You are on page 1of 17

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Unang Markahan – Modyul 15: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rowena C. Petallar
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Doreen G. Ty
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ang mga Mahahalagang Personalidad
na may malaking papel na ginampanan
sa Pagkakatag ng Kasarinlan ng mga
Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Modyul
para sa araling Mga mahahalagang ersonalidad na may malaking papel na
ginampanan sa pagkakatag ng kasarinlan ng mga Pilipino !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa Mga


mahahalagang personalidad na may malaking papel na ginampanan sa pagkakatag
ng kasarinlan ng mga Pilipino !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Natutukoy ang mga mahahalagang personalidad na may malaking
papel na ginampanan sa pagkakatag ng kasarinlan ng mga Pilipino

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kilalanin ang pangalan ng mga bayaning nasa larawan.

1. 2. 3.

4 5.
BALIK-ARAL
Panuto: Punan ang bawat patlang. Hanapin ang tamang sagot sa kahaon.

Cavite Sigaw sa pugad Lawin


Kongreso ng Malolos look
Kasunduan sa Biak-na-Bato Kumbensiyon sa Tejeros

1. Ang labanang amerikano at Espanyol ay unang naganap sa _______ ng


Maynila.
2. Ang _____ ay tumutukoy sa pagpunit ng sedula bilang pagsuway sa batas
at kautusan ng Espanya.
3. Ang ____ ay kasunduan sa pagitan ng Pilipino at Espanyol upang matigil
ang himagsikan.
4. Ito _____ay nabuo upang maipakita sa mga dayuhan koresondyente na
ang mga Pilipino ay sibilisado.
5. Idineklara ang kasarinlan ngnoong 12Hunyo 1898 sa may _______.

ARALIN

Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y
lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na
ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang
anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t damdamin na ang
pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa –
isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng mga
nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang
pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning
susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang
ginagalawan. Naging inspirasyon ang mga ninuno’t bayani natin upang tayo’y
mangarap at gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang
kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa.
Narito ang mga bayaning gumamit ng lakas upang makamit ang ating
Kalayaan:

Si Lapu-lapu ay na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na


lumaban sa mga taga-Europa. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng
manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang
pinakaunang bayaning Pilipino.

Sultan Kudarat -Noong 1619, ganap siyang nanungkulan bilang sultan. Ang
tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay Cachil Corralat, at nakilala nila bilang
isang mandirigmang magiting, matalino at matapang at kinilala siya bilang
tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao.
Sa ilalim ni Kudarat, patuloy at malayang nakipagkalakalan ang mga Tsino
at iba pang bansa sa kanila at patuloy na nakapangolekta ang mga magigiting
na mandirigma niyang Lutao ng mga buwis. Ang kanyang hukbong may
dalawang libong kawal ay naging matagumpay sa pakikidigma sa mga
Espanyol.

Diego Silang -Siya ay isang Pilipinong rebulosyunaryong pinuno na


nakipagsabuwatan sa mga puwersang Britanyo upang patalsikin ang
pamamahalang Kastila sa hilagaing Pilipinas. Sa ilalim ng kanyang
pamumuno, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino.

Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga


karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman
sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga
makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan. Dahil sa kanyang
husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos.
Andres Bonifacio - Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang
nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong
makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula
ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa
kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na
kinikilala.

Emilio AguinaldoIsa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng


Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban
sa Espanya noong 1896.

Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898,


ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo
ng Pilipinas noong Hunyo 1899.

Gregorio Del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang


Pilipino-Amerikano.
Naging pinuno ng mga katipunero napalaban siya at bunga ng maigting na
pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang
heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Siya ang tinaguriang bayani ng
Pasong Tirad.

Apolinario Mabini Melchora Aquino o Tandang Sora

Ang bayaning tulad ni Apolinario Mabini ay nagpakita na hindi


hadlang ang kapansanan upang makapag-ambag sa mga adhikaing
isinusulong para sa kabutihan ng bayan. Si Tandang Sora nama’y hindi
ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino.
Mga propagandista’y gumamit ng pluma at papel sa pakikipaglaban, Ay
sina Jose Rizal, M.H. del Pilar, Lopez-Jaena .

