You are on page 1of 10

Araling Panlipunan – Ikapito na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 11: Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng


mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng Kababaihan tungo sa Pagkakapantay-
pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at Karapatang Pampolitika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Evangeline G. de Lara
Editor: Ruby L. Miravalles
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 11
ANG MGA KAKABAIHAN SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA TUNGO SA
PAGKAKAPANTAY-PANTAY, PAGKAKATAONG
PANG-EKONOMIYA AT KARAPATANG
PAMPULITIKA
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ARALING PANLIPUNAN 7 AT
IKAPITONG BAITANG ng Modyul 11 para sa araling ANG MGA KABABAIHAN SA
TIMOG AT KANLURANG ASYA TUNGO SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY,
PAGKAKATAONG PANG-EKONOMIYA AT KARAPATANG PAMPULITIKA!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa ARALING PANLIPUNAN 7 AT IKAPITONG


BAITANG Modyul 11 ukol sa ANG MGA KABABAIHAN SA TIMOG AT KANLURANG
ASYA TUNGO SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY, PAGKAKATAONG PANG-EONOMIYA
AT KARAPATANG PAMPULITIKA!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
MELC: Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan
tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampulitika.

Tiyak na Layunin:
1. Naibibigay ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampulitika.
2. Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampulitika.
3. Naitatala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa bahaging ginampanan
ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-
ekonomiya at karapatang pampulitika.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Isulat ang Tama sa patlang bago ang bilang kung wasto ang
impormasyong ipinapahayag at Mali kung hindi wasto ang isinasaad.

__________1. Noon, ang mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya ay mababa


ang tingin o katayuan sa lipunan.
__________2. Humawak ng matataas na posisyon sa lipunan ang mga kababihan
matapos na makamit nila ang karapatan sa pagboto.
__________3. Ang CEDAW ay nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan.
__________4. Sa kasalukuyang panahon, ang mga kababaihan sa Timog at
Kanlurang Asya ay nanatili pa ring mababa ang tingin sa lipunan.
__________4. Hindi pa rin nakapag-aaral ang mga kababaihan sa Timog at
Kanlurang Asya.

BALIK-ARAL
PANUTO: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isusulat sa
unahan ng bilang.

HANAY A HANAY B
_____1. Ama ng Pakistan A. Ahimsa
_____2. Ama ng Turko B. Mahatma
_____3. Dakilang Kaluluwa C. Mohammed Ali Jinnah
_____4. Lakas ng Kaluluwa D. Muztafa Kemal Ataturk
ARALIN

ANG MGA KAKABAIHAN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA TUNGO SA


PAGKAKAPANTAY-PANTAY, PAGKAKATAONG PANG-EKONOMIYA AT
KARAPATANG PAMPULITIKA

Bunsod ng mga pangyayaring naranasan ng mga kababaihan sa Timog at


Kanlurang Asya tulad ng iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa
lipunan at kanilang pamilya, sila ay nag-organisa ng iba’t ibang samahan upang
maisulong nila ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses sa lipunan.
Sa Talahanayan 1, makikita ang ilan sa mga naging resulta ng
pagsusulong, pangangampanya at pakikipaglaban ng mga kababaihan upang
makamit ang pagkakapantay-pantay mula sa panig ng kababaihan at kalalakihan,
mabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya at
gayundin mabigyan ng karapatan sa usaping pampulitika.

TALAHANAYAN 1:Mga Nakamit ng mga Kababaihan sa Timog Asya at


Kanlurang Asya
• Binigyan ng pagkakataon na makaboto, iboto at magkaroon ng matataas na
posisyon sa lipunan.
• Ginawang legal ang deborsyo.
• Nabigyan ng benepisyo ang mga mga kababaihan sa pagbubuntis at pantay
na sahod.
• Nabigyang pansin ang kampanya laban sa maagang pag-aasawa, poligamiya
at karapatan sa pagpili ng mapapangasawa.
• Nabuo ang CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women). Samahan na pumoprotekta sa panig ng
mga kababaihan.
• Nagkaroon din ng mga batas na tumutugon sa problemang may kinalaman
sa karahasan o “sexual harassment”.
• Nagkaroon ng hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae.
• Nagkaroon ng karapatang makapagtrabaho ang mga kababaihan.
Binigyang-pansin ang hindi makatwirang bilang ng oras sa pagtatrabaho.
Pinayagan din na hindi pagtrabahuhin ang mga kababaihan sa mga
trabahong gumagamit ng delikadong makinarya.
• Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kakabihan na makapag-aral.

