You are on page 1of 13

Filipino 9

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Tilamsik ng Sining…Kapayapaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Anna Maria SM. Adra
Editor: Nenitav. Rañon
Tagasuri: Nenita V. Rañon
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul 8 para sa Sariling Pagkatuto
TT

Tilamsik
T ng Sining… Kapayapaan
Manunulat: Anna Maria SM. Adra
Tagasuri: Nenita V. Rañon / Editor: Imelda T. Tuańo at Jay-ar S. Montecer

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 9 ng Modyul
7para sa araling Tilamsik ng Sining…Kapayapaan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino - Baitang 9 Modyul ukol sa Tilamsik


ng Sining… Kapayapaan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo ng kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, magbibigayang guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


matatamo mo ang sumusunod na layuning pampagkatuto.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. nababatid ang etimolohiya ng sining.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. nabibigyang-kahulugan ang etimolohiya;
B. naiisa-isa ang mga salitang may kaugnayan sa uri ng sining; at
C. naipaliliwanag ang mga elemento ng sanaysay sa akda.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang S kung ang parirala ay bahagi ng sining at


HS kung ito ay hindi bahagi ng sining.

_____1. tilamsik ng panulat


_____2. maindayog na pagsayaw
_____3. guhit sa kanbas
_____4. marahas na pakikipagdigma
_____5. matamang paglilok

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung ang pahayag ay tama. Isulat
naman ang titik M kung ang pahayag ay mali.

_____1. Ang kabisera ng Israel ay Jerusalem.


_____2. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal.
_____3. Ang sanaysay na “Hindi Ako Magiging Adik” ay isang pormal na
sanaysay.
_____4. Ang mga Persian, ang pinakamabuti.
_____5. Ang paksa, tono at kaisipan ay mga elemento ng sanaysay.

6
ARALIN

Pagbati! Nagawa mong sagutin ang balik-aral. Upang higit mong


makilala ang sanaysay, isa pang sanaysay ang iyong babasahin. Alam
kong pagkatapos mo itong mabasa ay higit kang magkakaroon ng
kakayahan kung paano binubuo ang sanaysay. Simulan mo na ang
pagbasa.
Tilamsik ng Sining …. Kapayapaan
(bahagi lamang)
ni Magdalena O. Jocson

Pilipinas, mapalad ka sa muling pagsilang. Ang panahon ng kababalaghan ay


hindi pa lumilipas. Hindi ang kababalaghan ng panandaliang lunas kundi ang
kababalaghan ng masidhing pagbabagong-bihis na dumatal sa puso ng bawat
Pilipino. Ang lahing kayumanggi ay may bago nang pagkakilala sa sarili.
Sa bawat pag-aasam natin ng kapayapaan, maraming nagsisilbing daan
upang ganap na magkaroon ito ng katotohanan. Nariyan ang armas na pakikibaka,
tilamsik ng panulat, maramdamin at makabayang awitin, matatalim na pananalita
na lubhang parang lason at apoy na kumakalat sa buong sambayanan. Hindi
pahuhuli ang maindayog at makabuluhang pagsasayaw na sa bawat kampay at
tikwas ng mga daliri sa kamay at galaw ng buong katawan ay pilit na ipinararating
ang diwang nais ipahiwatig. Isama pa natin ang iba't ibang guhit sa kanbas, mga
lilok mula sa kahoy, mga maniking pilit na binubuhay sa pamamagitan ng mga hugis
sa metal at iba pa. Lahat ng binanggit ay nagsilbing tulay upang ang kapayapaan
mula sa magigiting nating mga bayani sa panahon ng mga Raha, sa panahon ng mga
propagandista at rebolusyunaryo at higit sa lahat sa panahon ng SAMBAYANANG
PILIPINO, hindi abot-tanaw lamang ang pagkakamit ng kalayaan kundi isang
nagpupumiglas na katotohanan na mayayakap na natin siya.
Dalawang makasaysayang pangyayari ang nagpatunay na ang mga tinatawag
na kalayaan. Makapangyarihang aspekto ang sining na Pilipino ay mga tao sa mundo
na gumamit ng mga mapayapang paraan hindi ang paggamit ng tabak o baril ang
magiging kasagutan upang makamit ang magpahatid ng adhikaing makamtan ang
kapayapaan sa bagong siglo.
Ayon nga kay Lord Macaulay, "Ang sining ay isang panggagagad." May ibig na
tuklasin. At ang ibig tuklasin nito ay ang bumabalot na GANDA sa isang likha ng
tao, na maghatid ng damdamin, kaalaman at kagandahang-asal ng isang tao.
Papaano ba nakamit ng ating mga ninuno ang kapayapaan sa bawat balangay na
sinasakupan nila. Ito ay sa tulong ng sining. Ang Umalohokan ang buong husay na
naghahatid ng mga mensaheng kailangan ng bawat mamamayang Pilipino. Siya ang
isa sa nagbabadya ng pagkakaroon ng panganib ng pagkawala ng kapayapaan.
Maririnig din ang tunog ng tambuli na isa sa mga etnikong instrumento ng ating
bansa upang bigyang babala ang mga mamamayan sa haharaping panganib. May

