You are on page 1of 14

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagsulat ng Sariling Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Flerida A. Cruz at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikatlong Markahan
Modyul 3 Para sa Sariling Pagkatuto
Pagsulat ng Sariling Tula
Manunulat: Flerida A. Cruz at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/ Editor: Leda L. Tolentino at Cindy Macaso

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 2 ukol sa Ponemang Suprasegmental!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga


naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang


pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY

Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay


na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

4
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na kasanayan.
1. Maihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panunudyo,
tugmang de gulong at palaisipan.
2. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono,
diin at antala).
3. Maisusulat ang sariling tula/awiting panunudyo, tugmang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang pamantayan

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang


papel ang letra ng tamang sagot.
_______1. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa
guni-guni at pinararating sa ating damdamin.
A. Awit C. Balagtasan
B. Liriko D. Tula
______ 2. Elemento ng tula na pinagpangkat-pangkat o pinagsama-samang mga
taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Saknong
______ 3. Ito ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakatulad ng mga
tunog sa huling pantig, sa dalawa o higit pang taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Saknong
______ 4. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Sukat
_______ 5. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa mga salitang angkop at
nagbibigay ganda sa tula na nagbibigay impresyon sa mga mambabasa.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Saknong
_______ 6. Tukuyin ang wastong bilang ng pantig sa salitang LUWALHATI.
A. 5 C. 3
B. 7 D. 4
_______ 7. Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad
Sa bait at muni sa hatol ay salat
A. wawaluhin C. lalabing-animin
B. lalabingdalawahin D. lalabingwaluhin
_______ 8. Ano ang tawag sa tula na may tatlong saknong?
A. terset C. quatrain
B. couplet D. sestet

5
_______ 9. Ang nagpakilala ng tulang walang sinusunod na patakaran o tinatawag
na malayang taludturan ay si _____
A. Severino Reyes C. Jose Dela Cruz
B. Alejandro G. Abadilla D. Francisco Balagtas
_______ 10. Anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
A. May sukat na walang tugma C. Malayang taludturan
B. Tradisyunal na tula D. Walang sukat na may tugma

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang angkop na salita na tinutukoy sa larawan.

1. saYA SAya
https://images.app.goo.gl/8AC1Gpt5m1WZmPGZA

2. TUbo tuBO
https://images.app.goo.gl/KAHMA51koV5Dr9CX6

Panuto: Lagyan ng kuwit upang matukoy ang ipinahahayag ng pangungusap.

3. Si Mark Anthony at ako. (Dalawang magkaibigan)


4. Si Mark Anthony at ako. (Tatlong magkakaibigan)
5. Hindi ako ang kriminal. (Pag-amin)
6. Hindi ako ang kriminal. (Pagtanggi)

ARALIN

Sa Kalabang Hindi Nakikita


ni: Jennifer Meneses-Pagdanganan, Teacher III
Marcelo H. Del Pilar National High School
City of Malolos, Bulacan

Hindi ko nakita ang bayan kong ganito katahimik


Nabalot ng pangamba, takot ay sumiksik
Nabigla, nanabik, nawalan ng imik
Pananalig at pananampalataya ay muling naibalik

6
Nagulat ang mundo sa iyong pagdating
Sana ang paglisan mo ay mabilis din
Ang panganib na dulot mo ay kay hirap tanggapin
Pakiusap, tumigil na, takot namin ay pawiin.

Lumitaw kang hindi inasahan ng lahat


Hindi handa, sa kaalaman ay salat
Hindi alam kung ang nasinop ba ay sasapat
Maging kung hanggang kailan mag-iingat

Isang virus ka lang, napakaliit kung tutuusin


Ngunit ang taglay mo ay di dapat maliitin
Ang sandaigdigan ay nagdusa, naparalisa
Sapagkat tiyak na kamatayan ang iyong dala

Hindi ka nakikita, nadidinig, nadarama


Ngunit kay bagsik, parang lason ka pala
Sandaling magkamali, buhay ay mawawala
Huwag na malingat, igugupo mong bigla

Pinagbuklod ng panahong ito ang lahat sa mundo


Nagkaisa at nagtulungan, mga bansang apektado
Anumang lahi at kulay hindi sa iyo nakaligtas
Sana sa madaling panahon, ikaw na ay magwakas

Nabigyan mong oras ang pagsasama ng pamilya


Kumain, humalakhak, nagdasal ng sama-sama
Natuklasan ang mga bagay nanoo'y hindi alintana
Sapagkat sa maraming bagay, sila ay naging abala

Namulat din ang mata ng mga nasasakop


Sa tunay na may malasakit sa mga nagdarahop
Ang iba ay nagbibigay ng hindi lantad, hindi hayag
Samantalang ang ilan, pati batas ng Diyos ay nilabag

Ang ingay, usok, at dumi ng aming mundo


Bahagyang nabawasan kung hindi man nahinto
Ito ba ay paraan mo upang mapahinga kahit saglit lang
Yaring nanganganib na Inang Kalikasan

COVID 19, pandemya ka kung ituring, walang nakakaalam san ka nga ba talaga
galing
Kalaban kang hindi nakikita ng mata, kahit gamitin alinman sa pandama
Ang bakas na dinulot mo ay hindi malilimutan
Buhay kaming saksi ng karanasang pinamalas mo sa sangkatauhan

7
Tula
Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinago sa guni-
guni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may
angking aliw-iw.