MGA PAGSASANAY
GAWAIN 1
PANUTO: Kulayan ng “berde” ang HINDI naisulong ng mga kababaihan sa Timog
at Kanlurang Asya upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakataong-
pang-ekonomiya at karapatang pampulitika.
KARAPATAN SA PAGPILI NG ISYU NA MAY KINALAMAN SA SEXUAL
MAPAPANGASAWA HARASSMENT

LIBRENG PAGKAIN SA ARAW-ARAW HIWALAY NA PALIKURAN PARA SA


LALAKI AT BABAE

GINAWANG LEGAL ANG DIBORSYO MAKAPAGLAKBAY SA IBANG BANSA

MAKAPAGMANEHO NG SASAKYAN KARAPATANG MAKAPAG-ARAL

KARAPATANG MAKAPAGTRABAHO HIWALAY NA LUGAR-PASYALAN

KARAPATAN SA PAGBOTO PANTAY NA BENEPISYO SA PASAHOD

PAGLALAHAT
PANUTO: Punan ang patlang upag makabuo ng tamang kaisipan tungkol sa paksa.
Sa kasaysayan ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya (1) ________
ang tingin o katayuan nila sa lipunang kanilang ginagalawan. Ngunit sa pagdating
ng panahon na kung saan ang mga kababaihan ay nagkaroon na ng karapatan sa
(2) __________ ay nagsimula ng umangat ang tingin sa kanila sa lipunan. Unti-unti,
marami na silang natutunan mula sa kanilang pag-aaral. Dahil dito nabigyan na
rin ng pagkakataon ang mga kababaihan na (3) ___________ at makatulong upang
maging kabahagi sa pagpapaunlad ng antas ng ekonomiya ng kanilang bansa.
Nakamit din nila ang karapatan sa (4) __________ at magkaraoon ng matataas na
(5) __________ sa lipunan sa larangan ng pamumuno.

PAGPAPAHALAGA
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapangampanya o
makapagsulong ng karapatan na dapat matamasa ng mga kakabaihan, ano ito?
Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang lahat ay mga layunin kaya kumilos ang mga kababaihan para sa
kanilang panig maliban sa isa.
A. Karapatang Pampulitika C. Pagkakataong Pang-Ekonomiya
B. Pagkakapantay-Pantay D. Pagtutulungan
_____2. Ang lahat ay kabilang sa mga ipinangampanya at ipinaglaban ng mga
kababaihan maliban sa isa.
A. Mabigyan ng pagkakataon na humawak ng posisyon sa lipunan ang mga
kababaihan.
B. Makapag-aral ang mga kababaihan.
C. Makapagmaneho ng sasakyan ang mga kababaihan.
A. Makapagtrabaho ang mga kababaihan.
_____3. Ang lahat ay may kinalaman sa pagkakaroon ng karapatan sa pagboto
maliban sa isa.
A. Maiboto ng mga taong kaniyang nasasakupan.
A. Makaboto at makapili ng mga taong mammuno.
C. Makagamit ng pera ng taong-bayan para sa kaniyang pangangampanya.
D. Makahawak ng posisyon sa lipunan.
_____4. Ito ay ang pangunahing layunin kaya naitatag ang CEDAW bilang isang
samahan.
A. Mabigyan ng papel ang mga kababaihan sa lipunan upang maging sikat.
B. Maging mababa ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan.
C. Maging makapangyarihan ang mga kababaihan sa lipunan.
D. Maipagtanggol sa anumang uri ng diskriminasyon at pag-aabuso ang mga
kababaihan.
_____5. Sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan na makapagtrabaho,
anong aspeto ang natulungan nilang maitaas?
A. Ekonomiya C. Pulitika
B. Espirituwal D. Sosyal
www.slideshare.net
www.google.com.ph
Mga Datos/Impormasyon
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Mali
BALIK-ARAL
1. C
2. D
3. B
4. A
PAGSASANAY-Gawain 1
1. Libreng pagkain sa araw-araw
2. Makapagmaneho ng sasakyan
3. Makapaglakbay sa ibang bansa
4. Hiwalay na lugar-pasyalan
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. D
2. A
3. C
4. D
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like