7
kasabihan ngang ang mga Pilipino ay inugoy sa duyan ng mga berso at ito ay
napatunayan sa pamamagitan ng mga awiting-bayan. Sa pag-aasam pa rin ng
kapayapaan, ginamit ni Rizal at ng iba pang propagandista tulad nina Marcelo H.
del Pilar, Graciano Lopez Jaena ang tilamsik ng kanilang panulat at tapang ng dila
upang ipahayag ang tunay na nararamdaman ng mga Pilipino sa pagtatamo ng
kapayapaan na pilit na sinasagka ng mga Insulares at Peninsulares.
Taliwas naman ang paniniwala ni Bonifacio na kailangan ang isang armadong
pakikibaka hindi lamang ang bagsik ng panulat upang makamit ang tawag na
kapayapaan. Kaya't sa pag-aalimpuyo ng kaniyang damdamin, masining niyang
isinulat at ipinarinig ang tula niya tungkol sa "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" na
gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino noong panahong iyon.
Tila walang pagod ang sining na magbigkis sa pagtatamo ng kapayapaan. Sa
bawat tilamsik ng kanyang layunin na maisagawa ang isang makabuluhang bagay,
pilit na para siyang ibon na iigkas at hahawarin ang lahat ng balakid sa kanyang
landas tungo sa KAPAYAPAAN.
Gayunpaman, taong 1986, ng ang mga mamamayang Pilipino ay buong giting
na nakipaglaban sa diktador. Napatalsik ang diktador at nailuklok ang isang babae
na siyang naging daan upang ang inaasam na pagbabago sa ganap na kapayapaan
ay makamit na.
Narinig natin ang maramdaming panawagan ng mga taong may malaking
malasakit upang iligtas ang bansa sa kumunoy ng pagkakadapa. Mahuhusay na
paraan ng pagsasalita ang maririnig sa radyo, napapanood sa SAMBAYANAN. Mga
awit na punung-puno ng damdamin para sa bayan. telebisyon, masasaksihan
ng aktwal sa itinayong tanghalan sa makasaysayang EDSA ang tamis ng bawat
pananalita na buong ginampanan ito ng mga alagad sa sining mula artista sa
pelikula, mga man-aawit, ordinaryong mamamayan, elitista, masa, bata, matanda
na buong pagpupugay na ibinigay ang kakayahan nila sa pagnanasa ng
pagkakaroon ng kapayapaan. Nagtanghal din ng ilang madudulang bahagi ng
kasaysayan na pilit nating binabaka ngunit nagpapatunay naman ng ating
kagitingan.
Mula sa dahon ng People Power I, umusbong muli ang People Power II. Muli,
ang bida ay ang SAMBAYANANG PILIPINO. Sa pamamagitan ng kanilang malikhaing
pagtatanghal ng iba't ibang uri ng sining, muling nagtali ang pusod ng bawat
mamamayan na muling nangulila sa tawag ng KAPAYAPAAN. Nanguna ang ilan
nating mga artista sa pelikula, artista sa pulitika, artista ng tahanan, artista ng
paaralan, artista ng kalsada, artista ng simbahan at artista ng SAMBAYANAN na
hadlangan sa ikalawang pagkakataon ang sinumang pilit na pinapatay ang kalayaan
at kapayapaan ng bansa. Nagkaroon ng kaganapan ang Vox populi, Vox Dei. Ang tinig
ng Diyos ay ang tinig ng bayan.
Huwag tayong malungkot at mangamba, kapayapaan ay nakangiti sa Perlas
ng Dagat Silangan. At sa bawat tilamsik ng sining, sandata itong nagbabantay upang
ang kapayapaan sa kasalukuyan at sa darating pang mga taon ay hindi na maaagaw
at pagsasamantalahan ng mga makasariling mamamayan nito.

