You are on page 1of 14

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 15: Pagsasalaysay at Paglalahad (Pangatnig)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Cristina A. Acena, Myzel R. Renovalles


Tagasuri: Maria Brombuela at Melinda P. Iquin
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso
Tagalapat: Janessa S. Amparado

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and OIC-
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod
Teresita P. Tagulao EdDPasig
(Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Filipino 7
Ikalawang Markahan

Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto

Pagsasalaysay at Paglalahad (Pangatnig)


Manunulat: Cristina A. Acena, Myzel R. Renovalles
Tagasuri: Maria Brombuela at Melinda P. Iquin/ Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino 7) ng Modyul 15 para
sa araling Pagsasalaysay at Paglalahad (Pangatnig) !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Filipino 7) Modyul 15 ukol sa (Pagsasalaysay at


Paglalahad: Pangatnig) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto
ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at
mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at
nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng
mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura (F7PU-IIg-h-10);
B. nagagamit ang angkop na wika sa pagsulat ng tekstong naglalahad
tungkol sa pagpapahalaga sa kinagisnang kultura ng mga taga-Bisaya
C. naiisa-isa ang mga uri ng pang-ugnay bilang sangkap sa pagsulat ng
tekstong naglalahad.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang


letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_________ 1. Ito ay karaniwang paraang ginagawa ng tao para maipaliwanag,
mailarawan, at makapagbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang mga
karanasan, ideya, o paninindigan ukol sa isang paksa.
A. Paglalahad C. Pangangatwiran
B. Paglalarawan D. Pagtatanong
_________ 2. Mag-aral kang mabuti upang guminhawa ang iyong buhay. Ang
salitang may salungguhit sa pangungusap ay halimbawa ng…
A. Pangngalan C. Panghalip
B. Pang-uri D. Pang-ugnay
_________ 3. Ito ay ang mga kataga na nag-uugnay sa panuring at sa salitang
tinuturingan nito.
A. Pang-ugnay C. Pangatnig
B. Pang-angkop D. Pang-ukol
_________ 4. Ito ay mga salitang nag- uugnay sa isang pangangalan at sa iba
pang salita sa pangungusap.
A. Pang-ugnay C. Pangatnig
B. Pang-angkop D. Pang-ukol
_________ 5. Ito ay ang mga salitang nag-uugnay sa dalawa o higit pang
salita, parirala o sugnay sa isang pangungusap.
A. Pang-ugnay C. Pangatnig
B. Pang-angkop D. Pang-ukol

BALIK-ARAL
Panuto: Ayusin mo ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari. Gumamit ka ng mga letrang A-E. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
______ 1. Sa pamamagitan ng seremonya at ritwal na ginawa ng mga asawa
ni Labaw Donggon ay muling nagbalik ang dating kakisigan nito.
______ 2. Matapos ang mahabang panahon ng paglalaban ay natalo ni
Saragnayan si Labaw Donggon gamit ang kanyang anting-anting.
______ 3. Labis ang nadamang kasiyahan ng mag-asawang Datu Paubari at
Abyang Alunsina sa pagsilang ng kanilang tatlong malulusog na mga anak
na lalaki.
______ 4. Naging mahirap man sa magkapatid na Asu Mangga at Baranugon
ay napatay rin nila si Saragnayan sa tulong ng kapangyarihan ng kanilang
lolang si Abyang Alunsina.
______ 5. Nagpaalam si Labaw Donggon sa kaniyang ina upang hingin ang
kamay ni Anggoy Ginbitinan at hindi nagtagal ay pinakasalan din niya si
Anggoy Doronoon

ARALIN

Panuto: Tunghayan ang mga salitang nakatala. Ano ang tawag sa


mga salitang nakapaloob sa bilog?

HABANG
UPANG
AYON KAY HINGGIL SA

NANG ALINSUNOD SA NA

Pagsasalaysay at Paglalahad

Ang pagsasalaysay at paglalahad ay karaniwang paraang ginagawa ng tao


para maipaliwanag, mailarawan, at makapagbigay ng impormasyon tungkol
sa kanyang mga karanasan, ideya, o paninindigan ukol sa isang paksa. Sa
maraming pagkakataon, ang pagsasalaysay at paglalahad ay ginagawa nang
pasalita subalit madalas din itong ginagawa nang pasulat lalo na sa
paaralan kung saan madalas magpasulat ng paglalahad ang guro sa
kanyang mga mag-aaral.
Isa sa mga sangkap sa pagsulat ng tekstong naglalahad ang pangugnay.
Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang
pangalan ito ay nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap
Ang Pang-ugnay ay tumutukoy sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan
ng dalawang yunit o bahagi sa isang pangungusap. Ito ay may tatlong uri
gaya ng: Pangatnig, Pang-angkop, at Pang-ukol.