Mga Elemento ng Tula


1. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
Isda – is-da – ito ay may dalawang pantig.
Is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga uri ng sukat
a. Wawaluhin
Halimbawa: Isda ko sa Mariveles
Nasa loo bang kaliskis
b. Lalabindalawahin
Halimabawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
c. Lalabing-animin
Halimabawa: Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
d. Lalabingwaluhin
Halimabawa: Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
Ang mga tulang may lalabingdalawa at labingwalo ay may sesura o hati na
nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim
na pantig.
Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya /ng tungkol sa aking / mga panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pag-ibig!

2. Saknong – Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod)

2 linya – couplet 6 linya – sestet


3 linya – tercet 7 linya – septet
4 linya – quatrain 8 linya – octave
5 linya – quintet
Ang couplets, tercets, at quatrains ang madalas na ginagamit sa tula.

3. Tugma – Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasingtunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito
ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

8
Mga Uri ng Tugma
 Tugma sa patinig (Ganap)
Halimbawa: Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
 Tugma sa katinig (Di-ganap)
a. Unang lipon – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang Lipon – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

4. Kariktan – Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa: maganda – marikit
Mahirap – dukha o maralita

5. Talinghaga – Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay


na binabanggit. Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula
Halimbawa: nag-agaw buhay
nagbabanat ng buto

Anyo ng Tula
1. Malayang Taludturan – isang tula na isinulat nang walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumusulat. (Ito ay ang anyo ng tula
na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla)
2. Tradisyonal na Tula – Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga
salitang may malalim na kahulugan.
3. May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma

Paano nga ba magsulat o gumawa ng Magandang Tula?


Ang pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titignan ay mahirap gawin.
Ngunit, sa kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa iyo.
Tandaan ninyo, kahit sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi importante ang
edad sa pagsusulat, ang importante lamang ay pagpahiwatig ng iyong karanasan at
damdamin.

Ito ang mga tips kung paano sumulat ng magandang tula:


 Humanap ng Inspirasyon – Ito ang pinaka importante sa lahat. Kung wala
ito, hindi magiging kapanipaniwala ang iyong mga sulat.
 Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? – Hindi sa lahat ng pagkakataon
ay makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o tao

9
na bigla na lamang bibigay sayo ng napaka tinding emosyon na para bang
umaapaw. Pag nakita mo na iyon, dapat handa ka ng mag sulat.
 Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na paraan ng pag
sulat ng tula na gumagamit ng saktong sukat at tugma. Pero, mas maganda
pa rin na mag simula ka sa malayang taludturan.
 Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging kapani-
paniwala ang iyong tula kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat
mo ay tungkol sa korupsyon sa gobyerno, dapat alam mo talaga kung anong
nangyayari. Ganun rin pagdating sa pag-ibig. Kung ikaw ay nasaktan na,
gamitin mo ang karanasan na iyon para maipahiwatig kung ano talaga ang
naramdaman mo sa pagkakataong iyon.
 Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung
hindi ka natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita
ka ng ibang paraan ng pagsulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.
 Gumamit ng metaphor o simile kahit simple lamang ito – Ang paggamit
ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari,
tao, o bagay. Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa mga tula.
Halimbawa:
O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,
Ay hindi maka pantay sa iyong kagandahan.
Ang mga bituin naman ay lubos sa ka inggitan,
Ikaw ay nasa puso, magpakailanman

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Basahin at surrin ang mga piling taludtod o saknong na hinango sa


tulang “Sa Kalabang Hindi Nakikita”. Isulat sa patlang ang pangunahing ideya
o damdaming isinasaad ng mga ito.