8
Ating Alamin
Ang likas na kahulugan o etimolohiya ng salita ay ang pag-aaral ng
kasaysayan ng mga salita at ang pagbabago ng kahulugan at anyo nito. Ito ay
maaaring gamitin upang lubos na maunawaan ang diwa ng mga salitang ginagamit
ngayon. Ito ay hango sa salitang Griyego na etymon ang ibig sabihin ay “tunay na
kahulugan.”

Etimolohiya ng Sining (batay sa akda)

pagsulat

pagguhit

sining kalayaan

paglilok

pagsayaw

pag-awit

Mga Elemento ng Sanaysay


1. Paksa- Karaniwang sumasagot sa tanong kung tungkol saan ang akda. Ang
akdang ‘Tilamsik ng Sining…Kapayapaan’ na isinulat ni Magdalena O. Jocson
ay tungkol sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng sining, tulad ng
pagsulat, pagpinta, paglilok, pagsayaw at pag-awit.
2. Tono- Ang saloobin ng may-akda sa paksa. Batay sa mga ginamit na salita,
ang akdang ito ay nakakukumbinsi o nanghihikayat sa mga mambabasa.
3. Kaisipan- Ang nais iparating ng manunulat sa mambabasa. Ang pagkamit ng
kalayaan ay hindi nangangailangang gumamit ng dahas o dumanak ng dugo.
Ito ay maaaring maisagawa sa tahimik at mapayapang paraan.

9
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
PANUTO: Piliin sa loob ng panaklong ang wastong salitang bubuo sa
pangungusap. Salungguhitan ang tamang sagot.
1. Sa bawat pag-asam natin ng (kapayapaan, kayamanan) ay maraming
nagsisilbing-daan upang ganap itong magkaroon ng katotohanan.
2. Makapangyarihang aspekto ang (sining, katalinuhan) na naghahatid
ng adhikaing makamtan ang kapayapaan sa bagong siglo.
3. Ang ibig tuklasin ng sining ay ang bumabalot na (ganda, yaman) sa
isang likha ng tao.
4. Ang (paksa, tono) ang pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso.
5. Ang (tono, kaisipan) ang nais ipahiwatig ng manunulat sa mambabasa.

Pagsasanay 2
PANUTO: Pagpapayaman ng talasalitaan. Piliin ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ang sining ay nagbunga ng kapayapaan.
A. Estratehiya B. Kaparaanan C. Kinahinatnan D. Sanhi
_____2. Ang Israel ay bayang hinirang.
A. Bayani B. Inilagay C. Itinalaga D. Mandirigma
_____3. Manalig tayo sa Panginoon!
A. Magtiwala B. Manalangin C. Sumandal D. Sumunod
_____4. Natatangi ang mga taong sumusunod sa Diyos.
A. Hiwalay B. Masaya C. Namumukod D. Masaya
_____5. Ang panalangin ng bawat Pilipino ay makawala sa bangis ng COVID 19.
A. Dahas B. Kapahamakan C. Sakit D. Tapang

Pagsasanay 3
PANUTO: Analohiya. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Elehiya sa Kamatayan ni Kuya: tula; Tilamsik ng Sining: _____
A. dula B. maikling Kwento C. nobela D. sanaysay
_____2. Usok at Salamin: Gordon Fillman; Tilamsik ng Sining; _______
A. Efren Abueg C. Magdalena O. Jocson
B. Lualhati Bautista D. Pat V. Villafuerte
_____3. Sining: makabayang awitin; dahas:_____
A. guhit sa kanbas C. paglilok sa kahoy
B. paggamit ng tabak D. maindayog na pagsayaw
_____4. Tono: saloobin ng may-akda; _____: nais ipahiwatig ng manunulat.
A. Himig B. Kaisipan C. Paksa D. Simbolismo
_____5. _____: Usok at Salamin; Pilipinas: Tilamsik ng Sining…Kalayaan
A. Israel B. Lebanon C. Mecah D. Persia

10
PAGLALAHAT

PANUTO: Dugtungan ang sumusunod na pahayag.


1. Sa araling ito, natuklasan ko na ang sining ay_______________________________
___________________________________________________________________________
2. Batay sa pagtalakay, ang kalayaan ay______________________________________
___________________________________________________________________________
3. Napatunayan ko na ang mga Pilipino ay_____________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang diwa.
Pumili ng sagot sa kahon.
Ang akdang “Tilamsik ng Sining…1__________” na isinulat ni Magdalena O.
Jocson ay tungkol sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng 2__________. Ang
pagkamit ng kalayaan ay hindi nangangahulugang gumamit ng 3__________ o
dumanak ng dugo. Ito ay maaaring maisagawa sa 4_________ at mapayapang paraan.
Sa bawat tilamsik ng sining, sandata itong nagbabantay upang ang kapayapaan sa
kasalukuyan at sa darating pang mga taon ay hindi na 5__________ at
mapagsamantalahan.

dahas diwa kapayapaan maagaw sining tahimik

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT
.

