na hindi
tayo nakapananakit ng damdamin ng iba.
✔ Natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay
ng isang manunulat. Nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil
sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman
sa paksa.
✔ Maaari nitong mapagaan ang ating damdamin. Maaari rin itong
maging pampalipas oras o libangan.
x Maaari nating isulat kung ano ang gusto nating isulat ng basta-basta.
x Maaari nating isulat ang gusto nating isulat ng hindi isinasaalang- alang ang mga bahagi nito.
Panapos na Pagsusulit
17
Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998 
Ontangco, Ed.D. Melinda P. Iquin, Lucelma O. Carpio
Panitik Filipino sa Panahon ng Pagbabago nina Enrica H. Habijan, Ph.D., Rowena S. 
Esguerra, Alma H. Dayag
Pinagyamang Pluma nina Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. 
https://pinoycollection.com/sanaysay/ 
https://www.slideshare.net/me9i/ang-sanaysay 
Sanggunian
Pagsasanay 2
Mga Pantulong na
Kaisipan
Negatibong Pananaw sa
Online Learning
1. Mabagal ang internet sa
Pilipinas
2. maiiwanan ang mga
Mga Pantulong na Kaisipan mahihirap sa bagong normal
Positibong pananaw sa sa edukasyon.
Online Learning
1.Maraming inihandang
proyekto para online learning Aral na Nakuha sa
may Distance o remote Binasang Akda
learning at may Blended
1. Kahit ano pa man ang
learning pagdaanan na hindi ito
2.Pwedeng lumaktaw at
Buod ng Buod ng
hadlang upang hindi
umabante sa ibang konsepto sanasay na
maipagpatulo ang pag-
batay sa sariling kakayanan ng Online learning aaral
bata. sa New Normal
ng Edukasyon
Pangunahing Kaisipan
Ano ang Online Learning?
1.Ang online learning ay
gumagamit ng teknolohiya na
mag-uugnay at
maghaharap sa dalawa sa
pagsasalin ng karunungan at
kasanayan, at sa tagisan at
palitan ng kuro-kuro.

You might also like