1. Hindi ko nakita ang bayan kong ganito katahimik


Nabalot ng pangamba, takot ay sumiksik
Nabigla, nanabik, nawalan ng imik
Pananalig at pananampalataya ay muling naibalik

Pangunahing
Ideya o
Damdamin

10
2. Isang virus ka lang, napakaliit kung tutuusin
Ngunit ang taglay mo ay di dapat maliitin
Ang sandaigdigan ay nagdusa, naparalisa
Sapagkat tiyak na kamatayan ang iyong dala

Pangunahing
Ideya o
Damdamin

3. Pinagbuklod ng panahong ito ang lahat sa mundo


Nagkaisa at nagtulungan, mga bansang apektado
Anumang lahi at kulay hindi sa iyo nakaligtas
Sana sa madaling panahon, ikaw na ay magwakas

Pangunahing
Ideya o
Damdamin

4. Nabigyan mong oras ang pagsasama ng pamilya


Kumain, humalakhak, nagdasal ng sama sama
Natuklasan ang mga bagay nanoo'y hindi alintana
Sapagkat sa maraming bagay, sila ay naging abala

Pangunahing
Ideya o
Damdamin

5. Namulat din ang mata ng mga nasasakop


Sa tunay na may malasakit sa mga nagdarahop
Ang iba ay nagbibigay ng hindi lantad, hindi hayag
Samantalang ang ilan, pati batas ng Diyos ay nilabag

Pangunahing
Ideya o
Damdamin

11
B. Panuto: Iguhit ang puso kung ang isinasaad ng mga taludtod ng tula ay
magandang pangyayari dulot ng covid-19 at araw naman kung tumutukoy sa
sakit na covid-19

___________ 1. Isang virus ka lang, napakaliit kung tutuusin


Ngunit ang taglay mo ay di dapat maliitin
___________ 2. Pinagbuklod ng panahong ito ang lahat sa mundo
Nagkaisa at nagtulungan, mga bansang apektado
___________ 3. Nabigyan mong oras ang pagsasama ng pamilya
Kumain, humalakhak, nagdasal ng sama-sama
___________ 4. Kalaban kang hindi nakikita ng mata,
kahit gamitin alinman sa pandama
___________ 5. Nabigla, nanabik, nawalan ng imik
Pananalig at pananampalataya ay muling naibalik
___________ 6. Ang panganib na dulot mo ay kay hirap tanggapin
Pakiusap, tumigil na, takot namin ay pawiin.

C. Panuto: Tukuying ang anyong ng tula ng mga sumusunod na kaalamang-


bayan. Piliin ang letra ng tamang sagot.
A. Tradisyunal na tula C. Malayang taludturan
B. May sukat na walang tugma D. Walang sukat na may tugma

_____ 1. Batang makulit


Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit
_____ 2. Isang pinggan,
Abot bayan
_____ 3. Ako’y bumili ng tatlong prutas
Ang pangalan ng prutas ay nagsisimula sa letrang O
Anong mga prutas ang binili ko?

PAGLALAHAT

Dugtungan ang pahayag


 Para sa akin ang tula ay ___________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
 Ang pag-aaral ng tula ay __________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
 Sana, ang tula ay _________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12
PAGPAPAHALAGA

 Pumili ng isang saknong sa tula at ipaliwanag kung bakit ito naibigan.

_________________________________
_________________________________
_________________________________
Saknong Blg. _____ _________________________________
_________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Sariling Tula, Isulat at Bigkasin.

 Sumulat ng isang halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de-


gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

Mga Pamantayan Puntos Aking


Puntos
May orihinalidad at akma sa paksa ang mga 5
tulang nabuo.
Maliwanag na nabigkas ang bawat linya ng 5
tulang panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan.
Nalapatan ng wastong ritmo ang bawat linya sa 5
binigkas na tula dahil sa tono, diin at hinto.
KABUUANG PUNTOS 15
5- Napakahusay 2- Di-gaanong Mahusay
4- Mahusay 1- Kailangan pang Paunlarin
3- Katamtaman

13
SUSI SA PAGWAWASTO

6. Hindi ako, ang kriminal.


5. Hindi, ako ang kriminal.
4. Si Mark, Anthony, at ako. 3. C
3. Si Mark Anthony, at ako. 2. A
2. tuBO C. 1. D
1. saYA
BALIK-ARAL 6.
10. B
9. B 5.
8. A
7. B 4.
6. D
5. A 3.
4. D
3. C 2.
2. D
1. D B. 1.
PAUNANG PAGSUBOK PAGSASANAY

Sanggunian
Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma
(2014) Phoenix Publishing House, Inc. pp. 289

https://quizizz.com/admin/quiz/5e8d8a773bdf46001bedf15d/elemento-ng-tula
https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182

https://philnews.ph/2020/06/29/uri-ng-tula-ano-ang-mga-ibat-ibang-uri-nito-
sagot/
https://philnews.ph/2020/02/20/paano-gumawa-ng-tula-paraan-ng-pagsulat-ng-
magandang-tula/

https://depedstorylovers.com/2020/08/23/sa-kalabang-hindi-nakikita-tula-ni-
jennifer-meneses-padangan/

14

You might also like