PANUTO: Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na pahayag.


______1. Ayon kay ______, “Ang Sining ay isang panggagagad” na ang ibig sabihin ay
tuklasin ang bumabalot na ganda sa isang likha ng tao.
A. Lord Lim B. Lord Macaula C. Lord Michael D. Lord Walley
______2. Ang mga propagandista ay ang sumusunod maliban sa isa.
A. Graciano Lopez Jaena C. Lope K. Santos
B. Jose Rizal D. Marcelo H. Del Pilar

______3. Ang taon kung kailan nakipaglaban ang mga Pilipino sa isang diktador.
A. 1986 B. 2008 C. 1976 D. 1896
______4. Ang sumulat ng “Tilamsik ng Sining … Kapayapaan”.
A. Magdalena Cruz C. Magdalena Jocson
B. Magdalena Equila D. Magdalena Jose
______5. Ang ibig sabihin ng Vox populi, Vox Dei.
A. Ang tinig ng Diyos ay ang tinig ng bayan.
B. Ang lakas ng mga kabataan ay lakas ng bansa.
C. Ang sigaw ng bayan ay sigaw ng lahat ng bansang nakapaligid.
D. Ang kapayaan ang hiling ng mga mamamayan sa bansa at ng buong
mundo.

PANUTO: Piliin at isulat sa patlang ang mga salitang may kaugnayan sa


uri ng sining.
(6-10) Piliin ang titik lamang
A. guhit sa kanbas E. Paghusga sa kapwa
B. likas na kabutihan F. paggamit ng matatalas na pananalita
C. lilok mula sa kahoy G. tilamsik ng panulat
D. maindayog na pagsayaw H. tinig ng kabataan

6 -10 ___________________________________

12
13
50-51
Romulo N. Peralta,2016. Panitikang Asyano – Ikasiyam na Baitang. Modyul ng Mag-aaral sa Filipino.
https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_tg_draft_4.1.2014.pdf
Sanggunian
Paunang Pagsubok Balik-aral
1. S 1. T
2. S 2. T
3. S 3. M
4. HS 4. M
5. S 5. T
Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. kapayapaan 1. C 1. D
2. sining 2. C 2. C
3. ganda 3. A 3. B
4. paksa 4. C 4. B
5. kaisipan 5. B 5. A
Pagpapahalaga
Panapos na Pagsusulit
1. kapayapaan 1. B
2. sining 2. C
3. dahas 3. A
4. tahimik 4. C
5. maagaw 5. A
Paglalapat (6-10) A, C, D, F at G
(Inaasahang sagot)
1. maaaring maging instrumento ng kapayapaan
2. maaring makamtan sa pamamagitan ng iba’t ibang sining
3. mapamaraan at pinahahalagahan ang kapayapaan
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like

  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Q2M9 Akad
    Q2M9 Akad
    Document17 pages
    Q2M9 Akad
    Mary Grace Katipunan Malagonio
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Kasaysayan NG Pilipinas
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Document17 pages
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Jessie Yutuc
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • FIL12 Q3 M1-Sining-at-Disenyo
    FIL12 Q3 M1-Sining-at-Disenyo
    Document14 pages
    FIL12 Q3 M1-Sining-at-Disenyo
    DEPED FILES
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Ap7 Q3 M11
    Ap7 Q3 M11
    Document10 pages
    Ap7 Q3 M11
    Cherry Ann D. Campanero
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    Document12 pages
    FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Document13 pages
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    Document14 pages
    FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Lenlen Feliciano
    No ratings yet
  • FIL11 Q2 W6 M17 Komunikasyon
    FIL11 Q2 W6 M17 Komunikasyon
    Document15 pages
    FIL11 Q2 W6 M17 Komunikasyon
    christaelisesevilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    APPLE GRACE LEONES
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Document18 pages
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • FIL8
    FIL8
    Document13 pages
    FIL8
    Rhian Kaye
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Ap7 Q2 M1-1
    Ap7 Q2 M1-1
    Document16 pages
    Ap7 Q2 M1-1
    Catbagan TiffanyKate
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Joel Calubia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Daisy Mae Maghari
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Marychel Sambrano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Kate Batac
    No ratings yet