Jose Rizal ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na


tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
mga Kastila.
Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas. Maliban sa medisina ay mahusay siya
sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at
nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli
Me Tángere, at El filibusterismo

Marcelo H. Del Pilar kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay


isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa
dyaryo ay Plaridel

Graciano Lopez Jaena na nakilala sa kanyang pahayagang,


"La Solidaridad"at sa kaniyang akdang Fray Butod. ‘
Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at katumbas din ito ng balbal
na “tabatsoy”.

Si Juan Luna ang nagpinta ng pamosong larawan na “Spoliarium”.


nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng
pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada.
MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Pagtapatin ang mga larawan sa hanay A at ang mga pahayag


sa hanay B.Isulat ang titik ng tamang sagot.
A B

A. hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa


kapwa Pilipino.

B. Ipinahayag niya ang Kalayaan ng Pilipinas at


umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong
1.
Hunyo 1899.

C. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang


pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang
2.
nobela na Noli Me Tangere at ang El filibusterismo.

D. Nagpakita na hindi hadlang ang kapansanan


upang
makapag-ambag sa mga adhikaing isinusulong
3. para sa kabutihan ng bayan.

E. Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng


kilusang Katipunan.

4.
F. Siya ay nakilala sa buong mundo sa
pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng
pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa
pamamagitan ng pluma at espada.

5.
B. Panuto: Tukuyin kung sino ang isinasaad sa pahayag.Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.

Graciano Lopez Jaena Sultan Kudarat

Diego Silang Juan Luna

Lapu-lapu Jose Rizal

1. Ang nagpinta ng pamosong larawan na “Spoliarium”.

2. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando


Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino.
3. Nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting, matalino at matapang
at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao.
4. Siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos.

5. Nakilala sa kanyang pahayagang, "La Solidaridad"at sa kaniyang


akdang Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para

PAGLALAHAT

Panuto: Pumili ng bayaning Naibigan at sumulat ng isang talata tungkol sa


kanyang nagawa sa bayan.Isulat sa kwaderno.

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Mahalaga ba ang mga ginawa ng mga bayani noon para kasaluyan
kalagayan ng bansa? Ipaliwanag ang sagot. Isulat sa kwaderno.

____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ng tamang sagot ang bawat patlang.

Naging inspirasyon ang mga ninuno’t bayani natin sila ay


gumamit ng iba’t ibang paraan sa pakikipaglaban. Si____________________ay
itinuturing na pinakaunang bayaning Pilipino samantalang si
___________________ay magiting at tunay na pinuno ng mga Muslim sa
Maguindanao. Hindi naging Hadlang ang kapansanan ni
_______________________ at ang katandaan ni ______________________ sa
pagtulong sa kapwa Pilipino. Kinikilala nman si
______________________bilang magaling at Pambansang Bayani ng Pilipinas.
https://www.slideshares.net/aya0211/kababaihan_ng_kkk_sigaw_sa_pugadlawin
https://mb.com.ph/2018/06/09/the_politics_of _our forefathers/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasunduan_sa _Biak_na_Bato
https://tl.wikipedia.org/wiki/kongeso_ng_Malolos
https://tl.wikipedia.org/wiki/kategorya.Digmaan
Sanggunian
BALIK- ARAL PAUNANG PAGSUBOK
1. Kumbensiyon sa Tejeros 1. Jose Rizal
2. Sigaw sa Pugad Lawin 2. Apolinario Mabini
3. Kasunduan sa Biak-na-Bato 3. Emilio Aguinaldo
4. Kongreso ng Malolos 4. Lapu-Lapu
5. Cavite 5. Andres Bonifacio
MGA PAGSASANAY PANAPOS NA PAGSUSULIT
A B
1. C 1. Juan Luna 1. Lapu-lapu
2. E 2. Lapu-lapu 2. Sultan Kudarat
3. B 3. Sultan Kudarat 3. Apolinario Mabini
4. B 4. Diego Silang 4. Melchora Aguino
5. A 5. Graciano Lopez Jaena 5. Jose Rizal
6. D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like