• Pangatnig
Ito ay ang mga salitang nag-uugnay sa dalawa o mga salita, parirala o
sugnay sa isang pangungusap.
Halimbawa ng mga pangatnig:
At pati nang bago
Habang upang sakali kaya
Kung gayon
Halimbawa ng pangungusap (naka-italiko ang pangatnig):
1. Magbanat ka ng buto upang umunlad ang buhay ng pamilya mo.
2. Pumunta sila sa mall at namili ng mga ihahanda sa kaniyang
blow out.

• Pang-angkop
Ito ay mga kataga na nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan
nito.
Dalawang halimbawa ng pang-angkop: na -ng -g Halimbawa
ng pangungusap:
1. Isa siyang mapagmahal na ama.
2. Iyan lahat ang kaniyang maruruming damit.
3. Ang halamang iyan ay bigay ng kapitbahay.

• Pang-ukol
Ito ay mga salitang nag- uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang
salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Ng ni/nina kay/kina
laban sa/kay ayon sa/kay para sa/kay
alinsunod sa/kay hinggil sa/kay tungkol sa/kay Halimbawang
pangungusap:
1. Alinsunod sa batas, hindi mo na siya puwedeng kasuhan dahil
tapos na ang 10 taon.
2. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking pamilya.

https://brainly.ph/question/522014
“Pang-ugnay at mga halimbawa nito”
(accessed: July 6, 2020)
MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Piliin sa loob ng ulap ang wastong pangatnig na


ipupuno sa patlang upang makabuo ng isang talata. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_________(1) ang mundo ay nakararanas ng pandemyang


COVID 19, marami sa mga Pilipino ang dumaranas ng kahirapan
_______(2) kapighatian sa buhay. ________(3) makaiwas sa nasabing
sakit, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.
_________(4) nakararanas ka ng mga sintomas, kaagad na magtungo
sa pinakamalapit na ospital _________(5) malunasan agad at

Nang upang at
kung habang
maagapan ang nakamamatay na sakit.

B. Panuto: Pag-ugnayin ang mga sumusunod na larawan gamit


ang wastong pang-angkop. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

+=
____________
https://bit.ly/30M2rNm https://bit.ly/2ACeORV

+ =
https://bit.ly/3e2I029
____________
https://bit.ly/2O4ptYt

=
____________
+

https://bit.ly/3e2Iaqh https://bit.ly/3f8b49N

+
=
____________
https://bit.ly/38woh9V https://bit.ly/3eaJqY9

+
=
____________
https://bit.ly/2Z32nI2 https://bit.ly/2O1Byh5

C. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.


Isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Ang epikong Labaw Donggon ay (tungkol sa, tungkol kay) tatlong henerasyon na
tinutukoy sa Hinilawod na kilalang epiko ng Bisaya.
2. (Ayon sa, Ayon kay) Kaptan, si Alunsina ay nararapat ikasal pagsapit niya sa edad na
pagdadalaga.
3. Dahil nagpakasal siya sa isang mortal nagalit (kay, kina) Alunsina ang mga nabigo
niyang manliligaw.
4. (Para sa, Para kay) Labaw Donggon ay maaari niyang pakasalan ang sinumang
babaeng kanyang maibigan.
5. Ang pakikipaglaban (ni, nina) Asu Mangga at Baranugon kay Saragnayan ay totoong
naging mahirap.

PAGLALAHAT

Sumulat ka ng isang tekstong naglalahad kung paano mo mapapahalagahan ang mga kulturang
ipinagmamalaki ng mga taga-Bisaya. Gumamit ka ng mga pang-ugnay sa pagbuo mo ng talata.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Dugtungan ang pahayag:

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bumuo ka ng isang tekstong naglalahad tungkol sa mga pagbabagong nangyari sa


iyong buhay dahil sa COVID-19. Gumamit ka ng mga pang-ugnay sa tekstong iyong
bubuoin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN
Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc at Carmela Esguerra-Jose, Pinagyamang
Pluma, Quezon Ave., Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House Inc.,
2018, pahina 211-231
https://brainly.ph/question/522014 “Pang-ugnay at mga halimbawa nito” (accessed: July 6, 2020)

You might also like